Friday, October 5, 2012

Lucena/Manila: Green Tea Treats: From Japan To You

Noong una pa lang akong nakatikim ng green tea/matcha-flavored dessert many years ago, na-inlove na ako sa lasa nito. At ngayong nagsusulputan na ang green tea flavor maging sa inumin, donuts, chocolates, cakes, ice cream, french macarons, at iba pa, siyempre, tuwang-tuwa ako :D Naisip kong gumawa ng series of blog entries dedicated sa mga desserts na ito called "Green Tea Treats".

Bago ang lahat, alam kong marami sa Manila, lalo na sa mga Japanese groceries, ang nagbebenta ng mga green tea treats pero karamihan sa kanila ay mahal. Mabuti na lang, naisip ng kaibigan kong mag-negosyo ng FromJapanToYou at nagbebenta siya ng Japanese goodies for reasonable prices (mapa sa Manila man o Lucena). Ang maganda dito, hindi lang ang popular na Kitkat Green Tea ang tinda niya kundi marami pang iba :) Pero siyempre, focus lang tayo sa Green Tea haha! Check out the  Green Tea Lovers Album


Heto ang mga inorder ko with my honest feedback :)

Bourbon Green Tea Biscuits Php 300
 Mas marami ang green tea chocolate part kumpara sa biscuit kaya panalo ito haha!
Masarap siya dahil subtle lang yung lasa nung biscuit at nagsh-shine talaga yung green tea na lasa :) Sana nga lang, lahat ng laman ay Green Tea flavor, kasi may kasama siyang white choco covered chocolate biscuits, na okay naman kung tutuusin, pero talbog talaga sa green tea hehe.

 Milky Green Tea Php200
 
Heto gusto ko din kasi nung bata ako, mahilig ako dun sa White Rabbit na candy (yung nakakain yung balat). Hetong Milky, isipin mong White Rabbit na green tea ang lasa! Boom and boom! Nakaka-adik ito at nakakangalay din ng panga pag napadami :)

 Morinaga Matcha Green Tea Biscuits Php150
 Masarap yung biscuit niya kahit walang green tea na palaman. May good and bad side ito, depende sa kakain. Ang good, masarap nga yung biscuit at masarap din talaga yung matcha na palaman. Ang bad (para sakin), nagtatalo sila at nagpapasikatan sa bunganga mo habang kinakain. Okay naman siya, hindi lang kaya ng utak ko mag concentrate sa isang lasa sa kanila haha! Pero may paraan ako: tini-twist ko siya parang oreo, kinakain ko muna yung biscuits habang hawak ko yung natuklap na green tea filling, tapos yun ang finale ko :D solb!


Sa lahat ng orders ko, heto ang pinakapaborito ko at tinitipid ko
Lotte Crunky Green Tea Php300
Fan ako ng Lotte chocolates at masarap ang green tea flavor nila. Winner! May malt-puffs pa siya kaya hindi nakaka-umay. Highly recommended!

Meron din siyang Kitkat Green Tea na pack of 12s ata na kung hindi ako nagkakamali ay 300 pesos lang. Meron din akong na-order sa kanya dati na wala daw makita this season:

Meiji Rich Matcha Php85
Panalo din ito kaya sana magkaroon uli nito soon :D

 Puwede niyo silang i-message sa Facebook at pagkatapos niyong umorder ay maghihintay kayo ng almost a month para dumating ang order niyo. Medyo nakakasabik, pero trust me, worth it maghintay, hehe. I'll post more green tea treats soon para sa mga kagaya kong adik dito :)

Sa uulitin,
Chewy

https://www.facebook.com/FromJapanToYou

1 comment:

  1. waaa! thank you! adik rin ako ng green tea treats tulad mo! :D

    ReplyDelete