Monday, October 31, 2011

Manila: Samu't-saring Beef Pares

Mahilig kaming mag food trip ni Blanca. Kesa manuod ng sine, mas pipiliin naming dumayo sa iba't-ibang lugar, makahanap lang ng masarap at mura na pagkain. Pero dahil sa schedule ng pasok namin (4pm to 1am), pagkatapos ng trabaho, wala na gaanong bukas na mga restaurants. Mga usual na natitirang open ay mga tapsilogan at pares-an. Doon namin nakuha ang inspirasyon namin sa Chibugan Republik.

Noong mga panahong pinaplano pa lang namin ang pagtatayo ng resto, gumawa na kami ng mini-journey na tikman ang mga Pares na sinasabi ng mga tao na masarap, at layunin naming pagsama-samahin ang mga nagustuhan naming katangian ng mga nasabing Beef Pares, at yun ang ise-serve namin sa aming restaurant :)
Heto ang mga pinuntahan namin:

1. Sinangag Express (or SEx, kung tawagin) 75php

The Good: Maraming kanin
The Bad: hmmm, ok naman yung lasa, matamis pero walang "Chinese" taste, napasobrang konti nung karne at sauce ng Pares, at hindi nakakahingi ng extra pares sauce dahil nakatakal daw yun.

2. Goodies Pares
The Good: Malambot yung karne, medyo may taba-taba (either good or bad, depende sa tao)
The Bad: Wala din gaanong "Chinese" na lasa, medyo nakakabitin yung kanin at walang toasted garlic.

3. D' Original Pares Mami House sa Maceda 74php w/rice, 67 w/o rice

The Good: may toasted garlic ang kanin.
The Bad: honestly, medyo disappointed ako nung natikman ko to kasi sinasabing isa to sa the best, ewan ha kung off night lang nung cook pero wala talagang lasa eh. Medyo matabang yung pagkatamis, at medyo iba talaga yung lasa, hindi ko ineexpect. Siguro baka pag bumalik kami diyan, matikman namin sana yung lasa na sinasabi nilang okay at nakapagpatanyag sa resto na ito.

4. Original Pares House Retiro 75php

The Good: Ito na marahil ang dabest sa mga napuntahan namin. Malapot ang sauce, malambot ang karne, masarap ang kanin at may toasted garlic, may "lasang Chinese" na hinahanap ko :)
The Bad: wala akong masabing masama maliban sa mabibitin ka dahil masarap haha

So there, sinubukan naming pagsama-samahin ang mga nagustuhan namin sa bawa't isa, at yun ang gusto naming ma-experience ng mga tao sa resto namin lalo na't hindi gaano kilala ng mga taga-Quezon ang Beef Pares :)

Sa ngayon, naghahanap pa kami ng inspiration na pwedeng idagdag sa menu namin, which means, more food trips (yey food!) at marami pa akong ibabahagi sa inyo pag may nagustuhan kami :) 

Sa uulitin,
Chewy

Sunday, October 30, 2011

Lucena: Road 62 Bar and Restaurant

Mahilig magsaya ang mga taga-Lucena. Sa katunayan, ang tawag sa aming town fiesta ay "Pasayahan sa Lucena" (every last week of May) :D Kaya't hindi na ako magtataka kung bakit maraming nagtatayo ng bar and restaurants dito at makikita mong kahit madami na sila, puno pa din ng tao ang bawa't isa.

Ang pinakabago sa mga "gimikan" ngayon dito samin ay ang Road 62 na matatagpuan sa #62 Gomez street

Ang kagandahan sa kanya, hiwalay ang smoking at non-smoking area kaya kung kagaya kita na medyo hindi gustong mag amoy yosi pag-uwi, pwedeng-pwede ka dito :)

Isa pa sa nagustuhan ko sa lugar nila ay mayroon silang malinis na banyo
Kumpleto ang "Tools for Success": may tisyu, tabo, timba, at sabon :D So kung sa kalagitnaan ng kasiyahan eh mapa-Jebbewockeez ka, hindi mo na kailangan umuwi ng maaga, dito ka na lang hehe
(Bonus Tip: Kung ayaw ninyong mahalata ng naghihintay sa inyo sa labas ng banyo na may ginagawa kayong kababalaghan, gawin niyo ang ginagawa ko. Habang nasa loob kayo at jumejebs, gumawa kayo ng ingay na parang sumusuka, that way, aakalain nilang nasuka ka lang kaya matagal *wink*)

