Friday, December 30, 2011

Christmas with the Chuas (1/2) [w/ Salmon Puff Pastry Recipe]

A month ago, may dumating kami sa opisina na bisita from London. Namangha siya sa kadahilanang, November 3 pa lang, puro Christmas decorations na ang paligid - lalo siyang namangha na pati kalye sa Ayala puro ilaw (kahit sa loob-loob ko, "mas maganda pa nga yung dati eh" haha). Sabi niya, marami na siyang napuntahan, "they love Christmas in Italy, but not this much!", nabatid niya.

Iba nga naman ang Paskong Pinoy. "Ber" months pa lang, sinasabi na agad na "amoy Pasko na" (isa na ako dun), hindi pa tapos ang Undas ay may Christmas decors na, at kung ikaw ay nakatira sa kamaynilaan, trapik pa lang, alam na alam mo nang Christmas season na! Taon-taon, ganito ang eksena ng Pasko sa Pinas, makulay, trapik, masaya ang paligid, extra generous ang mga tao sa mga namamalimos, trapik, busy ang mga tao pag-shopping sa malls, at maraming nag-uuwian sa kanya-kanyang probinsya kaya ang byahe pauwi - trapik :)

Pero kahit na kadalasan ay nakakatamad bumyahe pauwi ng probinsya dahil sa trapik, mananaig pa rin yung pagnanais na makasama ang pamilya. Kasi nga naman, masarap ipagdiwang ang kaarawan ni Hesus na kasama ang pamilya sa pagsimba, at siyempre, sa Noche Buena! Speaking of Noche Buena.....

A little background: taon-taon, ang nanay ko lagi ang nagluluto ng pasta, at kadalasan, ordered food na ang mga kasama nito sa hapag kainan. This year, naisip namin na lahat ng nasa hapag kainan, pinaghirapan namin. NAMIN, ibig sabihin, lahat kami gagawa :D

Heto ang lineup:
Lasagna - Mama at Siobe
Creme Brulee - Siobe at Ahya
Salmon Pastry - Ako
Wine na binili - Papa haha


Hapon pa lang, ginawa na nina Siobe at Ahya yung Creme Brulee kasi kailangan pa itong i-ref bago ihain. Heto si Ahya habang nagto-Torch nung ibabaw.
 Mukha lang siyang papatay ng Creme Brulee pero trust me, alam niya ang ginagawa niya haha
o ha, ready for chillin'.......... lika a villain (haha sorry baduy pero hindi ko napigilan :p)

After simbang gabi, heto na ang talagang busy time kasi kanya-kanyang preparasyon na. Si siobe at si mama, nauna nang magprepare para sa lasagna




Sorry pictures lang, hindi daw pwede i-share ang recipe eh hahaha! (damot mode)

At siyempre, ako din busy-busyhan na. Pero ako, ishe-share ko sa inyo kung ano ang ginawa ko. 

Disclaimer: hindi ako Chef at wala akong formal training. Iniisip ko lang ang lasa na gusto kong ma-achieve tapos nageexperiment lang ako hanggang makuha ito kaya wala akong mga measurements :s kaya pasensya na kung wala kayo gaanong mapupulot dito haha

So heto ang mga kailangan para sa Salmon Pastry na ginawa ko:
yung Puff Pastry sheet, Cajun, at Gratin galing sa Santi's Delicatessen. The rest, sa palengke at supermarket meron na :)

Bukod sa mga ingredients, kinailangan ko ng supportive na family na nagtitiwalang alam ko ang ginagawa ko (kahit hindi)

kailangan din ng mapang-asar na kuya, para lang ba hindi boring ang proseso haha

Sa isang pastry sheet, kasya na ang 3 piraso. Simple lang ang proseso. 
i-preheat ang oven sa 200 Celsius.
Hatiin ang pastry sheet sa tatlo. 
Ipatong ang salmon sa isang side ng sheet (wag isagad para may room sa pag-seal)
rub the salmon slice with Cajun powder. (depende sa inyo pero ok lang marami para malasa)
Lagyan ng Gratin seasoning sa ibabaw (dinamihan ko din ng konti para swabe)
Pwede lagyan ng durog na paminta kung nanaisin
lagyan nung buttered garlic (hinay hinay lang sa pagpaligo, yung garlic ang mas kailangan, hindi yung tunaw na butter)
lagyan ng cheese (heto ang pampaswabe talaga eh, kahit walang mozarella, kung ako sa inyo, go wild sa dami haha)
at panghuli, lagyan ng spring onions sa ibabaw.
Ganito ang kalalabasan pagkatapos :D

Habang naggagawa ako, nangangamoy na.................. ang competitiveness in the air! Tatay at nanay ko nagpapagalingan kung sino ang mas maganda ang pag balot nung pastry!

Heto ang kay papa, kung titingnan, parang empanada ang style haha

Heto naman kay mama, maimpis at nilagyan pa niya ng guhit-guhit sa tabi yan!

So pinasok na namin siya sa oven, 20 minutes lang luto na siya, pwedeng more kung gusto mo mas sunog. Nung maluto, heto kinalabasan.
Kay mama:

kay papa:

Sorry pops, I love you, pero kay mama talaga maayos tingnan eh haha! Parang pinaglaruan lang ng bata yung sayo eh! 

