- Nakapunta na ako sa Mindanao for the first time - Ozamis, Iligan, CDO (Nov 2012)
- Nagdaan ang Pasko at umuwi na ako sa Lucena para tumulong sa family business (kaya less time magsulat)
- Nag-aral mag-surf sa La Union at bumalik ng Baguio (Jan 2013)
- Bumalik sa Mindanao, this time sa Davao (Feb 2013)
- Nag-Holy Week sa Subic
- Nagkaroon ng unang pamangkin June 1, 2013 (yun sana ipo-post ko kaso ayaw magpapost ng pics ng kuya ko)
- at marami pang mga okasyon at mga experience ang nagdaan na susubukan kong balikan :)
Fast-forward sa birthday celebration ko this year, nagtungo kami ni Blanca sa Lolo Dad's Cafe na matagal ko nang pinapangarap makainan. Actually, kung wala nga kaming coupons from Deal Grocer, baka hindi pa rin ako naglakas loob pumunta dun kasi wala naman sa aking budget ang kumain sa mga mamahaling lugar (sorry, jologs lang).
So ayun, pagpunta namin sa lugar at pagkaabot ng menu, meron naman palang mga modest portion na kahit mahal, ay hindi gaano nakakasindak. At dahil may coupons naman kami at kahit papaano ay may pera akong dala, naisip namin ni Blanca na tikman bawat klase - at hangga't maaari ay yung first entry bawat section ang orderin dahil yun daw ang pagkakasunod-sunod ng recommendation. (Naks, nagyabang ang mga feelingero - naisip kasi naming sulitin ang experience baka hindi na kami makabalik, haha!)
*click pictures to enlarge*
Habang naghihintay kami, hinainan kami ng hot bread with garlic butter
Siyempre kinain namin, si Blanca naka-dalawa, ako isa lang kasi ayaw ko magpakabusog agad :p
Pero tiningnan ko uli ng maige ang kaharap kong partner ko, hindi ko maiwasang mabusog sa pag-ibig... boooom!
Siyempre gusto rin ni Blanca na picturan ako kasi birthday ko, at nung tiningnan ko yung picture, tsaka ko lang napansin na kita pala yung kitchen sa likod ko!
Nung lumingon ako, bigla akong kinilig! As in nakakita na ako ng mga sikat na artista, photographers na idol ko, pero ngayon lang ako kinilig ng ganito dahil nasa harap ko ang idol kong si Chef Ariel Manuel at napapanood ko siya in action! Pagkakita ko, sabi ko kay Blanca, pag nagka-chance ako, magpapapicture talaga ako!
So, dumating na ang unang order namin
Gourmet Salad
-Prawns, Mushrooms, Feta Cheese and Kalamata Olives in Sundried Tomato vinaigrette tossed Salad leaves
Huge (pwede ring literal) fan ako ng gulay na may vinaigrette. Kung kagaya kita, orderin mo ito! Yung lutong ng sariwang gulay kasama ng masarap na parang pan-grilled shrimp tapos yung mushrooms... ahhhh swabe! Plus, hindi tipid sa Feta cheese kahit modest portion lang, yun nga lang nabitin kami ni Blanca sa Kalamata Olives kasi tig-isa lang kami. haha!
Double Espresso Soup
- Cream of Mushroom and Tomato with Salted fleuron
ang kabanuan namin, akala namin ni Blanca, may halong Espresso yung soup, so dahil inakala naming baka weird (in a good way), kaya namin inorder. Pagdating sa amin, nasa dalawang espresso cups yung cream of mushroom (brown) at cream of tomato (orange) magkahiwalay. Mabuti na lang, medyo kakaiba pa rin yung soup. Bakit kamo? Matapang ang lasa nung soup. Hindi siya yung tipong kukutsarain mo ng dire-diretso. Malakas talaga yung lasa kaya pasip-sip lang habang naka pinky-up para susyal talaga ang experience, haha! Naubos namin ni Blanca ito na walang conclusion kung alin ang mas masarap kasi pareho silang sobrang sarap. Napatigil nga kami at nagtanong sa sarili namin, "OA lang ba tayo o talagang ganun siya kasarap?!", dahil kada sip at subo ay napapangiti kami!
Nagpa-picture kami sa isa sa mga mababait na staff after ng starters namin ng biglang...
TENEN!!! Lumabas si Chef Ariel at talagang pakapalan na ng mukha, sinabihan kong "pwede po bang magpa-picture?" Sabay nag gesture siya na kukunin camera ko at pipicturan kami ni Blanca, haha! Lalo akong kinilig dahil ambait at approachable niya!
