Around 2 years ago, when were looking for a venue for our wedding, New World Hotel Manila (it was still Hyatt back then) had the best wedding package among all the other hotels. Aside from the free stay to any Hyatt hotels (we stayed in Tokyo, check it out here), we get to celebrate our anniversary at the famous The Fireplace steakhouse inside their hotel. Sobrang sulit! Shout out to Ms. Joanna Sy for being so helpful and generous with the freebies :)
Last weekend, Blanca and I went to The Fireplace to claim our free steak set for two.
Upon entering the place, ito agad ang bumungad
Sa loob-loob ko, whoa, okay, siguraduhin niyong masarap ha
The place was nice and the service of their staff, grabe, galing! Sa bait nila, napa-order kami ng additional kasi hindi nila kami trinato ng iba kahit libre lang yung sa amin. Excellent service!
While waiting, they served us bread with nuts. Parang walnuts ata yun, pero masarap siya :)
Ultimong butter nila, sosyal ang lalagyan, pero wala naman akong nadetect na kakaiba, masarap na butter naman siya pero hindi extra-ordinary :p
We ordered the Millionaire Salad kahit hindi kami milyonaryo, haha! Meron siyang prawns, scallops, mushrooms, at foie gras. I must admit, hindi kami fan ng foie gras. Unang-una, kadalasan mahal. Ikalawa, nakatikim ako dati sa Makati Shang, hindi ako nasarapan kasi yung texture niya, parang naiwang liver spread sa ref, tapos may kakaibang pakla na mas masahol pa sa atay. Nakatikim din si Blanca sa Myron's at hindi rin niya nagustuhan. So, hindi na kami nage-expect na masarap yung foie gras nito, ang habol namin ay prawns at scallops...
Aba naman, nung matikman namin yung foie gras para lang ba masabing ginalaw namin, parang may kumantang mga anghel! ANG SARAP! Yung texture nito, malambot, ang nai-imagine ko, nakain ako ng utak ng bulalo na mas malasa! Natutunaw sa bibig. Si Blanca naman, para naman daw purong matabang puwet ng manok. Ay yang sarap talaga! Tingnan mo ngiti niya o
After ng napaskasarap na panapin, they served our mushroom soup. Masarap naman siya. Kung ito nauna kesa sa salad, siguro sarap na sarap ako, kaso ang taas ng standards na sinet nung naunang salad e, kaya masarap na lang siya, hehe.
After we finished our soup, tenenen... dumating na yung Angus steak. Siyempre, Medium Rare ang order namin pareho.
Naniniwala na ako na mahirap magdeklara ng kung sino ang best steak kasi tuwing makakakain ako ng perfectly grilled fatty beef, tuwang-tuwa ako e. Ang masasabi ko lang ay this restaurant serves one of those steaks that make you say "pusanggala, ang sarap nito!"
Look at those sexy silent killers...
For dessert, one entry caught our attention. Nakalagay, Chocolate Soup. Siyempre, dahil kakaiba, yun ang inorder namin. Pagdating niya, heto ang inilapag sa lamesa namin
Very innocent looking noh. Sa loob-loob ko, soup ba ito? Bakit parang malaking medium rare cookie? Honestly, akala ko nagkamali ng pagkaluto...
Aba akalain mo ba naman, nung tusukin ko ng kutsarita, BUMULWAK ang napakaraming liquid chocolate! Shetters, happiness! One of the best chocolate desserts you'll have in your entire life! We'd go this place kahit para dito lang. Pwedeng i-share for 3 persons ang isang order of around 400++ pesos. Puwedeng-pwede na!
Here's my lovely date before digging in, she lost composure and finesse while eating the chocolate soup, haha!
Will we go back? Hell yeah! HIndi lang siguro ganun kadalas kasi medyo mahal, pero babalik talaga kami dito lalo na pag may occasion :)
P.S. Nung binasa ko, napansin ko lumabas pagka-jologs ko magsalita sa pagre-review ng isang high-class restaurant - okay lang, wala akong panahon mag-pretend, haha!
The Fireplace
5th Floor New World Manila Bay Hotel
1588 Pedro Gil Corner MH Del Pilar, Malate, Manila, 1004 Metro Manila, Philippines
Sa uulitin,
Chewy