Tuesday, March 27, 2012

From Canon 40D to Canon G1X ... Downgrade? No, Silly!

Many would consider my shift from a DSLR to a point and shoot camera to be a downgrade of equipment. True kung titingnan mo ay ang capability na mapalitan ng iba't-ibang lens, pero sa ibang aspeto, lamang actually ang G1X sa outdated na dati kong DSLR na 40D. Paano ko nasabi?

Last weekend, I didn't get the chance to test the G1X as much as I planned to BUT... I did enough real world tests - enough for this camera to make me fall in love with it even more :D


**the following pictures are straight out of the camera JPEGs - no edit. (ewan lang kung gaano mareresize pag-upload dito sa blog) click images to enlarge


Sa list ko ng gusto ko sa camera, nabanggit ko ang:

* dapat may pup-up flash AT external flash hot shoe

 heto muna ang example ng naka Auto na walang flash
dahil uso ang paggamit ng salitang peg:
Huwaw, picture-picture sa boni-high, day-off lang ang peg :) 
(I apologize kung mali ang paggamit ng peg o kung may nainsulto, joke lang)

Mabalik tayo sa larawan, makikitang madilim ang paligid pero kahit papaano eh matino ang imahe at malinis siya kung tutuusin for an ISO 1600 image. Not bad :) Kung sa 40D ito dati, ISO 800 pa lang ang sahol na ng noise ng JPEG at konting improvement lang kung RAW.

Tingnan naman natin kapag may pop up flash na ginamit
honestly, hindi ako fan ng Flash na direktang nasa harap ng subject kasi "nasusunog" o namumuti ang subjects. Dito (ISO 800), in fairness, hindi nagmukhang multo si Siobe (leftmost), at si Blanca ay magandang kayumanggi pa din ang kulay. Parang Tweetie De Leon lang eh o haha! So para sakin, tama lang ang timpla ng flash ng G1X, ewan ko lang para sa mga professional photographers pero sa akin ay gagamitin ko na rin ito pag kinakailangan.

So heto na ang talagang habol ko sa G1X, external flash hot shoe. Unang subok ko, nag-set muna ako sa ISO 100 para sa cleanest image possible, tapos f2.8 para maraming liwanag ang macapture, tapos 1/320 ang shutter speed - kaya ganito kabilis ay dahil dati sa 40D, 1/250 pa lang, minsan  "nasasaraduhan" na ang part ng image at 1/180 lang dapat, so tiningnan ko ang mas mabilis kung kaya.

Unang tira.... BANG!








 Hanep, walang blacked out na part! Medyo over exposed lang yung background pero masaya ako sa exposure ng subject ko sa unang bitaw :D Sinubukan kong 1/400 ang shutter speed para "patayin" ang background kaso hindi na kaya ang bilis, black lang lumabas haha! But still, masaya ako sa unang image ko. 1/320 ay malaking advantage sa bilis over 1/180. Kung makikita, may mga part na out of focus kasi kaunti lang ang depth of field dahil f2.8 ang gamit ko.

Second test: f5 para mas maraming sharp na part, 1/320 pa din ang bilis, ISO 400 para macompensate yung pag adjust ko ng Aperture.

Bang!
Woot! Malinis pa rin siya at kita yung details ng leather strap, camera body at lens at mga hibla hibla nito :)

So with the same settings, sinbukuan kong i-tilt yung camera para makita kung gaano kadaming level of details ang macacapture nito.
wooot! Kita yung details ng lens, details at serial number sa ilalim. Noice! Next time, kukuha na ako ng mauuto  kaibigan/kamag-anak na model para maging subject ko. (actually kinunan ko na ang sarili ko pero grabe, sobrang kita ang details ng baku-bako kong mukha na kita mo yung blackheads ko na nakatambay sa pores haha) So excited na ako :p

Sinubukan ko din last weekend kumuha ng mga food shots kung ano ang magagawa ko without external flash sa restaurants at gamitin lang ang available light. Ginamit ko din ng mga naka auto lang (kasi most of the time gutom na ako at gusto ko ng kainin kesa kunan ng litrato). Here are some of them:

well-lighted restaurant - CPK

 dimly lit - Cafe Breton

 outdoor park at night - Greenbelt
 long exposure - ISO 100 -f5.6 - 15 sec.
 in fairness sharp karamihan sa image at f5.6, will try f16 next time :)

outdoor seats - Happy Lemon BGC
 outdoor, group shot, handheld, auto - Happy Lemon BGC

Sa mga susunod na araw, may mga nakaplano akong puntahang iba't-ibang lugar. Excited na akong dalhin ang camera na ito para masubukan pa sa iba't-ibang sitwasyon. 

