Tuesday, July 5, 2016

Fukuoka 2016 - Day 3 - Tenjin

WARNING: Ang series of posts na ito ay heavy on images pero may mapupulot naman kayong tips at mga masarap at hindi masarap na kainan/pagkain. Kaya maraming pictures ay dahil karamihan ay hindi ko maisulat ang address kaya sa itsura na lang ibase :p As always, click on the photos for a larger view
 

After one awesome night, maaga pa rin naman kami ni Blanca nagising and for the third straight day, tahimik pa rin ang lugar pag umaga :p

 Dahil last day namin at ito ang shopping day, ine-expect namin na mahaba ang aming lalakarin kaya heavy breakast kami. Nirekomenda sa amin ni Taro itong Tsukemen (ramen na sinasawsaw sa sabaw) place kung saan puro locals karamihan ang kumakain, ang "麺や兼虎 中央区赤坂". Search niyo na lang sa Google Maps para matagpuan

Ang pinili ni Blanca ay yung best-seller na tig 930 yen, tapos sa akin ay yung maanghang na version na tig-980 yen. Sabi ko siyempre, yung pinaka-maanghang na kaya nilang ibigay :D

 Karamihan ay mga matatanda ang nandoon at kami na ata ang pinakabata na kumakain
 Isa pang kuha ni Blanca, mas malapit para mas ma-appreciate :)) napaka-swerte kong ganito kaganda ang gumigising sa akin araw-araw :D
 Ganito talaga darating yung Tsukemen, Noodles lang siya
 Tapos naka-separate yung sabaw. Sobrang lakas ng lasa nung sabaw. Pwede mong higupin pero mas masarap pag pakonti-konti lang at isasawsaw lang yung noodles bago isubo :)
Heto yung kay Blanca, sobrang sarap! Grabe ito, highly-recommended! Ang kapal ng broth na tipong nags-stay sa bibig ang lasa pag hinigop!
 Heto yung sa akin, same sabaw naman sila pero sobrang anghang. Masarap siya for me normally kasi nga maanghang at malasa, pero mas masarap yung kay Blanca :D
 Malambot din yung karne niya kaya talagang nag-enjoy kami sa breakfast namin na ito.
 Busog na busog man kami, dahil last day namin at nirekomenda ni Taro, tumungo kami sa Pan Fritto, ang friendly neighborhood bakery nila dun
Umorder kami ng parang Fried Siopao na may laman na Custard at isang may laman na Salmon Paste.  Masarap naman siya, hindi lang namin na-enjoy dahil sa sobrang kabusugan :p
 Para makapaglibot kami ng maayos, naghanap muna kami ng coin locker kung saan puwede naming ihabilin ang gamit namin. Nakita namin ito sa loob ng gate na ito sa Tenjin station
 Between the entrance at bago itong pinto ng shopping mall...
 May makikita kayong blue sign na may arrow na nasa picture below
Sundan niyo lang yung direction at makikita niyo na ito
 For 800 yen, kasya na ang isang malaking maleta at hand-carry na maleta
 So ayun, after namin maihabilin mga gamit namin, naghiwalay na kami ni Blanca ng paglilibot. Siya, tumingin-tingin ng mga damit, habang ako, siyempre tumingin ako sa camera stores :))

