I'm back! After a long hiatus, nakapagsulat din ako :) The month of May has proved to be a busy one for me - maging work o leisure. (WARNING! Medyo mahaba ang post dahil sa dami ng pictures pero after niyo basahin, para na rin kayong nakapunta sa Siem Reap, or handa na kayo pumunta dahil sa mga mati-tip niyo :p)
Sa unang linggo ng Mayo, isang buong linggong bakasyon agad ang ginawa ko haha! I've been working hard these past few months - Mon-Friday as an AdGent Ad Trafficker, weekends as a manager for Chibugan Republik. So I can confidently say na well-deserved vacation ang ginawa namin ni Blanca sa Cambodia :D Yes, tama ang nabasa niyo, out of the country kasama ko si Blanca! Matagal na naming pangarap ito pero siyempre, hindi naman pwedeng kaming dalawa lang, kaya pasalamat kami na nakasama namin ang apat pang magagandang dilag:
Sa unang linggo ng Mayo, isang buong linggong bakasyon agad ang ginawa ko haha! I've been working hard these past few months - Mon-Friday as an AdGent Ad Trafficker, weekends as a manager for Chibugan Republik. So I can confidently say na well-deserved vacation ang ginawa namin ni Blanca sa Cambodia :D Yes, tama ang nabasa niyo, out of the country kasama ko si Blanca! Matagal na naming pangarap ito pero siyempre, hindi naman pwedeng kaming dalawa lang, kaya pasalamat kami na nakasama namin ang apat pang magagandang dilag:
L-R: Blanca, Siobe, Achy Maan, Auntie Linda, & Mama
Siyempre lahat kami excited sa Siem Reap tour namin, mas maaga pa sa check-in time nasa airport na kami kaya ayan tuloy, nakapaghintay kami sa sahig ng NAIA 3 haha
7:45pm pa ang flight namin at gabi na rin pagdating namin sa Cambodia kaya naisipan na naming kumain sa Sweet Ideas Cafe sa NAIA 3
Okay lang ang food nila, pero ang kagandahan ay mabilis i-serve. Heto ang mga kinain namin bago kami magpakalunod sa curry at spicy food :D
Arroz Caldo with Adobo Shreds - medyo matabang, sagana sa lahok, madurog-durog yung chicken, pero konti yung lugaw.
Nachos - heto pwede, malalaki slices ng jalapeƱo kaya may sipa :D not bad.
Adobo Flakes - ineexpect namin na medyo crispy yung flakes pero hindi. Okay lang ang lasa at medyo weird kasi nga malambot, sorry pero parang tirang karne lang tuloy ang dating.
Beef Tapa - heto okay, kakaiba yung tapa niya, mas pipiliin ko ito kesa sa Adobo Flakes. Malambot yung baka at masarap ang lasa.
Roast Beef Sandwich - malambot yung baka pero parang kulang sa lasa
Wala akong inorder na para sa akin kasi medyo busog pa ako noong mga oras na yun, tikim-tikim lang ako sa mga order nila. Pagdating sa eroplano, sa byahe ako ginutom haha. Mabuti na lang, may mga pagkaing "tunay" na maoorder sa CebuPac.
Nakuha ang aking atensyon ng Chori Burger
Hindi siya ganun kalaki, malambot at manamis ang tinapay, at sabi ni Blanca, malapit-lapit na din daw ang lasa kung ikukumpara dun sa nasa Boracay pero yun nga lang, hindi mainit hehe
Matapos ang ilang oras na byahe (mahigit 3 ata yun)...
Hello Siem Reap! (pronounced as "seem reap" sabi samin ng taga dun)
Ang ganda ng airport nila kahit maliit lang. Parang hotel na malapit sa beach ang dating
Pagpasok sa loob, may mga makikitang istatwa at parang resort talaga haha
Siyempre ininspeksyon ko kaagad ang banyo - critical kasi ito para sa akin, first impression ng bansa ba, haha!
