WARNING: Ang series of posts na ito ay heavy on images pero may mapupulot naman kayong tips at mga masarap at hindi masarap na kainan/pagkain. Kaya maraming pictures ay dahil karamihan ay hindi ko maisulat ang address kaya sa itsura na lang ibase :p As always, click on the photos for a larger view
This year, as an anniversary gift to ourselves, and Valentine's day gift na din, nagplano kami ni Blanca bumalik ng Japan pero this time, sa Kyoto, Osaka, and Kobe naman ang target namin. I must admit, Japan is fast becoming my favorite country to visit dahil siguro sa nandito yung disiplina at respeto ng tao sa isa't-isa na pinapangarap ko para sa ating mga Pilipino. Napili namin sa parte ng Osaka dahil marami raw iba't-ibang makakain na dito lang sa area na ito matatagpuan, o dito sikat :)
Kasama ang kapatid naming si Bea, Alester, pati ang kaibigan naming si Kriscelle, dumating kami sa Kansai Airport ng 8pm ng Sabado. Importante ang oras sa detalye dahil crucial ito for train schedules. Pagkakuha namin ng bagahe namin, diretso na agad ako para kunin ang Pupuru pocket wifi na siya rin naming ginamit nung last time sa Tokyo.
Pagkakuha ninyo ng bagahe at pagkababa ng escalator, kumaliwa kayo at pumunta sa pinakadulo hanggang makita ang counter ng JAL. Wala kasing signage ng Pupuru kaya importante ang impormasyon na ito :)
matapos kong ma-check at maisetup ang wifi, ready na kaming maligaw :))
Tumungo kami sa Ticketing Office ng JR na makikita pagkalabas ng airport. Literal na baybayin lang ang bridge at makikita na ito.
Kumuha kami ng ICOCA-Haruka card kasi ito ang pinakasulit at convenient way sa paraan ng paglilibot namin. Kasama na dito ang trains palabas at pabalik ng Kansai airport kaya sulit na sulit. You can check their rates here
ako si t*nga, hindi na naman agad ako nagsuot ng thermal panloob kasi akala ko sapat na ang makapal na jacket, ayun, nakahiram tuloy ako ng balabal na mistula akong may dalang kumot :))
Dahil diretso kaming Kyoto, dito kami sa platform na ito pumunta. Kung gabi rin kayo darating kagaya namin, I suggest na huwag kayong pabagal-bagal dahil mahaba ang byahe at baka hindi na kayo maabutan ng train operating hours sa Kyoto o sa gitnang Osaka :)
Hanggang 12 ng hattinggabi lang ang train operations ng karamihan, minsan earlier. Mapalad kami at nakaabot kami sa isa sa mga huling byahe papunta sa Airbnb place namin :)
Dahil nga late na, 7-eleven food na lang ang bukas at naging unang meal namin sa trip na ito
huwag maliitin, masarap din ang convenience store foods sa Japan kaya okay na din gaya ng carbonara na ito
Sarap!
Heto ang listing ng highly-recommended host namin
bukod sa receiving area na may sofa, kasya kaming 5 na tao na may tig-iisang kama. Okay din ang heaters niya pantulong sa lamig :)
Kinabukasan..
Day 1 - Fushimi Inari , Nishiki Market, Kiyomizu Dera, Yasaka Shrine (Gion)
#KYOTOmeAreEverything
Nagsuot na ako ng extra warm heat-tech na shirt, tapos long-sleeved heat-tech shirt, tapos inipit ko ng relo at ng fitness tracker yung tig-kabilang cuffs para hindi madaling pasukin ng lamig tapos tsaka ako nag-jacket :p
Heto yung labas ng tinuluyan namin. Nasa tahimik na neighborhood kaya okay din.
Matapos magtanungan ng mga babae kung okay na ang mga suot nila, lumarga na sila na mistulang Sex And The City
Maaga namin sinimulan ang aming Valentine's day kaya nasolo namin ang tren for a few stops :)
Pagdating sa Fushimi Inari station, nagsimula na kaming maglakbay at mag-hike. Kung siguro mainit ang panahon, hindi ako sisipagin pumunta dito; pero dahil malamig, ang sarap maglakad. Base sa pedometer, naka 22,000 steps a day kami on average!
