WARNING: Ang series of posts na ito ay heavy on images pero
may mapupulot naman kayong tips at mga masarap at hindi masarap na
kainan/pagkain. Kaya maraming pictures ay dahil karamihan ay hindi ko
maisulat ang address kaya sa itsura na lang ibase :p As always, click on
the photos for a larger view
Day 3 - Kobe, Osaka Aquarium, Dotonbori #todOSAKAin
This day, our feet thanked us for giving them a little rest. After two straight days of intense walking, most of the time, nasa train kami at nakaupo dahil malayo-layo din ang byahe from Osaka to Kobe sa araw na ito. Bumababa na din ang temperature kumpara sa mga nakaraang araw kaya medyo nahihirapan din kaming maglibot kahit paano.
lamig na lamig si Bea o
For breakfast, tumungo kami sa Osaka station at naningin ng pagkain sa loob ng Hankyu
Maraming murang pagkain dito na mukha namang masasarap kaya minarapat naming subukan kung hanggang saan kaya ng aming tiyan :D
Hetong parang chicken cordon bleu, masarap na, mura pa! Kung on a budget kayo, recommended :D
Hetong isa, parang chicken na may teriyaki glaze tapos may garlic, hindi naman sobrang mura pero masarap din ito. In fact, siya pinaka-gusto ko :) rekomendado!
Nakita ko itong parang breaded meat. Mura lang naman, so sinubukan ko.
anak ng teteng, medyo malabsak yung loob nito, parang may halong patatas na ewan. Sayang pera ko dito :s
Hetong 551 HOKAI, kung saan-saan namin nakikita, ang mura e, 10 pcs for 300 yen?! Amazing!
Pwede na rin siya ha. Hindi kasing sarap nung nasa Dotonbori pero okay na din kung nagtitipid :)
Sa lahat ng desserts na nakita namin sa loob, ito ang nag-enjoy ako kasi kakaiba
Hindi nga namin alam kung ano ang tawag pero tinuro lang ni Blanca kasi curious siya dahil parang cannoli na may custard sa loob.
Masarap siya! Highly-recommended! Malutong ang tinapay at ang sarap nung bumubulwak na cream sa loob, winner!
After namin kumain, pumunta kami sa ticketing office at kumuha ng package na ito. Unlimited ride sa line nung train papuntang Kobe na may kasamang passes sa Osaka Aquarium.
Sulit na siya, trust me, kahit anong kwenta niyo, mas makakamura kayo, nakwenta na ni Alester lahat ng posibilidad, haha!
Heto yung mga oras na pasalamat kami at grupo kaming nagtratravel dahil hindi kami nababato sa mahabang byahe gaya nito
Matapos ang kulang-kulang isang oras, Hello, Land of Black Mamba!
Actually, hindi ko inexpect na maunlad pala ito. Akala ko, tipong mga parang tahimik na neighborhood ang makikita pagkababa ng station, yun pala, urbanized din pala talaga
Matapos naming maligaw ng konti dahil nagloko GPS, natagpuan din namin ang aming ipinunta sa Kobe - ang Steak Land! Alam kong medyo mahirap paniwalaan pero talagang hindi kami pumunta dito para sa ibang tourist attractions.
Para sa mga nakakakilala sa amin, Blanca and I are willing to go to far away places just for food. Pumipila talaga kami kahit matagal para sa isang restaurant.:)
Nag search kami ng kung saan may nagseserve talaga ng Kobe Beef at highly-recommended sa trip advisor itong Steak Land :D Kita niyo naman, sa tagal ng pila, yung dalawang nasa picture sa baba, strangers sila nung pumila, pagdating nung malapit na turn nila, na-inlove na! May forever!
Pagsilip namin sa loob, ganun pala ang style ng paghahain nila. May lutuan sa harap at nakapalibot ang mga customers para takam na takam lalo habang niluluto pagkain nila.
Saludo ako sa staff nila kasi organized sila sa pag manage ng tables at pag timbre sa loob kung ilan ang batches ng nakapila
Lahat kami, lunch set na large Kobe Beef ang inorder. Kaya kami nagtipid ng breakfast ay dahil magastos ang lunch na ito, haha! Actually, isa daw ito sa pinakamurang nagse-serve ng Kobe beef kaya masuwerte na din kami :)
Salad pa lang, masarap na, paano pa kaya yung karne mismo! (O.A)
Tila bang isang sexy dancer na nang-aakit, inumpisahan ni kuya (dahil hindi ko siya kilala) ang pagluluto ng garlic sa butter... ang bango grabe... si kuya, tease!
