Every year, if our schedule permits, sinusubukan namin ni Blanca bumisita sa ibang bansa na hindi pa namin napupuntahan together. This year, Hong Kong naman ang sinubukan namin.
Para sa mga friends namin na gusto pumunta sa bansang ito, here are a couple of tips na helpful sana kung nalaman namin agad
- may 1,600 na travel tax na babayaran sa NAIA.
- magdala ng ballpen at pambayad sa terminal fee, around 200php ata yun
- maghanda ng at least 150 HKD kung magcocommute kayo around Hong Kong, para ito sa Octopus card na may 50 HKD deposit, at 100 HKD na stored value. Sa buong stay namin, nagdagdag pa kami ng 100 HKD for a total of 200 HKD na pang-commute. Dami nang mapupuntahan nun!
- kung gusto niyong makamura sa pag internet around HK, may 88 HKD na sim ang One2free na available sa airport. May free na one day na unlimited data, tapos pwede kang magsubscribe ng unlidata sa susunod na araw.
- may nakukuhang map at train guide sa airport, useful kumuha nito para madali ang pag travel niyo around HK :)
- Around 35 - 40 HKD per tao ang matitinong meal dito, kapag sa mga masasarap talagang restaurant, minsan umaabot sa 115 HKD per tao. Kayo na bahala mag-compute kung ilang beses kayo kakain :)
- Mas mainam na bumili na agad ng tickets sa travel agent o kay Ate Yolly (Taisan Guesthouse caretaker) dahil ang laki ng oras na mase-save niyo sa pila. Maniwala kayo sakin. Ang haba ng pila sa mga attractions sa pagbili pa lang ng ticket at may separate na express lane para sa may mga ticket na. Kung hindi ako nagkakamali, 430 HKD sa Disneyland, 125 HKD sa Ngong Ping, Victoria Peak ay 260 HKD. Discounted na ang mga yan kesa dun kayo bumili sa lugar mismo. Sulit na sulit!
- Mas mainam na bumili na agad ng tickets sa travel agent o kay Ate Yolly (Taisan Guesthouse caretaker) dahil ang laki ng oras na mase-save niyo sa pila. Maniwala kayo sakin. Ang haba ng pila sa mga attractions sa pagbili pa lang ng ticket at may separate na express lane para sa may mga ticket na. Kung hindi ako nagkakamali, 430 HKD sa Disneyland, 125 HKD sa Ngong Ping, Victoria Peak ay 260 HKD. Discounted na ang mga yan kesa dun kayo bumili sa lugar mismo. Sulit na sulit!
4 days/ 3 nights kami at heto ang itinerary namin:
Day 1: Ngong Ping 360 / Citygate Outlets Shopping
Dumating kami sa HK around 8 am. Ang problema, nahold sa HK Airport ang kaibigan naming si Harris for around 30 minutes dahil masyado daw siyang travel ng travel at kakagaling niya sa HK, weird no? Anyway, una naming ginawa ay bumili ng Octopus card bawat tao para magamit sa pag-commute at pagbili ng mga bagay.
Up next, iwanan ang mga gamit sa guesthouse at tumuloy na sa Ngong Ping.
Taisan Guesthouse (click link) ang pangalan ng aming tinirahan at ganda ng location ang habol namin dito, aside from the cheap price. Kalapit na kalapit siya ng Tsim Sha Tsui MTR station at nasa tapat lang nito ang babaan ng bus na A21 mula sa airport (13th stop) kaya napakadaling ma-access ng tirahan na ito :)
So ayun, naghintay kami sa airport bus terminal. Makikita niyo yung sign na may A21, dun kayo pipila :)
Comfortable naman yung bus at may free wifi. Medyo almost an hour din yung byahe depende sa traffic at stops kaya pwede kayong matulog kung pagod or mag-enjoy ng view sa byahe.