Si Blanca nainggit, nagpapicture din!
Pagkatapos naming magpa-pic, tinanong niya ako kung birthday ko at binati ako, nagulat ako kung paano niya nalaman! Palaisipan talaga. Bigla kong naisip, siguro dahil ngayon lang niya ako nakita, tapos banong-bano pa ako na tipong hindi sanay sa fine dining, kaya malamang naisip niya na special occasion ito, haha!
after namin mag starters, binigyan kami ng lemon sorbet. Sabi ng staff, "Sir, Ma'am, to cleanse your palate." Sabay serve habang gumagapang ang usok mula sa dry ice. BRAVO!!! Nabano ako haha! *watch*
After namin mag cleanse ng palate, sinerve na ang main course (nauna yung sauce nung pork)
Confit of Kurobota Pork Belly
Arborio rice with Chorizo, Prosciutto and Pancetta Garlic and Melocoton sauces
Sobrang lambot nung pork at masarap kainin kasama yung TABA at sauce. Normally hindi ako kumakain ng taba pero sobrang lasa talaga at bagay dun sa Arborio Rice. Tuwang-tuwa na ako e, pero nagbago ang lahat ng matikman ko itong susunod...
Pan-fried fillet of Seabass
with Blue crab Potatoes and Smoked Salmon filled Mushrooms in Oyster cream sauce
dinedeklara ko ito na PINAKAMASARAP NA ISDA na nakain ko sa buong buhay ko. I SH*T YOU NOT!
Nakakain na ako ng seabass before, kahit yung una kong natikmang seabass sa Makati Shang, sibak dito! Sa quality at quality ng pagkakaluto, para kang kumakain ng mataba-tabang isda na parang bawat kagat ay may kumakatas na fish oil. Tapos bagay pa yung mashed potato na may parang lasang truffle (kahit wala sa description), aaahhhhhh HEAVEN! Mawala na ang steaks sa mundo, wag lang ito! Ganun siya kasarap! Yeah, I said it!
Inuna namin ubusin yung pork at pareho kaming nalungkot nung last bite na ng fish...
Mabuti na lang, dessert time!!!
Inorder namin yung top 2 desserts at unang pinaserve yung #2
Frozen Mango Terrine with Deep Fried Beignets,
Rose Syrup and Cheese Ice Cream
Nagustuhan ko itong dessert na ito (pero hindi kasing level nung sa isda ha). Si Blanca hindi nakain yung Fried Beignets dahil....
TENEN!
May Cinnamon! haha! More for me :D Ang laman nung Fried beignets ay Mangoes with cream. Okay yung Ice cream pero mas gusto ko yung Frozen Mango Terrine part kasi parang kumakain ng frozen mango cream pie :)
After namin maubos, pinalabas na namin yung #1
Sampler of Chocolates
White chocolate Off-mold Brulee, Dark Chocolate Terrine, Chocolate Flan, and White Chocolate and Caramel Ice Cream
May fresh berries pa! Party sa bibig!!!
Ang pinakagusto ko ay Chocolate Flan. Para kang kumakain ng tunaw pero buo na malamig na smooth dark chocolate... ahhhhh! Swabe!
Heto naman ang top ni Blanca kasi maraming nuts
Nagustuhan din ni Blanca itong Off-Mould Brulee
So ngayong na-experience ko na ang Lolo Dad's, sulit ba kamo ang paghihintay? OO NAMAN!
Babalik ba ako? YES, YES, YES! May deal o wala, gusto ko uling makain yung Seabass, actually gusto ko matikman ng tatay ko ito dahil pareho kaming fan ng seabass :D
Para sa mga hindi pa nakakasubok at nag-aalangan dahil baka hindi sulit, TRUST ME, SULIT NA SULIT!
Happy Birthday to me! :D
Sa uulitin,
Chewy
from their website:
Lolo Dad’s Cafe
899 Pres. Qurino Ave. cor. Leon Guinto St., Malate Manila
Phone Number : (63 2) 522-2941, 524-2295, 526-7151
Cellphone Number : +639228125971
Operating Hours :
Monday : Open from 6:30pm to 10:30pm | Dinner
Tuesday to Saturday : Open from 11:00am to 2:00pm for Lunch | 6:30pm to 10:30pm for Dinner
Sunday : Closed
No comments:
Post a Comment