Bago pa kung san mapunta ang usapan, balik tayo sa Road 62 experience :)
Siyempre, kulang ang lugar kung wala ka namang kasamang mga kaibigan diba? Heto ang mga kaibigan kong nagpasaya ng gabi:
Crappy phone cam but hey, the best camera is the one that's with you, diba? ;) Heto mga pinulutan namin

Road 62 Fries 80php

Sizzling Corn w/ Cheese 90php

Embotido 180php
Sana'y akong kumain ng embutido na malamig pero yung mga kasama ko, mas okay daw sana kung mainit. Sa akin kahit anuman, masarap yung lasa at according to the staff, isa daw ito sa mga specialty ni "Inay" 

Manhattan Wings 160php
Siguro pag oorderin ko to next time, papaanghangan ko pa at papatanggal ko celery kasi hindi ako fan hehe pero masarap naman siya at okay din yung potato wedges na kasama, lasang fries ng KFC :)

Rodeo Drive Beef Ribs 190php
Heto panalo! Highly recommended! Crispy Tadyang na may masarap na sauce, mapapaibig kang umorder ng kanin kahit nagiinom haha!

Beef Dynamite 90php
Hindi ako makapili kung ito ba o yung Rodeo ang pinaka-masarap na naorder namin. Pareho ko talaga silang gusto. Sabi ng mga kasama ko, pareho ngang masarap pero mas swabe pampulutan itong Beef Dynamite. Sabagay, kung titingnan nga naman
Siling haba na may ground beef and cheese sa loob na may malutong na coating, swabeng swabe nga naman :D

I-pares sa malamig na SML, 250 per bucket of 6, solb ;)

Maayos na lugar + masarap na pagkain + masayang mga kasama = perfect Saturday night
Babalikan ko to at susubukan pa ang Chicken in the Nest, at Caldereta nila, nakakainggit yung sa kabilang table namin eh hehe

Road 62 Bar and Restaurant
#62 Gomez St., Lucena City
042-6603997

Sa uulitin,
Chewy

Saturday, October 29, 2011

Lucena's Pride: Antigua Restaurant

Dito sa amin sa Lucena, maraming Tsinoy ang naninirahan. Mayroon kaming at least 3 Chinese schools at buhay na buhay ang Chinese community. Sa katunayan, sa tinagal-tagal nang naninirahan ang mga Tsinoy dito, naging part na ng identity ng Quezon ang Chami (Chinese stir-fried noodles). Kumbaga, ito ang default na merienda ng mga tao dito hehe!

Kung Chami din lang ang paguusapan, marami sa Lucena na iba't-ibang restaurant na nagse-serve ng Chami at lahat sila ay masasarap sa sarili nilang katangian. Una kong ibabahagi ang aking nakagisnang Chami na mula sa Antigua Restaurant.


Naalala ko nung bata pa ako, pag sinasama ako mag merienda ng tito ko, tig-isa kaming "Chami sa Tasa"
Katangian ng Chami ng Antigua ay medyo masarsa at swabe ang lahok, hindi tinipid at ang masarap pa ay may kaulam na "tasty" o loaf bread. Isa ito sa pinaka tanyag na Chami ng Lucena at mairerekomenda ko ito sa mga dayuhan/turista na mapapadpad dito sa amin sa Lucena :)

Hindi lang Chami ang ipinagmamalaki ng Antigua, heto ang mga must-try nila na mula bata pa ako ay nilalamon ko na:
*Torta Congrejo
tindi nito! Nakatikim ako sa Manila sa mga restaurant ng Crab Foo Yong, pero lagi kong nasasabi pagkakain na "Masarap, pero Antigua pa rin" :D

*Liok Pit He
Heto ang masarap pang-ulam, pero mas masarap papakin haha! May katambal na sweet and sour sauce pero honestly, kahit wala nun, panalo pa din. Isipin mo parang Camaron on steroids! Malalasahan mo ang sarap ng baboy at hipon sa loob ng malutong lutong na coating. Suhhrap!

*Fish Fillet in Soy Sauce
Ito ang masarap na kaulam ng plain rice! Ang sarap ipaligo ng sarsa nito sa kanin!

*Siopao Asado
Madalang ako kumain ng asado siopao, kadalasan ay bola-bola order ko dahil madalang ang masarap na asado siopao. Ang asado siopao ng Antigua ang isa sa mga pinagpala :) Masarap na ang laman, masarap pa ang tinapay! Puwede na pang-hapunan ang isa nito dahil hindi siya merienda size, malaki at nakakabusog talaga!

