So..... tuloy ang kwento :) Matapos ang nakakapagod na Day 1, maaga kaming natulog para ma-witness ang sunrise sa Angkor Wat.
At dahil minsan lang ang mga pagkakataong ganito, sumakay kami sa tethered balloon para masilayan ang bukang-liwayway na dahan-dahang binibigyang liwanag ang paligid :)
Hindi naman nakakatakot yung ride at kahit si Blanca at Auntie Linda na takot sa heights eh nakaya naman :)
Matapos ang balloon ride, hulaan niyo kung san kami pumunta....
.......
Tenen! Temple uli haha!
But this time, sa ibang part ng complex naman kung saan makikita ang "swimming pool" na nagkakatubig lang pag tag-ulan at patuyo ng patuyo kapag tag-init.
After namin magpicture-taking at maglibot-libot, panahon na para mag-almusal
Actually, may pabaon sa aming sandwich yung hotel
Pero siyempre, gusto naming makainan ay authentic na traditional breakfast ng mga locals
So dito kami kumain... errr hindi ko alam paano isusulat ang pangalan ng restaurant haha! Sa labas lang ang dining area na available at walang bubungan pero okay lang, mas presko.
Um-order kami ng lemon tea nila, medyo hindi ganun ka=okay ang lasa hindi tulad sa Sampho's Kitchen
Umorder din kami ng best-seller nila na Kuy Tiev - parang sotanghon na may malasang sabaw, mga wild mushrooms, laman loob, karne, gulay. Swabe haha!
After breakfast, tumungo na kami sa aming next destination at sa byahe ay nakita namin ang mga ito, tindahan ng spirit houses.
Mapapansin sa mga bahay dito na typical kang makakakita ng ganito. Sabi ni Sam (tour guide), spirit houses daw ang mga ito at naniniwala sila na pag may ganito, maproprotektahan ng mga spirits ng ancestors ang tahanan.
After a little more than an hour, dumating kami sa aming destination, pero bago ko sabihin kung saan ito...
jebs muna ako.
Talagang saludo ako sa galing ng tourism dept dito! Kapag meron kang temple passes, libre kang gumamit ng banyo na may "pampusit" at may tisyu pa! Ang malupit nun, may bakal na railings para sa mga handicapped o sa mga nahihirapan ilabas ang jebs at kailangan ng kakapitan! Dahil jan, a rare 5/5 stars! Certified Jebber-friendly!
So ayun, matapos akong jumebs, ready na akong mag-hike ng 1500m o 1.5km. Para sa mga medyo hirapan sa pag-akyat o medyo may edad na, huwag kayong matakot. Maganda naman ang destination eh. Ito ang lugar na tinatawag na "River Of A Thousand Linga" o sa tagalog na ilog ng isang libong etits. Wagi!!!
Sa aming paglalakbay, may dalawang batang babae na nakayapak na sumabay sa amin na tipong dito na nakatira.
Ang mga susunod na larawan ay makakapagbigay sa inyo ng idea kung gaano kadali/kahirap para sa inyo ang tahakin ito :)
wag ma-intimidate, ang payo ko lang ay wag magsuot ng sipit na tipong mga Havaianas, ay sorry, Ah-vaianas. Ako naka Sanuk lang ako pero hindi naman ako nadulas so madali lang ito kung marunong kang umakyat ng bundok.
may mga parte lang na mabuhangin kaya madulas kaya kailangan diskarte sa kakapitan
Huwag mag-alala, every 500 meters, may bahay pahingahan kaya kung ako sa inyo, magdala kayo ng tubig na pwedeng ipasak sa back pocket ng shorts. Sa mga babae, please huwag niyong gayahin si Mama na may dala pang bag kaya nahirapan tuloy umakyat dahil hindi fully ma-utilize ang dalawang kamay.
Kung sensitibo ang balat ninyo, magsuot na lang kayo ng malawak ang sakop na sumbrero, at tandaan, mas konti ang dala, mas mainam ;)
Pagdating sa taas...
wow.... nakaukit sa bato ito ha....
ih ih talagang... wow. Yung mga bilog bilog sa foreground, kung titingnan ninyo yung tabi, naka-ukit yung "shaft" part ng etits, so parang top view yang mga bilog-bilog.
