Saturday, January 21, 2017

#taiwannagrowoldwithyou Taipei 2016 - Day 0 & 1

WARNING: Ang series of posts na ito ay heavy on images pero may mapupulot naman kayong tips at mga masarap at hindi masarap na kainan/pagkain. Kaya maraming pictures ay dahil karamihan ay hindi ko maisulat ang address kaya sa itsura na lang ibase :p As always, click on the photos for a larger view

TIME. It is interesting how our perception of it can vary depending on our age, emotions, and other factors. The five-year old me thought that 10 years was too long and too far away. I remember thinking, I can't wait to be in 4th Year High School so my friends and I can have total authority over the school basketball court :)

To a man who just got incarcerated for a 10-year sentence, he may also feel that 10 years can't come soon enough.

As I look back, my years spent in grade school and high school went by so quickly! I wish I could stay longer in that period and savour each moment. Ah, irony of life :)

Okay, matapos ko mag-feeling na nagsusulat ng Formal Theme, I would like to share to you our Taiwan Trip :D Anong koneksyon, kamo? Blanca and I celebrated 10 years of friendship last December 2016. Ang bilis ng panahon! Parang kailan lang, nakikipaglandian lang kami sa text sa isa't-isa, hindi nga namin alam kung kelan naging kami basta isang araw sinabi na lang niya "i love you" - bwahahaha! Joke lang.

Dahil malapit na din ang Pasko dun sa date, inalok ko siya, ano gusto niyang gift. Cellphone ba? Bag? Sapatos?... To show you how lucky I am, sabi niya, 'wag na daw material na bagay. She said that it would be better if we can spend time together, kahit out of town trip lang at kumain ng masasarap - dalawa pa daw kaming mag-eenjoy and we'll create more happy memories...

Ang swerte ko talaga sa misis ko! Siyempre, gusto ko pa rin maging unforgettable kasi pagbibigay-pugay sa isang dekada ito e. Since may sale ang AirAsia papuntang Taiwan, naisip kong lumipad na lang kami dun kasi maraming masarap na makakainan doon, ayon sa aking mga kaibigan :)

So we started our swabe journey at the airport; Blanca is a huge fan of Kinder, yung milky chocolate ha, hindi yung Tinder na app :p Gustong-gusto niya yung Kinder Surprise na nakakain yung egg shells. Sa kasamaang palad, Kinder Joy lang nasa 7-eleven natin dito kaya nung makakita siya sa NAIA, bumili agad para may makain habang naghihintay ng flight, haha!





Our flight left on-schedule and after a few of hours, nandun na kami sa Tao Yuan Airport. Like in our other travels, kumuha din kami ng pocket wifi to help us navigate all over Taipei


We chose WIFI Taiwan and rented a device for 5 days. Nakuha namin siya for $32.50 so around Php 1500, which is Php 300 a day. Not bad of a deal! Ang maganda dito, open 24-hours yung convenience store sa airport kung saan pipick-upin yung pocket wifi. Very helpful ito lalo na sa mga flights na madaling araw na dumarating gaya ng AirAsia at CebuPacific.



Once nabuksan mo yung packet, may laman siyang charger, cable, yung device mismo, at *drum roll*... power bank! Napaka-thoughtful naman nila na mag-provide ng power bank and trust me, kakailanganin niyo ito lalo na kung buong araw kayong nasa labas at kelangan ng internet to navigate. Highly-recommended!


Hindi ko alam na frowned-upon ang Uber sa Taipei. Dahil madaling araw kami dumating, walang available na train at ayon sa estimate, NTD 1200 aabutin ang Taxi from airport to our hotel. Sumubok ako kumuha ng Uber, luckily, merong malapit sa airport at napick-up agad kami for NTD 842.50 tapos BMW 3 Series pa sumundo sa amin. Sweeeeeet!


We chose a hotel na affordable, malapit sa mga kainan (Ximending), at malapit sa public transportation. Hotel Papa Whale ang pumasok sa criteria namin.

medyo baduy lang yung name pero...

ang cool lang ng vintage vibe nung hotel :D




Merong nice shower room, toiletries, pero walang bidet/"power spray ng puwet" so 3.5/5 lang ang banyo niya for me :p



It really is just a small space tapos wala pang windows yung nakuha namin pero we don't mind. On average, we only spend 8 hours inside a hotel room - max na yun kasi lagi kaming nage-explore.





It was around 3AM when we decided that we want to explore the area and look for 24-hour restaurants. I actually stopped to take a photo of the streets of Taipei at night pero pag zoom ko sa photo...

