Friday, July 13, 2012

Manila: Late Night Chibog: Lucky Way


Kapag gusto naming maging adventurous ni Blanca, after work (1am), naglilibot lang kami ni Blanca sa Malate para maghanap ng mga restaurant na pwedeng kainan. Sa dami ng mga restaurants sa Malate, si Blanca muna ang nagscri-screen ng mga ito bago namin subukan at binabase niya ito sa itsura lang.

Karaniwang usapan namin sa loob ng sasakyan:
Brian: diyan na lang tayo, malay mo masarap
Blanca: Ayoko, mukhang hindi promising.

Tapos ang usapan.

Itong Lucky Way, matagal na naming nakikita ito at at least dalawang beses na nga tinanggihan ni Blanca ito dahil "mukhang hindi promising".

Hindi ko rin naman masisisi si Blanca eh. Paano ba naman, hindi namin malaman kung ano ba ang specialty nila, yung name na Lucky Way, parang Chinese restaurant, tapos yung specialties sa signage, Roasted Chicken, Pizza, Pasta, Kabab at Shawarma. Hindi malaman kung Italian ba o Middle Eastern.

Pero dahil at least dalawang taon na namin nakikita itong restaurant na ito, binitawan ko na ang malupet na argument ko kay Blanca na "subukan natin yan, hindi naman tatagal yan ng ganyan kung hindi maayos ang pagkain eh". Sa wakas! Pumayag na din si Blanca :)


Pagpasok sa loob, simple lang siya at malinis. Air-conditioned siya at hindi nakapit ang amoy sa damit :) Pagtingin namin sa menu, nagulat ako na marami silang ino-offer at may Filipino food pa (bukod sa turo-turo section)




Para hindi sumablay, tinanong namin sa staff kung ano ang specialty nila, sabi nila, roasted chicken, kabab, shawarma daw. Since madali kaming kausap, inorder namin yung tatlo haha!

Unang dumating yung roasted chicken. And I (we) shit you not, malasa at masarap yung manok, sibak yung sa mga Andok's, Chooks To Go, Baliwag, atbp.! Tapos bagay siya sa garlic sauce na gamit din sa mga shawarma at kabab. Panalo! Dahil dito, na-excite tuloy ako tikman yung kabab at shawarma :p




Kasunod na sinubukan namin ay ang Beef Kabab nila. For 75 pesos, wala pang pita bread tapos medyo maliit, parang hindi ako nasulitan. Masarap naman siya, pero parang mas sulit Mister Kabab. But still worth a try, though.

After nung Kabab, medyo hindi na ganun kataas expectations namin sa Shawarma kasi kahit masarap yung kabab, hindi kami napa-wow. So ayun, pagkagat ko nung Shawarma... BAM! Best. Shawarma. Evaaar! 

Nung una, si Blanca, akala nagjo-joke ako na OA daw ako, etc. Pagkagat niya, napatango na lang at napangiti :D Mas masarap nga ito kesa sa mga nabibili sa stalls gaya ng mga Food Channel, Bubba, at ang akala na naming the best na Shawarma Snack Center (dating favorite shawarma namin).

Lesson 1: Don't judge a book by its cover!
Lesson 2: Pag mas luma (o mukhang luma) ang restaurant at buhay pa din, malamang sa malamang may specialty ito. Subok lang ng subok.

Sa mga mahilig mag late night food trip, isa ito sa pwede ninyong puntahan. Yun nga lang, hindi na sila 24 hours, hanggang 2am na lang daw. Pero at least late pa din ;)

**nakailang balik na kami dito mula nung malaman namin :p

Sa uulitin,
Chewy

Lucky Way
1529 A. Mabini St. Ermita, Manila
Contact No. +632 408 24 38

Thursday, July 12, 2012

"Social Climber"

May kumakalat na picture ngayon sa facebook na pinagtatag pa ang mga tao at marami ang nag-share. Heto ang picture na hindi ko alam kung kanino nag originate pero matatagpuan dito.


Aaminin ko, natawa ako nung una kong mabasa ito dahil talagang may mga ganito ngang tao. Pero bigla kong naisip, yung ibang mga kakilala kong ganito, yung iba ay talagang mayaman, at yung iba ay (walang malisya) dati sigurong hindi nakakaranas ng mararangyang bagay at ngayon ay pinapalad na sa buhay.

Ngayon ang unfair dito, kahit parehas gawin ng mga dati pang mayaman at ng mga ngayon lang umangat sa buhay ang mga nabanggit sa litrato, yung nauna normal lang, yung ikalawa, Social Climber?

Wala akong nais iparating pero nakakalungkot lang. Tablado kasi yung mga ngayon lang pinapalad sa buhay. Kasi siguro kaya ganun gawain nila, dati-rati, minamata sila, tinitingnan "pababa". Ngayon at nakapagsikap sila, nakakabili na sila ng mga bagay na karaniwang binibili ng mga nakakaangat sa kanila, pinagtatawanan naman sila ngayon. Oo nga siguro at medyo OA na bawat bili ng gadget, kain sa mamahaling resto, punta sa sosyal na lugar ay ipo-post mo sa facebook pero hindi ba at yun naman ang point ng SOCIAL networking? Ang ipaalam sa mga kaibigan mo na hindi mo laging nakakausap na heto na ako ngayon, maayos naman ang buhay, hindi mo na ako kailangan kumustahin :). A way to stay connected, diba?

Oh well, sana yung mga nagshe-share ng pic na ito ay natatawa lang sa fact na may mga taong excessive mag-share (na pwede namang i-unfollow) at hindi sila naiinis dahil naabutan na sila ng dating "mababa" kesa sa kanila.

Ika nga ng mga maginoong DJs ng BNO, Don't hate, appreciate.

Peace,
Chewy