Marami pa silang mga batikang putahe gaya ng Antigua Chicken, Bola-bola Siopao, Chami Puti, Lomi, Hong Kwe (Stuffed Chicken), Cold Cuts Platter, Chicken Pie, atbp. Pag nakabalik uli ako, lilitratuhan ko para sa inyo :) 

Isa ito sa mga dahilan kung bakit dapat kahit minsan sa buhay mo, dumayo ka dito :) Tara na sa Quezon!

Antigua Restaurant
Along Quezon Avenue, Lucena City
042-710 3530


Friday, October 28, 2011

Red Velvet List :D

Nakaranas ka na ba ng paggising mo eh pagkain agad una mong naiisip? Well, ako madalas haha! Nagising ako kanina dahil sa ingay ng karpintero sa kabilang kwarto pero somehow, hindi ako nainis kasi unang pumasok sa isip ko ay yung Cukay's Red Velvet na kinain ko kahapon :D

You can bet your top dollar that after every meal, Blanca and I would choose the Red Velvet Cake over others whenever it's available. There's something about the cream cheese topping that melts all the stress away... Hanep! Muntanga lang pagkaka-explain ko haha! Anyway, mahilig talaga kami dun. So far, heto pa lang natitikman namin at heto sila from the least na gusto namin, pababa sa pinaka-gusto namin :D


11. Cheesecake Melliza
Bakit siya ang putot kamo? Hindi kasi namin nagustohan dahil hindi cream cheese, tapos ok lang yung cake, kaya yun. Sorry :s
Cheesecake Melliza
http://cheesecakemelliza.com/

10. Ciocolato Cupcakery Shop
Ito naman, ok lang siya, hindi naman sa hindi masarap, pero nothing special. May hint lang ng cream cheese yung topping at hindi talagang lasang-lasa.
Ciocolato Cupcakery Shop
Macapagal, malapit sa Jay-j's Inasal

9. Med Chef
Heto naman, hindi namin alam kung may cream cheese talaga sa topping kasi medyo nagboborder na yung lasa sa yema cake eh. Pumikit ka at kainin mo to, yema cake unang papasok sa utak mo kesa red velvet hehe. Pero okay na rin siya ha, kaya nga hindi putot eh :D

Med Chef
pinupuntahan namin pag weekends sa Midnight Mercato, BGC

8. Mary Grace
Technically, hindi siya Red Velvet kasi hindi pula. Pero Velvet cake nila to at ang sarap nung pagsasama nung chocolate cake nila at cream cheese kaya isinama ko na din dito :D
Mary Grace
http://www.marygracecafe.com/desserts.html

7. Sweet Life By Angge
Medyo nanghihinayang ako dito. Tingnan mo sa pic, parang swabe na eh diba? Mukhang binembang na ng cream cheese kasi cheesecake sa ilalim, cream cheese pa topping, swabe na sana! Kaso lang, medyo napaalat ata masyado. Hindi naman siya parang cheese whiz alat pero patungo dun ang direksyon kaya nakakaumay :s May potential siya ha, maitama lang ang timpla nung cream cheese, baka maging top to!
Sweet Life By Angge
09178238198

6. Blenz Coffee
Hmmm, medyo nag-aalangan akong i-recommend ito. Hindi naman sa hindi siya talagang masarap, Okay lang yung white chocolate topping, medyo average lang yung cake part, yung cheesecake layer sa ilalim ang nag-save sa dessert na ito. Actually sabi ni Blanca, medyo may konting pagka-lasang "panis" yung cheesecake part, pero ok lang naman para sakin. Fan ako ng ibang desserts sa Blenz pero not this one, sorry.
Blenz Coffee Solaris One Makati
(02) 5013202

5. House of Silvanas
Kung merong Red Velvet na "bang for your buck", ito yun. Kahit mura siya, hindi tipid sa lasa yung tinapay at masarap yung cream cheese topping :) para siyang "Sonja Budget Meal", sulit na sulit!
House of Silvanas
http://www.houseofsilvanas.com/find_us.html