So kung pagod ka na magbitbit ng maraming lens ng SLR mo, hindi ka naman propesyonal na maniniyot, at camera na maganda ang image quality lang habol mo, wag ka nang magpakahirap at heto na ang camera na para sa iyo! :D


Can't wait to do more tests with the G1X, lalo na sa off-cam lighting at RAW :D
Sa uulitin,
Chewy

Thursday, March 22, 2012

Canon S100 and Canon G1X Comparison - Digic 5 Processors

Yesterday, I wrote about how I miss having a real camera to take with me whenever I go out of town or when I go out to try new restaurants. Today, my suki hooked me up with a Canon G1X and a Canon S100. The G1X is for me and the S100 is for my mom who is currently using my Lumix LX3 - para mabalik na niya sakin haha!



When I checked the specs of this Canon S100, may laban siya sa G1X kung sa pagiging sulit sa features ang usapan. Tiningnan ko sa Snapsort at Tied sila sa points :) 

So kanina, kumain kami nina Blanca, Bea, at Tanimfa sa BoTan at dun ko naisipan subukan ang dalawang camera na pareho ng processor at magkaiba ng laki ng sensor. Kumuha ako ng naka auto white balance at auto ISO para tingnan natin kung pareho ba sila mag calculate kapag naka auto settings ang camera - na aminin natin, karamihan naman talaga ng sitwasyon eh naka Auto lang talaga tayo pag nag-pipicture. kung hindi, ikaw na :)

So here's the first subject: Hot Passion Fruit Black Tea (click image to enlarge)

S100
f/2 ; 1/30 sec. ; ISO 500


G1X
f/2.8 ; 1/30 sec. ; ISO 800

In fairness, sa straight out of the camera jpeg, magkakulay sila at pareho magtimpla yung processor na 1/30 sec. kinalabasan. Dahil f2.0 ang max aperture ng s100, mas kaya nito na lower ISO - sa G1X, na-compensate yung 1-stop ng aperture by bumping up the ISO to 800. Malinis sila pareho diba? :) Galing! Pero san nga ba nagkatalo at ano ang advantage ng mas malaking sensor kung ganon?  Yan ang tanong ko sa sarili ko. So tiningnan ko yung 100% crop nila.

click to enlarge

If you'll take a look, the difference is in the details. In the G1X side of the photo, you can clearly see the outline of the teapot. Pati mga pawis-pawis dun sa spout. Sa S100 side, medyo hindi na ganun ka-clear yung details (although, the f/2.0 vs f/2.8 could be the reason), pero kung hindi ka naman magpriprint ng malaki at facebook lang naman ang pinakamalaking lalabasan ng pictures, the S100 is more than enough :) Pwedeng-pwede na kay Mama ito hehe!

Here's another example, Subject: my favorite, Thick Cut Toast Strawberry/Butter Biscuit

S100
f/2 ; 1/30 sec. ; ISO 400

G1X
f/2.8 ; 1/60 sec. ; ISO 1600 

Again, kapag maliit lang ang image, almost hindi na makita diperensya nila! Pag in-enlarge na lang at naka zoom to 100% makikita ang difference. But still, kudos to the S100! Nakakasabay siya. In these test shots, may nakakuha ng attention ko, yung G1X naka ISO 1600! Ang malupit nun, ang linis! Pwede mo siyang i-compare dun sa ISO 400 ng S100 sa linis when it comes to noise..... NOICE! So heto na talaga ang camera para sa akin! Low-light, kaya ng high ISO at konti lang ang noise :D

S100 = bagay talaga sa nanay ko
G1X = bagay talaga sa akin

I'm glad hindi ako nagkamali sa pagpili ng camera. I will do more tests with the S100 and G1X and I might even compare it with the 550D and 50D haha tapang!

