Dahil sa abnormal na schedule namin ni Blanca, pag nakakita kami ng 24hr restos, pag ginutom talaga kami, pinapatos namin. Walang arte-arte kahit sa tabing kalsada lang ito. At dahil minsan nao-overpower ko ang comment ni Blanca na mukhang hindi promising, nakakakain at nakakadiskubre kami ng lugar na gaya nitong sa Sky Kitchen (former Abu-Sarap) :) Matatagpuan ito sa dulo ng San Marcelino street sa Malate sa part ng San Andres.
Lagi namin nadadaanan ito tuwing tanghali at lagi siyang puno at talagang sa sidewalk lang ang mga lamesa nila, pati mga lutuan. Ayon sa katiwalang si Mang Paking, hindi naman nila kelangan mag pack up ng mga gamit papasok sa loob pag magsasara dahil NEVER daw silang nagsasara, haha! Kahit Pasko, Holy Week, Eid'l fitr, o end of the world, bukas pa din sila kaya maasahan na restaurant ito.
Sa ilang beses na kumain kami dito, ang mairerekomenda ko ay ang pork BBQ nila hindi mo na maabutan sa gabi dahil mabilis maubos, ganun din ang inihaw na liempo. Pero pag gaya namin na gabi lang nakakapunta dito para kumain, may masasarap naman silang ulam sa turo-turo style nila na kahit iniinit lang pagka-order, swabe pa din - gaya nitong Chili Pork Ribs. Ang sarap ng sarsa nito at malambot ang karne :)
Kapag malamig ay umo-order din kami ng buto-buto dahil may mga gatil at litid ito pero kahit wala nito, namimigay naman sila ng free soup :)
Pero sa lahat ng mga pwedeng kainin dito, heto ang pinaka-STAR! Sizzling Sisig w/ egg! Heto yung sisig na hindi parang puro chicharon ha. Heto yung parang style sa amin sa Quezon sa Palaisdaan at sa Buddy's. Kasing sarap nila at ang panalo, hindi kasing mahal :D Around 60-70 pesos lang itong daming ito. Order ka lang ng kanin, kasyang-kasya na sa dalawang tao!
I dare say, this is the best bang for the buck Sisig in Manila! Talo pa ang Pepot's sa Taft cor. Malvar St. sa Malate :)
I dare say, this is the best bang for the buck Sisig in Manila! Talo pa ang Pepot's sa Taft cor. Malvar St. sa Malate :)
Sa tingin niyo mali ako? Subukan niyo muna :) Kapag may mas masarap kayong alam sa ganitong presyo, ilagay niyo lang sa comment at dadayuhin ko :D
Sa uulitin,
Chewy