Anyway, sa paglalakad namin, napansin ko itong riles, parang sa Buendia lang, nasa kalsada. Sa Tokyo kasi noon, puro sa ilalim ang daan ng mga napuntahan namin kaya natuwa ako :)
Una kong napansin on the way to the shrine ay ang stall na ito. Nakakaakit ang itsura ng display nila. Hindi sila marunong gaano mag-English so tinanong ko:
"Good morning. What are those?"
Staff: "Rice cake. Very delicious!"
ako: "Nice! Do they have something inside?"
Staff: "Aaaa... Very good!"
Bilang madali naman akong kausap, naniwala akong masarap at pinili ko yung mukhang maanghang.
Ayun, isa pala siyang matigas na rice cake. Parang yung mga one-one. Tapos hindi maanghang. Parang nangingiliti lang. Kung mahilig kayo sa rice cakes, go ahead. Ako, hindi ko na uulitin.
Second stall na nakakuha ng aking attention. May picture ng malaking crab sa likod nung mama, tapos tinanong ko:
"Good morning. Are those crab legs?"
Seller: "Yes, crab legs. Grilled! Very delicious."
Madali talaga akong kausap e. So bumili ako. Ang hindi ko nilinaw ay kung fake crab legs o totoo. Ayun, fake crab legs pero in fairness, masarap siya kesa sa ordinary na Kani ha. Malasa talaga pero not worth the 200++ pesos for me.
Kitang-kita sa mukha ni Blanca ang pagka-dismaya kasi maalat din dahil naparami ang salt, haha!
Heto ang malupit. Bilang ako ay natuto na linawin muna at huwag magpapadala basta-basta, sa third stall na nakita ko, nilinaw ko na.
Ako: "Are those pork?"
Seller: "Yes, bacon"
Heto naman siguro, malinaw na. Thick-cut bacon naman ang itsura.
Aba... ay yanung sarap! 350 yen sa maliit at 500 dun sa malaki, sayang maliit lang nakuha ko. Dito ko na lang sana ginastos yung mga nauna, haha! Recommended!
Sina Blanca, heto naman ang napusuan
Okay naman siya at nakakabusog. Pero nothing special at tipong same quality sa mga nasa 7-Eleven which is not a bad thing, ha. It was just okay.
Pagdating namin sa bungad, bago pumasok, ginaya lang namin ang mga tao na naghuhugas at nagpupunas sa bibig nung sinalok na tubig. Sana lang fresh na bukal ng tubig ito at hindi pina-pump lang pabalik, hahaha!
Kung gusto niyo maiba, sa labas kayo ng orange structures na yun kesa sa gitna para artistic kuno, haha!
Hindi biro yung hike pataas. Hindi na kami umabot sa tuktok dahil masakit na daw mga paa nila at iniinit na sa pawis kaya nakapagtanggal ng jacket.
Pauwi, dito kami sa kabilang route kung saan mas sementado ang dadaanan ngunit parang sementeryo ata ang area na ito. Okay lang naman kasi may nadaanan kaming mga iba't-ibang mga bulaklak, at may Sakura daw. Hindi ko na actually matukyan pinagkaiba ng plum at cherry blossoms, pero pareho silang maganda, haha!
Siyempre, KKK - Kanya-Kanyang Kodakan time!
Ganda ng picture ni Blanca with the pink flowers ano? Tingnan niyo yung behind the scene para makita kung paano kinunan
liyad na liyad si Blanca e o! Pero tiis ganda pa din sa pagngiti, haha!
Pagkababa namin, dahil marami kaming naburn (yata) na calories, kainan na uli!
Nakita ko itong stall na may nakaka-engganyong picture ng grilled beef
Ang buong akala ko, lahat ng steak sa Japan, malambot. Kumbaga, mataas ang standards nila.
Heto ang una kong palpak na beef experience dito. Well, hindi naman siya sobrang talo. May part kasing malambot, may part na ubod ng tigas. As in, hindi nakakatuwang nguyain. Nung itatapon ko na yung stick, nakakita ako sa basurahan ng isang stick na ganito na isang chunk lang ang bawas. Sayang, hindi ko agad nakita yun, magandang senyales sana na huwag nang subukan, haha!
