Day 1 - Tsukiji
Whenever we travel, we try to travel smart. We try to avoid joining a group tour or hiring a tour guide as much as possible because they tend to cram a lot of activities in a day, leaving us very tired instead of having a nice R and R. Instead, we carefully plan ahead. Here's what we usually do:
a.) Book a hotel near places you plan to go to; a hotel that can be easily reached through the use of the most convenient way of transportation. In our case, we wanted to try a lot of restaurants around the Tsukiji area so we booked a hotel near a Tsukiji Metro station - Tsukiji Business Hotel Ban
http://www.hotelban.co.jp/english/
b.) As much as possible try to find a pocket wifi provider that you can conveniently pick up at the airport so you can get connected to the internet right away. You'll need the internet to get around. Google Maps is your best friend :)
c.) If available, download apps that can help you travel around. This Tokyo Metro app is highly-recommended https://itunes.apple.com/en/app/tokyo-subway-navigation-for/id844802451?mt=8
Sobrang nakakagaan ng buhay :p
d.) Bring a power bank. Mas malaki ang capacity, mas masaya. You'll need it for your pocket wifi and smartphone.
Sticking to our formula, we booked a pocket wifi ahead of our trip. We chose Pupuru -
http://www.pupuru.com/en/ Around 2K pesos for 6 days. Kung iisipin, medyo mahal pero dahil sa convenience na binibigay niya, hindi mo na kailangan magpalit ng sim card sa phone mo, hindi pa ma-drain yung phone mo sa pag broadcast ng 3g, at marami pa kayong makakagamit :) We picked up ours at the Baggage Delivery Service in Narita.
http://www.hotelban.co.jp/english/
b.) As much as possible try to find a pocket wifi provider that you can conveniently pick up at the airport so you can get connected to the internet right away. You'll need the internet to get around. Google Maps is your best friend :)
c.) If available, download apps that can help you travel around. This Tokyo Metro app is highly-recommended https://itunes.apple.com/en/app/tokyo-subway-navigation-for/id844802451?mt=8
Sobrang nakakagaan ng buhay :p
d.) Bring a power bank. Mas malaki ang capacity, mas masaya. You'll need it for your pocket wifi and smartphone.
Sticking to our formula, we booked a pocket wifi ahead of our trip. We chose Pupuru -
http://www.pupuru.com/en/ Around 2K pesos for 6 days. Kung iisipin, medyo mahal pero dahil sa convenience na binibigay niya, hindi mo na kailangan magpalit ng sim card sa phone mo, hindi pa ma-drain yung phone mo sa pag broadcast ng 3g, at marami pa kayong makakagamit :) We picked up ours at the Baggage Delivery Service in Narita.
May charger nang kasama at envelope na pwedeng ilagay sa mailbox kapag isosoli na :) The speed was not bad. Kayang kaya mag-Google pag naliligaw na, hehe.
We suggest picking up a Tokyo Metro Guide (we got 2, para in case mawala ang isa). In cases na mawalan ng charge ang phone niyo, may paraan pa din kayo mag-analyze paano makakauwi sa hotel.
We asked around where should we wait if we want to take the train going to Tsukiji and the information guy told us to go here. Huwag kayo mahihiya magtanong, mababait ang mga Japanese at kapag hindi sila marunong mag-English, kadalasan, sasamahan nila kayo sa isang taong marunong. Amazing!
Isang transfer lang papuntang Tsukiji. Pero dahil sa lamig, nawiwiwi na ako.
Aba naman, pagdating ko sa public restroom, hanep! 5 Stars! Hindi lang pampusit sa wetpax, nacocontrol pa yung lakas kaya kapag mahina, nakakakiliti. Kinky!
Bago kami lumipat ng tren, nakakita kami nito. Mukha namang hindi Japanese na store pero nakakita ako ng Matcha stuff so sinubukan ko na din.
Ito lang ang natikman ko, WRONG MOVE. Hindi masarap.
Bumili si Blanca sa FamilyMart. Heto ang sulit, mura na, nakakabusog pa, at hindi man kasarapan, okay na din.
Okay din itong hotdog, dahil nakakaaliw yung lalagyan ng condiments. Tinutupi at pinipisil lang, nagdidispense na. Nakakabano :))
Tiyempuhan ang laman ng tren, minsan marami, minsan konti. Pag minalas ka, okay lang naman tumayo, marami namang hawakan. Ingatan lang ang mga maleta kasi baka magpagulong-gulong at kung saan mapunta :)
Sa wakas, fresh air!
Makakatulong kung maghahanap ka ng landmark na malapit sa inyong hotel. Tsukiji Hongan-ji Temple yung sa amin.
Maliit lang yung Business Hotel Ban. Pang dalawang tao lang talaga, walang lalatagan for a third...
... unless willing siya matulog sa bathtub. Maayos naman e, may hot water at heated yung kasilyas. Very inviting!
Dahil malamig kesa sa ineexpect namin, nagpalit agad si Blanca ng mas makapal na jacket...
at nagcrave ng Ramen :)
A few steps away lang ito mula sa hotel
Nakakatuwa lang dahil hindi mo na kelangan magsalita, pindot-pindot ka lang, makaka-order ka na. Dibale nang hindi mo naiintindihan nakasulat. Basta kita mo ang litrato at presyo, YOLO!