Sayang nawala yung picture ko nung guesthouse pero sa Burlington Place ang pasok niya pagkababa ng 13th stop. May restaurant na katabi na nakalagay ay Very Good Seafood restaurant :)
After namin maghabilin ng gamit, kumain muna kami sa Cafe De Coral na parang Jollibee nila dito sa dami. Nagpapalit sila ng menu pag 11am na from breakfast to lunch set. Siyempre inabangan namin yung pagpapalit para baka sakaling maka order ng stuff from both sets :)
Mga around 25-30 hkd per person magagastos niyo dito at okay na rin siya for the price. Isa na ito sa mura ninyong makakainan
Sinubukan ko yung spareribs kung kasing sarap ng mga nandito satin sa Pinas gaya ng Le Ching, okay naman siya. Marami ang servings nila, pero hindi sobrang sarap.
Heto yung kay Harris, parang curry. Sakto lang din. Hindi ako napa-wow sa sarap pero pwede na lalo na kung gutom ka.
Si Blanca, nakahabol pa sa breakfast menu at hetong Maple Chicken ang inorder niya. Honestly, hindi ako nasarapan haha! Pero okay naman yung milk tea, yun lang masasabi ko :D
After our brunch, papunta na kaming Ngong Ping at diretso sakay na kami sa Red Line ng MTR going to Tsuen Wan
Pagdating sa Lai King, lipat kami ng tren na orange line going to Tung Chung. Sobrang bilis gumalaw ng mga tao dito at disiplinado...
Lalo na pagdating sa pilahan :) Nakakainggit ang disiplina nila!
Pagbaba namin ng MTR, nilampasan muna namin yung outlet stores at diretso na sa pila ng Ngong Ping 360.
Mabuti na lang at may ticket na kami at nalampasan namin ang hundreds na mga ibang nakapila pa lang sa pagbili ng ticket. Feeling namin kung sino kaming mga anak ng Diyos dahil nilalampasan namin sila haha!
Pero............ pagdating namin doon, ang haba pa din ng pila.....
Sa sobrang tagal, nakatulog na si Blanca!
Yun pala, kaya humaba ang pila, nahirapan mag-operate cable car dahil makapal ang fog.... booooooo! Ayun, alisan mga tao haha!
Dahil medyo napurnada, nirefund yung ticket namin. Eh discounted namin nakuha yung ticket, pero nag full refund sa amin, so tubo pa kami, haha! Namili na lang kami sa outlet stores after.
Same trains at stations pero papuntang opposite direction lang, nakauwi na uli kami. Sina Harris, dahil walang tulog, nagpahinga na muna. Pero kami ni Blanca, napag-desisyunan namin na tiisin ang pagod at maglibot na lang around the area. Bahal na kung mawala :))
Medyo ago sa paningin ko ang mga nakikita ko kaya tira ako ng tira, here are a few images from my camera of the streets of Tsim Sha Tsui.
Murphy's! Kapareho ng logo nung nasa Makati, pero hindi ko sure kung ito nga rin :D
Nakakita ako ng public CR pero papasok pa lang ako, itinaboy na ako ng palot! Parang amoy tuyong ihi... na inihian pa uli... ng kabayo... Medyo matapang lang sa ibang public CR natin dito sa Maynila.
Kung saan-saan kaming eskinita pumasok...
Na napunta kami sa lugar na komunidad ng mga Palestinian ata yun
Ang ganda niya no? :)
Nakakita kami ng noodle house na maraming locals na kumakain, siyempre naintriga kami.
Yun nga lang, hindi kami magkaintindihan ng tindera at may-ari kaya umalis na rin kami :)) sayang!
After uli maglakad-lakad, nakita naman namin ito... OH MY!
Yuen Kee ang pangalan nung restaurant at siyempre, sinubukan namin dahil maraming kumakain :)
Nag-umpisa kami sa Milk Tea nila. Masarap siya at iba talaga pag Black and White milk ang gamit :)Sinubukan namin yung Asado Rice nila, swabe! Ang lambot at malasa :) kahit walang sauce, larga na!
Sinubukan din namin yung Fried Wanton nila at malutong yung wrapper, pero juicy at malasa yung karne sa loob. Nagdiriwang ang dila ko sa aming "merienda".