Wednesday, March 21, 2012

I miss...

a lot of things, isa sa namiss ko ay... writing entries for this blog! In less than 2 weeks, tapos na ang 1st quarter ng 2012 at dire-diretso na ang dating ng mga insertion orders from ad agencies, samahan pa ng mga nakakabaliw na discrepancy issues = hellabusy. Alam kong konti lang ang makakaintindi sa mga nasabi ko but I know you all get the point ;)

Something positive to look forward to is 17 days na lang, tapos na ang Lenten season! Kasabay ng pag-celebrate ng resurrection ni Jesus ay ang pagtatapos ng sacrifices for this season. Hooray! Heto ang mga ginive-up ko at namimiss ko:
* Chocolates - isa pa man din sa pinaka-paborito kong kainin ito


* Chicken - nakakamiss ang hot and crispy KFC, Manang's, McDo Chicken Nuggets, Chickenjoy atbp.



* Pork - bawal ang Crispy Dinuguan ng Chibugan Republik, Lechon, Sisig, Bacon, Inihaw na Spareribs, Siomai ng Wai Ying :s




* Beef - oooohhh bukod sa Pares, namimiss ko nang kumain ng Beef Gyudon, Burgers, at Steak!




* Ice Cream - lalo pa kung kelan nagkalat na ang Magnum sa Pilipinas. Torture!

* Rice - bagoong rice... :`(

*** Alcohol - hindi naman talaga ako mahilig uminom pero minsan nakakahiya din masabihan ng walang pakisama sa isang inuman haha


Ang mga bagay na ito, medyo mahirap i-give up lahat pero dahil ilang taon ko na din ginagawa ito, medyo mas gumagaan each year. Kung may isa akong bagay na namimiss ng sobra, yun ay ang kumuha ng larawan...

Binuksan ko uli ang aking Flickr account at ang last upload - May 18, 2011... birthday pa ni Blanca last year yun! Around that time, lumalaki ang gastos at kailangan na puhunan para sa Chibugan at sadly, I had to let my camera go... Hindi naman ako propesyonal na maniniyot o photographer pero mahilig lang talaga ako kumuha ng imahe ng mga bagay-bagay at pangyayari, para na rin siguro mas enjoy ang pag-reminisce ng mga moments habang nakikita ang larawan nito.

Nung nawalan ako ng 40d, natira na lang sa akin ay ang LX3. Okay naman yung kalidad ng larawan ng LX3, yun nga lang, sa dali nito gamitin at maganda ang mga larawang lumalabas, nainlove dito ang nanay ko at siya na ang gumagamit. Kumuha kami ng Sony TX-5 para pambakasyon na camera dahil waterproof at freeze-proof ito. Pero dahil sobrang automatic lahat ng features nito, hindi ako nag-enjoy gamitin at sa totoo lang, hindi din ganun kaganda ang image quality lalo na pag madilim :(

Tuwing lumalabas kami ni Blanca at kumakain sa restaurant o pumupunta sa isang lugar, napansin ko na ganadong-ganado ako kapag yung dslr o yung LX3 ang gamit ko. Mas nakakatakam kasi tingnan ang pagkain kapag maganda ang kuha. Dahil wala na nga yung 40d at LX3 sa akin, iPhone na lang ang gamit ko lagi pangkuha ng larawan ng mga pagkain at ngayon nagsasawa na ako gamitin ito dahil sa isang madilim na restaurant, ang hirap kumuha ng picture ng pagkain na hindi blurred o may detalye na enough para magmukhang masarap... dun ko na-realize, kailangan ko na kumuha ng bagong camera!

Sa paghahanap ko ng camerang babagay sa akin, naglista ako ng mga pangangailangan ko (geek alert!):
* dapat mahusay kumuha sa low-light situations - kailangan ko ng mahusay kumuha sa dilim na wala/kaunti lang ang "noise"
* dapat compact - may mga lenses pa akong natitira kaya naisip ko mag DSLR na lang uli, kaso naalala ko na dahil agaw pansin ang dslr kasi malaki, mukhang tanga lang minsan dahil feeling pro ang dating ko malamang sa karamihang nakakakita sa akin kahit ang hinahangad ko lang ay makakuha ng magandang larawan. Isa pa, mabigat na rin sa leeg kapag may wide angle lens ang dslr kaya kelangan ko ng maliit at magaan.
* dapat may pup-up flash AT external flash hot shoe - oo nga't hinahanap ko ay magaling kumuha ng litrato sa dilim, pero siyempre, gusto ko din naman ng maaari kong gamitin kapag wala talagang available na ilaw at ang pinaka-importante, magagamit ko ang triggers at external flash ko para sa off-cam lighting kapag kumukuha ng tao, produkto, o pagkain.

