Showing posts with label Fort. Show all posts
Showing posts with label Fort. Show all posts

Wednesday, November 14, 2012

"Steady" Weekend - Shi Lin, Slice

Hindi ako yung tipong tao na gumagamit ng salitang "steady" sa pag describe ng mga bagay pero heto lang ang salitang naaangkop sa nakaraang weekend ko :)

Dahil sa kadalasan ay may kailangang puntahan, kailangang gawin, kailangang magpasweldo, atbp., madalang akong magkaroon ng chance na humiga lang, mag-relax at manuod ng TV. In fact, hindi na nga ata ako mapakali kapag walang ginagawa. So instead na humilata at manuod ng TV buong araw, sinubukan kong gumawa ng bagay na hindi ko pa nagagawa - magbake ng cheesecake. 

LUMAKI AKO SA KUSINA. Maaaring ma-interpret yan na "Lumaki (tumanda) ako sa kusina." o "Lumaki (tumaba) ako sa kusina." pareho silang valid dahil bata pa lang ako, mahilig na akong kumain at tumambay sa kusina - pero hindi para magluto ha, kumain. Napapanood ko lang noon ang lola ko (sumalangit nawa) at ang nanay ko na magluto para sa amin at amoy pa lang ay talagang napapatambay na ako sa kusina. Ngayon, kapag may idle time ako (na bihirang mangyari), parang kinakati na rin ako mag experiment sa kusina gaya nila.

So heto ang unang subok ko sa cheesecake - Caramel Cheesecake
 Ang hatol, FAIL dahil boplax lang, caramel sauce pala yung nasa recipe at HINDI caramel syrup. Ayun, ang lakas ng lasa nung caramel. BUT on the bright side, ang creamy na siksik! Heto na ang gusto kong consistency! So ayun, lesson learned. Next time, wag boplax :)


2nd project: Baked Ribs
 Heto ang winner! Antagal nga lang gawin, pero sulit na sulit! Tingnan niyo itong picture sa baba, kumakatas-katas pa yung karne pag hiniwa at tamang-tama yung sunog na sugar sa ibabaw.... ih-ih, yanung sarap walang biro! (click the pictures to enlarge)

Binigyan ko yung kapatid ko na si Siobe ng sample para na rin for dinner niya. Ang comment pagkakakagat ay, "binili mo ata ito eh!". Kapal ng mukha mag-comment ng ganun matapos kong paghirapan, pero sabagay, naisip ko lang na nagkataong masarap lang talaga yung kinalabasan tapos hindi naman ako kabilib-bilib kaya niya nasabi yun kaya payag na haha!


 Dahil ginanahan ako sa pagkain ko at sa reaksyon na rin ng kapatid ko, gumising ako ng maaga kinabukasan upang gawin uli ito pero this time, sinubukan ko pang lutuin ng mas matagal, heto ang kinalabasan
 Just the right amount of burnt sugar, tapos kumatas na ng todo yung pork at nakagawa ng sariling gravy o "au jus"
 Sa sobrang lambot, naghuhugay-hugay na yung laman, kaya naman naisipan kong ilagay sa french bread at gumawa ng sarili kong MvF inspired pulled pork sandwich na pinaliguan ng au jus!
 BAM! It's over! Forget about it!
Heto ang tunay na breakfast of champions!

Siyempre alam kong may winner akong naluto, so dapat ipagmayabang in a subtle way at maghanap ng witness kaya pinadalhan ko ang good friend at kapitbahay kong si Jennie. Ayun, nagustuhan naman DAW nila. Ewan ko kung totoo pero siguro naman haha!