Napagastos ata kami ng 100++ HKD dito pero okay naman siya at masarap kaya pwede na rin.
Pagkatapos ng aming "merienda", tinagpo na namin sina Harris, Manel, at ang kaibigan/tour guide naming si Mokong. Naglakad kami papuntang Avenue of the Stars at nalulula kami sa laki ng stores ng mga sikat na brands dito sa lugar na ito!
Litrato kasama ang napakabait na si Mokong :D
Nakakatuwa dito kasi Paskong-Pasko na ang atmosphere at ang daming tao sa mall :)
Nag-abang na kami ng Symphony of Lights na ipinalabas around 8pm. Nakakatuwa lang yung mga building kasi nagpaparticipate sila at nakakadagdag tulong sa tourism ng HK as an attraction.
Pagkatapos namin manuod ng light show, naglibot pa kami at binaybay ang buong kahabaan ng parang baywalk nila dun. Ang daming tindero at sari-sari ang makikita, galing!
Sa may bandang dulo, makikita ang statue ni Bruce Lee. Maganda sanang kunan ng litrato pero swertehan lang makakuha ng walang epalogs.
Ibibili ko sana si Blanca dito pero sabi niya wag na lang daw at ipangkain na lang namin ang perang dala ko. Sagot ko, "OKAY, FINE, WHATEVER!"
Ganda lang ng name nung tindahan, TITICACA... Ayus!
Next stop, ang paborito naming gawin, ang kumain :) Inirekomenda ng mga pinsan ni Blanca ang Ippudo dahil sobrang sarap daw dito. Kelangan nga daw isulat muna yung pangalan bago humigop ng sabaw dahil baka malimutan mo ito sa sarap nung Ramen , haha!
Inorder namin yung regular at masarap nga naman! May hint ng lasang sabaw ng balut yung sabaw nila at okay naman yung noodles. Masarap nga siya at buti na lang hindi ko nalimutan pangalan ko ;)
Si Mokong at Harris, yung Spicy ang kinuha, ganun din naman lasa at pinaanghang lang :)
Yung Gyoza, medyo may malutong na part yung balat pero makatas yung karne sa loob. Pero sa totoo lang, may mga mas masarap pa akong natikman dito sa Pilipinas.
Hetong Roasted Pork Steame Bun, okay sana pero bitin lalo na't dalawa kami ni Blanca na titikim. Hindi siya pang-sharing :p Irerekomenda ko ba itong rstaurant na ito? Pwede naman. Dahil masarap nga ang ramen, at may iba pa silang sineserve na dishes. Pero kung naka-budget ang pangkain mo, maglibot ka na lang sa tabi-tabi at baka makachamba din ng masarap :)
After namin kumain, naglibot-libot uli kami at ang daming nakakatakam na pagkain!
Naghahanap kami ng dessert place at nakita namin itong Lucky Dessert pero may pila siya. Medyo wala kaming oras nung time na yun so naghanap pa kami.
Sa tapat ng Lucky Dessert, merong Dessert Playground at mabuti, hindi ganun kadami ang nakapila so nakaupo rin kami agad.
Sina Harris, umuha ng Mango na nakabalot sa parang sticky rice wrapper. Masarap siya at hindi nakakaumay :)
HETO! HETO! Heto ang kinaadikan namin ni Blanca! Sobrang fan ako ng Durian at heto ang Durian Pancake layers na may Durian cream sa pagitan. Sobrang Heaven nito na kahit sina Mokong na hindi nakain ng Durian, nagustuhan! Sa ngayon, heto ang best Durian dessert na nakain namin ni Blanca sa buhay namin :D
Umorder din kami ng Mango Sago pero sibak sa mga Mango Sago natin dito. May weird na lasa, haha!
At dahil matakaw nga kami, after namin mag 1st dessert, naglibot-libot uli kami hanggang sa makarating sa 2nd dessert place namin :)) Liquid Nitrogen Ice Cream daw kaya pinatos namin ang kanilang pakulo.
