Bago ko simulan ang entry, magpapasalamat muna ako sa Diyos dahil binigyan niya ako ng napakabuting partner. Nagpapasalamat din ako sa aking mga magulang na walang sawang tumutulong sa akin at sumusuporta sa mga desisyon ko. Sa magulang at pamilya ni Blanca na nagbigay rin ng suporta at basbas. At sa mga kapatid ko at kaibigan na nagpalakas ng loob ko bago mangyari ang lahat ng ito.
So heto na.
THE PLAN
Heto ang original na plano. Napag usapan namin ng mga kaibigan kong sina Harris, Manel, DK, Epong, at Jian kung saan maganda at kung kelan maganda mag-propose. 4 days/3 nights kami sa HK at ang plano ay sa third day daw kasi hindi daw maganda kapag first day dahil baka lumutang na ang utak ni Blanca at hindi na ma-enjoy gaano ang stay sa HK.
Naka-schedule kaming pumunta sa Victoria Peak ng third day ang plano ay magsho-shoot ako ng sunset doon, tapos magpapa-picture kami ni Blanca sa kaibigan kong si Harris habang nasa likod namin ang sunset na ito:
Tapos iswi-switch ni Harris yung camera to video mode para ma-record lahat ng sasabihin ko at luluhod ako at magpro-propose.
Edi ayun ayos na. Nakaplano na ang lahat.
ANG NANGYARI
Earlier nung second day, pumunta kami at napagod sa Ngong Ping 360. Mahabang lakad at hike yun so dun pa lang napagod na si Blanca. Nagkaroon naman siya ng energy pagdating namin sa Disneyland kasi ito nga ang happiest place on earth :))
Tuwang-tuwa ang bata at makakasakay siya sa mga rides at nakarating na din siya sa Disneyland sa wakas!
Sinamahan ko siya sa unang ride. Nothing wild o nakakahilo.
Sa Space Mountain, sila ni Manel lang ang pumunta kasi nagpahinga muna kami ni Harris.
Sumakay uli kami sa lintsak na ride sa Grizzly Gulch. Nahilo ako sa mga kalokohan nung bears dun sa ride!
May energy pa kaming mag-picture dito at mag-emote :))
Nagutom kami matapos ang ride kaya kumain muna kami ng Fish and Chips :)
Heto na ang huling picture na may gana pa si Blanca sa Disneyland.
Nawalan siya ng gana nung hindi ko siya sinamahan sa ride na ito. Mahihiluhin naman talaga ako at kakaiba ang hilo ko nung Anchor's Away sa EK kaya ayaw ko na talagang subukan ito.
After namin maglibot, napagusapan na na mag-abang na lang sa fireworks dun sa harap ng castle. Hindi na niya ako kinakausap nun.
Nanuod naman siya ng fireworks at pareho kaming maiyak-iyak sa ganda ng show!
Pagbalik namin ng Tsim Sha Tsui, sa sobrang lamig at pagod, nawala na sa kundisyon si Manel at Harris. Si Blanca naman, kahit wala sa kundisyon, dahil kakain kami sa masarap (Butao), nabuhayan na uli :)) (napaka-arteng bata)
Salamat sa aming napakabuting kaibigan na si Michael "Mokong" Sorezo at sinamahan kami at nilibre sa napaka sarap na Ramen place na ito!
Hindi food review ito pero napakasarap naman talaga nitong Black King e! Kahit kung makatabi ko si Isabelle Daza, masasapak ko pa rin siya sa sarap nito!
Heto yung Butao Ramen, napakasarap din, may lasang balut yung sabaw! Hindi kami makapamili sa kanilang dalawa kaya sila pareho ang best Ramen na nakain namin so far!
SIBAK!
BAKSI!
Siyempre, kumain din kami ng street food! Champion talaga ang taste ni Mokong! Swabe eh!
Pagkatapos ng aming street food adventure, naglakad na kami pauwi. Balik na naman sa pagiging pagod at matamlay si Blanca. Wala na naman siyang gana makipag-usap at sakit na sakit na ang paa niya...
Dito na ako biglang nakapag-isip...
Sa pag-obserba sa mga magulang ko. Ang buhay ng mag-asawa, hindi laging masaya. Hindi laging perpekto. At para mag-work ang isang marriage, kelangan parehong walang bibitaw, maganda man ang nangyayari at circumstances, o hindi.
Ang daming viral videos lately ng mga proposals na ang gaganda at napapa-wow talaga ang mga babae. Maaaring sa ganda ng view, sa ganda ng dance performance, sa ganda ng inihandang sinabi, at kung ano-ano pang pakulo. Aaminin ko, gusto ko din kahit papaano ay mapa-wow si Blanca kaya gusto ko sana, sa magandang view, sa harap ng mga kaibigan, at mag-speech ako ng nakakakilig.
Nung habang kami ay naglalakad, aking napagtanto (dahil nga badtrip siya sakin) na baka sakali, kung ganun gawin ko, baka napapa-"oo" lang siya dahil sa ganda ng moment. Baka pag hindi na maganda ang nangyayari sa amin, baka mamaya ay bumitaw siya.
So nandun kami, naglalakad sa Nathan Road...
Sa may tapat ng isang religious place na may katabing Catholic Church (St. Andrews). Inis pa din si Blanca sa akin at ayaw akong kausap.
