Tuesday, March 29, 2016

Kyoto, Osaka, Kobe 2016 - Days 4 & 5 - Osaka Castle, Umeda Sky Building, Shinsaibashi, Dotonbori, Kansai Airport

WARNING: Ang series of posts na ito ay heavy on images pero may mapupulot naman kayong tips at mga masarap at hindi masarap na kainan/pagkain. Kaya maraming pictures ay dahil karamihan ay hindi ko maisulat ang address kaya sa itsura na lang ibase :p As always, click on the photos for a larger view
 Kyoto, Osaka, Kobe 2016 - Days 4 & 5 - Osaka Castle, Umeda Sky Building, Shinsaibashi, Dotonbori, Kansai Airport #todOSAKAin

During this trip, something happened na ayaw na ayaw ko - ang masayang ang oras :( On our last day (day 5), mahigit 4 oras ang nasayang namin kakahintay sa airport. Ang dami pa sana naming nalibot at nakain nun. Nag-alala lang kami masyado na baka hindi magtugma ang schedule ng train at ng flight namin. Oh well, lesson learned. Anyway, here's how our fourth day started...

Mas malamig pa ang araw na ito kaya balot na balot na talaga ang bihis ng mga magagandang dilag

 Habang naglalakad patungo sa Osaka station, nakakita kami ng mga cute na chikiting na tumatawid! Nakakatuwang tingnan, ay!

 Pagdating sa station, habang naglilibot at naghahanap ng makakainan, nakita namin itong stall na ito
 Yung Mochi na may bean paste at fresh Strawberries! Parang yung nakain namin sa Tokyo last year!
Ang sarap nito! Highly-recommended! Nakakalungkot lang dahil sold out na ito nung last day namin kaya I suggest na bumili na agad kayo kung may makita kayong available.

 Sa aming paglilibot, nakita namin ito
 bread na may chocolate nama na may chocolate cream na dusted with choco powder. BOOM!
 Highly-recommended for chocolate lovers :) sarap
 Ikatlong naispottan namin, si kuya, seryosong-seryoso paggawa ng Japanese Pancake.
 Ang dami ng palaman! Hindi kagaya nung nabibili dito sa tabi-tabi sa atin na napahiran lang ng munggo :)) Magugustuhan ito tiyak ng tatay ko

 Para siyang pancake/hopia hybrid. Ang sarap din nito - a must-try! Masarap lalo na kapag bagong luto



Sa paglilibot namin, naghanap na kami ng totoong pagkain for brunch
 
 Nakakita kami ng pila sa Don Don Tei kaya nakipila na din kami
 Gaya ng karamihan ng resto na may pila dito, uupo ka na lang kung saan libre. Less chance na magkatabi kayo ng kakilala mo, less chance na magkakwentuhan at matagalan, less chance na mag-share so tig-iisa talaga ang order, galing!
 Maliit lang ang kusina nila at iilan lang silang nago-operate pero napaka-efficient nila.


 Inorder ko yung tempura bowl. Walang sawsawan gaya sa atin pero masarap ito ha. Kakainan ko uli ito kung sakaling makabalik dito :) Sulit meal!

Ito ang kinuha naming pass for the day kasi ayon sa kuwenta ng aming researcher na si Alester, ito ang sulit na ticket sa aming itinerary na Osaka Castle at Umeda Sky Building
 Kahit lamig na lamig na, masaya kaming nagtungo sa Osaka castle
 Una muna kaming dumaan dun sa Plum Grove
 Mababaliw kayo sa pagpapalitrato sa Plum Blossoms dahil napakadami nila. Lalo na siguro pag nakabuka na sila lahat
 Ang mga view na ganito ang nagpapatigil sa amin nagpapaisip kung gaano kalaki ang dapat ipagpasalamat namin sa blessing na binigay ni God... nuuuks may ma-icaption lang e! Pero seriously, we're truly blessed to have traveled to these places kahit maliit lang ang budget namin :))

