WARNING: Ang series of posts na ito ay heavy on images pero
may mapupulot naman kayong tips at mga masarap at hindi masarap na
kainan/pagkain. Kaya maraming pictures ay dahil karamihan ay hindi ko
maisulat ang address kaya sa itsura na lang ibase :p As always, click on
the photos for a larger view
Day 2 - Arashiyama, Kinkaku-Ji Temple, Dotonbori
The first day was an intense walk-a-thon and this day was no different. After a good night's rest, we packed our things and left Demachiyanagi station for Kyoto station
mahirap mag-travel kasama ang aming mga maleta so upon exit sa Kyoto Station, we rented these lockers that could fit 1 huge luggage plus space for a hand-carry for 700 jpy.
TIP: litratuhan ang number ng locker, ng lugar kung saan ang mga dinaanan mo papuntang locker, gaya ng nasa taas na mga larawan, at hangga't maaari, a landmark near your locker room kasi pareho-pareho sila at baka maligaw o matagalan kayo paghahanap :D
In our case, itong restaurant na ito ang malapit
At dahil nasa tapat na din lang kami, dito na kami nag-almusal
Their curry dishes were decent, hindi sobrang panalo pero puwede na pantawid-gutom. Okay na din yung katsudon pero kung hindi pa naman kayo gutom na gutom, hanap na lang kayo ng iba, baka maka-chamba ng mas masarap :D
Matapos kumain, we headed for our first tourist destination for the day, yung Arashiyama Bamboo Forest
It was about a 10-minute walk from the Arashiyama station and it would help kung gamit niyo yung Google Maps while walking, OR ask the cashier from Lawsom convenience store for directions :)
May mga places sa loob para magpahinga o magmuni-muni gaya ng mga bench na ganito bago pumasok sa Bamboo Forest
Pag dating mo sa loob, hindi ka na makakapagpahinga at mababaliw ka na kakakuha ng litrato sa ganda, haha!
Tinaon namin na pumunta ng Monday sa lugar na ito para hindi pa ganun kadami ang tao at makakuha kayo ng cliche na picture gaya nito :D
Ang landi, ano? :p
Sa labas ng Bamboo Forest, maraming makikitang food stalls. Dahil busog pa naman kami kahit paano, nag ice cream na lang ako
tinikman ko yung halo ng Chestnut at Matcha na ice cream, ih ih, quality! Highly-recommended. Paglakad pa namin, may nakita pa nga ako Sakura flavor, kaso walang gusto magtry sa mga kasamahan ko, hindi ko tuloy natikman, sayang!
Pagkatapos namin sa Bamboo forest, nag-train na uli kami papunta naman sa Kinkaku-ji para makita yung Golden Pavilion. Sabi sa ibang blog, puwede na daw i-skip ito
Hello?! Araw-araw ba kayong nakakakita ng nanginginang na kulay gintong bahay?! Ako, natuwa ako at masasabi kong kung hindi kayo miyembro ng Alta Sociedad at nakaka-travel lang kayo kapag sale kagaya ko, puntahan niyo na ito, haha! Nanginginang o!
kahit lunes, medyo maraming tao kaya maghanda kayo ng pasensya bago makapag-palitrato ng maayos dun sa Golden Pavilion :)
Sa labas nung Kinkaku-ji, meron kaming nakitang nagtitinda ng "Kyoto-Style" Pizza
Sinubukan namin yung best-seller na green onion and duck meat
maliit siyang pizza for 550 jpy pero masarap talaga siya, malutong, manipis, masarap yung cheese, at napakalasa nung duck meat! Wala akong nakita na ibang nagtitinda nito kaya a must-try kung maabutan niyo ito :)
Pagkabalik namin sa Kyoto Station, nag-explore muna kami ng mga tindahan kasi parang mall na yung station na ito
Nakita namin itong tinapay na ito sa MUJI, nakaka-adik! Hindi kasi gaano matamis :)
Pino yung cake at tamang-tama lang tamis nung glaze, pasalubungan niyo ako nito, haha!
Pumunta kami sa pinakatuktok nung station at nakakatuwa dahil may sobrang taas na hagdan! Takot na takot si Blanca dito kasi malululain siya e, pero kinaya naman niyang ngumiti pa din :)
Gutom na gutom na kami at dito kami nauwi na cafe ng Mister Donut
Meron silang ramen
at hotdogs
at dahil gutom na gutom na kami, pinatulan na namin
Ih ih, kung hindi lang kami gutom na gutom na at wala nang ibang makainan na hindi mahal, hindi na namin pinatos ito. Sa Kyoto Station, maraming restaurants pero OA naman masyado sa presyo. Ang konti pa ng mga nakain so hindi kami kumbinsido kung worth it gastusan. Itong hotdog na ito, iyaaah, sayang pera.
Heto, literal na mabo tofu na nilagyan ng ramen. Nag-enjoy ako dito, actually, haha! Ito lang ang oorderin ko dito kung babalik ako.
Hetong ramen na ito, mas okay pa mag-instant
Itong isa na spicy, okay lang siya dahil maanghang pero kalasa na din nung nabibili na Korean Shin noodles na mahalang kaya yun na lang, mas mura pa :))
Itong donut na ito ang madami ang bumibili. Sinubukan namin, ang weird, parang makunat na kelangan mo muna nguyain ng 8 times bago lunukin. Hindi kami ang target market
Pagkakain namin, kinuha na namin yung mga bagahe namin sa locker at tumungo na sa Osaka station. Medyo mahaba din ang byahe kaya pagkalabas namin ng tren, naghanap kami ng dessert (palusot para lumamon)
Ang sarap ng waffles sa store na ito sa station!
