Patapos na ang September at ngayon lang ako nagkaroon ng time para magsulat ng entry :s Sobrang daming trabaho at lalo pang bubuhos dahil papasok na ang Q4 ng taon; panahon na boom na boom ang advertising industry. At dahil lumalamig na ang panahon, kahit minsan tinotopak na sobrang init at nakakapagpa-resign sa deodorant, nais kong ibahagi ang isa sa lagi naming takbuhan ni Blanca kapag gusto namin ng pampainit na comfort food :) Ang Pat Pat's Kansi!
Ano nga ba ang kansi? Well, sa madaling sabi, bulalo na may asim at namis ang sabaw - Ilonggo style :) Swabe ang lasa nito at mahirap ikumpara sa bulalo dahil magkaiba sila ng pagka-swabe, haha! Masarap kumain dito lalo na kung maulan sa labas. Yun nga lang, pag maulan, asahan mong maraming tao dito at maghihintay ka muna bago makakuha ng lamesa.
simple lang at hindi nakakalito ang menu nila
Mapapansing dalawang klase ng pagpipilian ng Kansi, isa ay Bulalo, at isang Laman. Ang pinagkaiba lang nila, yung Bulalo ay may utak at konting laman, yung Laman ay bobo at puro laman lang talaga. At dahil lima kami nung kumain dito, inorder namin pareho. Pero kung kami lang ni Blanca, sa may utak lagi kami - cholesterol siyempre!
Don't worry, may tools sila panungkit ng utak kaya hindi kayo mahihirapan
Habang naghihintay, naghanda na ako ng sawsawan para sa inorder pa naming ibang ulam at panlagay sa sabaw
Suka, maraming-mraming sili, at konting toyo, solb!
hindi ganun kadami ang serving ng kanin nila... (wushoo... palusot lang dahil lagi kaming napapa extra-rice sa sarap!)
unang dumating ang isa sa lagi naming inoorder dito, ang Grilled Boneless Bangus nila. Walang arteng inihaw lang kasi at juicy yung laman na tipong bawat kagat ay kumakatas talaga dahil sariwa. Plus mataba yung tiyan part kaya paunahan kami sa pagkayod nito haha! Swabe sa sauce na ginagawa ko!
Ang isa pa sa lagi naming inoorder ay inihaw na liempo. Actually, maraming mas masarap na liempo kesa rito pero dahil masarap kumain ng masunogsunog na taba kasama ng kaning pinaliguan ng sabaw ng kansi... ih-ih! Yanung sarap ay! Swabeng-swabe!
Heto ang laman na order ng Kansi, masarap siya at talagang malambot ang karne. Yung tipong pag hinalo mo sa kanin kasama ng sabaw, magshre-shred yung laman :D
Pero.... kahit gaano kasarap yung laman (masarap talaga), mas mahal ko itong bulalo!
Nakikita niyo yung utak part? Solid yan! Malalim yan at talagang pag sinungkit o tinaktak, lampas isang bundok ng kutsara! Heto ang masarap na way magpaalam sa mundo! Tapos ang daming litid-litid na kasama... ahhhh heaven! Yung tipong pagkatapos kumuha ng "lahat" kukunin mo na yung butong part at ngangasabin na parang asong kumakain ng buto! Boooom!
Heto yung mga tipong utak na a part of it, dudurugin mo sa kanin kasama ng sabaw at konting karne, tapos pwede kang mag set aside ng malaking chunk pang finale o gaya ng term namin ni Blanca, tinatabi namin for dessert haha!
Kung hindi niyo pa nasusubukan, HIGHLY RECOMMENDED! Sarado nga lang sila pag Linggo pero sulit dayuhin, hindi kayo magsisisi :)
Pat-Pat's Kansi
8809 Sampaloc St. San Antonio Village, Makati
(medyo tago pero katabi lang ito ng Metrobank sa Kamagong St.)
(02) 8906179
Mon-Sat
10am-10pm
10am-10pm
Sa uulitin,
Chewy
No comments:
Post a Comment