Matapos ang nakakapagod na Day 2, sinabihan kami ng aming tour guide na less tiring and day 3 at karamihan ay nasa sasakyan kami sa layo ng byahe :)
So after breakfast, (na same stuff sa unang araw) nagtungo kami sa grocery para bumili ng mga "pambaon" sa road trip. Mabuti na lang at bumili nga kami kasi talagang oras pala ang mauubos sa byahe papuntang Beng Mealea.
Sa daan, nakakita kami ng kasalan. Bihira sa atin, ang kasalan na violet ang kulay dahil mas naa-associate ito sa funeral, pero sa kanila, heto ang kulay na karaniwang ginagamit sa kasal. Ayon din sa aming guide, bihira ang nagpapakasal ng June to October dahil bukod sa tradition, rainy season daw ito kaya mas konting bisita ang makakapunta kung sakaling umulan. May tama sila ;)
Interesting bit: marami kayong makikitang mga traditional na bahay on the way sa Beng Mealea. Parang mga kubo sa atin sa Pilipinas na naka stilts din at may tapayan sa tabi. Ang medyo kakaiba lang, yung mga tapayan nila, nakabukas at walang takip. Naghihintay daw ito ng buhos ng ulan at dun iniipon ang tubig ulan para inumin... ng HINDI PINAPAKULUAN! Hardcore! Naniniwala kasi silang malinis yung tubig ulan at mainam para sa katawan.
After a couple of hours sa byahe, dumating na kami sa bilihan ng ticket.
May lugar dito kung saan may malinis na palikuran.
TIP: kung nakakaramdam kayo ng kahit konti na maiihi o majejerbaks, heto na ang lugar na dapat niyong pakawalan ang nararamdaman!
Malinis naman siya at may tissue kahit walang power spray, so Jebber friendly na din kahit papaano (3/5). Pagdating niyo kasi sa loob, talo-talo na. Walang banyo ;)
5 USD per head ang ticket at sulit naman siya sa aking palagay kasi walang ganito sa Pinas :D haler, natural nasa Cambodia ka nga eh! Ang ibig kong sabihin, yung mga magagandang lugar sa atin, mga beaches, falls, atbp, wala tayong temple ruins na ganito katanda :)
So ano nga ba ang espesyal sa Beng Mealea at bakit nagtiyaga pa kami bumyahe ng malayo para dito?
Dahil sa tanawing ganito :) Lotus Pond!
Ayon sa aming guide, ang ibig sabihin ng "Beng" ay pond, at "Mealea" ay Lotus flower. At ang tawag din nila sa Mahogany tree ay Beng Mealea ;)
Parang ang sarap tumalon at humiga hahaha!
Ang isa pang dinayo namin dito ay dito ka daw makaka experience mag climb sa mga rubble na parang Indiana Jones/Tomb Raider ang dating. Bumagsak daw kasi ang temple na ito dahil hindi maganda ang pundasyon ng pagkakagawa at hindi kinaya ang lindol at panahon.
Siyempre si Blanca, nagpose na agad ng Lara "Soft"
Siyempre, dahil minsan lang tayo mabuhay, sinubukan ko nang umakyat kung saan-saan hehe
Parang malalaking blocks ng Green Tea Royce Nama Chocolates... yummm!
Pati sila, hindi na nakatiis na hindi umakyat sa mga rubble :D
Sa aming paglalakbay sa loob, may kasama kaming guardian angel :) Sunod lang siya ng sunod kung saan kami.
Marami kayong makikitang giba-gibang structures sa loob pero safe naman siya at kayang-kayang libutin kahit ng mga matatanda :)
Si guardian angel, may mga kasama pa pala. Pag nakita niyo sila, bigyan niyo sana sila kahit biskwit :) Good kids.
After the tour. Naisipan kong mag-reflect sa buhay at magmeditate... joke lang :p
dahil ako ang pinaka-malikot at akyat ng akyat sa grupo, after ng tour, pagpiga ko ng damit, ayan ang napala ko hehe :p
After the Beng Mealea tour, bumyahe uli kami ng almost an hour para sa aming lunch place. Ang PhumSteung Trorcheak Restaurant :)
Phum = village, Steung = river, Troecheak = cold. So cold river village siya at kung makikita niyo, nadun sa tabi yung ilog at sabi nila, tumataas daw itong ilog tuwing tag-ulan.