 Yung isang place na napuntahan ko, grabe ang gaganda ng vintage cams at nagbebenta sila ng mga sirang cameras for 540 yen para sa mga gustong pag-aralan ang parts of a camera :) Hindi nakakahinayang himayin at baklasin
Ang bilis naubos ng oras ko kakalibot sa market dito
 Natuwa ako ng makita ko sa tips ni Liane itong Border Line records. Nagtitinda sila ng mga lumang Vinyl records at dahil birthday month ni Mama nung pumunta kami dito, binilhan ko siya ng paborito niyang Beatles na plaka :) Highly-recommended para sa mga fans ng "long playing" :D
 Nang matapos na maglibot si Blanca, nagtagpo kami dito sa Muji
 Bumili kami ng Matcha Dessert at Hot Matcha Latte. Parehong masarap, siyempre. Sana may ganito yung Muji dito sa atin :)
 Sinorpresa ko si Blanca ng kanyang advanced birthday gift. Bagay sa kanya ano? :)
 After namin sa Muji, bumili lang kami ng memory card at strap for her new toy at naglibot na kami para testingin ito
 Tumambay kami sa plaza sa harap ng Mitsukoshi para mag-obserba ng mga tao
 May mga sumisigaw na grupo na parang nagpro-protesta, may mga humihingi ng tulong para sa mga apektado ng nakaraang lindol
 Si Blanca naman, hinayaan ko lang maglibot at mag-kukuha ng litrato ng mga ginagawa ng tao dun sa plaza
 In fairness, nice shots! :D
 Nakakatuwa din ang mga tao, walang pakialam kung sino manuod sa kanila. Kanya-kanyang trip kumbaga :)
 Matapos ng aming pago-obserba, nagutom na kami at siyempre, doon kami sa highly-recommended ni Taro na Sushi place around Tenjin area, ang Hyotan Sushi. Search niyo ito sa Google Maps "ひょうたん寿司 本店" para matagpuan :)
 Aba ay mahaba ang pila at mga locals nga nandun, magandang senyales!
 Ang daming pagpipilian, so ang ginawa namin, nag Omakase na lang kami tapos umorder ako ng isang extra na Otoro :D
Nauna dumating yung Otoro, naghahalong pink at puti ang kulay. Siyempre, hindi ko muna kinain, ito yung panghuli ko, haha!
 Heto yung set nung Omakase meal namin
 Nakakatuwa lang, kasi yung free soup usually sa mga restaurants, seaweeds at tofu lang ang laman. Ito, may laman talaga ng isda at hindi yung tipong naligaw lang ha, serving talaga! Sulit na sulit!

Pagkatapos namin magpalitrato, ito munang mga ito ang inatake ko. Kumbaga sa pelikula, sila yung mga extra kaya sila dapat mauna :D
 Masarap naman sila pero itong tatlong natira, mga tipong best of the best. Inuna ko muna yung sweet shrimp, sinunod yung Uni, tapos siyempre, finale yung Otoro... Oishi!
 Pagkatapos ng napakasarap na early dinner... lungkutan time na dahil kelangan nang umuwi... 

TIP: Kung may kailangan kayong bilhin na pasalubong o mga Starbucks na mug, wag na ninyong asahan sa airport!
Once na nakasakay na kayo sa bus papunta sa International airport
 Heto na lang aabutan ninyo pag nasa loob na kayo ng departure area...
 May mga duty free shops naman na mabibilhan nitong masarap na pasalubong below, pero wala mismo dun sa hintayan sa departure. Wala ring mga restaurants

 Literal, mga ganito lang ang mga makakain ninyo
 Hindi masaya diba? :))
 Okay lang naman, as long as you have the best person with you, it doesn't matter kahit hindi masarap ang pagkain :D

Sa uulitin,
Chewy

Monday, July 4, 2016

Fukuoka 2016 - Day 2 - Nokonoshima Island, Hakata Station, Motsu Nabe, Tenjin

WARNING: Ang series of posts na ito ay heavy on images pero may mapupulot naman kayong tips at mga masarap at hindi masarap na kainan/pagkain. Kaya maraming pictures ay dahil karamihan ay hindi ko maisulat ang address kaya sa itsura na lang ibase :p As always, click on the photos for a larger view

Fukuoka 2016 - Day 2 - Nokonoshima Island, Hakata Station, Motsu Nabe, Tenjin

 Dahil medyo malayo ang pupuntahan namin for today, inagahan uli namin ni Blanca gumising at para na rin makapila agad sa breakfast spot namin.

Pagdating namin sa Tempura place na highly-recommended ni Liane, medyo mahaba na agad ang pila, good sign! Buti na lang dire-dretso naman at na-accommodate din kami kaagad. Hindi ko alam bigkasin ang name pero i-copy paste ninyo ito at i-search sa maps
"天ぷらひらお 天神店 中央区天神"


Medyo mahirap lang intindihin yung menu kasi walang Ingles. Pinili namin yung 890 at 830 yen na bowls at hinanap lang namin yung presyo sa pipindutin, voila! :))

Sa mga nakainan naming tempura place sa Tokyo at Osaka, laging walang sawsawan. Ngayon lang kami nakakain ng Tempura na may ganitong sawsawan kagaya sa nakasanayan natin dito sa Pinas, sa wakas!