So dahil andami kong ginawa nung umaga (kasama na ang pinakaayaw kong part ng pagluluto, ang pagdadayag), naisip kong kumain na lang sa labas ng gabi para hindi naman nakakapagod ang weekend ko. Niyaya ko ang partner kong si Blanca para kumain sa restaurant na una naming natikman nung binyag ng pamangkin niyang si Rafa, sa Shi Lin. Nung binyagan, tumatak sa amin yung sarap nung Xiao Long Bao (yeah, ito ang pinaka gusto ko sa ngayon kumpara sa Crystal Jade at Lugang), Spareribs, at Chicken Chop. Mabuti na lang at dumadami na ang branches nila at mayroon na sa Fort na convenient puntahan para sa amin.

First time kong makita ang menu (click here) nila at hindi nakaka-overwhelm. Nahanap ko kaagad yung gusto naming kainin and more... way more! Pang-apat na tao ata inorder namin e!

Umorder kami ng house tea para may ginagawa habang naghihintay
 Pero ilang minuto lang, wala pang 10 minutes, dumating na mga order namin, sunod-sunod! Galing!

 Noodles with Spicy Sesame and Peanut Sauce
May anghang talaga siya at tinalaban ng anghang si Blanca. Yun lang yung part na gusto ko sa dish na ito. Hindi ko gaano trip yung lasa nung pagka-peanut eh. Parang kulang sa tamis o basta may kulang sa lasa hehe. Not that bad, though.


 Stirfry Bok Choy
Heto ansarap ng pagkakaluto. Simpleng dish pero cooked just the way I like it. May pait talagang malalasahan at masarap pambasag ng lasa ng karne. Recommended!

Xiao Long Bao
 Heto na yun eh. Hindi na namin nilalagyan ng black vinegar ni Blanca kasi talagang lasa pa lang niya mag-isa, panalo na at hindi na kailangan ng ibang lasa!

Kita niyo itong partner ko, ang ganda diba? Parang ang hinhin...
 pero wag ka, kung makahigop ng sabaw ng Xia Long Bao, Wagas!

Shrimp and Pork Dumpling
 Sobrang sarap din nito at hindi na kelangan ng black vinegar :) Highly-recommended!

Spicy Spare Ribs
Juicy at malambot, kahit hindi masyado mahalang, masarap naman ang lasa :) May mga mas okay pa sa ibang Chinese restos pero masarap na rin ito.

Fried Chicken Chop
Heto talaga ang sinabi namin ni Blanca na hindi puwedeng hindi orderin kasama ng mga Xiao Long Bao tuwing babalik kami sa Shi Lin. Hindi na kelangan ng sawsawan eh. Manamis-namis na chicken fillet na may masarap na breading. Highly-recommended!
Click to enlarge the photos para makita din yung rub/spices sa loob nung chicken :)


Heto ang first time naming natikman at mairerekomenda sa lahat ng Taro lovers, ang Taro Dumpling
Mahilig kami ng pamilya ko sa dishes na may taro, maging pang ulam o dessert man yan. Agad ko silang naisip nung matikman ko ito. Anak ng tinapa, napakasarap, walang biro! Ang balak ko nga, kapag puwede na uling gumala-gala ang nanay ko dito sa Manila, heto ang isa sa mga una naming kakainan para dito sa dish na ito :)
Hindi siya ganun kabigat kaya maaari nang dessert :)

Ang reklamo ko lang sa Shi Lin Fort ay ang banyo nila.
Sobrang sikip at mahirap pumuwesto maging sa pag-ihi man o pag jebbers. Kapag umupo ka,may chance na maumpog ka sa lababo. Wala ring power spray/bidet o tabo kaya hindi gaano jebber-friendly. Pero dahil strike-anywhere ako, papatusin ko na rin ito pag napadami ang pagkain hehe. (2.5/5)

After namin magpakatakaw ni Blanca, naglibot kami sa High Street at nakita namin itong apat na Old English Sheepdog, ang cute! Pinagkakaguluhan sila dahil magkakamukha at ang tataba! Bigla ko tuloy namiss mga aso namin :(


After namin maglibot-libot, siyempre may "totoong" dessert pa kami, dito kami nagawi sa Slice. Naintriga ako kasi dati pa kami pumunta ni Blanca dito medyo bago pa nga lang talaga sila nun eh. Natikman namin yung Red Velvet Cake Slice nila at talagang hindi namin nagustuhan kaya naisipan kong huwag nang i-post. Lately, nakikita ko sa mga posts ng mga tao sa instagram na masarap daw yung choco-yema cupcake. Sa loob-loob ko, "hindi naman siguro ganun kasarap ito, red velvet nga nila parang wala lang...". Binigyan uli namin ng another chance ang Slice...