Si Mokong, Chestnut ang kinuha. Masarap ito at nakakatuwa na lasang castanas yung ice cream :) Makrema siya at hindi nakakaumay kainin.
Sa amin, siyempre, Matcha :D Masarap siya at hindi tipid sa lasa ng Matcha. Nagustuhan namin ito at nirerekomenda sa mga green tea lovers!
After namin dito, naguwian na kami at nagpahinga :) Swabeng-swabe, day one pa lang!
Day 2: Ngong Ping 360 (uli dahil napurnada), at Disneyland
For breakfast, sinubukan namin ang KFC dito dahil ang layo ng Menu sa atin. Umorder kami ng Milk Tea na okay lang naman ang lasa.
Chicken fillet na may cheese na wala lang ang lasa.
At chicken wrap na weird ang lasa at hindi namin nagustuhan
Balik uli kami sa MTR at same route kahapon. Sana this time, pagpalain na kami :)
Aba, dumami na ang nagme-meditate :)
This time, nakasakay na kami, oyeah!
Hindi ko siya mairerekomenda sa taong may totoong fear of heights. Malulula talaga kayo, promise.
On the other hand, kung gusto niyong ma-conquer ang fear of heights niyo, this is a good place to start :)
Pagdating namin dun, una kong binili ay tripod para makapag group pic kami. Tapos sina Harris, bumili nutong egg waffle pero anlamig na kaya hindi gaano masarap.
Sa pagbili ko ng Tripod, binigyan ako ng something na kahoy at hindi ko alam kung para saan.
Yun pala, isinasabit pala ito at nilalagyan ng wish.
Siyempre, nagwish ako para sa family ko at para sa amin ni Blanca :)
Group Shot!
Sino ang magaling jumampshat?!
Heto talaga ang ipinunta namin dito nina Harris. Makita ang malaking Buddha. Medyo marami-rami yung steps pataas so dapat ihanda niyo ang inyong sarili.
Matapos ang aming pag-akyat at baba, kumain kami ng nagtitinda ng mga fish balls sa loob. 15 HKD ito at ako na ang nagsasabi, hindi sulit! Sa labas na lang kayo mag-street food.
Maraming nagsasabi na masarap dito sa Ebeneezer's. Sayang, dapat pala nakinig kami.
Dito sa Feng Chia Market kami napunta at medyo wala lang ang pagkain.
Hetong Minced Pork, okay naman siya pero nothing special.
Hetong Mixed Adobo, mas masarap pa luto ng nanay ko na Chinese Adobo.
Wag niyong orderin itong Green Tea Smoothie. Sa sobrang tamis, tatlong sipsip lang ayoko na at iniwan ko na. Alam kong sayang ang pera pero mas sayang kung magka-diabetes ako.
Marami pa actually mapupuntahan sa Ngong Ping Village pero dahil isiningit lang namin ito dahil Disneyland talaga ang pakay namin, yung Buddha na lang pinuntahan namin at bumalik na uli kami. Mag-alas tres na ito ng hapon at papunta na kaming Disneyland
Pagbalik sa MTR, isang station lang away yung papuntang Disneyland na tren.
Ang cute nung bintana, korteng Mickey! :))
Wuhoo! Sa wakas, nakatuntong na din kami sa Disneyland :D
TEKA, break muna, para sa kwento ng mga nangyari sa Disneyland at sa rest of day 2, big event ito sa buhay namin kaya I suggest you click here and read it first :)
Matapos namin sa Disneyland, bumalik na kami sa Tsim Sha Tsui pero sina Harris at Manel ay humiwalay na uli at bumalik na sa Hotel dahil hindi na okay ang pakiramdam nila. Kami nina Blanca at Mokong, naglibot pa uli at dadalhin daw kami ni Mokong sa best Ramen na nakain niya.
Heto yung Butao Ramen, sa dulo ng Minden Avenue at nakatago lang siya. Malapit siya sa K11 na building.
Kahit nakatago, mahaba pa din pila :)
Siyempre, magkaiba order namin ni Blanca para mas marami matikman :)
Nilibre kami ni Boss Mokong :) Maraming salamat uli!