Pagkadating namin, pili na agad ng kakainin dahil sa gutom at pagod. Heto menu nila (click)
Lemon Juice - matino naman siya at better than FCC :) hindi sobrang pait
As usual, matamis pa din ang buko juice :) Kaya ito lagi order ko.
Buko shake, parang may halong gatas, okay lang
Mango Shake, medyo weird talaga yung mangga nila eh, try niyo lang kung curious kayo haha!
Stir Fried Beef with Hot Basil - may anghang pero hindi maanghang talaga. Kung hindi kayo mahilig sa maalat, pwede ito.
Hetong curry ang medyo lugi, ang daming patatas, 3 piraso lang karne haha! Masarap kung masarap pero lugi!
Loklak Beef - hindi ganun kaanghang pero okay naman :)
Hindi siyempre mawawala ang chicken Amok at masarap pa din naman, kaso number 1 pa din yung sa Srey Koulen nung day 2, at 2nd yung kay Sampho nung Day 1 :D
Stir Fried Pork with Sweet and Sour Pork - okay lang siya pero ams amraming masasarap na sweet and sour pork sa mga Chinese restos dito satin :)
Khmer Baked Cake - hmm medyo hindi ko naintindihan ang lasa kung ano ang nais ma-achieve haha! Pero subukan niyo ng magka-idea kayo kung ano ang dessert nila :D
Malinis ang banyo nila, may tissue at power spray pero parang makalawang ang tubig. Amoy kalawang nung naghugas ako e. Pero jebber-friendly na din kung iisipin (3.5/5)
Matapos ng nakakabusog na tanghalian ay bumyahe uli kami ng malayo papunta sa Chong Kneas Floating Village. Nakatulog nga ako konti dahil sa pagod at kabusugan at nung magising ako, nakakita kami ng mga duck sa daan...
ang dami! nasa tabi lang ng kalye, kewlll! (alam kong wala nang gumagamit ng KEWL ngayon dahil patay na ang mIRC at ICQ pero walang pakialaman, old skul yo!)
Pagdating namin malapit sa village. Kita na agad ang hirap ng sitwasyon nila. Pero ang malupit, marunong sila mag adapt. Heto ang isa sa mga school nila sa area at may pampalutang ito! Pag bumaha, edi chill lang sila :) Matibay siguro sa sea-sickness ang mga students dito dahil kaya nilang magbasa at magsulat kahit umaalon-alon ;) kewl! (magamit lang ba, last kewl ko na ito, promise)
Mainit sa area kung saan kayo sasakay ng bangka para puntahan yung floating village mismo. May tindahan ng malalamig na inumin at ice cream at kung ako sa inyo, magbaon kayo ng tubig :)
Medyo maputik ang dadaanang tubig, actually, kulay putik na talaga.
Kung meron kayong payong o panangga sa tubig, magdala kayo kasi matatalsikan kayo ng tubig ng mga kasalubong ninyong bangka :)
Kung yung mga bangka natin dito sa Pinas ay basta tabla o tuwid na kahoy lang, yung nandito, akalain mong tipong pwedeng sa lanai ng bahay haha! Like a boss!
Hindi ko alam kung bakit nagdesisyon ang mga kumukuha ng kabuhayan dito na dito na din tumira. Convenience? Kahirapan? Pero mukhang hindi biro ang mamuhay sa ganitong lugar.
Kahit paano, may mga tindahan din naman
may school
may Catholic church! Awesome Sauce!
Karamihan daw ng naninirahan dito ay mga Vietnamese
Tumigil kami sa isang tourist attraction sa lugar na ito kung saan may restaurant
mga batang may dalang ahas na tipong, bigyan mo ako ng 1 dollar o papatuklaw kita, sige!
Souvenir shop
oh, at mga bwaya! haha! Medyo wild lang yung mga buwaya kasi mga nakanganga na tipong ang magkamaling bumaba, chibog!
May roof deck sila kung saan makikita mo ang buong village na nakalutang
Sa totoo lang, nakakalungkot pumunta sa ganitong lugar kasi kitang-kita mo ang kahirapan sa mukha ng mga nanghihingi ng pera/namamalimos. Hetong nanay, hawak ang baby sa kabila, ahas sa kabilang kamay. Ginagawa niya ito para lang siguro na hindi lang basta namamalimos, kundi pwede kang humawak o magpapicture sa ahas. Added value, kumbaga.