Buti na lang! Ang sarap nga naman ng Choco-Yema Cupcake!
 Kahit may kamahalan sa size niya for 70 pesos, puwede na rin! Hindi siya yung tipong super-moist yung cupcake, pero ewan ko ba, sobrang bagay yung yema sa ibabaw dun sa cake part. Gusto mang isipin ng utak ko na sobrang tamis nung yema, hindi magawa dahil bagay na bagay ang lasa nila sa isa't-isa na hindi mo mararamdaman na sobrang tamis! Highly-recommended!

Naked Dark Choco (hot)
Heto ang cacao na inumin na ikaw ang magtitimpla ayon sa nais mong dami ng milk, tamis at pait. Sakin okay ang pait kaya pasado sakin ito.

Chocnut Peanut Cupcake
Dahil sa sarap nung choco-yema, natabunan na ito. Okay naman siya pero wala lang compared sa naunang cupcake kaya kawawa naman. Si Blanca halos kumain nito kasi peanut butter-lover siya eh hehe

Heto yung drink ni Blanca na masyado akong natamisan. Hot Mocha something
 Kalasang-kalasa niya ang Caramel Macchiato ng Starbucks :)

This coming weekend, excited ako kasi hindi man ako gaano makakapagpahinga dahil magpapasweldo kami ni Blanca sa probinsya, makikita ko naman ang bagong baby ng mga kinakapatid ko at isa pang bagong baby ng kababata ko. The week after... hello Ozamiz (Ozamis)!!! Excited na ako! Sana marami akong pictures ng mga pagkain at experiences na makuha para sa blog na ito :)

Sa uulitin,
Chewy

Shi Lin Fort
(likod ng malaking Mercury sa tapat ng St. Lukes, BGC)

Slice
Bonifacio High Street Central

follow me on Instagram

Tuesday, August 21, 2012

0° (Zero Degree) Artisanal Ice Cream by MJ

For the past two months, magkahalong takot at kaba ang nangingibabaw sa aking isipan. Everyday, pagkagising hanggang bago matulog, nasa isip ko ang health ng parents ko, especially my Mom. Salamat sa mga tumulong manalangin, last August 3, naging successful ang kidney transplant ng nanay ko, and after her check-up last Friday, okay sa alright na daw yung Creatinine level niya :) Thank You, Lord! 

Last August 5th, after 2 days ng pagbabantay sa ospital, naimbitahan kami ng mabuting kaibigan namin na si MJ Acosta ng CheckEatOut na pumunta sa kanilang tirahan para tikman ang ginawa niyang ice cream na made with only the freshest ingredients. Siyempre, kahit bumabagyo na ng mga panahong iyon, after maging successful ng operasyon ni mama at makahinga ng maluwag-luwag, tatanggihan ko ba naman ang kanyang imbitasyon? (Actually, matakaw lang talaga kami kaya hindi kami tumanggi sa imbitasyon haha)

Pagdating namin, may 3 cuties na sumalubong sa amin, kaya lang, natakot sina Blanca kaya kinulong tuloy sila :(



Matagal kaming hindi nagkita ni MJ at Jill (dati ko kasi silang mga katrabaho) kaya ayun kwentuhan muna kami at busog pa rin naman kami nina Blanca kasi kumain kami sa Ha Yuan, bago pumunta sa kanila. Matapos naming magkumustahan, hinain na sa amin ni MJ ang kanyang work of art...