* dapat may Manual Mode at Manual Focus - isa sa mga hilig kong kunan ay ang dagat lalo na kapag hibas  (low-tide) pa lang dahil labas ang mga bato at kaunti pa lang ang tubig. Siyempre gusto kong ma-control ang itsura ng tubig sa picture kaya importante ang pagcontrol sa bilis ng shutter-speed.

* dapat kayang kumuha ng RAW - malaking bagay ang RAW file para sa akin dahil sa lightroom, na digital darkroom kung ituring, ako nage-edit at nagaayos ng kulay ng larawan.

at last but not the least

* dapat malawak ang range ng zoom - ang gusto ko sana ay yung wide enough para makakuha ng maraming elements pag nag-landscape o seascape photos ako, at yung kaya din yung malayong subjects gaya ng mga hayop sa zoo, ibon sa mga puno/lumilipad, at chicks sa beach. Siyempre joke lang yung huling nabanggit. Hirap kasi noon sa slr, iba-iba ang lens depende sa situation. I know maraming DSLR owners na marunong ang magsasabing, for portrait, you'll need this lens. for seascapes, this is the best lens. there's no such thing as a lens that can do it all. Sige kayo na lang :)

So base sa mga nabanggit kong features na gusto ko sa isang camera, mayroon akong nakitang parang ginawa ayon sa aking pangangailangan... ang Canon G1X :D

*galing dito ang larawan


Ayon sa DPreview

Canon G1 X specification highlights

  • 14MP 1.5" CMOS sensor (18.7 x 14mm)
  • 28-112mm F2.8-5.8 lens
  • Optical viewfinder
  • ISO 100-12,800
  • 3.0", 920,000 dot swivelling LCD
  • Extensive manual control
  • 14-bit Raw shooting
  • 4.5fps continuous shooting (up to 6 frames)
  • 6.8Wh NB-10L battery rated at 250 shots (CIPA standard)
PUWEEEEDEEEEEEEE

Bagama't sa presyo niya, makakabili ka na ng Canon 600D na slr (may sukli pa), which is an upgrade sa dati ko, sa tingin ko, kahit namimiss ko ang slr, mas nanalo ang katamaran kong magbitbit ng slr sa leeg at slr bag sa balikat (na laman ay mga lente). May mga DSLR pa din naman ang mga kapatid ko sa hihiramin ko na lang kung sakali mang mamiss ko :D so heto ang nanalo! 

Hopefully makakuha ako ng unit as soon as possible para abot sa Holy Week Vacation ng family :) At pag puwede na uli ako kumain ng mga namimiss ko ngayong Lent, ipo-post ko dito ang mga nakakatakam na pictures nila susubukan kong mag-post ng mas maayos na picture nila haha!

Wednesday, March 7, 2012

Uso ang Magnum!

Okay, so na-flood ang FB, Twitter, at Instagram feed ko about this Ice Cream na sobrang sarap daw. "Best Ice Cream ever!" sabi ng iba. Aaminin ko, sa loob-loob ko, ang OA ng mga tao...

Pero ayoko namang manghusga agad ng hindi ko pa natitikman, so sinubukan ko siya. Bumili kami sa 7-Eleven ng Almond Magnum sa halagang 60 pesos (mahal ha!)

 Nang matikman ko... MASARAP NGA!!! 
Lasang lasa yung almonds at yung chocolate na nakabalot, hindi lang basta-basta gaya ng nasa mga pinipig na medyo cheapetiks ang lasa. Lasyang sosyal siya! Kung baga sa tao, heto, anak-aircon!
Siguro maiisip mo rin ang OA ako, tikman mo na lang lalo na itong Almond na flavor, para malaman mo kung OA ba kami o hindi :) Highly recommended!