Thursday, October 27, 2011

Excited for the Loooong Weekend!

Today is the last workday  of the week for me. After months of constantly being under pressure, I'll take a break from my Ad-Trafficking job. 5 days of rest... Suhhraaap!!! Well hindi rin naman ako completely magpapahinga kasi may mga aasikasuhin ako sa resto, pero somehow, doing Chibugan Republik-related things don't give me any stress at all.

Since huling araw ng October na magkakasama kami ni Blanca, nag-decide siyang sumama sakin sa Greenbelt 1 Sarabia Optical para kunin yung pinagawa kong salamin at para makapag-dinner kami ng sabay after. I'm ditching the Boy Abunda and Ninoy Frames kasi lagi akong pinapagalitan ni Blanca at tinatawanan ng kuya ko pag suot ko yun. (Ang lawak ng area ng salamin nung Ninoy frames kaya gusto ko) Anyway, heto na ang bago kong salamin. Sabi ng sales guy, mas nakakabata at mas sporty daw!


Yun nga lang hindi pa rin nakakagwapo haha! Hopeless case na! 
Habang nung nasa loob ako ng Sarabia, si Blanca ay tumitingin ng mga goodies sa labas dahil may a la Baker's Fair (Rockwell) sa daanan. Sinabihan niya ako na nakita niyang may stall yung Cukay's. Nung narinig ko, hindi na ako nagdalawang-isip pa kasi gusto kong matikman dahil may coupon ako ng Red Velvet nila :)


Mukhang masarap siya ha! Hindi daw muna namin kakainin at after dinner na daw. So ayun, after Blanca purchased a book from NBS, nalimutan ko kung anung book ni Nicholas Sparks, we went straight to Bon Chon.


gutom-face ni Blanca

Sa wakas, dumating na ang orders
Chap Chae - for Blanca

Spicy Fish w/ Rice - also for Blanca

Kimchi Coleslaw - for Me ;)

Medyo naka healthy-living mode ako ngayon kaya pakonti-konti lang kain ko hehe :p
Regular na naming kinakain ang mga ito except for the Chap Chae. First time namin subukan at in fairness, for 75 pesos, masarap at sulit siya ha! Meron kaming mga nakaing masasarap na Chap Chae sa Malate pero mga 250php pataas ang presyo kaya pwede na talaga to. Good job, Bon Chon!

Habang kumakain kami, nakita ni Blanca si Patty Laurel. Masugid si Blanca na taga subaybay ng blog ni Patty kaya nakilala niya agad pagkakakita niya. Nakatalikod ako sa kanila ng bf niya so hindi ko gaano makita. Kinwento ko kay Blanca na nung college, top 3 na crush ko ay si Nicole Hernandez (kaya ako nag DLSU), Patty Laurel, at Kelly Misa. 
(image from her blog)
So ayun nagkwekwento ako kay Blanca, biglang sabi niya na may halong tinatagong excitement, "babe, uupo ata sa tabi natin!" Ako naman, hindi ako makalingon so hinihintay ko na lang kung mangyayari nga... Umupo nga sila sa tabi namin haha! yeah mehn! Tuwa na kami ni Blanca nun haha! mababaw lang kaligayahan namin :p Gusto sana namin magpa-picture with them kaso nakakahiya, maistorbo pa namin sila hehe. Very nice couple, nag-smile pa nga sila nung nakisuyo kaming i-move yung lamesa nila nung paalis na kami :D

Anyway, mabalik sa kinain namin. After namin kumain, tenenen! It's dessert time! Normally, I only eat fruits and vegetables on Thursdays, pero today is no ordinary Thursday and I'm going to the gym after my shift (2am) so siguro it won't hurt to have a taste of this oh so sinfully-sexy Red Velvet from Cukay's
So ang plano ko, titikman ko lang sana... pero gaya ng kadalasan sa buhay, hindi lagi nasusunod ang plano haha! Naging hati na kami ni Blanca sa cupcake! Ang sarap naman kasi! Yang moist ay! Sarap pa nung cream cheese topping! Ito na ang top 1 ko over Sonja's! Tamo lang:

MUKHANG MASARAP diba? MASARAP talaga!

So ayun, after dinner, nagpaalam na kami kina Patty...

Blanca: Sige Pattytoots, we'll go ahead na.
Patty: Bye Blancute! Next time uli labas tayo ha? :) Chup Chup!

 (siyempre joke lang) 

Napahaba ng 15 minutes ang lunch break namin haha! Pagdating ko sa office, maya-maya lang, dumating si Kirby na may dalang cake from Chew and Brew - Perea Makati. 
 Royal Something Something

Mamaya pa namin titikman, pero according to our dear friend, Jennie, masarap daw! Balitaan ko kayo :)
Hindi pa officially nagsisimula ang loooong weekend ko pero ang ganda na ng start :D

UPDATE: Ansarap nung cake na bigay ni Kirby!!! Reaction ng friend naming si Charm pagkakain.... "T*NGINA SARAP!!!" (sorry kids) hahaha! Para kang kumakain ng Ferrero! Walang biro! Thanks, Kirbs! Pupuntahan namin ito at susubukan namin ni Blanca :D

Kayo, how's your day? :)

5 comments:

  1. Woot special mention pala ako! Hahaha! Ang sarap diba!! Naubos namin yan ng friend ko in less than 5 minutes, gamit namin chopsticks!

    ReplyDelete
  2. hahaha! partida! naka chopsticks pa! winner! pupuntahan ko talaga to pag nagka diet-break haha

    ReplyDelete
  3. Welcome Chewy! Enjoy sa long weekend! Ang sabi pa ni Charm - "Isang subo palang, naluluha nako sa sarap" Panalo si Charmpot hahaha

    ReplyDelete
  4. talagang napa log in ako para lang makapgcomment.. haha.. parang masarap yang royal something something na yan ah.. hihi...

    ReplyDelete
  5. bermi! gagawan ko ng entry to pag napuntahan ko na yung lugar mismo :D ngayon nasa Lucena ako, Lucena resto naman pupuntahan ko haha!

    ReplyDelete