 Whoa! Hanep sa presentation/plating haha! 
Yung nakikita ninyong red ball of goodness na nasa ibabaw ng meringue ay ang Strawberry Basil Sorbet with Grand Marnier. Samantalang makikita sa likod nila ang 3 layers of ice cream. Hiwa-hiwalay talaga silang flavors pero masarap at bagay silang magkakasama. If you'll take a closer look at the picture above (click to enlarge), yung pink layer ay ang Roasted Strawberry Ice Cream with Tequila Rose, yung dark brown layer ay ang Tea Infused Dark Chocolate Ice Cream, at yung white-yellowish layer na may lahok ay ang Mascarpone Cheese Ice Cream with Roasted Nuts & Vodka-Plumped Berries.

Ang ganda ng itsura na nahihiya akong kainin! (naramdaman ko lang ito for 10 seconds, para kunwari pakipot tapos ayun sinimulan ko na din kainin haha) So kumusta ang lasa? Heto ang masasabi ko na binalaan ko naman ang kaibigan na si MJ na honest opinion ko lang at wala akong finesse sa way ng paglarawan ko ng pagkain haha!

 Strawberry Basil Sorbet with Grand Marnier - Unang tikim pa lang, iisang word ang pumasok sa utak namin nina Blanca - REFRESHING! Ito yung tipong masarap kainin matapos ang isang swabeng makasalanan/malangis na pagkain kasi parang may "linis" effect sa bibig. Hindi ko maipaliwanag ng maayos pero swabe sa pakiramdam kasi lasang-lasa mo yung strawberry at may hint ng basil na parang nagkakaroon ng "malamig" na effect sa loob ng bibig. (wag kang pilosopo na sasabihing malamig dahil galing sa freezer). Favorite sorbet daw ni Blanca ito! (Ako din nung una, pero malalaman ninyo mamaya kung bakit may mas gusto ako). Highly-recommended!

Roasted Strawberry Ice Cream with Tequila Rose - for strawberry-lovers, kung ayaw ninyo ng sorbet at gusto ninyo ay ang smooth na smooth na texture ng ice-cream na tipong parang nanlalambing at nanliligaw sa dila ninyo habang sinisipsip, para sa inyo ito! Actually, lahat ng ice cream ni MJ ay may ganung texture na extra silky smooth kumpara sa mga nabibiling mga Selecta, atbp. After namin makain ito, mararamdaman mo yung init sa katawan mo dahil Tequila Rose ang gamit dito haha! Don't worry, hindi naman nakakalasing unless OA ang tolerance ng katawan mo sa alcohol :)

Tea Infused Dark Chocolate Ice Cream - pagdating sa chocolates, nagkakasundo kami ni Blanca na Dark talaga ang masarap kumpara sa milk at white. Mabuti na lang, yun din ang hilig ni MJ kaya mataas ang standards niya sa quality ng lasa ng flavor na ito. Isipin mong para kang kumakain ng dark chocolate bar, except in silky smooth ice cream form! Heaven! Tip: masarap siyang kasama nung tequila rose na flavor at hindi sila nagsasapawan sa lasa! A must try!

Mascarpone Cheese Ice Cream with Roasted Nuts & Vodka-Plumped Berries - The first two flavors, masarap siya at not your ordinary grocery/mass-produced ice cream. Pero hetong Mascarpone Cheese flavor, heto ang pinakaswabe at talagang nag-agawan kaming apat (Ako,Blanca,Siobe, at Bea) sa huling patak! I swear, hindi nakakasawang kainin kahit makarami ng kain dahil bawat kagat, either may nuts (almond, walnuts, etc.) kang nakakain o kaya berries (cranberry, blueberry, o strawberry) or pareho na sumasama sa napakasarap na cheese ice cream! Nakatikim na ako ng mga espesyal na ice cream gaya ng sa mga Sebastian's at iba pa pero wala pa akong nakikitang gaya ng mga flavors ni MJ at lalo na nitong Mascarpone Cheese! Nainlove kaming apat dito na sa katunayan, umorder agad ako kay MJ haha! Wala pang nakahanda nung panahong yun at by order so binalikan ko siya a week after at nagdala ako ng cooler para talagang maibyahe ko ng maayos :D Heto ang pagkaing tipong dapat matikman sa buhay!