Napakabaho pa ng lugar dahil may nililinis na poso negro. Seryoso, amoy TAE talaga.
Lahat na ng hindi romantikong moment, nandito. Galit sakin, medyo madilim na lugar, at napakabaho ng paligid. Heto ang perfect moment to test kung sasagot ba siya ng "OO" kahit nasaan kami. Kahit anong nangyayari. Kahit pumalpak ako sa expectations niya, AKO PA RIN BA ANG PIPILIIN NIYA?
So ganito ko diniskartehan. Kapag kasi magkasama kami ni Blanca at tahimik lang siya, tinatanong ko lagi siya ng "ayaw mo ba akong kasama?". So this time, ganun uli ginawa ko. Paulit-uit kong tinanong, "ayaw mo ba akong kasama?", "ayaw mo ba akong kasama?". Hindi siya sumasagot at badtrip lang. Dito na ako bumanat ng: "Ayaw mo ba akong kasama?.... Kasi ako gusto kitang kasama... habambuhay...".
Sabay nilabas ko yung box ng singsing.....
Ang mga susunod na pangyayari ay hindi ko inaasahan...
Sabi ni Blanca:
"No... no... bata pa ako... hindi ako papayagan nina Papa..."
Sabi ko:
"Nagsabi na ako sa magulang mo bago pa tayo pumunta dito..."
Blanca: "Niloloko mo ako, hindi totoo yan..." (habang nagpipigil ng luha at nakatingin pa rin sa langit)
Napikon na ako, so sabi ko:
"Kung ayaw mong maniwala, edi huwag... Natatandaan mo ba nung Tuesday? Dapat mag-dinner tayo ng 7pm pero pina-move ko to 8? Kasi hinintay ko ang Tatay mo umuwi galing simbahan dahil gusto kong magsabi sa kanila ng personal..."
Blanca: "totoo ba yan?... ano sabi nila?..."
Ako: "pumayag naman at nagiyakan lang kami dun... pero kung ayaw mong maniwala, dibale okay lang... umuwi na lang tayo..."
Blanca: "wait.... hindi mo pa naman ako tinatanong ng maayos at hindi ko pa nakikita ang singsing..." (dahil nga naman nakatingala siya)
Dito na ako lumuhod sa harap niya... huminga ng malalim.... at nagtanong...
Ako: "Blanca Riola, papakasalan mo ba ako?..."
Blanca: (pabiro) "sabi ko sayo mag-NO ako e, no no no!"
Ako: "Bahala ka sa buhay mo aalis nako!"
Blanca: "Joke lang... YES! San ba yan nilalagay (singsing)? Sa kanan o kaliwa?"
Ako: "Sa kaliwa ata"
Sinuot ko sa kanya ang singsing at niyakap siya ng mahigpit :)
Hiningi niya ang cellphone ko at tinawagan niya ang kanyang mga magulang. Tinanong kung totoong nagsabi ako...
Coufie (couple selfie) muna!
After maputol ang usapan nila dahil nawalan ako ng load. Kinuhanan ko na siya ng litrato para may souvenir :))
Naghanap kami ng pinakamalapit na 7 Eleven at nagpaload para patuloy niyang makausap ang kanyang mga magulang.
Siyempre, iyak uli siya ng iyak :))
Habang naglilibot kami, sobrang tiyempo, yung nakalagay dun sa mall na kinatatayuan namin, "The One"! Indeed, she's the one! Heto ang isa sa paborito kong litrato ng trip :D
Siyempre, pagkatapos ng lahat ng nangyari, balik uli kami sa paborito naming gawin, ang kumain! :))
My wedding proposal, where it happened, might be considered the worst by some. But I'm telling you, I wouldn't change a single thing if I'd have another chance :) I learned a lot about my fiancée during that moment of truth.
A.) She respects her parents a lot.
B.) Even in the worst conditions, worst times, she'd still say yes.
Siguro nga selfish ako for denying a beautiful girl like her a beautiful proposal that she deserves. Too selfish because instead of making my marriage proposal a spectacular event, parang ginawa kong test sa kanya.
At dahil um-OO pa din siya kahit napakapangit ng sitwasyon, I'm confident that we'll be able to make our partnership work, whatever comes our way. Hindi man kita nasamahan sa nakakasukang ride na yun; I promise you, Blanca; I'll always be by your side in this one crazy roller coaster called life.
Simula pa lang ito :) Excited na ako sa forever natin :D I love you, Blanca!
Cute naman ng story nyo Sir Chewy!
ReplyDeletehaha apir, parekoi! Salamat :D
DeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeletePang-star cinema haha title "The One". At yun pic swak pangposter hehe. Cute nyo.. Soo happy for you two!!! :) Sarap ng partnership nyo, sigurado wala magugutom sa loob ng tahanan nyo :p - MJ Acosta
ReplyDeleteHaha! Ma'am, maraming salamat. Actually, feeling ko, araw-araw kaming magbato-batopik kung sino magluluto at sino magdadayag. Pareho kaming gusto magluto at ayaw magdayag haha! Pero yun nga, walang magugutom :))
DeleteAng ganda ng story Sir Chewy! Naiyak ako! Congrats po sa inyo ni Blanca! :D
ReplyDelete