May mga bata na namamalimos na nasa batya. Medyo makukulit sila at nakakatakot dahil baka maipit sila sa pagitan ng mga bangka.
Sa byahe namin pauwi, nakakita kami ng mga mangingisda at nakita namin kung paano sila mang huli :)
Pagdating namin sa kabihasnan, pumunta kami sa Pub Street para dun kumain at maglibot ng gabi. Pinuntahan namin ang restaurant na nakita namin sa Trip Advisor na highly recommended - The Blue Pumpkin.
Kung titingnan ang lugar, parang puro desserts lang ang makakain, at mga tinapay
may cool tees din :)
Pero hindi lang naman desserts, may mga food talaga sila pang chibugan, heto ang kanilang menu (click)
Linguini with Ratatouille Jus - hindi ko alam ang lasa ng ratatouille pero masarap naman itong pasta :)
Seafood Spaghetti - okay din, not bad. Pero panalo pa din mga pasta natin dito sa Pinas
Big B Classic - Masarap pero ang daming burgers dito sa pinas gaya ng sa Zark's, na kayang sibakin ito.
Amok Fish Ravioli - hmmm kakaiba sa mga normal na nakakakaing ravioli dahil may Khmer twist, pero hindi siya yung whoa na sarap. Masarap lang :)
Slowly Cooked Pork Medallion - Heto ang pinaka-panalo sa lahat ng inorder namin, malambot yung karne at bagay yung mashed kamote dun sa sauce :) winner!
Croque Monsieur - pinasosyal lang na ham and cheese sandwich :( 2.75$, parang hindi worth it.
umorder din kami ng french macarons nila na yanung lalaki! At masarap din siya ha! Yung quality niya, mas mababa lang ng konti sa Bar Dolci pero pwedeng-pwede na :D Mas mura papatak kesa sa mga nandito sa atin.
After dinner, naglibot-libot na kami sa Pub Street
may mga Fish Spa sa tabi ng daan
at maraming turista ang naglilibot
may nadaanan kaming "Cambodian Grill" na mukhang masarap :)
Buhay na buhay ang Pub Street sa gabi at nandito ang night life. May inuman, kainan, at night market. Dito rin kami namili ng mga pampasalubong namin.
Sa lahat ng bakasyon ko, ngayon lang ako nagkamali ng tantsa sa damit dahil kinulang ako. Lagi kasing nakakapawis ang mga tour namin eh, kaya kung ako sa inyo, mga 3 tshirts a day ang ihanda ninyo. (Yung ration nun sa brief/panty, kayo na bahala haha). Medyo mahal ang laundry nila dito, 1$ per kilo, halos doble ng sa atin, pero mabilis naman at mabango. Dinala ko ng 5pm, 10am pwede nang kunin ;)
Kinabukasan, pumunta kami sa old market para mamili ng mga pasalubong pa at mga spices.
TIP: basta kung mamimili kayo, laging tandaan na ang tawad ay laging 60% off muna, tapos hanggang mag-settle kayo sa 50% off. Kung magbabayad kayo ng more than that, tingnan niyo muna kung meron ba sa iba o wala ;)
Another TIP: matututunan ninyo na makapangyarihan ang "finishing move" na lakad palayo na tipong hindi interesado. e.g.:Tindera: Sir, you buy this, I give to you only one dollah...
Ikaw: no, 2 for one dollar.
Tindera: noooooo, I give you bhest plice, you buy 1 dollah
Ikaw: no thanks. (Sabay lakad palayo)
Tindera: (kakapitan ka at hihilahin) okay, okay. I give you special plice, 2 for one dollah
So siyempre tuwang-tuwa ka nakatawad ka na. Akala mo nakaisa ka na, pagdating mo sa iba, pag nakita nilang may dala ka na, ibibigay sayo ng 3 for 1 dollar yung nabili mo haha! Pero alam niyo, okay lang minsan na magparaya/magpatalo. Kasi alalahanin ninyo na pangkain ng mga ito ang kikitain nila sa inyo. Hindi naman sila yung malalaking retail stores kaya wag nang sumama ang loob ninyo kung makakita kayo ng mas mura :D okie?