Naiuwi ko ang apat na half-pint cups ng  Mascarpone Cheese Ice Cream with Roasted Nuts & Vodka-Plumped Berries ng maayos at ganun pa din kaswabe ang texture. At mas madami pang lahok kesa sa pinatikim sa amin kaya mas swabe! :D

Pero hindi nagtatapos doon ang kwento, after a week, kinontak na naman ako ni MJ para magpatikim ng new flavors. At dahil alam ko na ngayon ang quality ng mga produkto niya, hindi na ako tumanggi at dumayo uli ng Fort Bonifacio para matikman ang latest creations niya. Ngayon ko natikman ang aking favorite sorbet, ang Mango Cilantro Sorbet!
 Si Blanca kasi, mahilig sa strawberries, ako naman, gusto ko din ang strawberries pero paborito ko talagang prutas ay ang mangga! Kaso may problema, sa totoong buhay, ayaw ko ng may Cilantro ang mga ulam ko at talagang tinatanggal ko ito. Pero, ngayon ko lang nagustuhan kainin ito dahil bagay pala siya sa dessert lalo na dito sa sorbet. Same effect siya nung basil na tipong refreshing sa bibig at para kang kumakain ng malamig na manggang natutunaw sa bibig! Heto ang paboritong sorbet ko!

Akala ko ay yun na ang highlight ng gabi ko, pero meron pa palang bagong flavor si MJ ng ice cream niya, ang Coconut Dulce de Leche w/ Almonds
Nung matikman namin ni Blanca ito, bigla kong naalala ang leche flan ng Chibugan Republik! Malapit yung lasa niya tapos nababasag ng almonds yung tamis kaya hindi din nakakasawa. Actually nagtatalo na sa isip namin ni Blanca kung ang top 1 ba ay yung Mascarpone Cheese o heto, pero after ng masusing pagkukumpara (masusi talaga?!), nanalo ang Mascarpone Cheese ng ga-buhok lang dahil sa variety ng lahok. Pero habang sinusulat ko ito, parang ayaw kong mamimili sa kanila at pareho ko silang gustong-gusto haha!

Sa ngayon, nag-uumpisa na talagang magbenta si MJ pero by order pa lang na may 2 days lead time kasi ganito ang proseso at prinsipyo niya: pagka-order ninyo, tsaka pa lang siya bibili ng fresh na ingredients, at take note, pinipili niya nang mabuti ang kanyang ingredients, so halimbawa, hindi matatamis ang mga mangga/strawberries na available, sasabihan niya kayo na hindi muna available kesa sa ma-sacrifice ang quality. Pero sinasabi ko sa inyo, super worth it/sulit ito!

Heto ang list of flavors na available niya at i-update ko ito kung may madagdag. These flavors come in half-pint hard plastic containers kaya hindi basta-basta nayuyupi

Sorbet
+ Strawberry Basil Sorbet with Grand Marnier P120
+ Mango Cilantro Sorbet P100
Ice Cream
+ Mascarpone Cheese Ice Cream with Roasted Nuts & Vodka-Plumped Berries P120
+ Roasted Strawberry Ice Cream with Tequila Rose P120
+ Tea Infused Dark Chocolate Ice Cream P140
+ Coconut Dulce de Leche w/ Almonds P140

 Perfect example ito ng affordable na high quality food. For those who want to order this awesome comfort food, heto ang contact details niya:

Mobile Number: 09178351472
Pwede niyo rin siyang i-personal message sa facebook: https://www.facebook.com/blacklotusss

Pag-usapan niyo na lang kung saan ang pick-up and kung hindi niyo kakainin agad at byabyahe kayo ng malayo gaya ko, mas maganda kung may dala kayong cooler. Subukan niyo, masarap promise :D Enjoy!