Marami rin silang free side dishes, kanya-kanyang kuha na pati :p

Merong kalabasa na manamis-namis
Parang pickled labanos
Togue
Ito galamay ng pusit na binabad sa something na citrus ang lasa. Sarap pang-lagay sa mainit na kanin!
By batch magluto itong fryer master nila. So halimbawa gulay muna lahat lulutuin niya, yung mga tao, sabay-sabay palibot rarasyonan yung mga may order ng gulay, haha! Cute, para kaming pets na nag-aabang ng treats.


Medyo mahirap kunan ng litrato na magkakasama kasi nga installment ang dating ng mga items. Kagaya nung isang order namin, nauna yung fish at bacon, pagkakuha ng litrato, kain na agad kasi lalamig kapag pinatagal :p btw, masarap yung bacon tempura niya!
Big, sweet, and juicy yung prawns niya at talagang tamang-tama ang lutong ng breading. hindi malangis!



Nag-agree kami ni Blanca, ito ang pinaka-masarap na nakain namin na Tempura sa mga trips namin so far. Kasing sarap ng mga Tempura natin dito sa Pinas. Weird noh, Pinas pa naging benchmark namin, haha!

After namin mag-agahan, tumungo na kami sa Tenjin station at pumunta sa bus-stop na ito malapit sa tourist information center. Makikita na may nakasulat na Noko Ferry Port, yun ang pupuntahan para makapunta sa Nokonoshima Island
Medyo mahaba ang byahe at wala gaanong makikita sa daan kundi ang pagiging industrialized nila.


Pagdating sa Noko Ferry Port, sumakay kami sa ferry na ito at mabilis lang ang byahe, 15 minutes lang halos, nandun na kami sa Nokonoshima Island


Pagkarating sa island, sumakay kami sa nag-iisang bus doon na ang ruta lang ay Nokonoshima Island Flower Park at pabalik ng Ferry port. Hindi kayo maliligaw dito :p
Merong 1000 yen entrance fee bawat tao

Pagpasok namin sa loob, ito ang bumungad sa amin... wohooo! Mahilig talaga kami ni Blanca sa mga flower parks. Kahit hindi na sa mga Cherry blossoms, yung mga bulaklak na makukulay mas maganda sa paningin :D
Tuwang-tuwa si Blanca habang nililibot namin ang lugar
Ang ganda...
Pero mas maganda yung misis ko... naks!


Biglang umulan nung naglilibot kami. Habang inaamoy ni Blanca yung bulaklak, kung i-click niyo at ma-enlarge niyo yung image, kita mga patak ng ulan, naks, dramatic!

May mga parang maliliit na stalls at parang mga bahay ang itsura dun sa loob ng park.
Meron ditong isang cute na cafe at pinasya naming subukan
Umorder kami ng hot matcha latte, plain cheesecake with Strawberry Sorbet. In fairness, okay naman siya. Hindi siya OA sa sarap pero I suggest na tangkilikin dahil sa mga turista naka-asa ang kanilang kabuhayan :D

Malakas na ang ulan, pero walang makakapigil sa amin magpakuha... na hindi naman kita ang dagat dahil sa kapal ng ulan, haha! Binalutan namin ng balabal ang camera at dulo lang ng lens ang naka-expose, tapos remote trigger via phone app, hurray for Fujifilm!

Meron din ditong sina-unang phonebooth, ang ganda ng itsura haha!

Halos dalawang oras din kami dito sa island kahit umuulan. Ang ganda pa din ng paligid.

Marami namang pahingahan sa paligid kung nais mong mag-muni-muni o magpaint, o kaya umarte lang gaya ni Blanca dito, bwahaha!

Meron silang tinitindang ganito sa souvenir shop nila
Tapos mga 10 ata ang laman na nakabalot sa ganito
Para siyang puto na may custard sa loob. Okay siguro siya kung hindi ka lumaki sa lugar na sikat sa kakanin gaya ng Quezon. Pero dahil kami ay sanay sa mga leche puto, wala lang sa amin ito, haha!

Pagkatapos namin tumingin sa shop, sumakay na uli kami ng bus, papuntang ferry port, tapos nag-bus uli patungo sa Hakata Station.

Dahil medyo mahaba ang byahe, medyo nagutom uli ako. Oo, ako lang. Si Blanca kasi, naningin ng mga shops sa Tenjin at ako naman ay maniningin sa Yodobashi. Dahil may free wi-fi sa Yodobashi, pinadala ko na kay Blanca yung pocket wifi namin.

Pagdating ko sa Hakata station, nakakita ako ng Hankyu kagaya sa Osaka.