Tapos nilatag na ang mga karne, nilagyan ng asin at paminta, tapos hiniwa hiwa sa harap namin
Ang galing! Ang ingat niya at precise!
Tapos, isa isa na niyang niluluto accrding to doneness na gusto niyo. Siyempre, medium rare sa amin :)
12 pieces of heaven!
Ang ineexpect ko, gaya ng lambot sa mga roast beef na parang kaya mong hiwalayin ng dila...
Ito, medyo firm siya pag kinuha mo ng chopsticks, tapos pagkagat mo, biglang naguguho na para bang sinasabing, "Brian, I surrender... I'm yours... Take me..."
Ang saraaaap! Paano pa kaya yung mga mas mamahalin pa sa ibang resto?
Heto yung isa sa mga saddest moment sa trip na ito... yung makita mo na isang piraso na lang natitira... #sepanx
Matapos naming kumain ng swabe lunch, literal, balik na uli kami sa station pabalik ng Osaka
Naghanap kami ng mainam na desserts sa mga stores sa train stations. Hetong dalawang ito, okay. Hindi gaano matamis yung strawberry, tapos itong parang yogurt na may berries, okay din. Magandang pampasalubong.
Dahil nasarapan kami dun sa waffles kahapon, sinubukan namin itong naka-pack, baka sakaling masarap.
HINDI. Talo. Sayang ang pera dito.
Matapos ang mahabang byahe, nakarating din kami sa Osaka Aquarium. Hindi kayo maliligaw pagdating sa station kasi makikita niyo agad ang malaking Ferris Wheel sa harap nito
Maraming iba't-ibang klase ng nilalang ang nandito kaya kung animal lovers din kayo, magugustuhan ninyo dito :)
Matapos ang aming paglilibot, bumalik na uli kami sa Dotonbori for dinner. Nakita namin itong may pila na akala namin ay Gyudon yung naka display kaya nakipila na din kami.
Don Buri pala, pork na may fresh egg, hindi man ito ang hanap namin, at dahil nagkasubuan na, lumarga na din kami :)
In fairness, masarap siya! Manamis-namis din naman. I'd recommend this joint :)
Sa paghahanap ng desserts, nakita ko itong kamote sa Doutor - isang sikat na coffee shop sa Japan
Sinubukan ko lang, gaya ng hinala ko, kalasa siya ng Sweet Potato sa JiPan sa Glorietta. Masarap naman pero dahil meron dito sa atin, puwedeng i-skip.
Malapit sa Doutor, nakita namin itong YO CAFE Partyland
Ang sarap nung Black Sesame Yogurt!!! Okay din yung Matcha! Okay lang sila paghaluin pero mas maganda kainin ng magkahiwalay.
May crepes din sila pero mas nagustuhan ko yung yogurts nila
Dahil takot na kaming masaraduhan ng tren, umuwi kami ng maaga dahil kinabukasan ay mahaba-habang lakaran na naman. Pagbaba namin ng station malapit sa tinitirahan namin, nakita ko itong resto na ito
Yung bintana niya, may nakapromo na Gyoza
Ang best seller niya ay yung kulay itim. Hindi siya sunog ha, talagang dark ang kulay niya. So ayun, sinubukan namin... Uhm, wala, mas masarap pa din yung sa Dotonbori na pinakuna
Nakita din namin ito sa 7 Eleven nila. Sariling Pringles nila. Okay lang pampasalubong pero nothing special :)
Heto okay, hindi naman sobrang anghang pero may anghang at okay pambigay sa mga chiliheads :)
Siyempre, nag-inom kami ng konti at maayos ang lasa nito. Manamis-namis :)
Na-curious din ako sa mga tinda ng 7-Eleven kasi ang dami na wala dito gaya ng "Candy Cheese" na ito.
Yun pala, cheese lang na binalot na parang candy, haha! Hindi matamis!
Heto ang panalo, kung puwede lang maiuwi sa Pinas e, cheesecake slice
Thick siya, hindi ganun katamis, at may laban sa mga mamahaling coffee shops dito sa atin. Mura lang ito :)
Kung mapapansin niyo, talagang puro pagkain lang ang habol namin kadalasan. Kahit hindi talaga kami matakaw, ginagawa namin ito para sa mga kaibigan naming nagtatanong kung ano ang masarap at hindi dahil mahal namin sila (palusot)
See you on our fourth day for more food and some tourist attractions :))
Sa uulitin,
Chewy
No comments:
Post a Comment