4. Park Avenue Desserts
Of all the Red Velvet Cakes we've tried, this one's the lightest. Light in a sense that after eating it, you don't really feel full and you won't really get the feeling that you have to drink lots of water. Diba yung iba, dahil sa tamis parang nakakakonsenya? Ito hindi, dahil siguro sa light lang yung lasa at ang gaan nung cake :) kaso hindi ko lang alam kung light sa calories to ha, feeling ko hindi rin kaya dahan-dahan haha!
Park Avenue Desserts
Magallanes
Phone Number: 28526141
http://www.facebook.com/pages/Park-Avenue-Desserts/201284547144?sk=info

3. Cupcakes by Sonja
Ito ang dahilan kaya ako na-hook sa Red Velvet. Alam mo yung tipong, kung sinong naka una, mahirap kalimutan? Heto yun for me. Tanda ko nun, binigay lang sakin ni Jennie to nung unang bukas pa lang Sonja. Nasarapan talaga ako nun, kaya tumatak sa akin na ang Red Velvet, gaya ng cheesecake, ay pwedeng default order for dessert sa mga resto :) 
Cupcakes by Sonja
Serendra, BGC
http://cupcakesbysonja.com/ (cool website)

2. UCC Vienna Cafe / Karen's Kitchen
Karen's Kitchen din galing ang UCC cakes kaya magkasama sila :D For us, this one's better than Sonja's pero close sila, hindi sa lasa pero the way the topping complements the cake. Yung kay Sonja, talagang swabeng cream cheese lasa ng topping, hindi na ganun kalakas lasa nung cake para balanse. Dito kay Karen, hindi ganun kalakas yung lasa ng topping pero ang sarap naman nung cake :) Mas kaya kong kumain ng marami nito, plus, yung sa UCC, may parang strawberry syrup sa tabi na bagay sa cake kaya okay siya.
Karen's Kitchen
UCC Vienna Cafe Greenbelt 5
02 757 0740

1. Cukay's
Wow... Tingnan mo yung pic... Mukhang masarap diba? Pag natikman mo to, masarap talaga! Kung ikaw si Derek Ramsay, parang si Anne Curtis lang to, alam mong makasalanan pero talagang titikman at babalik-balikan mo eh... Masarap na topping? Check. Moist cake? Check. Panalo at bagay ang lasa ng topping at cake. Napakain talaga ako ng marami nung matikman ko to!

Cukay's
Eastwood
8445707 / 09178596244



So ayun, hetong mga ito pa lang natitikman ko at sabi ng mga kaibigan ko, marami pa daw masasarap. Kailangan ko din daw matikman yung sa Cookbook Kitchen. We'll see ;) lagi kong i-uupdate tong post na to tuwing makakain ako ng Red Velvet Cake. Kung may nakainan kayong masarap na wala dito, please hit the comments :)

Eat well,
Chewy

Thursday, October 27, 2011

Excited for the Loooong Weekend!

Today is the last workday  of the week for me. After months of constantly being under pressure, I'll take a break from my Ad-Trafficking job. 5 days of rest... Suhhraaap!!! Well hindi rin naman ako completely magpapahinga kasi may mga aasikasuhin ako sa resto, pero somehow, doing Chibugan Republik-related things don't give me any stress at all.

Since huling araw ng October na magkakasama kami ni Blanca, nag-decide siyang sumama sakin sa Greenbelt 1 Sarabia Optical para kunin yung pinagawa kong salamin at para makapag-dinner kami ng sabay after. I'm ditching the Boy Abunda and Ninoy Frames kasi lagi akong pinapagalitan ni Blanca at tinatawanan ng kuya ko pag suot ko yun. (Ang lawak ng area ng salamin nung Ninoy frames kaya gusto ko) Anyway, heto na ang bago kong salamin. Sabi ng sales guy, mas nakakabata at mas sporty daw!


Yun nga lang hindi pa rin nakakagwapo haha! Hopeless case na! 
Habang nung nasa loob ako ng Sarabia, si Blanca ay tumitingin ng mga goodies sa labas dahil may a la Baker's Fair (Rockwell) sa daanan. Sinabihan niya ako na nakita niyang may stall yung Cukay's. Nung narinig ko, hindi na ako nagdalawang-isip pa kasi gusto kong matikman dahil may coupon ako ng Red Velvet nila :)


Mukhang masarap siya ha! Hindi daw muna namin kakainin at after dinner na daw. So ayun, after Blanca purchased a book from NBS, nalimutan ko kung anung book ni Nicholas Sparks, we went straight to Bon Chon.


gutom-face ni Blanca

Sa wakas, dumating na ang orders
Chap Chae - for Blanca

Spicy Fish w/ Rice - also for Blanca

Kimchi Coleslaw - for Me ;)

Medyo naka healthy-living mode ako ngayon kaya pakonti-konti lang kain ko hehe :p
Regular na naming kinakain ang mga ito except for the Chap Chae. First time namin subukan at in fairness, for 75 pesos, masarap at sulit siya ha! Meron kaming mga nakaing masasarap na Chap Chae sa Malate pero mga 250php pataas ang presyo kaya pwede na talaga to. Good job, Bon Chon!