So ngayong tapos na ang mga pagluluto, heto ang aming handa :)

Lasagna

Creme Brulee

The whole lineup

Another look :D yummay!

Merry Christmas from my family :D

Happy Birthday, Jesus! Cheers!

Pahabol: after kainan, naglaro kami ng Kinect para ma-burn ang kinain. Heto si Siobe, nagaattempt ata lumipad haha!

will post the Christmas Day (Dec 25) celebration later :)

Chewy :)

Thursday, December 15, 2011

Lucena: Ana Belai Restaurant

Ang capital ng Quezon bukod sa "Q" (para sa mga pilosopo) ay ang Lucena City. Sa buong lalawigan ng Quezon, masasabing ito ay isa sa mga mauunlad na siyudad. Madalang ang bukirin, maraming sasakyan, maraming tao at siyempre, buhay ang komersyo. Dahil sa bilis ng pagdami ng tao, dumarami din ang oportunidad upang makapag-negosyo. Kamakailan lang ay may naisulat ako tungkol sa isang bagong bukas na Resto Bar, ngayon naman, matatagpuan sa parehong kalye, may bagong bukas na restaurant na nakatawag ng aking pansin. Mukhang malinis kasi at maaliwalas ang loob. Kaya ayun, tinawag ko ang aking partner in crime na si Blanca at ang kaibigan naming si Janah para subukan ito
 Heto ang menu nila, tama lang ang dami at hindi nakaka overwhelm (click to enlarge)

 Natawag ang atensyion ko ng Bulalo Steak kaso out of stock daw nung panahon na yun, sayang!

 Habang naghihintay kami, binigyan kami ng free dessert :) Hindi daw nila offered ang mga ito, may party lang na nagaganap sa taas nung gabing yun kaya binigyan kami, salamat!
 So heto na ang mga inorder namin,
 Ana Belai's Buffalo Chicken Wings 
pwede mong ipa-adjust ang anghang from 1 to 10, so siyempre pinasagad ko kaagad sa 10. Tingnan niyo yung mga durog na chili sa ibabaw nung manok, naliligo na hehe :) Nagpahiwalay kami ng 2 piraso (out of 6) na level 5 lang ang anghang para kay Janah. Tinikman namin at sa aking palagay, pareho lang sila ng anghang, dinamihan lang yung amount ng chili na nilagay dun sa level 10 pero yung manok mismo nila at sauce, iisa ang lasa. Right off the bat comments mula sa mga kasamahan ko at sakin, medyo malangis siya. Not sure if this is from the chili or yung pinangluto na oil. Okay naman yung lasa pero hindi pasok sa manok yung taste at anghang so sa sauce ka talaga magrerely for flavor. May room for improvement pa itong dish na ito pero not bad especially for the price.

 Bailey's Baby Back Ribs
May rice dapat itong dish na ito pero dahil light lang ang gusto naming kainin dahil gabi na, pinadamihan na lang namin ang gulay at kudos to the kitchen and management, na nakakapag adjust sila sa mga ganitong request :) Masarap ang lasa ng ribs na ito. Panalo yung sauce niya at may lasa din yung laman. One thing off in this dish ay medyo matigas yung karne na medyo deal breaker sa karamihan ng tao, at isa na ako dun. The good news is, madali lang remedyohan to. Maayos lang nila yung lambot, okay na okay na tong dish na ito. 

Turon w/ 3 Scoops of Ice Cream
For dessert, ito ang inorder namin. Gusto ko sana i-try yung Cathedral Window kasi matagal na akong hindi nakakakain nun pero ito ang nanaig sa botohan haha so next time na lang. Pagdating nung dessert, mukha siyang banana-split sa pagkaka-present, nice, pero yun nga lang medyo may sablay ito at lahat kami nakapansin. Somehow, yung ice cream nung natunaw, hindi mo na maintindihan yung lasa. Ewan ba kung dahil sa ice cream na ginamit, sa combination ng flavors, or talagang hindi lang bagay sa 3 scoops of ice cream ang hot element kasi mabilis matunaw. Diba sa banana split na-eenjoy naman natin kahit iba-iba ang flavors? Nung natunaw (mabilis matunaw dahil sa init), naging dalawang turon na nakababad sa halo-halong lasa ng sabaw ang kinalabasan at medyo hindi okay ang lasa. Siguro kung iibahin yung flavors ng ice cream na tipong pagiisipan yung lasa kapag naghalo at natunaw, pwede na ito :)

Mukhang okay yung potential ng restaurant na ito at babalik pa ako para sa Bulalo steak kasi based sa mga inorder namin, okay ang serving nila for the price, I'll update this post kapag natikman ko na :)

Sa uulitin,
Chewy

Ana Belai Restaurant
Gomez cor. Allarey Sts.
Lucena City

Sunday, December 11, 2011

Travel: Cebu 2011

What a busy, but awesome, week it has been! Unang tatlong araw, bugbog sa work, then family vacation sa Cebu for the rest of the week! Armed with only a film SLR and an iPhone, here's my attempt to share the experience through pictures. Sayang medyo out of focus yung iba kasi nahirapan ako magfocus ng walang salamin. **Nakakahinayang yung isang roll ng film, totoo palang nakakasira ng film ang airport xray machines?! kala ko myth lang haha :) (to follow ang black and white pics :D )

click to enlarge