May mga kainan din dito sa old market na parang nakakatakam, yun nga lang yung iba eh hindi gaano marunong mag-Ingles at hindi maipaliwanag kung ano binebenta nila, sayang.
For lunch, dapat kakain kami sa Khmer Family restaurant kaso hindi alam nung Tuktuk driver kung saan talaga, nag-imbento na lang na itong Orchidee Angkor daw ang Khmer Family restaurant, nagpalit lang daw ng pangalan. Tinanong namin yung waiter kung totoo, nag-agree naman... naisahan kami haha!
Ka-block lang ng hotel namin ito pero okay na rin, at least maiiwan namin mga gamit namin. Heto ang menu nila (click)
Iced Coffee - normal lang na Nescafe Ice ang lasa
Buko Juice - BJ para kay BJ ;)
Mango Shake -heto medyo malapit-lapit sa Pinoy Mango Shake ang lasa :)
Lemon Juice - okay din, refreshing siya at hindi mapait.
Amok Chicken - siyempre dahil last day na, ito pa din oorderin ko kasi mamimiss ko ito :s Yung version nila, medyo matamis talaga kasi matamis yung coconut meat. Masarap din siya and I'll recommend it sa mga mag-stay sa Angkor Pearl Hotel :)
Beef Chili Paste Khmer Spice, Roasted Peanut - pweeeede! Hindi ganun kaanghang pero pwedeng-pwede :)
Fried Pork Khmer Spicy Coconut Milk - hindi maanghang pero okay naman lasa :)
Fried Shrimp - wag na, mas okay pa mga Camaron natin dito ;)
After lunch, balik uli sa pamimili ng mga pasalubong sa Central Market. Tiangge na mas malapit sa hotel namin
May mga nagbebenta dito ng precious stones. Hindi ako maalam tumingin, pero isa sa mga tindahan dito, look for this guy, na sa sobrang confident niya sa kanyang tinitinda na tunay ito, yung kinakaskas niya yung mga bato sa salamin ng display, yung sa sa salamin nagkakalamat, yung bato, wala man lang gasgas. At ang malupit dun, sabi niya, yung mga peke daw natutunaw sa init, so binugahan niya ng torch ngayon yung bato... aba... hindi nga natunaw! Sold! Hindi ko alam kung tunay nga ba ang nabili ko pero sana naman, oo. :D
Habang nagsho-shopping pa ang mga babae, napagpasyahan kong maglibot sa lugar, nakakita ako ng bossing/owner ng isang carinderia at swabe lang ang pagpapahinga niya sa init ng panahon. Electric fan na may binubugang lamig na tipong parang galing sa dry ice haha! Kewl!!! (last na talaga to)
Nakakita din kami ni Blanca ng Thai Milk Tea in a bottle, ang sarap nito! Parang sa Soms! Winner!
Siyanga pala, alam niyo ba na sa kasalukuyan, walang ibang Int'l fast food chain dito kundi ang KFC? Walang McDo, Jollibee, atbp! Heto ung menu nila o, ibang-iba kesa sa mga offerings dito satin.
Dahil busog pa kami at gusto lang namin masubukan, nag-order kami ng coleslaw, kumpara sa atin, talo ito kasi puro "butod" o yung matitigas na parte.
Cheesy Wedges - heto masarap! Sana meron dito haha!
Chicken Nuggets - compared sa nuggets ng mcdo dito satin, mas gusto ko ito kasi talagang buong laman ng manok pag kinakain mo, hindi ba gaya dito na parang hindi galing sa manok. Pwede!
After KFC, bumalik na uli kami sa hotel para mag ayos at mag-check out. Nagbayad kami ng 1 day extension para may lagayan ang gamit namin at liguan bago tumungo sa airport. Para sa 2 rooms, heto lang binayaran namin!
Kaya pala for 2 consecutive years...
Sila ang best budget hotel ng Trip Advisor :D
Mababait din ang staff kaya highly recommended!
Finally, pauwi na din kami at 8pm pa lang nasa airport na kami para hindi maiwanan :)
Compared sa arrival, talo ang banyo dito sa departure, at mas talo pa yung sa may mga gate!