Mas nagustuhan namin yung choco-strawberry :)
Ang kulit pa ng logo, statue ng bata na umiihi, haha! Highly-recommended!
Nakakita din kami ng Pablo. Dahil usually mahaba ang pila dito at nung nandun kami, hindi gaano mahaba, sinubukan na rin namin (palusot uli)
Ito yung inorder namin at ang recommended ng karamihan, medium rare daw ang orderin
Masunurin ako kaya sige lang :)
Nang matikman namin, ih ih, wala lang! Sayang ang pera ay! Buti na lang hindi ako gaano pumila ng matagal para dito. Isipin mo, diba yung white na part ng braso de mercedes, yung walang lasang part? Ayun, ganun ito, lagyan mo lang ng konting hint ng japanese cheesecake na lasa, yun na! Hindi na uli ako pipila para dito. Yanu.
Tumungo na kami sa aming tutuluyan. Hindi naman siya kalayuan sa Osaka station PERO, ang daming dadaanang hagdan lang at kung mabigat ang maleta niyo, tablado kayo pagbaba at pagakyat ng maleta. Malinis naman siya at kumpleto ang gamit. Kaya lang, hindi ko gusto ang kalbaryo ng pagbuhat ng mabibigat na gamit sa hagdan :p Buti na lang, may elevator naman yun building.
Matapos namin magpahinga ng kaunti at magpagutom, sakay na uli kami ng train papuntang Dotonbori
Malapit sa station exit sa Dotonbori, ito agad ang bumungad!
For 280 jpy, anim na pirasong Gyoza, good deal na diba? Sige, bili kami ng matikman
Aba ay masarap a, juicy ang karne, malutong yung wrapper, tamang tama yung luya, panalo! Kahit walang sauce :) Rekomendado!
Kahit Lunes, medyo maraming tao sa lugar na ito, locals at tourists.
Siyempre, cliche picture kasama ng malaking crab :)
Nakakabuang dito kung alin ang uunahing kainan...
Nabuang na nga si Blanca o, haha!
Dahil maraming pila sa harap nitong malaking Gyoza, nakipila na din kami
Honestly, kalasa lang din nung nauna, kaya dun na lang kayo, mas less pa ang pila :D
Diretso uli kami sa paglakad. Nakita namin itong lugar na ito na may pila sa harap, at maraming napasok sa loob
Good sign! Pumasok kami at tiningnan kung ano nasa loob
Okonomiyaki place pala siya na sikat dito. Inorder namin yung number 1 and 2 nila
isang may seafood, isang may pork. Honestly, hindi ko na alam, alin ang alin kasi magkamukha sila e, pero pareho namang masarap. May grill sa harap at dun ninyo paghahatian
Masarap siya at hindi malabsak. Siguro marami pang iba na ganito din ang quality pero dito pa lang okay na at hindi ka na mapapahiya kaya I'd recommend this place :)
Pagkatapos kumain, naglakad-lakad pa uli kami for desserts dapat... E nakita ko itong pinipilahan na ito...
Si kuya, parang enjoy na enjoy siya sa pagluluto niya at alam mong parang mahal niya ang ginagawa niya. Natuwa ako at nakipila na din kahit dessert ang hanap ko (palusot)
Umorder ako ng scallops. Nakaka-intriga kasi na nasa grill na, tino-torch pa niyang maigi yung shell hanggang kumulo yung juices...
ayyyyy swabeng-swabe! HIghly-recommended!
Ang sarap nung meat... yung tipong pagkakain mo ng piraso ng meat, hihigop kang konti nung sabaw... iyaaah... Pagkaubos, hihigupin pa panaid yung sabaw, sulit na sulit!
Diretso uli kami sa paglalakad at nakita ko itong creme brulee truck na ito.
Mukhang inosente ano? Pero ang sarap din nito! Rekomendado! Hotel/Restaurant quality sa murang halaga :D
Hetong litratong ito, kung mapapansin, hindi na ganun karami ang tao sa tulay na ito. 11PM na yan. Importante itong kwentong ito sa araw na ito.
Nung nandito kami, pauwi na sana kami e, kaso may nakita kaming Don Quijote malapit mismo dito sa tulay... Sa kagustuhan naming makatipid sa mga pampasalubong at naisip namin, maaga pa naman, namili na kami. Sobrang daming tao. Aliw na aliw naman kami kasi ang dami naming napamili, at may mga murang mga sapatos, heat packs, tsokolate, atbp. Tapos, pag umabot pa ng 10,000 yen, tax free pa so mababawasan pa presyo (as long as hindi mo siya bubuksan at gagamitin inside Japan)! Tuwang-tuwa kami at nakipila talaga kami. In short, nawili kami at hindi namalayan ang oras.
Pasado alas-dose na ng kami ay natapos at pagdating namin sa train station... ayun, sarado na.
Wala na ring bus...
Napilitan kami mag-taxi...
10km away yun. Parang DLSU Taft papuntang BGC ang layo. Sa loob-loob namin, hindi naman siguro ganito kamahal.
Walanjo... 3,500 yen inabot! Ewan kung nag-iiba presyo ng metro nila pag late na. Around Php 1,400! Ang masaklap, humingi pa ng extra 200 yen dahil 5 daw kami, apat lang ang maximum na pasahero e... yung na-save namin sa tax, dito lang sa taxi napunta, abonado pa, kainaman na!
TIP: Para sigurado, mga 11:20 PM, sakay na kayo ng tren pauwi. Hanggang 11:50 lang yung tren dun sa amin, i-check ng maige ang schedule ng byahe sa lugar ninyo :)
It was a tiring day that left an important lesson para sa amin, haha! Nag-enjoy naman kami kaya okay na din :) Check out our third day for more food and some tourist attractions.
Sa uulitin,
Chewy
No comments:
Post a Comment