Habang kumakain kami, nakita ni Blanca si Patty Laurel. Masugid si Blanca na taga subaybay ng blog ni Patty kaya nakilala niya agad pagkakakita niya. Nakatalikod ako sa kanila ng bf niya so hindi ko gaano makita. Kinwento ko kay Blanca na nung college, top 3 na crush ko ay si Nicole Hernandez (kaya ako nag DLSU), Patty Laurel, at Kelly Misa. 
(image from her blog)
So ayun nagkwekwento ako kay Blanca, biglang sabi niya na may halong tinatagong excitement, "babe, uupo ata sa tabi natin!" Ako naman, hindi ako makalingon so hinihintay ko na lang kung mangyayari nga... Umupo nga sila sa tabi namin haha! yeah mehn! Tuwa na kami ni Blanca nun haha! mababaw lang kaligayahan namin :p Gusto sana namin magpa-picture with them kaso nakakahiya, maistorbo pa namin sila hehe. Very nice couple, nag-smile pa nga sila nung nakisuyo kaming i-move yung lamesa nila nung paalis na kami :D

Anyway, mabalik sa kinain namin. After namin kumain, tenenen! It's dessert time! Normally, I only eat fruits and vegetables on Thursdays, pero today is no ordinary Thursday and I'm going to the gym after my shift (2am) so siguro it won't hurt to have a taste of this oh so sinfully-sexy Red Velvet from Cukay's
So ang plano ko, titikman ko lang sana... pero gaya ng kadalasan sa buhay, hindi lagi nasusunod ang plano haha! Naging hati na kami ni Blanca sa cupcake! Ang sarap naman kasi! Yang moist ay! Sarap pa nung cream cheese topping! Ito na ang top 1 ko over Sonja's! Tamo lang:

MUKHANG MASARAP diba? MASARAP talaga!

So ayun, after dinner, nagpaalam na kami kina Patty...

Blanca: Sige Pattytoots, we'll go ahead na.
Patty: Bye Blancute! Next time uli labas tayo ha? :) Chup Chup!

 (siyempre joke lang) 

Napahaba ng 15 minutes ang lunch break namin haha! Pagdating ko sa office, maya-maya lang, dumating si Kirby na may dalang cake from Chew and Brew - Perea Makati. 
 Royal Something Something

Mamaya pa namin titikman, pero according to our dear friend, Jennie, masarap daw! Balitaan ko kayo :)
Hindi pa officially nagsisimula ang loooong weekend ko pero ang ganda na ng start :D

UPDATE: Ansarap nung cake na bigay ni Kirby!!! Reaction ng friend naming si Charm pagkakain.... "T*NGINA SARAP!!!" (sorry kids) hahaha! Para kang kumakain ng Ferrero! Walang biro! Thanks, Kirbs! Pupuntahan namin ito at susubukan namin ni Blanca :D

Kayo, how's your day? :)

"Hello World!"

Noon pa man, noong college pa lang ako, natutuwa na ako sa mga katagang "Hello World!" kapag napapalabas ito sa computer monitor. Maliban sa ibig sabihin nito ay gumana ng maayos ang aking test code, parang there's something positive and an energetic vibe sa mga salitang yun :)

Hi, I'm Brian. Welcome to my personal blog! First of all, I must admit that I'm not a good writer. Kung makikilala mo ako sa personal, mapapansin mong likas lang talaga akong madaldal at mahilig makipagkwentuhan :)

Ikwekwento ko dito sa blog ko ang tungkol sa kahit ano :D basta masaya at feeling ko ay makakatulong sa iba, ilalagay ko dito.

I'm truly blessed. God continues to shower me with His love and blessings and I hope I can be a blessing to others. That being said, I hope my positive experiences that will be written here would bring joy and inspiration to others, may the negative ones serve as lessons :)

Bakit ganito ang title ng blog kamo? Dahil naniniwala ako na pag ginawa natin ang mga yan, mas masusulit natin ang buhay sa mundo :D

Enjoy reading ;) at muli, Hello World!