Sa paglalakad namin pabalik sa station, nadaanan ko itong ale na ang bait ng ngiti habang nagaalok ng paninda niya. Kahit hindi ko balak, bumili ako para lang masubukan. Tutal, may matcha naman na flavor, so kahit hindi ko alam kung ano siya dahil hindi rin marunong mag-English gaano, kinuha ko na.
Para siyang yung egg waffles na HK na may laman na Matcha flavored bean paste sa loob. Okay lang siya. Hindi wow, pero okay na din, parang Japanese na hopia.
Nung papunta kami sa Nishiki Market, ilang stations away lang, iba na ang vibe ng lugar. From parang isang barrio, heto parang shopping district na maraming tao. Siguro rin ay dahil Sunday :)
Akala ko may shino-shoot na game show e, yun pala, heto lang talaga ang trip nilang suotin habang nag-aalok ng pagkain sa restaurant nila.
Napakahaba ng Nishiki Market at karamihan ay pagkain. Hinanap ko talaga dito itong Baby Octopus na may itlog ng pugo sa loob ng ulo.
Nung matikman ko, malamig pala, hindi handa ang aking utak. Mas ma-enjoy ko siguro kung mainit. Okay naman siya kung ibabalik lang nila sa grill, hehe
Habang nakain ako ng baby octopus, nagkawalaan kami nina Blanca. Mabuti na lang at tig-isa kami ng pocket wifi, kaya't nagkatagpo uli kami. Sa haba nung market at may mga sidestreets pa, baka nagkawalaan kami ng tuluyan kung walang internet! Be diligent!
Dito pala sila tumigil
Bumili sila ng Takoyaki na may green onions
at yung isa ay may cheese. Pinipilahan ito kaya siguro masarap :)
Nung matikman, aba ay masarap nga naman! Highly-recommended!
Ang mali naming nagawa, pumunta kami dito ng lunch time. Wala tuloy kaming makainan na makakaupo kami. Kune meron man, sobrang haba ng pila! Nauwi kami sa isang tagong curry place na hindi ko na nga kunan ng litrato ang harap dahil sa gutom. Matatagpuan ito sa dulo nung market, sa labas na.
As an appetizer na kasama sa set menu na inorder namin, binigyan kami ng salad.
Masarap naman siya pero meron lang parang bulaklak na nakahalo. Sabi ni Blanca, lasang bouquet pang-alay daw sa patay, hahaha! Medyo nga!
Binigyan din kami ng soup na may bacon bits. Heto, masarap :D
Yung curry niya mismo, hindi kasing meaty ng sa Coco Ichibanya, pero makapal naman at masarap
Well-seasoned naman yung burger, at yung Katsu, malambot at hindi malangis.
Hetong Omu Rice, hindi ako fan kasi parang wala lang, haha!
After lunch, just a few meters from the restaurant, nandun na yung bus stop papuntang Kiyomizu Dera. Sa tapat ng Louis Vuitton. Nakakatuwa lang kasi, kahit matatanda na, nagtratrabaho pa rin ang karamihan sa kanila na kahit simple jobs gaya ng taga-ayos ng pila ng bus. Napapakinabangan pa din sila at part pa din sila ng community. Hindi yung namamalimos na lang. Ito yung mga tipong sana ganito rin tulungan ng gobyerno natin ang mga senior natin na kababayan.
Pagdating namin sa Kiyomizu Dera, walanjo, sobrang daming tao! Mukhang wrong move talaga na pumunta sa tourist spots ng Sunday.
Gustohin mang naming magpapicture na kami lang sa lugar na ito, walang chance!
Heto na lang kami, kasama ng maraming tao :))
Para makapunta sa temple, hike sa daraanan na kalye. Pagdating dito sa bungad, hike pa din pataas ng pataas.
Okay lang naman kasi ang ganda ng view pagdating sa taas
Sobrang dami rin ditong nagbibihis ng Kimono. Mahal at matagal magpaayos pero tyinatyaga nila. Okay din naman tingnan lalo na at marami kayo gaya nitong mga ito. #squadgoals
Dalawang street ang puwedeng daanan paakyat at pababa. Dun kami sa less busier one pababa at nakita namin itong Mary House
Nakuha kasi ang attention namin nitong Matcha Soft-Served Ice Cream. Okay sana siya kaso natalbugan siya ng...