May tatawiran ditong mababaw at kalmang ilog na ayon kay Sam, sagrado ang tubig na ito para sa mga nanampalataya sa Hinduismo. Marami daw mananampalataya na pumupunta dito para kumuha ng tubig na yan. May nakasabay nga kaming mga Indians at mukhang hindi naman kami binabarbero ng guide namin.
Karugtong ng ilog ay ang falls na ito na pwede kang sumahod ng tubig o maghilamos kung gusto mo. Hindi ako nakapagpigil na hawakan yung tubig hehe, malamig siya pero hindi ko na tinangkang inumin :)
Matapos ang paglalakbay pabalik, bumili muna kami ng inuming malamig, kasi bukod sa pagod ay talagang mainit ang panahon.
Hetong green tea na ito, lasang Maxx na candy hehe
Siyempre para sa akin, ang walang kamatayang matamis na buko :)
After namin sa River of A Thousand Linga, pumunta kami sa Banteay Srei parang tingnan ang mga temple carvings kung saan ito ang ikinasikat nito
Mapapansing ampula ng nilalakaran na lupa.
Ang temple ay gawa sa red sandstone at dito nakaukit ang mga disenyo. Ipinapakiusap na huwag hawakan ang mga pader at carvings dahil kapag laging nahahawakan ng tao, mas mapapadali ang pagkupas o pagka-agnas nito. Tingnan niyo ang detalye sa litrato ni Blanca sa ibaba
ika nga ng mga nagdo-DOTA... IMBA!!!
Sa pathway papasok ng templo, may maririnig kayong tinig na tipong kumakanta ng Khmer folk songs. Umaalingawngaw na tinig na lalong nagbibigay drama sa temple haha! Ang boses na yun ay galing sa matandang ito.
Tinanong ko kung ano ang pangalan pero hindi ako naintindihan, binigyan ko na lang ng 1 dollar hehe
Isa pa sa hindi ko makakalimutang tao dito ay ang batang ito.
Survivor daw siya sa isang village fire. Binigyan ko din ng 1 dollar kasi napaawa ako, tapos nung nagpaalam ako kung pwede ko siya picturan, akalain mong nag peace sign pa. Parang yung mga kaibigan ko lang na nagbebenta ng V-mobile, nakaganito sa picture hehe
At dahil napagod kami sa pagakyat baba sa river, at pati na rin sa init ng panahon habang naglilibot sa carvings, sobrang laking tuwa ng tiyan ko na lunch time na. Tandaan niyo itong restaurant na ito. Srey Koulen Restaurant. Kung magba-Banteay Srei kayo, dito kayo kumain at pinapangako kong hindi kayo magsisisi. Dito namin natikman ang pinaka-masarap na Amok Chicken sa buong trip! 2nd yung kay Sampho's Kitchen.
Laki ng spirit house nila :)
Puro kahoy ang kagamitan nila
at mukhang nagtitinda din kasi sila ng mga kahoy na kagamitan :)
Nagulat ako pagbigay ng menu, akala ko gusto akong pagbasahin muna ng comics na Ben 10 habang naghihintay ng service eh haha!
Siyempre, ang the best. amok. chicken. evarrr!!! Nagbilin ako dun sa waiter, sabi ko, anghangan yung amok chicken na tipong kakainin ng anak ng taga Thailand at Cambodia, natawa sa akin at hindi naniwala pero binigyan ako ng maraming sili. Napailing nung naubos ko kaagad haha!
Yung fried rice nila, okay naman parang normal yang chow pero kung ako, plain rice na lang kasi malalasa yung dishes eh kaya plain na lang para mas ma-appreciate.