Chewy

Thursday, April 26, 2012

Manila - Mom's Birthday: Kasal ni Ahya James (Sweet Bella, Century Hotel)

Two weeks ago, my family and I celebrated the birthday of the woman that I love most, my Mom. For the first part of the 2-day celebration, we went to Sweet Bella in BGC for 2 reasons - First one is because we've heard good things about their food (not just their dessert selections), and second, may coupon ako worth 2,000 pesos booyah!

We went there around 10pm when most of the yuppies that frequent the area are already chugging Hoegaarden. Good for us, we were seated right away :) We came straight from Lucena that's why dinner was this late.

Anyway, pagpasok namin sa loob, para akong inaakit ng mga desserts at talagang muntik na akong madala at magskip na ng dinner straight to dessert haha!


When we went upstairs, we're the only ones there so wala kaming kaagaw sa kitchen orders, madaling mase-serve food namin malamang :) sakto! gutom na ako nun e

Here's their menu, 2 pages lang kaya hindi nakaka-overwhelm


My mom's favorite pose, "Straw Sa Ilong"
Before I start eating like there's no tomorrow, siyempre dapat i-check ang banyo kung "safe"
Tissue+Tubig+Sabon = Certified Jebber-Friendly!

Another important factor is the chili/hot sauce. They serve Tabasco so puwede na rin.


French Onion Soup - tastes exactly like Bacci! Nawala na yung Bacci malapit sa office namin sa Makati at talagang magkalasa sila! Gusto na nga namin ipatanong kung galing ba dun yung chef nila eh haha! Best Onion Soup ever! Sorry kung OA, namiss lang namin siguro. Pero seriously, masarap talaga ito, may cheese na lumulutang sa ibabaw o! How can you go wrong with cheese sa isang soup? :D


Cafe Monster Burger - I'm no expert kung USDA Beef ba talaga ang ginamit nito but all I can say is that this burger is d-lish!!! Ka-level ng Chili's, Cable Car, mga ganun :) I'd order this again

Pepperoni Pizza - Nagustuhan namin ang pizza nila! Tama lang ang nipis at lutong, although, maybe next time, we'd go for the uncommon flavors.

USDA Beef Salpicao with Steak Rice - since it's my mom's birthday, she can have whatever she likes. Pinili niya eh Salpicao at hindi siya nagkamali! Again, they claim to use USDA beef in this dish, not sure kung totoo pero the meat's tender and full of flavor. May anggo na tamang-tama lang :) Must-try!

Spaghetti Seafood Aglio Olio - the best pasta dish of the night :) wala siyang kalasa at masarap talaga siya. Sabi nga ni Blanca, pwedeng pagbalik namin, ito uli ang orderin haha!

Spaghetti Amatriciana With Seafood - this one's actually really good. Pero natabunan ng Aglio Olio eh. I'd recommend this if you prefer tomato-based sauces.

Five Cheese Pizza - heto no joke, si Blanca ang nag-declare na Best. Pizza. Evaaarrr! Well, I don't completely agree with that kasi mas marami pa akong gustong pizza compared dito. But, so you'd understand. Adik si Blanca sa Quezo de Bola. Yung bang tipong lasang panis na keso gaya ng sa quezo de bola na Pato o Marca Pina. Ganun ang gustong-gusto niya at lasang-lasa nga naman yun sa pizza na ito. Gusto ko siya pero hindi sobrang na-inlove sa pizza like Blanca haha! Highly-recommended for cheese-lovers!

After our heavy meal, may konting space pa naman sa tiyan and we'd always make room for dessert! Lalo na't birthday ni Mama, kelangan may cake :D We went back down to choose among the dessert selections of the day


Heto ang napili namin:
Chocolata - siyempre kelangan meron nito, dito sila sikat at minsan nang nahirang ito bilang Top 10 desserts sa Manila :) Chocolate addict ka ba? This dessert is for you! Loob at labas, chewy-gooey goodness!

