Wednesday, November 14, 2012

"Steady" Weekend - Shi Lin, Slice

Hindi ako yung tipong tao na gumagamit ng salitang "steady" sa pag describe ng mga bagay pero heto lang ang salitang naaangkop sa nakaraang weekend ko :)

Dahil sa kadalasan ay may kailangang puntahan, kailangang gawin, kailangang magpasweldo, atbp., madalang akong magkaroon ng chance na humiga lang, mag-relax at manuod ng TV. In fact, hindi na nga ata ako mapakali kapag walang ginagawa. So instead na humilata at manuod ng TV buong araw, sinubukan kong gumawa ng bagay na hindi ko pa nagagawa - magbake ng cheesecake. 

LUMAKI AKO SA KUSINA. Maaaring ma-interpret yan na "Lumaki (tumanda) ako sa kusina." o "Lumaki (tumaba) ako sa kusina." pareho silang valid dahil bata pa lang ako, mahilig na akong kumain at tumambay sa kusina - pero hindi para magluto ha, kumain. Napapanood ko lang noon ang lola ko (sumalangit nawa) at ang nanay ko na magluto para sa amin at amoy pa lang ay talagang napapatambay na ako sa kusina. Ngayon, kapag may idle time ako (na bihirang mangyari), parang kinakati na rin ako mag experiment sa kusina gaya nila.

So heto ang unang subok ko sa cheesecake - Caramel Cheesecake
 Ang hatol, FAIL dahil boplax lang, caramel sauce pala yung nasa recipe at HINDI caramel syrup. Ayun, ang lakas ng lasa nung caramel. BUT on the bright side, ang creamy na siksik! Heto na ang gusto kong consistency! So ayun, lesson learned. Next time, wag boplax :)


2nd project: Baked Ribs
 Heto ang winner! Antagal nga lang gawin, pero sulit na sulit! Tingnan niyo itong picture sa baba, kumakatas-katas pa yung karne pag hiniwa at tamang-tama yung sunog na sugar sa ibabaw.... ih-ih, yanung sarap walang biro! (click the pictures to enlarge)

Binigyan ko yung kapatid ko na si Siobe ng sample para na rin for dinner niya. Ang comment pagkakakagat ay, "binili mo ata ito eh!". Kapal ng mukha mag-comment ng ganun matapos kong paghirapan, pero sabagay, naisip ko lang na nagkataong masarap lang talaga yung kinalabasan tapos hindi naman ako kabilib-bilib kaya niya nasabi yun kaya payag na haha!


 Dahil ginanahan ako sa pagkain ko at sa reaksyon na rin ng kapatid ko, gumising ako ng maaga kinabukasan upang gawin uli ito pero this time, sinubukan ko pang lutuin ng mas matagal, heto ang kinalabasan
 Just the right amount of burnt sugar, tapos kumatas na ng todo yung pork at nakagawa ng sariling gravy o "au jus"
 Sa sobrang lambot, naghuhugay-hugay na yung laman, kaya naman naisipan kong ilagay sa french bread at gumawa ng sarili kong MvF inspired pulled pork sandwich na pinaliguan ng au jus!
 BAM! It's over! Forget about it!
Heto ang tunay na breakfast of champions!

Siyempre alam kong may winner akong naluto, so dapat ipagmayabang in a subtle way at maghanap ng witness kaya pinadalhan ko ang good friend at kapitbahay kong si Jennie. Ayun, nagustuhan naman DAW nila. Ewan ko kung totoo pero siguro naman haha!

So dahil andami kong ginawa nung umaga (kasama na ang pinakaayaw kong part ng pagluluto, ang pagdadayag), naisip kong kumain na lang sa labas ng gabi para hindi naman nakakapagod ang weekend ko. Niyaya ko ang partner kong si Blanca para kumain sa restaurant na una naming natikman nung binyag ng pamangkin niyang si Rafa, sa Shi Lin. Nung binyagan, tumatak sa amin yung sarap nung Xiao Long Bao (yeah, ito ang pinaka gusto ko sa ngayon kumpara sa Crystal Jade at Lugang), Spareribs, at Chicken Chop. Mabuti na lang at dumadami na ang branches nila at mayroon na sa Fort na convenient puntahan para sa amin.

First time kong makita ang menu (click here) nila at hindi nakaka-overwhelm. Nahanap ko kaagad yung gusto naming kainin and more... way more! Pang-apat na tao ata inorder namin e!

Umorder kami ng house tea para may ginagawa habang naghihintay
 Pero ilang minuto lang, wala pang 10 minutes, dumating na mga order namin, sunod-sunod! Galing!

 Noodles with Spicy Sesame and Peanut Sauce
May anghang talaga siya at tinalaban ng anghang si Blanca. Yun lang yung part na gusto ko sa dish na ito. Hindi ko gaano trip yung lasa nung pagka-peanut eh. Parang kulang sa tamis o basta may kulang sa lasa hehe. Not that bad, though.


 Stirfry Bok Choy
Heto ansarap ng pagkakaluto. Simpleng dish pero cooked just the way I like it. May pait talagang malalasahan at masarap pambasag ng lasa ng karne. Recommended!