Nakita namin itong spot na ito na naaninag lang ng bahagya yung Osaka Castle. Perfect! Wala namang masama mag project minsan sa camera... aura!
Sa sobrang lamig, pati mga pets, kelangan ng jacket
 Umulan nga ng konti nung nandun kami, pagkapatak sa jacket, nagiging yelo! Hindi ko na rin maramdaman ang mga palad ko kaya sobrang importante ng gloves at balabal para sa kamay at tenga


 Sobrang daming tao sa Osaka castle kaya hindi maiiwasan na may mga photo bombers gaya ni kuya dun sa kaliwa

Sa paligid nung Osaka castle, may mga pagkaing mabibili. Tulad nitong humongous Tako Kropek na ito na wala gaanong lasa. Isipin mo kumakain ka ng isang malaking ostiya na may lahok na octopus. Okay lang naman tikman for fun pero hindi ganun kasarap haha

 Next naming tinikman ay ang Hokkaido Ice Cream. Hindi ko alam ano ba dapat ang lasa pero ma-krema ito at masarap kaya ayos din, sulit!
Sa same na tindahan ng ice cream, nagtitinda rin siya ng fried goodies. Tinikman namin itong parang fish sticks na may cheese sa loob. Saraaaap! Simpleng-simple pero nakakatuwa kainin. Bumubulwak yung cheese bawat kagat. Yun nga lang, ingat dahil mainit :)

Pagkatapos namin sa Osaka Castle, tiniis namin ang medyo may kalayuang lakad habang umuulan pabalik sa station para tumungo sa Umeda Sky Building. Sa aming paglalakad, nakakita kami sa isang parang convenience store/botika ng ganito. Hindi basta-bastang Pocky ito. Ang saraaaap! Isa sa mga best pampasalubong :D

Dumating kami sa Umeda Sky around 3:30PM 
 Kahit 5:42 pa ang sunset nung araw na yon, okay din na mas maaga para makapaglibot at pictures din sa iba't-ibang parts ng building bago lumubog ang araw






Nang makapaglibot na kami, umupo na kami sa may bintana para abangan ang sunset. Siyempre, kumain din kami :) Okay lang itong chocolate cake. Nothing special
 Hetong parang empanada, makunat
 Itong cheesecake, creamy naman. Ito ang masusuggest kong orderin niyo para makaupo kayo na hindi sayang ang pera, hehe.
 Nakaka-relax talaga tingnan ang lumulubog na araw
Habang naglalakad pauwi, napansin namin na ang ganda nung tunnel kapag gabi na. Siyempre, pichur pichur!

Naghiwalay muna kami nina Kriscelle pagkatapos sa Umeda Sky. Dahil dalawa naman yung pocket wifi namin, confident kaming magkakakitaan uli kami. Sila, umuna na sa Shinasaibashi para mag-shopping, ako naman, sinamahan ni Blanca at ni Alester sa Yodobashi Camera, ang favorite store ko sa Japan :D

I got to try out different Fuji lenses at sinubukan ko ang Fujinon 56 f1.2 na APD at non-APD version. Ang pagkakamali ko, same beautiful model ang pinicturan ko, pareho tuloy maganda kinalabasan at hindi ko makita difference nila... nuuuks! Blanca, kahit ano dun sa dalawang lens na lang pa-birthday mo sakin ha, thanks!

Pagkatapos kong tumingin at mamili ng kaunti, tumungo na kami sa Shinsaibashi. Grabe sa dami ng tao! Weekday ito ha

Hindi naman ako gutom pero hindi na din busog. Last time sa Tokyo, hindi ko nagustuhan yung Lotteria. Pero andami niya dito sa Osaka, nagkalat. Tapos meron silang inooffer na Kobe Beef burger
 At dahil naniniwala ako sa second chance, pinagbigyan ko na din.
 Nakabalot pa sa furoshiki na magiging souvenir na din, pogi points!
 Makapal yung patty niya
 at MASARAP :D Sayang lang at hindi medium rare pero malasa siya. Yun nga lang, for 1500 yen, mas marami pang mas masarap na burgers sa Manila. Siguro for souvenir at matikman lang, okay na din sumubok nito :)