Heto yung sa akin, yung Black King. Inabot ng around 110 HKD dahil sa Egg. Highly recommended na magpadagdag ng egg at talagang sinasabi ko na ngayon pa lang, heto na ang pinaka
masarap na ramen na nakain namin ni Blanca sa buhay namin so far. And yes, talo pa ang Ippudo, Ukkokei, Ikoryu, Hokkaido, Ajisen, Menya Genki, Wrong Ramen, at iba pang nakainan namin na sinasabing masarap. Sibak talaga. Ibang level ito. Walang halong O.A.!
Kay Blanca naman itong Butao. Magkaiba sila ng lasa pero pareho silang masarap! tied sila sa best ramen ni Black King :)) Ang sabi ay magkakaroon daw nito sa Manila, sana kasing sarap pa din :)
Heto si Ate Gina, Filipina siya at maasikaso siya. Hanapin niyo siya at mag-Hi pag nakita niyo dun :)
After mag-Butao, naglibot kami sa night market sa Jordan at pinakain ni Mokong ng Bituka. Sarap!!!
Tuwang-tuwa pati si Blanca :D
Heto lang ang nag-iisa kong nakitang namamalimos dito sa HK.
Para sa the rest ng nangyari ng Day 2, again, click here. :)
Day 3: Central / Victoria Peak / Causeway Bay
Bago kami pumuntang Central, kumain muna kami sa Din Tai Fung sa Silvercord
Heto yung original Xiao Long Bao
Nakakatuwang panuorin kung paano gawin :)
Hetong madilaw yung may Crab Roe! Best Xiao Long Bao Ever!!!
Ohhhlala!
Okay din itong Pork Chop :)
Siyempre, our favorite, Taro Dumpling :D
Sa mga mahilig sa Xiao Long Bao, heto na ang pinakamasarap na nakain namin so far ni Blanca at nirerekomenda naming subukan niyo ito :)
Pagkatapos naming kumain, diretso na kami sa Central at sinakyan namin yung MTR uli na red line towards Central naman this time. Pagbaba namin doon, sinundan na lang namin yung signs papunta sa Peak Tram. Aakyat kayo ng hagdan across HSBC Building.
Madadaanan ninyo ang St. John's
Siyempre, nagdasal muna kami :)
Sundan niyo lang yung signs at makakarating kayo sa Building na ito
Kung may ticket na kayong nakuha, mas mailis dahil diretso na agad kayo sa pila ng Tram.
Ayaw magpakuha ng litrato ni Blanca dahil pugto ang mata haha!
Medyo wild lang yung angle ng byahe pero okay naman, nakakaaliw hehe :)
Dahil nandun na din naman kami, pumunta na kami sa Madame Tussauds :) Ang mga susunod na litrato ay pawang katangahan lamang. Pasensya na.
Ayun, so after namin magpakatanga, umakyat na kami sa tuktok at nag-abang ng sunset. High-tech sila, may ibibigay na tablet na magsisilbing virtual tour guide. Cool!
Dapat maghihintay akong magdilim at umilaw lahat ng buildings, pero sobrang lamig. As in namumutla na kami sa lamig kaya bumaba na kami!
Nag milk tea muna kami pampainit :)
Pagbalik namin sa mismong Central, naglibot-libot kami at tinagpo namin si Sachy Arianne
Pumunta kami sa Tim Ho Wan. Lahat nirerekomenda ito at ngayon, kami rin magrerekomenda :D Sobrang daming nakapila!
Turnip Cake - kakaiba, may hipon-hipon pa :) sarap!!!
Shrimp Cheongfan - hindi yung pekeng hipon na walang lasa. Malasa ito at hindi malabsak yung wrapper :) pero kung hindi kayo mahilig dito, you can skip it.
Heto ang nagustuhan namin! Parang halo ng pork and squid yung nasa ibabaw. Sobrang champs!!!
Blanca with Sachy. Salamat sa paglibre mo samin Sachy :D Ilibre ka namin dito sa Chibugan pag-uwi mo haha!
