Sa buhay ng tao, marami tayong nagagawang katangahan. Yung iba simple lang, yung iba malala... at yung iba, sobrang lala.
Nakagawa ako ng sobrang katangahan ngayong araw (o, madaling araw).
Kahapon, June 6, 2nd day ng GM diet ko. So ibig sabihin, all veggies ang pwede kainin, at pwede kumain ng patatas. So ang kinain ko ngayong araw eh almost 6 cups ng pechay baguio na may halong konting scrambled egg para may lasa, 1 large mcdo french fries. That's it. 2.5 liters of water. Less than 900 calories malamang. Yun lang naconsume ko mula paggising ko ng 1pm hanggang paglabas ko sa opisina ng 1am.
After ko mag-opisina, naisipan kong mag-gym kasi mas walang tao at walang kaagaw sa equipments. 1 week na mula nung huli akong mag gym. Usually ginagawa ko pag cardio day, 30 minutes na naka incline(16)/tingala yung treadmill at 5.8 km/h ang bilis. Ginagawa ko ito ng naka-jacket para mas tagaktak ang pawis. Hindi ako expert kung ilang calories ang naburn ko pero siguro marami-rami naman. Kaninang madaling araw, same pace at nakatingala din sa 16, pagdating pa lang sa 25th minute, pagod na ako. Hindi hinahapo o nahihirapan huminga ha, pagod na parang wala nang lakas. So ibinaba ko sa zero yung pagkatingala at naglakad ako sa 4.0km/h. After 2 minutes, 2.0 kp/h, at after 2 minutes, pinatay ko na ang treadmill. Nagstretch uli ako gaya ng ginagawa kong pag stretch bago tumakbo. Normal pa ang lahat.
Uminom ako ng tubig. Nang makita ko yung bench na naka decline na pang sit-ups, hindi ko alam tawag sorry, pero na-engganyo akong tumira ng tatlong 30 reps na set. Usually ginagawa ko yun ng pinaka sagad na tingala at may 3kg exercise ball(?) na nakadikit sa noo ko. This time, after 1st set, medyo naramdaman ko kaagad na tumatama na. Bumaba ako sa bench at nag kettlebell na pang obliques, yun bang parang iniipit mo yung bilbil sa tabi. After 15 reps per each side. Tumigil ako at bumalik uli sa bench.
Pagbalik ko sa bench para magsitups, Pagkaahon ko mula sa unang pagbaba ng katawan ko, nahilo ako at nabitawan ang bola na tumama sa mukha ko. Bumaba ako at uminom ng tubig. Nanghihina na ako ng panahong ito na parang gusto kong humiga. Palabas na sana ako pero naalala ko hindi ako nag sign sa log ng gym so tumigil muna ako sa front desk at nandun si kuya Dennis na nagbabantay. Kinausap ko lang siya at binati ng biglang nagdilim-liwanag alternately ang paningin ko. Parang effects sa horror movies, at dito ko nasabi kay kuya Dennis na nahihilo ako. Pinahiga niya ako at pinaelevate ang paa. In a matter of seconds, nanigas ang kamay ko na parang naka gangsta sign na hindi maintindihan. Hindi ko maigalaw mga kamay pero braso pataas nagagalaw ko pa. Ganun din sa paa, mga daliri ko ay naninigas at hindi ko maigalaw.
Sa mga oras na ito, kalmado pa ako at hindi naman ako hinahapo so alam kong hindi atake sa puso. Minamasahe ako ni kuya Dennis sa kamay pero talagang guma-gang sign yung kamay ko na nakatigas, tapos nung hinatak niya mga daliri ko eh biglang nagsara at bumuo ng kamao pero hindi ko maigalaw. Humingi ng tulong si kuya Dennis kay ate Allona. So naiwan ako magisa, nung nawalan ng nagmamasahe sakin, yung ngimi na nararamdaman ko ay umaakyat na sa hita ko at yung braso ko ay naninigas na din. Sa loob-loob ko, mamatay kaya ako ngayong araw? Nung nagblablack na ang paningin ko, sumigaw ako ng "Lord ikaw na ang bahala!" at ewan ko kung paano ako nakapagpalit ng pwesto from nakahiga to nakaupo sa sahig. Pero hindi ko pa din magalaw ang aking mga kamay at paa. Dumating si kuya Dennis at ate Allona na may efficacent oil ba o kung anong pangmasahe na mainit at mahapdi. Minasahe nila for ilang minutes ang kamay ko hanggang sa unti-unti ko nang nagagalaw ang mga daliri ko pero hindi ko macontrol. Natatawa ako ngayon sa pagalala kasi parang ibat-ibang gangsta sign ang nagawa ko sa pagtry igalaw ang mga daliri ko. (Westsaayd!)
Nang makaramdam ako ng konti sa paa, nagpaalalay ako tumayo sa kanila at dinala ako sa may drinking fountain. Dito ako uminom at minasahe pa lalo ng painit na painit na oil. After a couple of minutes, medyo wala na akong ngiming nararamdaman pero nangingilig pa din ang mga kamay ko pero at least nacocontrol ko na kahit papaano. Dinalhan ako ni ate Allona ng nilabon na itlog at saging, samantalang ibinili ako sa 7 eleven ni kuya Dennis ng gatorade.
I learned a lot from this experience. Kaya sinulat ko kaagad pagkauwi kahit naka drafts at nakapila pa yung ibang entry ko sa Cambodia :p
Maganda ang may disiplina at determinasyon pero magingat kasi baka you're pushing yourself too hard. To the point na lumalampas ka na sa limitasyon mo.
Posible bang namatay ako? Ewan ko, sana hindi. Kasi alam ko posibleng mangyari uli yun. Pero ang sigurado ako, malaki ang utang na loob ko sa dalawang taong ito.
Kuya Dennis
Masayang-masaya ako ngayon. Kahit 2 hours ago eh halos mawalan na ako ng malay at naninigas ako na hindi ko alam anong nangyayari sa akin.
Alam kong marami ang nagpapapayat to look good. Actually isa ako dun kahit habol ko din magkaroon ng healthy lifestyle. Langyang society natin na ito o. Kung bakit ba ang kagandahan sa paningin ng marami ay nasa panlabas na anyo at sa sukat ng bewang. Kainaman na!
Na-realize ko na nag-eenjoy pala akong mabuhay. God is good! Life is really really good :)
No comments:
Post a Comment