Thursday, November 8, 2012

Canon G1X Unleashed! CHDK Update :)

Binili ko ang Canon G1X ko nitong Marso 2012. Sa maikling panahon ng aming pagsasama, marami kaming napuntahang iba't-ibang lugar - Bataan, Pagudpud, Vigan, Bacolod, Iloilo, Guimaras, Cambodia, atbp. So far, solid ang performance niya maging landscape/seascapes, portrait, product, o off-cam flash photography - mga bagay na hilig kong kunan. click here for sample shots Ngunit kamakailan lang ng umuwi ako sa probinsya para sa Undas, napansin ko kung gaano kaganda ang liwanag ng buwan at mga tala on a cloud-less night. Dito ko na-miss ang night photography.

Noong naka DSLR pa ako, madali sa akin ang mag night photography dahil meron itong Bulb mode kung saan kahit isang oras kong iwanan kumukuha ng litrato ang camera ko, walang problema. Na-iseset ko rin ang aperture ng lente hanggang f/32 (pero f/22 pwede na) kung saan napakaliit ng butas ng lente at maraming nakukuhang detalye sa larawan - mga bagay na hindi kaya ng G1X. Perfect compact camera na sana para sa akin eh. DSLR-like sensor and image quality. low noise sa low-light at high-ISO situations, may RAW at HD video, may hot shoe kung saan maaaring kabitan ng external flash o trigger. Yun nga lang, hanggang 60 seconds lang ang itatagal ng exposure o shutter-speed, tapos hanggang f/16 lang ang aperture value. Sasabihin ng iba, "eh pwede mo namang itodo ang ISO para lumiwanag ah". Ang isasagot ko ay - oo nga, pero sa night photography, hangga't maaari, ISO 100 or lower kung kaya ng camera para sa mas sharp na detalye.

Tingnan natin ang sitwasyon na ito. Isang madilim na kuwarto na may konting aninag lang ng ilaw na nanggagaling sa labas ng bintana. Heto siya sa tunay na buhay pag tiningnan ng ating mga mata:

ISO 100; f/2.8; 1/4 sec.

Madilim ang aming opisina kapag sarado ang bintana at ang ilaw :)
Kunwari heto ang gabing madilim na gusto kong kunan. Heto ang gagawin kong Manual Exposure sa G1x

 ISO 100; f/16; 60 secs.

 Kung i-click niyo ang larawan para makita ng mas malaki (re-sized na ito straight from cam), okay naman ang detalye pero may kadiliman pa din. So kung nasa maganda kang tanawin na gusto mong kunan ng gabi at walang artificial light, malamang yung mga konting detalye lang ng puno ang makikita mo. Dito nakakahinayang ang kahinaan ng G1X.

Naisipan ko siyang ibenta at bumili ng murang dslr o ng canon eos-m (oo mas mura pa ang entry-level na dslr at eos-m kumpara sa G1X). Ipinost ko siya sa instagram ko para ibenta nang mag-comment ang kaibigan kong si Liane na yung kaibigan daw niya ay may nakuhang hack ng firmware ng G-series Canon cameras para magkaroon ng bulb o longer exposures. Natuwa ako sa balita at nag-research ako pagkauwi ko. Dito ko natagpuan ang CHDK o Canon Hacker's Development Kit kung saan may mga hackers na gumagawa ng script para "patungan" ang firmware. Ginamit ko yung word na patungan dahil hindi niya talaga binabago yung firmware, kundi nilalagyan lang ng additional features yung camera. Safe siya kasi sa SD card at hindi sa camera nangyayari ang magic :)

 SD Card without CHDK files
 SD Card with CHDK files

Dinownload ko lang yung para sa camera ko dito sa page na ito. Tapos sinundan ko yung instructions dito. Simple lang, wala pang 30 minutes ko ginawa :)

Matapos kong gawin, na-excite akong subukan. So heto muna yung kuha kapag naka-automatic mode para makita natin kung paano i-calculate ng Digic 5 processor yung ganun kadilim na stiwasyon

 ISO 1600; f/2.8; 1/8 secs.

So  ISO 1600; f/2.8; 1/8 secs. pumatak ang calculation niya para sa matinong exposure. Medyo madilim pa rin so dito ko na sinubukan ang "Unleashed" version ng G1X ko.

 ISO 80; f/32; 120 secs.
 
Whoa! It works! Naibaba ko yung ISO sa 80, naitaas ko sa f/32, at lampas 60 seconds ang kuha! I-click to enlarge niyo lahat ng pictures at makikita niyo ang diperensya sa linis at detalye. lahat yan ay straight from the camera without noise-reduction. Suuuweeeeet! Check out the 100% crops below:


 from the Auto shot
from the Manual stock shot
from the CHDK hacked SD shot

Booyah!

I can't wait for my next trip at sana makakita ako ng magandang kunan sa gabi para matest ko na ang tunay na power ng G1X sa gabi :) Btw, hindi lang G1X ang may available na hack, lahat ng Canon Powershot! So susubukan ko din next time yung para sa S100 :p

Salamat uli kay Liane, hindi na tuloy ako nagmamadali idispatsa ang camera ko :)

Sa uulitin,
Chewy

No comments:

Post a Comment