Walangya, ito agad bumungad sa akin pagpasok ko...
Siyempre, umorder ako ng isa :))

Tapos nung magbabayaran na, nakita ko naman, ito... ay hala sige isa din, haha!
Malambot at manamis-namis itong rib. Yun nga lang, hindi mainit. Mas masarap sana kung mainit ito at may kanin :)
Ito namang hipon, malalaki siya at juicy, pero yun nga, malamig din :s sayang, masarap sana :D
Medyo nabusog naman ako pero naglibot pa din ako sa station para maghanap ng desserts. Bigla akong napadpad dito sa AMU EST...


Dahil maganda ang experiences namin sa desserts na may fresh strawberries sa Osaka at Tokyo, hindi na ako nag-dalawang isip pa!
Siyempre, yung Matcha ang inorder ko :)
Ih-ih... yanung sarap nito! Parang light pancake yung tinapay, with Matcha cream na lasang matcha talaga, monggo paste, at fresh strawberry! Aba ay yanung inam, highly-recommended!
Matapos kong magtakaw at maglibot sa Yodobashi, nagkita-kita na kami nina Blanca at ni Bro. Iñigo (kuya ni Blanca) sa Hakata Station.
Matapos naming mag kumustahan, siyempre, kainan na uli :D
Sa lugar na ito namin napagkasunduang kumain, ang Hakata Motsunabe Yamanaka Akasakaten Restaurant. Ang ganda kasi ng reviews sa Trip Advisor. Lobby pa lang, alam mo nang bubutas ng bulsa ito, haha!
Ito kasi ang highly-recommended na ma-experience sa Fukuoka, ang Motsu Nabe
1,600 yen per person, almost 700 pesos, yanung mahal nga. Pero dahil minsan lang naman nasa ibang lugar, dalenay!
Naalala ko, may nakakatawang kwento. Bawal kasing ipasok ang sapatos sa dining area na ito, so kelangan mong iwanan ang sapatos mo sa locker sa lobby, tapos kukunin mo susi. Sina Nyegs at Blanca, nakakita ng pare-parehong tsinelas, so sinuot nila ito papasok. Nung nakapasok na kami sa dining area, bigla silang hinabol ng staff. Yung akala nilang generic na pagamit na tsinelas, footwear pala ng mga staff yun na iniwan din sa labas bwahahahaha! Hindi gaano nakakatawa sa kuwento pero kung nandun kayo, ay yanung saya, haha!

Habang naghihintay, binigyan kami ng edamame at bagay ito sa inorder kong Lemon Sour
Habang si Nyegs naman ay nag-beer
Heto ang inihain sa amin na Motsu Nabe
Marami naman ang serving niya


Hindi namin alam, puro taba at balat pala ng baka ito. Ih-ih, mahilo-hilo kami habang nakain. Kahit dinamihan ko ang kain ng gulay, hindi talaga mabalanse ang healthiness level, haha!
Yung tipong habang umiinom ka ng tubig e nag-sesebo ang labi mo. Masarap kung sa masarap yung laman at sabaw, pero talagang hindi namin naubos.

In fact, after dinner, umuwi muna ako sa place na tinutuluyan namin kasi two blocks away lang at napahiga at idlip ako sa sobrang hilo :s Sina Blanca at Nyegs, pumunta sa Canal City para sunduin si Bro. Alex.

Sabi ko kay Blanca, tawagan na lang ako sa FB messenger kapag nasa Tenjin na sila at dun ko na lang sila tatagpuin. After almost an hour, tinawagan nila ako at dito ko sila tinagpo, sa Hakata West St. Pudding Shop

Bumili kami ng Matcha
at Original Pudding, pampatanggal nung cholesterol na naiwan sa dila namin
Masarap naman siyang pudding pero nothing special kaya you can skip this :p
Kung maraming tao ng Friday night, mas grabe sa dami ng tao ng Sabado
Merong nag-iinom sa kalye, sa harap na lang ng Family Mart nakatayo.
Humiwalay muna kami ni Blanca sa mga brothers kasi naghanap kami ng dessert place. Dito kami napadpad sa Vito


Umorder kami ng Chestnut Gelato at in fairness, masarap siya! Madalang ang flavor na ito sa Pinas kaya rekomendado ito kung sakaling mapadpad kayo rito.