Black Sesame Ice cream! Sarap nito! Mas gusto ko siya kesa sa matcha this time :)
Habang naglalakad papunta sa bus stop kung saan papunta sa Yasaka Shrine sa Gion, nakita ko itong tindahan na may parang siopao. Hindi man sobrang haba ng pila pero marami ring nabili
Beef Siopao pala siya! Ang sarap ha! Ito highly-recommended! Parang asado ang lasa pero baka ang laman :D
Para nga pala sa mga nagtatanong kung bakit daw ang dami naming alam puntahan, actually, si Google ang maraming alam. Alam niya lahat! So sinusunod lang namin ang Google Maps kung saang direction maglalakad at anong bus number o tren ang sasakyan :)
Medyo madilim na ng dumating kami sa shrine.
Wala na gaanong tao at halos paubos na din ang mga paninda sa mga stalls
Sa Fushimi Inari pa lang, nakakita na ako ng ganito pero hindi ko pinansin
pagdating ko dito, maraming nabili, so nakigaya na lang ako.
Para pala siyang okonomiyaki na naka-roll. Okay din a! Hindi naman sobrang sarap pero I'd suggest na i-try kahit once lang kasi masarap din naman :)
heto lang ang ikinatuwa ko sa paglibot namin sa loob
paglabas namin, nakakita na naman ako ng beef sticks at medyo nagaalangan ako bumili kasi baka kagaya ng kanina, pangit na naman pagkakaluto.
PERO, dahil naniniwala ako sa second chance, sinubukan ko uli ang mga nakatuhog na beef na ito. Itong stall na ito, masaraaaappp. Malambot at mataba-taba ang baka kaya malasa! Rekomendado ito!
Pagkatapos, naglakad-lakad lang kami sa mga lumang bahay/stalls sa Gion district pero yung mga restaurants nila, puro steak. Ramen ang hinahanap namin dahil sa sobrang lamig!
Nauwi kami dito sa ramen place na ito na hindi ko alam ang English name. May mga nakapila kasi at maraming napasok kaya gaya-gaya moves na lang uli.
Pagpasok namin sa loob, nakita ko itong poster nila na sa aking pagkakaintindi (panghuhula) ay na-awardan sila for 2 years in a row na sa Tokyo Ramen Show ng kung anong karangalan. Hindi ko alam kung tama ako pero at least, ito na lang ang pinaniwalaan ko ng time na yun para hindi na maghanap ng iba pang ramen place, haha!
Si Alester, inorder ay yung Chashu, ang sarap ng sabaw nito at mataba-taba yung laman!
Sina Blanca, Miyako Ramen ang inorder. Iba din yung sabaw nila at masarap din. Mas gusto ko nga lang yung sabaw nung Chashu
Siyempre sa akin, spicy dapat, kaya Spicy Miso Ramen. Akalain mo ba naman, yung sa akin ang pinaka-masarap! Nag-agree naman sila na pinakamalasa nga ang sabaw nung sa akin :) Kung nasarapan kayo sa alin sa Ichiran/Ippudo/Nagi/Ukkokei hindi na nalalayo ito kaya rekomendado rin :)
Siyempre, bago umuwi, kelangan mag-dessert :) On our way to the train station, nakakita ako ng Nana's Green Tea na una kong nakain sa Tokyo Sky Tree building last time
lahat sila, puro green tea drink
Ako, siyempre, yung tunay na na matcha dessert!
Pauwi habang nasa Family mart kami, ang hinahanap ko ay Royce na cheese gaya ng nabili namin last time.
Wala kaming nakita pero heto naman ang nakita ko, Royce Chocolate Pudding! Hindi gaano matamis at with the right bitternes! Naguwi nga kami sa Lucena nito dahil nagustuhan namin :)
What a tiring day 1. 22,000 steps! See you sa 2nd day :)
For the second day of our journey, click here
Sa uulitin,
Chewy
pwede po bang malaman saan kayo ng-stay sa kyoto at ang rate po?
ReplyDelete