Aba, kahit may hindi nag-flush, in fairness, may "sprinkler-action" o "pampusit" haha! May tissue din at malinis naman. Certified Jebber-friendly!
Sinalubong kami ng driver ng hotel na si Mr. Thean (pronounced as tHeen)
Para sa aming anim, isinakay kami kasama ang aming mga maleta sa dalawang "Tuktuk" - parang tricycle na na-PimpMyRide - apat na ang gulong so hindi na siya tricycle :p
Sa Angkor Pearl Hotel kami tumuloy. Ito ang hotel na hinirang ng Trip Advisor na best budget hotel for 2011 and 2012. Tamang tama sa amin ito kasi wala kaming extra pera para sa mga 5star hotels at maigi na rin yun dahil hindi naman kami pumunta sa ibang bansa para tumambay lang sa hotel, kundi ang libutin at kilalanin ang lugar :D
Pagpasok sa hotel, restaurant ang bumungad sa amin, pero dahil late na, at pagod sa byahe, pinili na naming magpahinga.
Matapos naming inumin ang welcome refreshments na binigay sa amin, umakyat na kami sa aming kwarto (babala, wala silang elevator at sinwerteng nasa 4th floor kami haha, giba!)
Malinis naman ang kwarto nila, medyo matagal lang lumamig ang aircon
malinis din ang banyo, may spray din sa toilet or should I say "power spray" kasi ang lakas ng pressure! Said na said!
May hot and cold shower din pero babala, mas maigi na magsimula sa kanan (malamig) at dahan-dahan timplahin pakaliwa kung gusto ng mainit/maligamgam na panligo kasi nakakapaso talaga ang anaknamp#%^@
Matapos ang masarap na tulog, maaga kaming gumising at heto ang sumalubong sa amin na almusal (may free breakfast yung hotel, sulit na sulit!)
na-dissapoint ako sa hot sauce na ito, husto lang sa laki ng sili sa drawing pero hanggang dun lang siya, drawing!
So heto ang kinain ko, Sausage: weird kasi medyo may asim, Crepe-looking thing: may pineapple jam na palaman, Potatoes: ok lang, Thick Noodles: matabang, Thin Noodles: winner!
Hotel's fascade
Sinundo kami ng aming guide ng mga 9:20am, pero 9:00am ang usapan, nagkaroon kasi ng problema yung Starex niya pero hindi naman kami itinirik sa buong trip awa ng Diyos. First stop namin, bumili ng ticket para sa 3-day pass namin sa lahat ng Temple nila :D
Siyempre hindi mawawala ang favorite travel shirt ko :D
So heto ang 40$ USD 3-day pass ko. Btw, sa mga planong pumunta dito, wag kayong mag-abala sa pagpapalit ng pera nila, USD ang gamit nila dito at mas gusto nila ito kesa sa pera nila, weird.
After makuha ang pass, nagsimula na kami maglibot sa Angkor Wat complex... Nakita ko itong mga monks na nasa ibabaw ng pickup, natuwa lang ako kasi iniimagine ko sila na old school at simple ang pamumuhay pero yun pala, this is how they roll hehe
On our way to the temple, nadaanan namin ang moat na nakapalibot dito. Pinatigil ko talaga ang sasakyan para kunan ng litrato kasi napaka-peaceful tingnan. Sabi ng guide namin, sagrado daw itong moat na ito at bawal mangisda. Meron daw mga rare fishes na nabubuhay dito aniya.
Bago kami magsimula ng tour, inabutan kami ng aming guide ng cute na tubig. Seryoso, "Cute" na tubig haha! Medyo semi-masamang senyales ito kasi malamang nakakapagod ang gagawin namin. Pero heto naman talaga ang inexpect namin dito eh, maglakad ng maglakad at ienjoy ang ganda ng mga temples at views nito :D
Inumpisahan na namin ang aming paglalakad at sa aming paglalakbay, nakasabay namin ang dalawang monk. Hindi ko mapigilan na picturan kasi hindi pa rin ako sanay na makakita ng kagaya nila. Parang gusto ko kumustahin si Aang ng Avatar haha!
wow...
just wow...
nabano ako nung una akong makakita ng templo. Ang malupit nito, may kasama pang mga unggoy na nagkalat so talagang parang set ng pelikula! Sabi ng guide namin, naniniwala sila na ang mga monkeys ay may pure souls.