Xiao Long Bao
 Heto na yun eh. Hindi na namin nilalagyan ng black vinegar ni Blanca kasi talagang lasa pa lang niya mag-isa, panalo na at hindi na kailangan ng ibang lasa!

Kita niyo itong partner ko, ang ganda diba? Parang ang hinhin...
 pero wag ka, kung makahigop ng sabaw ng Xia Long Bao, Wagas!

Shrimp and Pork Dumpling
 Sobrang sarap din nito at hindi na kelangan ng black vinegar :) Highly-recommended!

Spicy Spare Ribs
Juicy at malambot, kahit hindi masyado mahalang, masarap naman ang lasa :) May mga mas okay pa sa ibang Chinese restos pero masarap na rin ito.

Fried Chicken Chop
Heto talaga ang sinabi namin ni Blanca na hindi puwedeng hindi orderin kasama ng mga Xiao Long Bao tuwing babalik kami sa Shi Lin. Hindi na kelangan ng sawsawan eh. Manamis-namis na chicken fillet na may masarap na breading. Highly-recommended!
Click to enlarge the photos para makita din yung rub/spices sa loob nung chicken :)


Heto ang first time naming natikman at mairerekomenda sa lahat ng Taro lovers, ang Taro Dumpling
Mahilig kami ng pamilya ko sa dishes na may taro, maging pang ulam o dessert man yan. Agad ko silang naisip nung matikman ko ito. Anak ng tinapa, napakasarap, walang biro! Ang balak ko nga, kapag puwede na uling gumala-gala ang nanay ko dito sa Manila, heto ang isa sa mga una naming kakainan para dito sa dish na ito :)
Hindi siya ganun kabigat kaya maaari nang dessert :)

Ang reklamo ko lang sa Shi Lin Fort ay ang banyo nila.
Sobrang sikip at mahirap pumuwesto maging sa pag-ihi man o pag jebbers. Kapag umupo ka,may chance na maumpog ka sa lababo. Wala ring power spray/bidet o tabo kaya hindi gaano jebber-friendly. Pero dahil strike-anywhere ako, papatusin ko na rin ito pag napadami ang pagkain hehe. (2.5/5)

After namin magpakatakaw ni Blanca, naglibot kami sa High Street at nakita namin itong apat na Old English Sheepdog, ang cute! Pinagkakaguluhan sila dahil magkakamukha at ang tataba! Bigla ko tuloy namiss mga aso namin :(


After namin maglibot-libot, siyempre may "totoong" dessert pa kami, dito kami nagawi sa Slice. Naintriga ako kasi dati pa kami pumunta ni Blanca dito medyo bago pa nga lang talaga sila nun eh. Natikman namin yung Red Velvet Cake Slice nila at talagang hindi namin nagustuhan kaya naisipan kong huwag nang i-post. Lately, nakikita ko sa mga posts ng mga tao sa instagram na masarap daw yung choco-yema cupcake. Sa loob-loob ko, "hindi naman siguro ganun kasarap ito, red velvet nga nila parang wala lang...". Binigyan uli namin ng another chance ang Slice...

Buti na lang! Ang sarap nga naman ng Choco-Yema Cupcake!
 Kahit may kamahalan sa size niya for 70 pesos, puwede na rin! Hindi siya yung tipong super-moist yung cupcake, pero ewan ko ba, sobrang bagay yung yema sa ibabaw dun sa cake part. Gusto mang isipin ng utak ko na sobrang tamis nung yema, hindi magawa dahil bagay na bagay ang lasa nila sa isa't-isa na hindi mo mararamdaman na sobrang tamis! Highly-recommended!

Naked Dark Choco (hot)
Heto ang cacao na inumin na ikaw ang magtitimpla ayon sa nais mong dami ng milk, tamis at pait. Sakin okay ang pait kaya pasado sakin ito.

Chocnut Peanut Cupcake
Dahil sa sarap nung choco-yema, natabunan na ito. Okay naman siya pero wala lang compared sa naunang cupcake kaya kawawa naman. Si Blanca halos kumain nito kasi peanut butter-lover siya eh hehe

Heto yung drink ni Blanca na masyado akong natamisan. Hot Mocha something
 Kalasang-kalasa niya ang Caramel Macchiato ng Starbucks :)

This coming weekend, excited ako kasi hindi man ako gaano makakapagpahinga dahil magpapasweldo kami ni Blanca sa probinsya, makikita ko naman ang bagong baby ng mga kinakapatid ko at isa pang bagong baby ng kababata ko. The week after... hello Ozamiz (Ozamis)!!! Excited na ako! Sana marami akong pictures ng mga pagkain at experiences na makuha para sa blog na ito :)

Sa uulitin,
Chewy

Shi Lin Fort
(likod ng malaking Mercury sa tapat ng St. Lukes, BGC)

Slice
Bonifacio High Street Central

follow me on Instagram

Thursday, November 8, 2012

Canon G1X Unleashed! CHDK Update :)

Binili ko ang Canon G1X ko nitong Marso 2012. Sa maikling panahon ng aming pagsasama, marami kaming napuntahang iba't-ibang lugar - Bataan, Pagudpud, Vigan, Bacolod, Iloilo, Guimaras, Cambodia, atbp. So far, solid ang performance niya maging landscape/seascapes, portrait, product, o off-cam flash photography - mga bagay na hilig kong kunan. click here for sample shots Ngunit kamakailan lang ng umuwi ako sa probinsya para sa Undas, napansin ko kung gaano kaganda ang liwanag ng buwan at mga tala on a cloud-less night. Dito ko na-miss ang night photography.