Chicken Curry - Isa din ito sa okay na curry na nakain namin sa Cambodia :)
Fried Pork With Garlic and Pepper - Masarap din ito, pampaiba ng lasa yung garlic pag pakiramdam mo ay bugbog ka na sa curry taste :)
Sauteed Prawn with Cahew Nut - winner! Seryoso, wala kaming naorder na talo dito! A really good restaurant :)
After lunch, next stop, Pre Rup Temple
Sabi ng aming guide, royal crematorium daw ito kaya si mama, dahil sa paniniwala na baka mamaya eh kung ano ang mangyari sa loob. (Kasi may sabi-sabi na nagiiba daw ang mga tao sa loob na hindi maipaliwanag) Hindi na siya sumama
Medyo matarik ang akyat pero dahil minsan lang naman tayo mabuhay, inakyat ko :)
Pero pagdating sa kalagitnaan, totoo ngang may kakaiba palang nangyayari pag nasa mga ganito. sa huling hakbang ko ng hagdan sa gitnang platform...
bigla akong nakaramdam ng masamang pakiramdam...
naje-jebs ako. anak ng tipaklong, pagkatarik-tarik pa man din pababa at napakalayo ko sa banyo... kapag minamalas ka nga naman oo! Pero kung sakaling malagay kayo sa ganitong posisyon, may survival tip ako para sa inyo. Una, Keep calm... Tapos hanap kayo ng parteng nasisinagan ng araw at dun kayo umupo. Yung init ng batong inuupan ninyo at yung sikat ng araw, nakakatulong sa pag laban sa katawan ninyo sa pakiramdam ng panlalamig at pagwawais ng malamig pag najejebs.
After a few minutes ng pagcoconcentrate, nakababa ako at naka jebs sa malapit na malinis na banyo. Ha! Suck it!
After ng Pre Rup, tumuloy kami sa Preah Khan. Si mama, hindi uli nakasama kasi pagod na siya pero sayang, para sa akin, ito ang pinakamagandang puntahan.
sa papasok pa lang, may mga statwa na ng sundalo at ukit ukit na parang mga monkey.
may moat na napakapayapa tingnan...
Sa Ta Prohm Temple, may nakita kaming ganito na mas maliit na version, yung mga butas-butas sa bato ay dati daw, may mga nakakabit na precious stones/jewels. Kaya mas malaki daw itong version dito sa Preah Khan ay dahil para sa nanay ito. Yung sa Ta Prohm ay para sa tatay. Sa kanilang kultura, mas binibigyan ng respeto ang mga ina. Noice :)
Sa loob ng temple, makikita niyo itong matandang ito. Sabi ni Sam, isa daw itong katumbas ng nun at yung mga hawak niyang strings ay itinatali niya sa wrists ng mga guests na nagbibigay ng donations at dadasalan niya for good luck.
Gusto ko lang siyang picturan kaya binigyan ko siya ng 1 dollar pero hinatak niya ang kamay ko at pinilit akong lagyan ng string. Rude naman tumanggi so ayun, tinalian niya ako at sabi ay huwag daw tanggalin for 1 month kaya suot ko pa ngayon haha!
Makikita din dito ang isang malupit na artist. Kita mo mismong siya ang gumuguhit
Pinong-pino ang mga lines at strokes ng kanyang artworks at kung hindi lang ako nanghihinayang sa 15 USD, bumili na ako :)
Sa loob ng temple, may nakita kaming napakataas na puno at may katabing puno na naka-slant na parang leaning tower of pisa pero nakakapit ang ugat nito sa temple walls! Amazing!
Pagpumasok ka sa loob ng temple, makikita mo yung naka-lean na puno na tipong talagang inaabangan kang picturan siya kasi naka frame na hehe
of course, hindi ito nagkulang sa magnificent carvings na makalaglag-panga sa detalye :)
Meron din ditong lonely lion, sinamahan ko muna haha!
Pagbalik namin patungo sa sasakyan, nagulat ako, may Audi na tuktuk! Swagggg! Pero heto ang isang fact sa Cambodia, walang mga auto-retailers dun na nagbebenta ng brand new. Madalang lang daw at mga mayayaman lang ang nakakapag-parating ng brand new. Usually, mga reconditioned ang sasakyan dito.
One of the gates of Angkor :)
Sa byahe namin pauwi, nakakita ako ng nagtitinda ng parang tupig sa atin.
Bumili ako at aaminin ko, na-wirdohan ako sa lasa haha! Akala ko matamis eh, para siyang suman na walang tamis at ang malupit, may beans na maalat hahaha! Hindi ko tuloy malaman kung mapapasarap pa ba ng asukal o hindi haha!