Na-meet namin ang isa sa mga sikat na unggoy dito. Sikat dahil may cancer daw sa ilong at parang nauukab na ito. Binigyan namin siya ng Chips Ahoy at mukhang nagustuhan naman niya :p
First time ko din makakita ng baby monkey! Ang cute! hahaha! At nakasabit pa siya sa kanyang ina, ang galing! Nakawala lang sila dito at naglilibot, wag kayong matatakot kasi baka mathreaten sila pag tumili kayo o nagpakitang ayaw niyo sa kanila.
Isa pang ikinamamangha ko ay ang malalaking puno dito. Sobrang tanda na siguro nito, tingnan niyo kung gaano kaliit si Blanca kumpara sa kanila :D
Kung nabano ako sa unang templo, napanganga ako sa ikalawa (nganga!)...
Ni-rerestore yung ibang parts kaya merong mga green na takip kayong nakikita sa picture. Pero isipin ninyo, ang galing ng mga sinaunang tao. Nagawa nila itong napakalaking structure na ito na may precision at attention to detail... whoa!
nakakatawa lang yung nasa right side na sign. from top: bawal magkalat, bawal kumain ng chopsticks?, bawal ang kalbong malaking tiyan? ouch!
Sa mga balak pumunta dito, babala, from November to May, mainit dito kaya magdala kayo ng malakinfg sumbrero, sunglasses, comfortable walking shoes, at extra shirt. Marami kayong mga aakyatin at matatarik yung iba kaya nakakapawis talaga. Hindi man lang umabot ng tanghali yung jodorant ko sa sobrang jabbar!
Pagdating ko sa taas, nakita ko yung "sleeping buddha". Ganda, kainggit, napagod din siguro pagakyat.
Medyo maraming part ng temple ang closed for rennovation, sayang. Pero at least iniintindi nila ang safety ng mga tao at sinisiguradong walang mababagsakan ng mga lumang structures.
Napaisip ako habang nakikita ko ang mga nakaukit sa pader... gaano kaya katagal ginawa itong mga ito? Sino kaya yung kawawang artist na naatasan gumawa nito? Sobrang detalye eh. Hindi ito matatagpuan sa isang lugar lang ha! Sa palibot ng complex puro ganito na nakaukit! Na-imagine ko yung monk na gumagawa nito, parang ang sarap gulatin habng ginagawa ito haha!
Sa buong templo, maraming makikitang pugot na buddha. Pinugutan daw ito ng mga Thai nung napasok nila ang mga ito.
Nakakita kami ng parang altar na pwede kang mag-alay. May donation box pero wala akong barya kaya nahiya akong sumubok magalay :p
Nakakita uli kami ng monks at ayon sa aming guide, hindi pwedeng hawakan o makadikit ng babae ang mga monks, disrespectful daw yun kaya hanggang jan lang ang picture nina mama. Samanatalang ako...
papasang isa sa kanila no? haha, pweeedeeeee!
Nakakita rin kami sa loob nito ng fortune teller na walang customer :( gusto ko sana para lang ba may pera siya, pero bukod sa wala nga akong pambigay, hindi ko maiintindihan sasabihin niya :s
Heto ang isa sa mga mind-blowing parts ng temple...
Paano sila nakagawa ng ganito ka-detalye...
sa ganito kahaba?! Grabe ang tagal siguro ginawa nito! Paano rin kaya ginawa? Ilang tao?! Nagsimula ba sa isang side? Mula gitna palabas ang paguukit?! *pooof...lugaw utak*
Sa next destination namin sa Ta Prohm Temple (diff part of the complex), maraming mga nagbebenta ng kung anu-ano. Gusto ko na sana bilhan itong batang ito kasi nakakaawa yung "paawa-face" niya habang nagsasalita ng "toofowandalahhhh" (2 for 1$) kaso wala pa rin akong barya tsk2.