Noong naka DSLR pa ako, madali sa akin ang mag night photography dahil meron itong Bulb mode kung saan kahit isang oras kong iwanan kumukuha ng litrato ang camera ko, walang problema. Na-iseset ko rin ang aperture ng lente hanggang f/32 (pero f/22 pwede na) kung saan napakaliit ng butas ng lente at maraming nakukuhang detalye sa larawan - mga bagay na hindi kaya ng G1X. Perfect compact camera na sana para sa akin eh. DSLR-like sensor and image quality. low noise sa low-light at high-ISO situations, may RAW at HD video, may hot shoe kung saan maaaring kabitan ng external flash o trigger. Yun nga lang, hanggang 60 seconds lang ang itatagal ng exposure o shutter-speed, tapos hanggang f/16 lang ang aperture value. Sasabihin ng iba, "eh pwede mo namang itodo ang ISO para lumiwanag ah". Ang isasagot ko ay - oo nga, pero sa night photography, hangga't maaari, ISO 100 or lower kung kaya ng camera para sa mas sharp na detalye.

Tingnan natin ang sitwasyon na ito. Isang madilim na kuwarto na may konting aninag lang ng ilaw na nanggagaling sa labas ng bintana. Heto siya sa tunay na buhay pag tiningnan ng ating mga mata:

ISO 100; f/2.8; 1/4 sec.

Madilim ang aming opisina kapag sarado ang bintana at ang ilaw :)
Kunwari heto ang gabing madilim na gusto kong kunan. Heto ang gagawin kong Manual Exposure sa G1x

 ISO 100; f/16; 60 secs.

 Kung i-click niyo ang larawan para makita ng mas malaki (re-sized na ito straight from cam), okay naman ang detalye pero may kadiliman pa din. So kung nasa maganda kang tanawin na gusto mong kunan ng gabi at walang artificial light, malamang yung mga konting detalye lang ng puno ang makikita mo. Dito nakakahinayang ang kahinaan ng G1X.

Naisipan ko siyang ibenta at bumili ng murang dslr o ng canon eos-m (oo mas mura pa ang entry-level na dslr at eos-m kumpara sa G1X). Ipinost ko siya sa instagram ko para ibenta nang mag-comment ang kaibigan kong si Liane na yung kaibigan daw niya ay may nakuhang hack ng firmware ng G-series Canon cameras para magkaroon ng bulb o longer exposures. Natuwa ako sa balita at nag-research ako pagkauwi ko. Dito ko natagpuan ang CHDK o Canon Hacker's Development Kit kung saan may mga hackers na gumagawa ng script para "patungan" ang firmware. Ginamit ko yung word na patungan dahil hindi niya talaga binabago yung firmware, kundi nilalagyan lang ng additional features yung camera. Safe siya kasi sa SD card at hindi sa camera nangyayari ang magic :)

 SD Card without CHDK files
 SD Card with CHDK files

Dinownload ko lang yung para sa camera ko dito sa page na ito. Tapos sinundan ko yung instructions dito. Simple lang, wala pang 30 minutes ko ginawa :)

Matapos kong gawin, na-excite akong subukan. So heto muna yung kuha kapag naka-automatic mode para makita natin kung paano i-calculate ng Digic 5 processor yung ganun kadilim na stiwasyon

 ISO 1600; f/2.8; 1/8 secs.

So  ISO 1600; f/2.8; 1/8 secs. pumatak ang calculation niya para sa matinong exposure. Medyo madilim pa rin so dito ko na sinubukan ang "Unleashed" version ng G1X ko.

 ISO 80; f/32; 120 secs.
 
Whoa! It works! Naibaba ko yung ISO sa 80, naitaas ko sa f/32, at lampas 60 seconds ang kuha! I-click to enlarge niyo lahat ng pictures at makikita niyo ang diperensya sa linis at detalye. lahat yan ay straight from the camera without noise-reduction. Suuuweeeeet! Check out the 100% crops below:


 from the Auto shot
from the Manual stock shot
from the CHDK hacked SD shot

Booyah!

I can't wait for my next trip at sana makakita ako ng magandang kunan sa gabi para matest ko na ang tunay na power ng G1X sa gabi :) Btw, hindi lang G1X ang may available na hack, lahat ng Canon Powershot! So susubukan ko din next time yung para sa S100 :p

Salamat uli kay Liane, hindi na tuloy ako nagmamadali idispatsa ang camera ko :)

Sa uulitin,
Chewy