Nilakad na namin hangga't makaabot sa Dotonbori at sa wakas, nakatyempo din kami magpakuha ng picture sa big screen :)



 Heto masaya, magpakuha kasama strangers :D

 Tinyaga na namin pumila dito sa Sushi place na ito kasi last night na naman namin
 Habang nasa pila, bumili muna ako ng takoyaki sa katapat nito para may nakakain kami habang naghihintay :)) masarap din a!
 Pagdating sa loob, hiwa-hiwalay na naman kami ng upuan
 Ang masaklap, napapuwesto kami sa may end ng belt, so mga napagpilian na lagi nadating sa amin. Nalaman namin, puwede namang magrequest kung may gusto ka na hindi nakakaabot sa iyo
 Ang hirap ng ganitong style, kasi dahil nga madalang umabot sa amin yung mga rare na klase, tuwing makakakita kami ng kakaiba, kinukuha na din namin. Napaparami tuloy ang kain at ang hirap mag estimate kung kaya bang ubusin ang pinagkukuha hehe. Anyway, ito ang mga kinuha namin, lahat naman siya, kundi masarap ay okay lang. Wala namang talo :)








 Hetong shrimp na may melted cheese, ang sarap! Nirerequest siya at hindi sinasama sa belt usually (or hindi lang talaga nakakarating sa amin)
 Pagkatapos naming kumain, pagkalabas, kakaiba na ang lamig.

 habang sila ay nagsho-shopping, pumasok kami nina Blanca sa Starbucks para mainit at para na din tumikim ng treats na dito lang makikita gaya nitong Sakura Chiffon cake
 at Sakura Blossom Frappe
may goodies din na dito lang sa Japan available kaya magandang pampasalubong
 Hetong frappe, okay naman ang lasa pero ang weird nung shavings sa ibabaw, lasang karton
 itong Sakura cake, TALO.

 Matapos naming mag-dessert, dahil last night namin, napagkatuwaan naming gayahin ang mga litrato ng artista sa lugar na ito. Gaya nitong kay Kathryn Bernardo
 O diba, Kathryn vs Fathryn! Nakakalito sila o!
 Si Nadine Lustre, si Leah, na idol ni Blanca, wala sa Japan, sa Korea meron. Kahit hindi umuulan at wala kaming makitang kaitsura na lugar

 Ayun, pinilit na lang :)) Binili talaga namin yang payong dahil maulan sa OSAKA castle PLUS kagaya nung kay Nadine, haha!

Kinabukasan, gaya ng nabanggit ko, napa-aga kami sa airport. Kung magkakaroon uli ako ng pagkakataon, kakain pa muna ako sa Dotonbori ng brunch bago pumunta sa airport. Anyway, tumungo na kami sa Osaka station para tumingin ng mga pampasalubong at mag light breakfast


Nakita ko itong cake ng Krispy Kreme na Matcha. Okay lang siya, nakakasuya kasi yung tamis. Trademark na ata ng Krispy Kreme ang sobrang tamis :s

 Nakakita uli kami ng 551 HOKAI at sinubukan namin ang siomai nila, ih ih, yanung sama. Ang labsak. Sayang pera

Nakakita din kami nitong parang maliit na pancakes na may palaman sa gitna
 Masarap ito :D puwede ring pampasalubong pero dapat maibigay at makain agad.