Ito nakita ko, haha! Siyempre umorder kami :D


Sinubukan namin yung pork buns for NTD 30. Malaki-laki siya sa mga jumbo siopao ng Chowking. Hindi ko napicturan pero para siyang masarap na bola-bola na may SABAW! Yep. Parang malaking Xiao Long Bao (XLB) kaya ingat kayo sa pagkagat kasi mainit yung sabaw na bumubulwak pagkagat :D Kung nakakain na kayo sa SuZhou sa Malate, kalasang-kalasa ng XLB nila, pinalaki lang :D



Dito ni manong ginagawa yung mga buns sa labas, yum :D

Naghati lang kami ni Blanca dun sa siopao so pumunta kami dun sa next stall na katabi niya. May mga kumakaing lasing so ibig sabihin, okay na comfort food siguro ito pampahulas

Pagdating namin sa harap, pwede kang pumili ng mga cold cuts

Tapos pipili ka kung anong klaseng noodles at kung gusto mo may dumpling

Nakakaintindi ako ng konting Mandarin but I've learned the hard way na kapag pala nagtry ka mag Mandarin dito na alam naman siguro nilang basic lang alam ko dahil sa pagkakasabi ko, babalikan ka nila ng mabilis at dire-diretsong salita na tipong para kang kino-combo ni Wolverine sa Marvel Vs Capcom Arcade na wala ka nang magawa hanggang sa maubusan ng buhay, haha! So ang ginawa namin, nagturo-turo technique na lang kami, haha!

Heto ang naging resulta ng turo-turo namin

Sausage na may tea egg - okay lang, savory (naks, pero ganito lasa ng mga pagkain dito)

Yung soup niya, hindi naman malasang malasa pero "malinis" ang lasa, hindi yung para kang masusuka sa vetsin, tapos yung dumplings niya, parang molo dito sa atin. The noodles were good and al dente, though kaya okay na din naman ako sa first proper meal namin in Taipei. Pero, hindi ko na ito babalikan kung pumunta uli kami ng Taipei :D

For desserts, dahil wala kaming makitang open na dessert shop sa paligid na bukas pa, pumunta kami sa malapit na convenience store at nakakita kami nito...

Kinder Maxi :) Mas mura siya kasi wala nang kaartehan na laruan at puro milky chocolate goodness lang. Saraaaaap!


Kinabukasan, gusto niyang terno daw kami ng suot, siyempre pinagbigyan ko na at wala rin naman akong magagawa kung papalag ako :D


Naglakad-lakad kami around Ximending at may pakay kaming kainan na mainam daw for breakfast...

Ang Ay-Chung Flour Rice Noodles 阿宗麵線

Medyo nakaka-intimidate lang yung pila dahil mahaba talaga


Pero kita mong enjoy na enjoy ang mga tao habang kinakain, kahit nakatayo!

Nakakatuwa lang na may disiplina ang mga tao na itapon ang tira sa isang bucket bago itapon sa basurahan yung cups :)
Heto ang opening hours nila para sa mga nagbabalak pumunta, and trust me, this is worth it.

Small lang inorder namin for NTD 50 at naghati pa kami dun kasi marami pa kaming balak kainin :)


I must admit, nung unang tikim ko, sa loob-loob ko, masarap siya pero ganito din naman yung misua dito sa Pinas, mas malasa pa nga kako yung sa atin.

Sabay nakita ko yung mga tao, pagkakuha ng order, dito dumidiretso at kumukuha ng tig 2 scoops ng bawat isa. Siyempre nakigaya na din ako... Aba, ay nag-ibang level yung sarap ng kinakain namin nung malagyan ng condiments, haha! From OK lang to masarap, real quick!

Babalik uli kami dito kung palaring makapunta uli :D

Matapos ang isang swabe almusal, naghanap kami ng maayos na maiinom at buti na lang, near Ay-Chung, merong beverage shop na nagse-serve ng fresh fruit juices :)

Kinuha namin yung Sunrise for NTD 70, Orange juice na may Butterfly Pea + Kumquat daw ito na pareho naming hindi pa naririnig before, haha! Lasang fresh orange juice naman mostly so refreshing siya.

After breakfast, namasyal muna kami para magpagutom. Pinuntahan namin ang MOCA Taipei. What's up, mga ka-DDS?! Joke lang :) Museum Of Contemporary Arts


Meron silang mga lockers na maaaring pagiwanan ng mga bag habang naglilibot sa museum

Hindi siguro talaga ako artistic na tao kasi hindi ko nagets itong paa na ito e
Tsaka itong mga nakakalat na yarn...
Pero itong mga empty cartons ng cereals, atbp., na-appreciate ko, haha!

Ang kulit ni kuya sa kahon e, walang energy gap!

Iba't-iba pa ang mga trip ng tao dito, puwede kang humiga sa dayami at manuod sa screen na kunwari ay window na kita ang stars...

