Kapag pumunta kayo around lunch time, meron kayong maabutang nagbebenta sa loob ng restaurant ng Balul-balol. Gawa daw ito sa kalabasa at may pulot na coating. 6 pesos isa nito at masarap kainin habang naghihintay ng order. Paalala, nakakaadik to, hinay lang baka mabusog agad hehe!
Heto ang Menu nila (click to enlarge)
Ngayon ko lang naisip, at least once a month ata kami nakain ng family ko dito at heto lagi ang aming order. Literal na laging hetong mga ito ang order dahil ito talaga ang mga walang kupas na putahe nila :D Must-try, ika nga!
Siyempre, dahil Palaisdaan, hindi dapat mawala ang Inihaw na Pla-pla
Kahit may order na kaming inihaw na pla-pla, hindi pa rin nawawala ang Sinugno, inihaw na pla-pla na pinaliguan ng gata :D yang sarap ipaligo sa kanin ng gata ay!
Isa sa mga laging nauuna dumating ang Calamares kaya nagiging parang appetizer ito kesa pang ulam haha!
Para sa mga gusto ng kakaibang putahe, masarap ang kanilang Ginataang Suso (Snail) with Paco. Kakamayin mo talaga itong suso para mahigop mo lahat ng laman, swabe!
Sa panahon ngayong tag-lamig, siyempre masarap ang may mainit na sabaw, meron silang Sinigang na Sugpo, tamang tama ang asim at manamis-namis yung hipon... aahhhh
Hindi pa tapos, magana kami kumain kaya hindi mawawala ang karne haha, Inihaw na Spareribs ang lagi naming order, malambot at malasa kasi yung karne ;)
At siyempre, hindi mawawala ang MVP ng menu nila, ang Sisig na pag kinain mo ng nakakamay, kinabukasan, nadun pa din ang amoy... sarap!
Heto ang tip sa mga baguhan, sa mga ulam na inoorder namin, kelangan mo ng malupit na sawsawan para sa spareribs, isda, hipon, atbp., na nais mong isawsaw. Heto ang timpla na nakakagana:
Magpiga ng 1 kalamansi
Durugin ang isa hanggang apat na sili (depende kung gusto ng mahalang)
Lagyan ng toyo (kahit hindi gaano madami, sapat lang para matabunan ang kalamansi at sili)
Lagyan ng gata na galing sa Sinugno/Ginataang Suso
Enjoy!
Masarap din pag may inuming Fresh Buko Juice kaso baka masyado na kayong mabigatan sa tiyan. (malaki lang talaga compartment ko)
Kung may lugar pa kayo para sa pang-himagas/dessert, tapusin ang kainan sa pamamagitan ng Leche Flan :)
Nagutom ako sa pagsh-share nito haha! Para sa mga hindi pa nakakapunta dito, siguradong hahanap-hanapin niyo kapag natikman niyo to :)
Sa uulitin,
Chewy
Palaisdaan Restaurant
Brgy. Dapdap, Tayabas, Quezon
(042)793 3629 / 0918 2475587
No comments:
Post a Comment