Medyo mahina ang tubig at hindi automatic flush kaya pag minalas ka, baka may maabutan kang ihi o bomba. Pero siyempre, kahit anong reklamo ko, jumebs pa rin ako one last time haha! Souvenir ng Cambodia sakin ;) Jebber-friendly (3/5)
IMPORTANT TIP: Heto ang dapat niyong iwasan na counter. Kung nasan itong si Miss beautiful na ito. Diba dito sa atin, pag halimbawa, limang tao ang nagbayad ng baggage, 15kg each, may 75kg kayo na pwede i-check in sabay sabay at total na lang ng buong grupo ang titingnan kung excess o hindi.
Dito sa counter lang na ito na may isa't kalahating kakulitan, yung iba okay naman, minalas kami na ang pagkakaintindi niya ay sa per person na 15kg, exclusive lang sa tao na yun. Hindi pwedeng ishare yung hindi naconsume na weight para magamit ng ibang kasama. Anak ng! Ang allowance namin ay 75kg, lahat ng baggage namin ay may total na 71kg, akalain mong dahil sa kakulitan ni miss beautiful, nai-hand carry namin yung bag ni Blanca at nakapagbayad ako ng excess na 5kg, eh pusa na yan, 10$ per kilo, hanep, tumatagingting na 50$ binayaran ko!!! Bless you, Ms. Beautiful! Ang cute-cute mo!
Dahil ayaw ko nang isipin pa ang nawala sa aking pera, pumasok na kami sa loob at nagpahinga. Kumain na din kami sa Taste of Asia na ka-tie up ng Blue Pumpkin dito sa airport nila. Heto ang Menu nila
Singapore Fried Noodles - hmmm masarap sana siya kaso dahil mahal, ang daming mas okay pa dito sa atin ;)
watermelon juice - pampakalma :)
Nasi Goreng - pwede, masarap naman :) lalo na at airport food, pwede na.
Fried Chicken - hetong talong-talong-talo! Parang prito sa luma na parang frozen tapos prinito na basta talo! :(
Chicken Hot Basil - hindi siya ganun kaanghang pero not bad ha :) kakainin ko uli ito kung may pagkakataon
Fried Dumplings - mas okay pa yung Shark's Fin ng PotDog wahahaha!
Siyempre, one for the road, gelato from Blue Pumpkin :)
Perfect na sana yung bakasyon kung hindi lang kami naisahan ni Miss Beautiful sa airport eh. Pero thankful na din ako dahil masaya at safe ang trip namin. Sana marami pa kaming mapuntahang bansa ni Blanca at pamilya namin :)
For fun lang, heto mga natutunan ko sa Cambodia :)
Phnom - mountain
Banteay sreay - banteay = citadel; sreay = women
April 15,16,17 - new year nila
September - ancestor's day
No Christmas pero madami pang holiday, 26 ata total including Labor day, Women day, at yung naabutan namin May 9 - royal plowing day na yung king ang first one to plow and plant. They have Holy Cows na nagprepredict kung ano ang magiging boom na harvest ng season... galing noh?! Pero totoo daw, eto halimbawa nung sitwasyon:
Maglalagay ng Bigas, Corn, At Tubig sa harap nung dalawang baka. Kapag daw maraming kinain na bigas, bigas ang mas maganda ang ani sa taong ito. Pag maraming nainom na tubig, okay daw kasi maraming ulan at tubig. Pag hindi, drought daw ang mararanasan. Ewan ko kung kwentong barbero lang ng guide namin ito pero interesting haha!
Krolan - tupig na sticky rice at soy bean na kinain namin.
No building can be taller than the Angkor Wat temple (which is 65 meters high). Disrespectful daw pag may ginawang mas mataas.
Akrok = ugly
Sa-at. = beautiful
Pongtea Kon = balut sa atin, yung may sisiw at sabaw :p
Pongtea means duck egg Kon means very small
Kulen mountain - kung nasan yung river of a thousand linga, kulen means lychee
Changang - sarap!
Ngon - sarap!
Mouy pi bei , nyunyum! = 1,2,3, smile!
Ot ei te - welcome (sa salamat)
Sva kum - welcome (sa pagsalubong)
That's all, folks! Sana sa susunod, ibang bansa at kultura naman ang mai-share ko :)
Sa uulitin,
Chewy
Kung kailangan niyo ng magaling at mabait (at mura) na tour guide sa Cambodia, puwede niyong kausapin si Sampho Lim through his facebook para mai-arrange niya ang hassle-free tour ninyo :)