... o mag-pretend na naa-appreciate mo sa pamamagitan ng pag stand still for a couple of minutes gaya ng misis ko

Maging sa labas ng MOCA, malapit sa train station, may mga art installation na nakaaliw tingnan :)


After MOCA, next stop namin ay ang Confucius Temple. On our way, nakita namin itong stall na ito na may bagong batch ng steamed buns a.k.a. siopao

Lasang SuZhou uli PERO ang liit ng laman sa loob nito, hindi kagaya dun sa unang kinainan. Hindi ko na uli kakainan ito :s




Nagulat kami na wala masyadong tao kaya nakapag-picture kami ng maayos sa iba't-ibang sulok :)



After namin mag-pagutom sa Temple, on our way to Yuanshan Park, nakita namin itong Milk Houses kung saan meron silang well-loved pineapple cakes.
Marami silang iba pang tinapay so sumubok din kami ng iba to see how good they are in making breads. We had this milk bread for NTD 45

And cheesecake, also for NTD 45

Kinuha namin yung pineapple cake with egg yolk for NTD 38


for the cheesecake, yung quality niya parang sa mga Coffee Bean o Starbucks dito sa Pinas pero around 70 pesos lang papatak! Amazing! Sulit dessert!

Itong isa, sa itsura, parang powdered milk yung naka-coat, pero cream pala, ewk! Si Blanca type yung ganito pero ako hindi :s

Pabllog yung pineapple cake nila at kaiba kumpara sa nakasanayang ipang-pasalubong na Chia Te.

Gusto ko rin ito at para sa akin, magkasing sarap naman sila ng Chia Te. Next time, ito na din pampasalubong ko, maiba lang :D

pagdating namin sa Yuanshan park, nakakatuwa, ang daming tao na nagpi-picnic!

Bukod sa mga food stalls, may mga kakaiba din ang ino-offer, gaya nito na para kang tatagain, Sisig-Hooray style! Form ata ng pagmamasahe ito pero mahirap na, baka mapagkamalan akong Lechon e bilhin ako per kilo :))





After namin maglibot at manuod ng mga tao, nakipila ako kung saan may pinagkakaguluhan at common na kinakain.

Ito yun, Sausage! Throughout this trip, mapapansing marami akong nakaing sausage. Madalas masarap, isang beses lang ata ako nakakain ng semi-sablay. Pero itong nasa Yuanshan park, okay itong snack, masarap!

Matapos sa park...

Okay, sa first day palang, natagpuan na namin ang pinaka-must-not-miss restaurant dito sa Taipei. Ang Jin Feng!




Mahaba ang pila at hindi kalinisan ang lugar pero pusanggala, sobrang solid nito! Masarap na ubod ng mura!


Itong first time namin (will explain later), medium size braised pork rice lang inorder namin, tig-isa. Wrong move! I suggest get the Large one kasi maliit lang naman serving, mura lang, at kayang-kaya ubusin.

Okay din as sides ang kangkong...
braised egg
at extra pork belly
Kumbaga sa banda, ito ang Eraseheads. Silang apat, perfect together! Talagang yanung sarap at lambot nung karne, maging nung pork shreds o nung belly. Tapos yung taba-taba na kasama dun sa rice..... ahhhh yanung linamnam e...
Ultimo itlog nila, napakalaki ng pula.... Super Swabe Dinner!


After ng early dinner, tumungo naman kami sa Shi Lin Market. Dahil Saturday, suskopo, yanung daming tao!

Dahil wala pa kaming maisip na dessert, sinubukan muna namin itong Kinder na may cereals... grabe naadik ako dito kasi nababalanse nung cereals yung tamis. Perfect pasalubong ito at nagkalat lang sa mga 7 Eleven ito. My favorite treat for this trip!



Medyo mahirap maglibot dito sa Shi Lin market dahil OA sa dami ng tao.

Ito na yata ang pinaka-so-so na nakain kong sausage pero still, masarap pa din kahit papaano
may fresh garlic siya na hindi naman gaano nakakatulong sa flavor unless kagatin mo ng solid. Mao-overpower nga lang yung lasa ng sausage kaya hindi ko maipapayo. You can find better sausages elsewhere.

Nakakita din kami nung Pepper Buns na sikat na sikat sa mga tip. Itong version na ito sa Shi Lin market, tandaan ninyo yung wrapper ha... iwasan! Suskopo yanung kunat nung tinapay tapos ang pangit ng texture nung karne sa loob. Parang hilaw dahil medyo slimy, ih-ih! Not for me.


Sa paglalakad, nakita namin itong electric bike shop.
Ang ganda!!!
Too bad wala sa pinas nito hehe(feeling may pambili)

Nung nagutom na uli kami mula sa paglilibot, pinuntahan na namin yung may pinakamahabang pila...
Itong chicken chop stand na ito



For NTD 70, worth it naman siya. Actually, nung natikman ko ito, natuwa ako kasi nasarapan naman ako talaga. Pero sa mga susunod na araw, matatagpuan ko pala ang the best! Pero still, okay din i-try ito :D Medyo may lutong naman pero definitely juicy and savory!


After a long day, sumakay na kami sa bus stand na ito kung saan dumadaan ang 310 bus papunta sa stop malapit sa Hotel :)


What a first day! I'll update this entry once the 2nd day is up :D

Sa uulitin,
Chewy

No comments:

Post a Comment