Veggie/Shrimp dumplings. Masarap pero you can skip this if you're on a budget.
Hakaw - heto kung mahilig kayo sa hakaw, tikman niyo din :D sariwa yung hipon kaya masarap :D
Siomai - heto angat sa Wai Ying pero malapit lapit naman sila :) recommended!
HETO! HETO! Heto ang hindi dapat palampasin! Pinaka sulit na 19 HKD na gagastusin niyo! At dapat kainin niyo dun habang mainit :D Pork Buns!!!
Hindi namin maipaliwanag dahil walang kalasa yung tinapay e! Basta sobrang sarap, period.
Yung laman sa loob, mas masarap pa sa asado siopao ng Emerald tapos yung tinapay nga ang nagdadala sa kanya sa next level. Pag hindi niyo nakainan ito, sayang ang HK niyo :))
After dinner, naglibot kami sa IFC...
Isinakay kami ni Sachy ng Tram na double-decker papuntang Causeway Bay. Octopus pa din pambayad namin kaya walang hassle :)
Nakakatuwa panuorin mga tao. Sobrang dami nilang nagpapatintero pagtawid haha!
Apple Store! Ang laki niya pero andami pa ring tao :)
Sinubukan namin itong Paul Lafayet pero mas gusto pa namin Bar Dolci sa Pinas :) Sayang sarado Lauduree :p
Pagkatapos namin sa Causeway Bay at naguwian na. Bigla kaming nabitin ni Blanca kasi huling gabi na e. Ayun, nag Panic Eating kami ng Streetfood sa hatinggabi haha!
Lahat ng nakita ninyong streetfood sa taas, panalo! No joke! Hindi rin naman kamurahan pero masarap talaga :)
Heto namang resto na ito, ang dating niya ay parang Wai Ying kaya pinasok namin
PERO TALO! Sausage Pao - talo!
Hakaw - talo!
Siomai - talong-talo!
Iwasan restaurant na ito. Sayang ang calories, boo!
Siyempre, dahil gusto namin matapos ang gabi sa masarap na paraan, bumili kami ng fresh milk
at Cream Soda...
At pinaghalo :D lasang Bazooka Bubble Gum Milk Drink! Paborito na namin ito ni Blanca! Salamat sa tip, Mokong!
Day 4 - Mong Kok Shopping
Dahil gutom na kami, tumira na lang kami ng sari-saring street food. Heto, veggie bun, medyo talo :(
Hetong parang Rice Tea na may Milk, nagustuhan ko naman :D
Kung makita niyo ito sa Dundas street, bilhan niyo ito, lalo na yung custard na siopao, Winner!
Sarap!!!
Hetong Asado siopao, okay lang, masarap naman :)
Kung makita niyo itong egg tart place, wag kayong ibili, talo :))
Dahil sa gutom at tinatamad na maglibot, dito kami humantong
Maraming tao so good sign :)
Umorder kami ng roast platter. Lahat masarap pwera yung Sausage :) Good for 5 na ito pero 190 HKD siya. Pwede na rin at masarap nga :)
After namin kumain, shopping time for pasalubong bago umuwi :) tip, kayang baratin yung HK shirts ng 6 for 100 HKD :))
Nakakita uli kami ng Dessert Playground kaya huling pahabol ng Best Durian Dessert ever!!!
Hala, kung kelan wala na akong pera! :(
Siyempre, nakakita uli kami ng Egg Tart sa Taipan, pero talo pa din :(
At dahil Panic Eating na kami bago umuwi, nag Paisano's Pizza pa kami dahil malapit lang ito sa Taisan Guesthouse.
Masarap naman yung 4 cheese pero hindi ako fan nung crust. Okay lang siya for me. Mahal din kasi for 45 HKD ang isang slice na hindi "wow" sa sarap :))
Heto ang sana ay marami akong binili. White Choco Strawberry sa MUJI sa airport. Kung may pupuntang HK, papabili talaga uli ako nito :))
I'll update this blog later. Ginawa ko lang itong list for my friends na papunta :) Enjoy HK!