May kumakalat na picture ngayon sa facebook na pinagtatag pa ang mga tao at marami ang nag-share. Heto ang picture na hindi ko alam kung kanino nag originate pero matatagpuan dito.
Aaminin ko, natawa ako nung una kong mabasa ito dahil talagang may mga ganito ngang tao. Pero bigla kong naisip, yung ibang mga kakilala kong ganito, yung iba ay talagang mayaman, at yung iba ay (walang malisya) dati sigurong hindi nakakaranas ng mararangyang bagay at ngayon ay pinapalad na sa buhay.
Ngayon ang unfair dito, kahit parehas gawin ng mga dati pang mayaman at ng mga ngayon lang umangat sa buhay ang mga nabanggit sa litrato, yung nauna normal lang, yung ikalawa, Social Climber?
Wala akong nais iparating pero nakakalungkot lang. Tablado kasi yung mga ngayon lang pinapalad sa buhay. Kasi siguro kaya ganun gawain nila, dati-rati, minamata sila, tinitingnan "pababa". Ngayon at nakapagsikap sila, nakakabili na sila ng mga bagay na karaniwang binibili ng mga nakakaangat sa kanila, pinagtatawanan naman sila ngayon. Oo nga siguro at medyo OA na bawat bili ng gadget, kain sa mamahaling resto, punta sa sosyal na lugar ay ipo-post mo sa facebook pero hindi ba at yun naman ang point ng SOCIAL networking? Ang ipaalam sa mga kaibigan mo na hindi mo laging nakakausap na heto na ako ngayon, maayos naman ang buhay, hindi mo na ako kailangan kumustahin :). A way to stay connected, diba?
Oh well, sana yung mga nagshe-share ng pic na ito ay natatawa lang sa fact na may mga taong excessive mag-share (na pwede namang i-unfollow) at hindi sila naiinis dahil naabutan na sila ng dating "mababa" kesa sa kanila.
Ika nga ng mga maginoong DJs ng BNO, Don't hate, appreciate.
Peace,
Chewy
No comments:
Post a Comment