Tuesday, August 21, 2012

0° (Zero Degree) Artisanal Ice Cream by MJ

For the past two months, magkahalong takot at kaba ang nangingibabaw sa aking isipan. Everyday, pagkagising hanggang bago matulog, nasa isip ko ang health ng parents ko, especially my Mom. Salamat sa mga tumulong manalangin, last August 3, naging successful ang kidney transplant ng nanay ko, and after her check-up last Friday, okay sa alright na daw yung Creatinine level niya :) Thank You, Lord! 

Last August 5th, after 2 days ng pagbabantay sa ospital, naimbitahan kami ng mabuting kaibigan namin na si MJ Acosta ng CheckEatOut na pumunta sa kanilang tirahan para tikman ang ginawa niyang ice cream na made with only the freshest ingredients. Siyempre, kahit bumabagyo na ng mga panahong iyon, after maging successful ng operasyon ni mama at makahinga ng maluwag-luwag, tatanggihan ko ba naman ang kanyang imbitasyon? (Actually, matakaw lang talaga kami kaya hindi kami tumanggi sa imbitasyon haha)

Pagdating namin, may 3 cuties na sumalubong sa amin, kaya lang, natakot sina Blanca kaya kinulong tuloy sila :(



Matagal kaming hindi nagkita ni MJ at Jill (dati ko kasi silang mga katrabaho) kaya ayun kwentuhan muna kami at busog pa rin naman kami nina Blanca kasi kumain kami sa Ha Yuan, bago pumunta sa kanila. Matapos naming magkumustahan, hinain na sa amin ni MJ ang kanyang work of art...

 Whoa! Hanep sa presentation/plating haha! 
Yung nakikita ninyong red ball of goodness na nasa ibabaw ng meringue ay ang Strawberry Basil Sorbet with Grand Marnier. Samantalang makikita sa likod nila ang 3 layers of ice cream. Hiwa-hiwalay talaga silang flavors pero masarap at bagay silang magkakasama. If you'll take a closer look at the picture above (click to enlarge), yung pink layer ay ang Roasted Strawberry Ice Cream with Tequila Rose, yung dark brown layer ay ang Tea Infused Dark Chocolate Ice Cream, at yung white-yellowish layer na may lahok ay ang Mascarpone Cheese Ice Cream with Roasted Nuts & Vodka-Plumped Berries.

Ang ganda ng itsura na nahihiya akong kainin! (naramdaman ko lang ito for 10 seconds, para kunwari pakipot tapos ayun sinimulan ko na din kainin haha) So kumusta ang lasa? Heto ang masasabi ko na binalaan ko naman ang kaibigan na si MJ na honest opinion ko lang at wala akong finesse sa way ng paglarawan ko ng pagkain haha!

 Strawberry Basil Sorbet with Grand Marnier - Unang tikim pa lang, iisang word ang pumasok sa utak namin nina Blanca - REFRESHING! Ito yung tipong masarap kainin matapos ang isang swabeng makasalanan/malangis na pagkain kasi parang may "linis" effect sa bibig. Hindi ko maipaliwanag ng maayos pero swabe sa pakiramdam kasi lasang-lasa mo yung strawberry at may hint ng basil na parang nagkakaroon ng "malamig" na effect sa loob ng bibig. (wag kang pilosopo na sasabihing malamig dahil galing sa freezer). Favorite sorbet daw ni Blanca ito! (Ako din nung una, pero malalaman ninyo mamaya kung bakit may mas gusto ako). Highly-recommended!

Roasted Strawberry Ice Cream with Tequila Rose - for strawberry-lovers, kung ayaw ninyo ng sorbet at gusto ninyo ay ang smooth na smooth na texture ng ice-cream na tipong parang nanlalambing at nanliligaw sa dila ninyo habang sinisipsip, para sa inyo ito! Actually, lahat ng ice cream ni MJ ay may ganung texture na extra silky smooth kumpara sa mga nabibiling mga Selecta, atbp. After namin makain ito, mararamdaman mo yung init sa katawan mo dahil Tequila Rose ang gamit dito haha! Don't worry, hindi naman nakakalasing unless OA ang tolerance ng katawan mo sa alcohol :)

Tea Infused Dark Chocolate Ice Cream - pagdating sa chocolates, nagkakasundo kami ni Blanca na Dark talaga ang masarap kumpara sa milk at white. Mabuti na lang, yun din ang hilig ni MJ kaya mataas ang standards niya sa quality ng lasa ng flavor na ito. Isipin mong para kang kumakain ng dark chocolate bar, except in silky smooth ice cream form! Heaven! Tip: masarap siyang kasama nung tequila rose na flavor at hindi sila nagsasapawan sa lasa! A must try!

