A couple of years ago, nung nagsulputan ang mga milk tea dito sa Manila, hindi ako ganun na-hook. Masarap naman sila pero kung papipiliin ako, dun pa din ako sa mga original milk tea/thai milk tea.
Wai Ying's Milk Tea Jelly will always have a special place in my heart. Sa mga classic milk teas, yan talaga number one ko. Pero nung matikman ko ang Gong Cha, napaibig ako sa froth/foam sa ibabaw, at mula noon, kapag may Tea shop na nago-offer ng Milk Tea na may foam, sinusubukan ko :D
Konti pa lang naman ang nasusubukan ko, Gong Cha, Bubble Tea, Happy Lemon, at Saint's Alp. Sa mga natikman ko, Saint's Alp ang pinaka nagustuhan ko. Siguro I'll make a list kapag nakahanap ako ng oras :)
Yesterday, pag-akyat ng officemate kong si Ms. Anna, may dala siyang menu ng bagong bukas na milk tea place sa likod ng West of Ayala (katabi ng office bldg. namin). Napansin kong may inooffer silang Sea Foam Green Tea, kaya naisip kong bigyan ng chance kanina :)
Hindi ganun kalaki yung sign nila pero enough to get noticed by passersby
Nasa basement siya so sa bababa ka sa stairs na katabi ng signage
malinis ang interiors niya, at hindi yung parang basta-bastang tea shops lang kaya dun pa lang, mukhang promising :D
Simple lang ang menu nila at hindi nakaka-overwhelm
From the menu, buti na lang, may mark ng "specialty" lahat ng sea foam, so yung pinunta ko dun ang isa sa best offerings :)
Sinubukan ko yung Sea Foam Winter Melon Tea P100
Nag take-out lang ako at nung matikman ko..... tumawag agad ako kay Blanca at sinabi ko na "nakahanap na ako ng kalevel ng Saint's Alp at magkaiba sila ng sarap!"
**Likas na matamis ang Wintermelon at naka default na ito na no added sugar. So kung gusto niyong hindi gaano matamis, pwede naman mag-request na bawasan yung wintermelon taste at mas on the tea side ang lasa :)
**Likas na matamis ang Wintermelon at naka default na ito na no added sugar. So kung gusto niyong hindi gaano matamis, pwede naman mag-request na bawasan yung wintermelon taste at mas on the tea side ang lasa :)
So after 2 hours.....
Tada! Bumalik ako kasama na si Blanca haha!
So heto inorder namin
Sea Foam Green Tea P100
Mas nagustuhan ko pa ito kesa dun sa una kong ininom kanina! Yung Wintermelon, medyo matamis at bagay yung alat ng foam (yung foam ng iba medyo matamis, heto alat ang nangingibabaw), hetong green tea, hindi siya ganun katamis at mabango sa bibig. I know for some people, hindi sila fan ng lasang bulaklak, pero heto, hint lang naman siya at gusto ko yung lasang bulaklak na sinasabi :D
Matamis for my taste kapag naka full yung sugar ang mga drinks, 50% lang kayo or 0 sugar kung hindi kayo mahilig sa masyadong matamis ;)
Taro Smoothie P130
Heto nagustuhan din namin, may Taro bits talaga yung drink, hindi sobrang tamis at may chunks ng taro sa ibabaw. Pero kung first time niyo, Sea Foam muna orderin ninyo :)
Chocolate & Peanut Butter Thick Cut Toast P70
Heto champs! Bagay siya sa hot coffee at hindi masyadong matamis. Winner!
Strawberry & Butter Biscuit Thick Cut Toast P70
Naintriga ako kung ano ba ang lasa ng Butter Biscuit, at napangiti ako nung natikman ko. Lasa siyang ButterCream crackers na binebenta sa bus! Yung nakakaadik, parang durog na ganun yung nasa ibabaw nung toast, galing! Tapos bagay siya dun sa strawberry jam! Isa pang winner!
Na-inlove kami ni Blanca sa resto na ito! Nakita namin yung sineserve sa ibang table, mukhang nakakatakam! Next time, rice meals at waffle naman orderin namin :)
Nagkaroon kami ng chance makausap ang punong-abala sa lugar na si Vivian at according to her, next week pa daw talaga makukumpleto yung menu kasi imported pa lahat ng pagkain at gamit nila from Taiwan (Taiwanese si Vivian). How cool is that?! Kalahi siya ni Jeremy Lin, haha! We will definitely go back for more at sana maraming tumangkilik ng restaurant na ito para tumagal siya at magkaroon ng maraming branches :) Highly recommended resto!
Cheers!
Chewy
BoTan Bubble Tea & Cafe
Basement 1, West of Ayala, Gil Puyat Ave.
(Entrance along Urban Ave.) Makati
(02) 8560142/8236888
Store Hours:
Mon-Sat
10:30AM to 10PM (last call 9:30PM)
Sunday - Closed
Calling all tea lovers!!!
ReplyDeleteThis new place Botan Bubble Tea House is a "MUST" to visit. Me and my family had the best bubble tea experienced ever, together with a great array of palatable snacks and meals that would surely make your "tummy happy." Its worth your money. TRY IT !!!
from: Monica Perez Co (Melvin G. Co)