Pagdating sa hotel, sila ay nagpahinga na dahil mga pagod na daw. Ako, dahil nanghihinayang akong magsayang ng liwanag sa hotel, naglibot-libot ako sa paligid ng naglalakad lang.
Sa aking paglilibot, ako ay nasorpresa, Sa sobrang unlad ni Tom and Jerry, may hostel na sila! Para sa isang pusa at daga, not baaad!
May nakita akong nagbebenta ng street food
paglapit ko, parang sa pilipinas lang din ang benta hahaha! Bibili sana ako pero sa tatlong bantay dun, walang marunong mag-english haha sayang! Parang ang sarap nung sawsawan dun sa jar eh, may sili-sili :)
Nakakita din ako ng noodle cart na nagtitinda sa tabing-daan. Mukhang enjoy na enjoy mga foreigner na kumakain at napapahid ng uhog yung isa sa anghang siguro, kainggit!
may nakita din akong nagtitinda ng tinapay na ang palaman ay asado at dito ko naalalang balikan yung nagtitinda ng Peking duck! So ayun naglakad ako patungo sa lugar na yun :p
Hindi ganun kalalaki ang kalye dito at karamihan ng tao ay nakabisikleta.
At siyempre, marami ding tuktuk
Nakakita ako ng nagtitinda ng tinapay na may sesame seeds, mukhang malangis at parang hindi promising kaya hindi ko na sinubukan
may nadaanan akong mga tambay ng Chinese Tea House at naglalaro ng Chinese Checkers. Nakakatawa lang ang ingay nila maglaro at pati mga nakikinuod lang, malakas mangantyaw haha!
May nadaanan din akong nagbibilad ng clay ata ito
Ceramic shop pala sila, pero titingin sana ako, suplado yung mga nasa loob, hindi rin ata marunong mag-english :(
Nakakita din ako ng sandwich stand pero yun nga lang konting english lang ang alam at hindi niya ma-explain ang mga laman haha!
So talagang dito talaga ako nakatadhana.
Kung mapapansin niyo, hindi lang peking duck at asado, meron din silang paa ng manok, adobong itlog, dila, laman loob, at ang malupit na malupit na lechon macao! Highly recommended! Kahit lumamig, malutong pa din ang balat!
Peking duck
Yummy Lechon Macau!
For dinner, pumunta kami sa FCC, nakita namin ito sa Trip Advisor. Nagtuktuk lang kami at umuulan nun, unang ulan in 6 months daw haha! Napakaswerte namin eh! Okay lang naman kasi may pantakip ang tuktuk
Pagdating namin sa FCC, hindi pwede sa outdoor seats kasi umuulan so sa loob na lang kami
bukod sa Chef's Special, heto ang menu nila
Medyo chuchal yung lugar at tipong pang romantic date :)
Dahil pasok kami sa happy hour, half-price lang ang drinks, siyempre nagtig-iisa kami haha! Masasarap naman ang drinks nila pero hindi naiba sa mga shakes natin dito sa Pilipinas.
Mixed Satays - isa ito sa mga okey na order
Fresh Pork and Prawn Spring Rolls - errr kalaban ko ang carrots kaya ayaw ko, mukhang okay lang naman sa kanila.
Crispy Squid Rings - nothing special na calamares
Kami ni Blanca umorder from the Chef's Special, heto ang kanya, Pork Dumpling and Prawn Noodle Soup - hmmm masarap naman siya eh, kaso nga lang hindi worth it sa presyong 4.50 USD. Konti ang serving, konti yung sabaw, konti yung noodles, konti ang hipon, konti lahat, parang sampler lang ba. boo!
Si Siobe umorder ng Carbonara, medyo nakakaumay ang lasa, magatas eh :(
Sa lahat ng order, ito na ang pinaka-okay, mula sa Chef's special, Pan Fried Dory Fish in White Wine Sauce with Sauteed Vegetables - whew! haba ng pangalan! Pero masarap talaga siya :) Kung gusto niyo mag-date at okay ang kainin, heto atsaka yung satay na lang kainin ninyo and enjoy the ambiance :p
Burp! I'll try to upload the day 3 pics as soon as I can :)
Sa uulitin,
Chewy
No comments:
Post a Comment