Mascarpone Cheese Ice Cream with Roasted Nuts & Vodka-Plumped Berries - The first two flavors, masarap siya at not your ordinary grocery/mass-produced ice cream. Pero hetong Mascarpone Cheese flavor, heto ang pinakaswabe at talagang nag-agawan kaming apat (Ako,Blanca,Siobe, at Bea) sa huling patak! I swear, hindi nakakasawang kainin kahit makarami ng kain dahil bawat kagat, either may nuts (almond, walnuts, etc.) kang nakakain o kaya berries (cranberry, blueberry, o strawberry) or pareho na sumasama sa napakasarap na cheese ice cream! Nakatikim na ako ng mga espesyal na ice cream gaya ng sa mga Sebastian's at iba pa pero wala pa akong nakikitang gaya ng mga flavors ni MJ at lalo na nitong Mascarpone Cheese! Nainlove kaming apat dito na sa katunayan, umorder agad ako kay MJ haha! Wala pang nakahanda nung panahong yun at by order so binalikan ko siya a week after at nagdala ako ng cooler para talagang maibyahe ko ng maayos :D Heto ang pagkaing tipong dapat matikman sa buhay!

Naiuwi ko ang apat na half-pint cups ng  Mascarpone Cheese Ice Cream with Roasted Nuts & Vodka-Plumped Berries ng maayos at ganun pa din kaswabe ang texture. At mas madami pang lahok kesa sa pinatikim sa amin kaya mas swabe! :D

Pero hindi nagtatapos doon ang kwento, after a week, kinontak na naman ako ni MJ para magpatikim ng new flavors. At dahil alam ko na ngayon ang quality ng mga produkto niya, hindi na ako tumanggi at dumayo uli ng Fort Bonifacio para matikman ang latest creations niya. Ngayon ko natikman ang aking favorite sorbet, ang Mango Cilantro Sorbet!
 Si Blanca kasi, mahilig sa strawberries, ako naman, gusto ko din ang strawberries pero paborito ko talagang prutas ay ang mangga! Kaso may problema, sa totoong buhay, ayaw ko ng may Cilantro ang mga ulam ko at talagang tinatanggal ko ito. Pero, ngayon ko lang nagustuhan kainin ito dahil bagay pala siya sa dessert lalo na dito sa sorbet. Same effect siya nung basil na tipong refreshing sa bibig at para kang kumakain ng malamig na manggang natutunaw sa bibig! Heto ang paboritong sorbet ko!

Akala ko ay yun na ang highlight ng gabi ko, pero meron pa palang bagong flavor si MJ ng ice cream niya, ang Coconut Dulce de Leche w/ Almonds
Nung matikman namin ni Blanca ito, bigla kong naalala ang leche flan ng Chibugan Republik! Malapit yung lasa niya tapos nababasag ng almonds yung tamis kaya hindi din nakakasawa. Actually nagtatalo na sa isip namin ni Blanca kung ang top 1 ba ay yung Mascarpone Cheese o heto, pero after ng masusing pagkukumpara (masusi talaga?!), nanalo ang Mascarpone Cheese ng ga-buhok lang dahil sa variety ng lahok. Pero habang sinusulat ko ito, parang ayaw kong mamimili sa kanila at pareho ko silang gustong-gusto haha!

Sa ngayon, nag-uumpisa na talagang magbenta si MJ pero by order pa lang na may 2 days lead time kasi ganito ang proseso at prinsipyo niya: pagka-order ninyo, tsaka pa lang siya bibili ng fresh na ingredients, at take note, pinipili niya nang mabuti ang kanyang ingredients, so halimbawa, hindi matatamis ang mga mangga/strawberries na available, sasabihan niya kayo na hindi muna available kesa sa ma-sacrifice ang quality. Pero sinasabi ko sa inyo, super worth it/sulit ito!

Heto ang list of flavors na available niya at i-update ko ito kung may madagdag. These flavors come in half-pint hard plastic containers kaya hindi basta-basta nayuyupi

Sorbet
+ Strawberry Basil Sorbet with Grand Marnier P120
+ Mango Cilantro Sorbet P100
Ice Cream
+ Mascarpone Cheese Ice Cream with Roasted Nuts & Vodka-Plumped Berries P120
+ Roasted Strawberry Ice Cream with Tequila Rose P120
+ Tea Infused Dark Chocolate Ice Cream P140
+ Coconut Dulce de Leche w/ Almonds P140

 Perfect example ito ng affordable na high quality food. For those who want to order this awesome comfort food, heto ang contact details niya:

Mobile Number: 09178351472
Pwede niyo rin siyang i-personal message sa facebook: https://www.facebook.com/blacklotusss

Pag-usapan niyo na lang kung saan ang pick-up and kung hindi niyo kakainin agad at byabyahe kayo ng malayo gaya ko, mas maganda kung may dala kayong cooler. Subukan niyo, masarap promise :D Enjoy!

Chewy

No comments:

Post a Comment