Ang makikita dito ay ang mga malalaking puno na yumayapos sa bahagi ng templo, at mga ruins. May ongoing restoration project dito pero sa aking palagay, sana magiwan sila ng mga parteng giba-giba kasi mas may appeal eh, IMHO :)
Dito sa Ta Prohm sikat na sikat kunan ang mga ugat ng puno na bumabalot sa pader at pinto ng temple. Yun nga lang, sa pinakasikat na parte ng templo, may ongoing restoration kaya hindi ko makunan ng maayos, so pinicturan ko na lang kasama sila mama :D
may makikitang chamber dito na pag pinukpok mo ang dibdib mo ng 7 (or 9?) times parang kay Kevin Garnett, may echo kang maririnig... cool! Sinubukan ni Blanca sa pic below :)
makikita sa picture dun sa board kung gaano sila kagaling magrestore, lupet!
Sa lahat ng nakainan naming restaurants dito, walang merong air-conditioning. At gaya ng nabanggit ko, US Dollars talaga ang bayaran.
nakita ko na naman yung chili sauce na drawing lang ang anghang :(
Since buong umaga na kaming naglalakad, umorder ako ng inuming siguradong pamatid uhaw, FRESH BUKO :D Sobrang tamis ng sabaw ng buko nila, sarap!
Sa mga susunod na posts ng kainan, palagi ninyong makikita itong dish na ito, ang Amok Chicken. Dito namin ito sa Sampho's Kitchen unang natikman at nainlove ako sa lasa nito kaya palagi ko itong inorder mula noon :D
hetong Amok Chicken ay naka-serve sa coconut shell at nakahalo ang "mala-uhog" na laman sa magkahalong gata at amok powder. Parang kamag-anak ng curry ang lasa niya pero ang sarap talaga nito. Meron din itong kalahok na gulay na parang ginupit-gupit na dahon lang pero masarap at bagay sa dish mismo. Panalong-panalo ang ulam na ito at bagay sa plain rice :) Highly recommended!
Ang maganda sa mga restaurants dito, pag humingi ka ng pampaanghang, bibigyan ka ng at least 5 chopped chilis! Heaven! Nakaka at least 5 na sili ako kada meal haha (hello banyo)!
umorder si Mama ng Fresh Fruit Shake, ok din ito at walang nalalasahang gatas.
umorder din kami ng Fried Cashew Nut Pork at masarap din ito. Solid sa sarap yung kasoy at madami ding karne na masarap kainin sabay-sabay with gulay :)
Sa aming lahat, nanay ko ang medyo takot magtry ng ibang cuisine. Masyado niyang mahal ang pagkaing pinoy (wala namang masama dun kasi masarap talaga ang pagkain natin) kaya hangga't maaari, ay yung malapit sa ating panlasa o kilala niya ang kanyang oorderin. So heto ang inorder niya, Khmer Omelet
Wala lang ang lasa, at parang matabang na torta hehehe
Siyempre, hindi mawawala ang curry dish :) Masarap naman yung curry nila pero dahil sa sarap nung Amok, natabunan na ito.
Beef Steak with Mustard/Pepper - heto ang sayang, malasa na sana eh, yanung tigas lang :(
Dito namin nainom sa Sampho's Khmer Kitchen ang most refreshing beverage ng trip namin. Pinaka-panalo sa lahat, ang Fresh Lemon Juice (Tea)! Tamang-tama ang balanse ng tea at lemon, nakakarelax at talagang swabeng-swabe pamatid uhaw sa panahong mainit!
Iced Coffee with Milk - parang malamig na Nescafe lang
Binigyan kami ng free desserts, fresh Mango and Pineapple slices
Kakaiba ang mangga at pinya nila, parehong tuyo, hindi juicy, kaya medyo weird ang lasa at texture hehe
Malinis din ang banyo dito at may "pampusit", certified Jebber-friendly!