Bumalik uli kami sa Pablo at nakakita ng mga pampasalubong. Ang ganda ng description nitong Millefeuille pero TALO ito. Sayang ang pera eh, yanu.
 Itong mga Sabrel Cheese ng Pablo, panalo ito. Highly-recommended na pampasalubong (habang wala pa sa Pilipinas) :)

 Bago sumakay ng train papuntang airport, nakita ko itong stall na ito na pagkabili ng mga tao ay bitbit na nila. As in wala nang cooking time. Na-curious ako. Tinanong ko kung paano iinitin, hindi gaano marunong mag-english si kuya pero ang sabi niya, "oready hot". So naniwala na lang ako at sumubok kasi ang dami kong nakikitang may dala.
 Heto siya
 Heto ang mga pagkakataong I wish marunong ako mag-Japanese. Nakita ko lang sa drawing na hatakin daw ang tali.
 Lintsak na yan, pagkahatak ng tali, may sobrang init na steam na lalabas at napaso ang kamay ko at sumingaw sa loob ng tren, haha! Ang bango pero nakakahiya sa iba! Napatakbo tuloy ako sa Luggage area para dun pasingawin
 Pagkabukas, heto ang tumambad, beef misono at may giniling na pork na may kanin sa ilalim. Ang sarap nitoooooooo! Hindi ko alam kung gaano katagal tumatagal ang init pero unique na pasalubong ito kung sakali, haha! Ang sarap baunin sa tren at kung nadiskubre ko kaagad ito, malamang naging default food ito pag walang maisip kainin. Winner!

Matapos ang mahabang byahe, pagkadating sa airport, naghanap na kami ng makakainan talaga. Langya na yan, ang mamahal na ng restaurants karamihan

Nung nag-Tokyo kami, sinabi ko sa sarili na hindi na uli ako kakain sa Sukiya dahil nakakasuya yung inorder namin dati. Dahil wala na kaming ibang nakitang nagtitinda ng Gyudon, dito na kami nauwi pero this time, nagstick na kami sa original.
 Okay na din naman pantawid gutom, haha! Mas masarap pa din yung sa Ajisen at kung makakahanap ako ng ibang masusubukan na gyudon, yun pipiliin ko :p

After ng lunch, nagpapicture muna kami ng Humans Of New York style tapos nagpahinga na yung iba, yung iba bumili ng mga pampasalubong



Hetong katumbas ng tokyo banana, masarap din siya
 Iba lang ang hugis ng Osaka version :) Magandang pampasalubong

Yung White Chocolate Macadamia ng Starbucks dito, antigas kumpara sa Pinas, TALO


 Meron ding display ang Pablo sa airport kaso mas konti ang choices. So mas okay bumili dun sa mga store talaga
 Itong Matcha Pudding na ito, masarap :D Okay pampasalubong



Itong Matcha Strawberry, mahal lang pero not worth it.
 Mas okay pa ang White Choco Strawberry ng Muji :)

 Nakakita kami ng St. Marc at akala ko Sakura yung Flavor nung Choco Cro, langya, coffee pala. Hindi nagbabasa e
 Pero masarap pa din namin pati yung choco nila so okay na din na dessert

Nung malapit na ang boarding namin, sinoli ko na yung pocket wifi. Nilagay ko muna siya dun sa envelope na kasama
 Tapos, dun sa pinagkunan na counter, directly above nun sa upper floor, malapit sa Family Mart, nandun ang postal service nila. Iniwan ko lang dun sa red box, then okay na :)
 Pagpasok namin sa duty free area, may tokyo banana palang tinitinda :)

For our last meal before umuwi, bumili kami ng convenience store food :) Sa ganitong food namin sinimulan ang trip, sa ganitong food din namin tatapusin.
 Sadly, mali ang choices namin. Mas okay na mag-stick sa mga pasta at rice meals. Kapag grilled o fried food kaya ng Yakitori at Gyoza, ang labsak na :( Talo

Kahit na hindi ganun kasaya ang last meal namin, masaya pa din kaming umuwi. Ang dami naming naiuwing happy memories at lalo pang naging deeper ang bond namin ng aming mga kasama dahil sa trip na ito. Lalo pa kaming nainlove ni Blanca sa Japan sa trip na ito at excited na kaming mapuntahan pa ang ibang lugar sa Japan to see what they offer :)

Sa uulitin,
Chewy