Mangotier - also really good. Matamis yung mangga at mas masarap pa sa cream ng Red Ribbon yung loob :)

Mi Camille - ito actually ang pinaka-gusto ko sa lahat :) Almond Praline w/ Hazelnut. Heaven! Kahit maliit at nakakabitin, gusto ko pa din ito :) Winner!




I'm really happy that my mother enjoyed her birthday salubong. Sayang lang magkahiwalay kami umuwi kasi sa condo sila tutulog dahil doon sila magpapaayos ng buhok para sa big day ni ahya James kinabukasan. Naglakad-lakad muna kami ni Blanca bago umuwi at nagtagtag para bumaba ang kinain.

Dumaan kami sa Bar Dolci na malapit lang naman sa Sweet Bella para bumili ng French Macaroons para kay Bea. Gusto ko pa nga sana ng Salted Caramel kaso bigla akong naawa sa katawan ko haha!




Kinabukasan, it's a double celebration sa pamilya namin :) Birthday ni Mama at kasal ni Ahya James!
Sa Century Park Hotel ang reception. 11 years ago pa ako nung huling kumain dito at natandaan kong nag-enjoy ako sa kinain ko.
Elegant ladies

halatang mga sinaunang tao eh oh, hindi nangiti sa picture haha joke lang!
Chiak Tony and his family :)

Si Siobe, Ako , at si Maan, part ng entourage as secondary sponsors

My beautiful date for the night :)

My favorite part of the occasion, chibugan!

Cold Cuts - swabe ito, ang sarap lalo na nung asado. win!

Prawn Salad - Marami at malalaki yung prawns, napadami nga lang din yung mayo pero pwede namang tanggalin :) 
favorite ni Koa Becky ito kaya siya ang first blood :D

Shark's Fin Soup - masarap din ito and by this time, medyo nabubusog na ako kaya nagpe-pace na ako nito haha!

Abalone Mushroom - dapat konti lang kakainin ko nito, pero dahil masarap at paborito ko to, napadami din :s hahaha! EQ fail ako

pahinga muna, picture-picture
nuod AVP
kwentuhan with family :)

then balik na uli sa chibugan!

Lapu-lapu - nakasalalay lang naman lagi ang kasarapan ng dish na ito ay kung sariwa eh. At sariwa ito kaya masarap siya, Konti nga lang nakain ko kasi gusto ko pang matikman yung iba pang parating.

Kalapati - hmm actually okay yung nakuha ko, pero yung sa iba, masyado daw maganit yung laman. Sinwerte lang siguro ako hehehe

Crab Cakes - mejo may bias ako kasi may carrots na lasang-lasa eh... boooo, pero pag tinangal naman, masarap din naman kahit paano hehehe
best man and maid of honor giving their speech. Something na hindi ko nagawa ng maayos nung kasal ng kuya ko haha

Noodles! - siyempre hindi mawawala sa celebration ito. Masarap din siya pero not the best that I've tasted.


Crabs - heto ang paborito ko. Sila mga ayaw magkamay, edi wag, more for me then. Wooot!

Usually, sa mga kasalan na ganito, Buchi na may sesame seeds na parang sa mga chowking ang sine-serve.
Dito sa Century, Ube mochi na may  peanut butter.... Two levels of win!!! Tig dalawa kami ni Blanca ata ng nakain haha! Sana may nabibili nito sa resto nila para makain namin kahit walang kasalan :D Sa mga magpapakasal, sa Century niyo na lang ganapin, isama niyo ito sa menu, at imbitahin niyo kami :) Hindi kayo magsisisi!

Mango Sango - normal lang :) 





my crazy family! Look at achy Meh in the middle. Siya ang panalo sa pic na ito hahaha! I love the Chua family!


Family picture :D


Happy Birthday, Mama! May you have more birthdays to come and may God bless you with more healthy years so that you can continue being a blessing to others. You are the best mom evaaar! I love you :*

Chewy