Matapos ang masarap at nakakabusog na tanghalian, tumungo kami sa ibang gate ng complex.
Maraming mga turista ang nangongontrata ng Tuktuk para maglibot. Pero sa aking opinyon, mas mapapamahal pa kayo kung marami kayo kasi tatlo lang ng talo sinasakay nila tapos ang singil usually kahit 3 kilometers lang na byahe, 2 dollars na. Ang lalayo pa man din ng pagitan so talagang mas mainam nang mag tour guide na may sasakyan :D
naabutan naming may palabas na grupo ng monks, bata at matanda. Sa pagkakataong ito, hindi na ako ganoon kabano sa kanila at hindi na ako nagpapicture kasama nila haha
here are the "usual" poses na pwede niyo gawin
napa-smile siya kasi banong-bano mga tao sa kanya :D
matapos ang mainit na buong araw na tour, laking tuwa namin ng makita namin itong Lucky Gelato sa Lucky Mall malapit sa aming hotel
sila mismo ang gumagawa ng waffle cones on the spot
at maraming flavors na pagpipilian
siyempre si Blanca, Peanut Butter ang kinuha
sa akin naman ay Coffee. Masarap yung gelato lalo na yung cone :) A must-try!
Naisipan namin ni Blanca maglakad pauwi para makita namin ang mga tindahan at tanawin sa paligid. Nagulat ako ng may nakita akong kalaban ng 7-Eleven! Patay tayo jan haha
Nakakita din kami sa sidewalk ng nagtitinda ng lechong macau, peking duck, at asado!
mapipigilan ko ba naman sarili ko?! so ayun umorder kami ng asado at napangiti ako sa sarap haha! Sabi din ni Blanca, mas masarap lang ng konti yung sa Century Park :)
Sa kanto ng hotel namin, nakita ko itong camera shop na ito. Ang presyo ng cameras nila ay mas mababa pa kina DB Gadgets ng mga 500-1000 pesos depende sa camera pero yung mga accessories nila, less than half the price! Bagong model lang yung extra battery ng G1X ko at wala laging stock dito sa Canon sa MOA pero sila maraming stock at sobrang mura, nakabili ako ng dalawa haha!
Kinagabihan, dinala kami ng aming guide sa dinner buffet na may Apsara show sa Angkor Mondial. Maraming makakain pero aminado ako, hindi lahat masarap. Ipopost ko lahat ng pictures at kayo na ang humusga kung sulit ba puntahan. Magcomment lang ako sa natikman ko. Kung ako ang tatanungin, naging sulit lang ay dahil sa show pero hindi gaano sa pagkain :) Still, a good experience
kakaiba ang halo-halo nila, gata instead na cow/carabao's milk pero masarap din naman :)
lasang bicol express itong nasa baba :D
normal lang ang lasa nung fried dumplings, mas gusto ko pa PotDog hehe
hetong mga itong nasa frying at grilling section, lahat must try! sila lang ang talagang panalo sa dinami-dami ng putahe (sa aking opinyon lang naman)
Yung chicken amok nila okay din kaso hindi mainit, mas masarap pa din yung sa Sampho's
Sa ayun, natapos ang araw namin na kumakain at nanunuod ng Apsara show. Makwento ko lang, hindi ako usually fan ng mga cultural dance gaya nito pero nakakabilib lang yung mga daliri at movements ng mga babaeng ito. Sabi sa amin ng aming guide, 13 years old pa lang, may special training at exercises na ang mga dalagang ito at pwede lang sila mag-perform ay pag 18 years old na sila. RESPECT!
I know mahabang entry dahil sa mga pictures, pero sa second, third, and fourth day konti na lang :D
****
I highly recommend the service of our tour guide Sampho Lim. Kung balak niyong mag-Cambodia, i-message niyo siya sa Facebook. Hindi kayo magsisisi :) Click here
No comments:
Post a Comment