Matapos ang dessert, naglibot-libot lang kami ni Blanca at siguro may mahigit isang oras din kaming naglalakad. Nakakawili manuod ng mga tao at obserbahan kung paano sila magsaya dito sa parteng ito ng mundo. Marami kaming nakikitang mga KTV Bars, para ring mga Pinoy, mahilig kumanta pero dito, karamihan ng KTV ay wholesome :p


Tinagpo na uli namin ang mga La Salle Brothers at napagpasyahan naming mag-late dinner dito (oo, hindi pa dinner yung Motsu Nabe)

Weird no? Korean cuisine pa ang napili namin e nasa Japan kami :p

Kung iisipin, hindi rin naman ganun ka-weird kasi malapit lang ang Korea sa bansang ito kaya malamang maraming mga Koreans dito at nagkalat ang good restaurants nila gaya nito

Umorder kami ng Samgyeopsal at ito ang panlahok nila sa grilled pork nila
Binigyan kami ng apron so malamang senyales ito na things could get a little messy :))
Siyempre, masarap may kahalong beer ito, ako Lemon Sour uli :p

Sila naman ang magluluto para sa inyo so hindi kelangang mag-alala na baka makakain ng hilaw na baboy.


Ibalot sa gulay at samahan ng mga pickled veggies...
at siyempre, samahan ng chili, ay swabe! Highly-recommended... na pulutan :D

Dahil bitin at wala pang mga tama, naglibot-libot pa kami kung saan puwedeng kumain at uminom. Nakita namin ito, papasukin sana namin, kaso nag-alala kami, baka pag-uwi namin, hindi namin malaman ang mga kaganapan the night before at sabihin sa sarili "Aniary?"
Gets? "Aniary?"... "Anyare?"... ay grabe... sobrang corny nun. Nagpapaumanhin ako sa mga nagbabasa. Foul yun. Sorry :D

Sa paglilibot namin, nakita ko itong familiar na sign na ito. Recommended ito sa Trip Advisor pero bakit parang familiar sa akin. Anyway, tumuloy na din kami.
Puno yung loob ng bar so sa labas na din kami uminom at kumain. May mga nakasama pa kaming mga Japanese girls na umaapaw sa pagiging friendly
Siyempre dapat naka-peace sign pag nagpapalitrato

Nung inabot sa amin ang pulutan naming Gyoza, tsaka ko naalala na ito yung Gyoza shop malapit sa tinirahan namin sa Osaka! Okay naman siya pero mas masarap pa rin yung sa Tetsunabe :)

Naka-isang beer lang kami dito dahil nakakangalay din uminom habang nakatayo, hindi makapagkwentuhan ng maayos. Naalala namin ni Blanca, yung host ng Airbnb namin na si Taro, meron nga pala siyang bar at sinabi niya sa amin na may free welcome drink kami sa kanya! Dahil siguro may tama na din kami, kumapal na din ang mukha ko at nag-claim kami ng free drink namin, haha!

Pinuntahan namin ang bar nila na Bangkok Time. Again, nasa Japan kami pero Thai food naman pinuntahan namin ngayon :D Heto ang napakabait naming host, naka-cap na black, si Taro
Bukod sa beers, siyempre para hindi nakakahiya, umorder naman kami ng Amaretto Sour

at ng spicy chicken. In fairness, masarap ito at maanghang! Rekomendadong pulutan :D Okay mag-inom dito sa bar nina Taro
Nakakwentuhan namin si Taro, sobrang interesting ng buhay niya. Nag-bike siya around 46 countries! Across Europe, Asia, at nalimutan ko kung saang kontinente pa. Kung saan-saan siya nakarating in 4 years! Galing no?! Nag-ipon lang siya at lumarga kasama ang kanyang bike at maliit na tent. Minsan daw gumagawa siya ng odd jobs for extra money. Ang galing! Dahil napasarap ang kwentuhan namin at nag-enjoy siya, binigyan niya kami ng ice cold tequila. Naka tig 3 rounds kami, FREE! Langya, lugi sa amin si Taro. Ang mura lang ng upa namin sa rooms niya pero ang dami naming freebies, haha! Ayaw niya talaga pabayaran kaya maraming salamat, Taro!

What a night! Sobrang nag-enjoy kami sa last night namin in Fukuoka. Good food, great company! Highly-recommended Airbnb host si Taro, please check his listing here.

Sana ay magising kami ng maaga sa Day 3 namin :)

Sa uulitin,
Chewy