Matapos ang aming very late lunch, naglakad na kami ng naglakad. Kapag nasa ibang bansa kami at malamig naman ang panahon, nag-eenjoy kaming maglakad ng kahit walang patutunguhan. This way, makikita at maappreciate mo paano kumilos at mamuhay ang mga locals, tapos, makakahanap ka pa ng kung ano-ano sa tabi-tabing mga tindahan. Gaya nito :p
pareho lang sila ng White Chocolate Strawberry sa MUJI pero laking mura nito kumpara dun.
Kakalakad namin, umabot kami ng Ginza Chuo-Ku. Hindi na namin matandaan ang pangalan ng Tonkatsu Place na ito, pero dahil mga locals ang nakain, sinubukan na din namin.
Hindi ako gaano mahilig dito pero okay naman siya, in fairness. Ang lambot!
Siyempre, kung anong makita namin na bago sa paningin, tikim lang ng tikim :))
hetong Macaron na green tea, masarap naman pero nothing special
Hetong parang barquillos, ewan ba bakit uso sa mga bloggers, e parang lengua de gato lang na binilog. Okay naman siya, pero dahil mahal, hindi na uli ako bibili neto :))
Nakakatuwa lang mga nabibili sa paligid. Bago kami umalis, ibinili namin si mama ng Octopus para gawing takoyaki (na hindi naman nagkatotoo)
Diretso lang kami ng lakad ni Blanca at kung ano-ano ang nakikita namin sa paligid. Masaya na kami ng ganun dahil ganun kami kababaw :p
sumakit ang paa ni Blanca kaya kinailangan naming maghanap ng matitigilan. Dahil busog pa kami, nag-tsaa na lang kami
Kung mapadpad kayo dito, normal na tsaa lang. Hindi din espesyal. Napagod lang talaga kami kaya dito kami tumambay. Kung hindi kayo mahilig sa tsaa o kung hindi niyo naman hinahanap-hanap, pwede nang wag pansinin ito.
Day 2 - Tsukiji, Ueno, Asakusa, Akihabara
Dahil maraming pupuntahan ngayong araw na ito at gagamit kami madalas ng tren, bumili kami ng day-pass na ticket ng Metro. Sulit na sulit ito, for 600 yen, lahat ng Metro lines, masasakyan papunta sa iba't ibang tourist spots.
Ang plano namin ni Blanca, kaya kami sa Tsukiji nagbook, ay para makapila kami ng 4am sa Sushi Dai. Isa daw sa pinakamasarap na Sushi place na makakainan sa Japan. Anak ng, hindi namin inexpect yung lamig ng madaling araw, ay hayai na! Lumabas kami nung maaraw na. Hindi pa gaano matao sa Tsukiji area dahil Friday pa lang. Nakapglibot-libot kami ng maayos.
Sa aming paglilibot, may nakatawag ng aming pansin...
For those who don't know, Blanca and I are crazy about UNI! Kung gusto niyo kaming patayin. Turukan niyo ng lason yung uni, ialok niyo sa amin ng libre, hindi namin tatanggihan, haha!
Sobrang kinilig kami nung makita namin ito!
Alam naming medyo may kamahalan ang presyo pero minsan lang naman kami makakita ng ganito. Isipin mo, parang black siopao bread na may uni cream at uni meat sa loob, tapos topped with uni meat! Aba, ay yanung sarap talaga ay!
Sexy (yung uni buns, hindi si Blanca)!
Nakakita din kami nito, parang seafood balls.
SOBRANG ALAT. Naghanap ako ng suka, kaso wala, gusto ko sanang hugasan ng suka. Kung trip niyo ang umiinom ng tubig dagat, baka para sa inyo ito. Otherwise, iwasan.
Hindi pa ang mga nasa taas ang proper breakfast namin, pansapin pa lang yun kumbaga. Dahil hindi na kami nakaabot sa Sushi Dai, dito kami napadpad. Hindi namin alam paano sabihin pero yan ang itsura niya sa labas, may orange na banners.
Umorder kami ng Omakase for about 1K pag na-convert sa pesos. Medyo may kamahalan din pero madalang makakain ng ganito sa atin. Yung pink na may marbling sa gitna sa litrato below, tatandaan ninyong mabuti. Hangga't maaari, sa panghuli kainin. Nagkamali ako, naisubo ko kaagad, isa sa unang batch na binigay nung Sushi Master. Pusanggala, OA sa sarap! Otoro is the shiz! Nung nalaman kong isa lang palang ganun sa isang omakase set, para akong nalugi... si Blanca, dahil mas nahuli kumain sa akin, na-save niya for last yung kanya...
... kaya nakangiti pa rin siya...
buti napanghuli ko ay uni, hindi na rin masama :p
unahin niyo yung itlog, kasi itlog lang yun, wth.
after namin mag-brunch, naglakad-lakad na uli kami to explore, grabe ang laki ng ulo nung isda!
nakakita din kami ng sulit Strawberries na ubod ng tamis. Worth every yen!
Now on to some touristy activities, para naman hindi lahat pagkain, pumunta kami sa Ueno park. Sa laki nung park, kayang umubos ng kalahating araw dito. Dahil wala kaming sinusunod na schedule at weekday so walang tao, nakapag -litrato kami ng mapayapa at konti lang ang photobombers.
BABALA: ang mga susunod na larawan na kaming dalawa ay medyo may pagka-landi at kadiri. Iwasang masuka.
Dahil season ng Cherry Blossoms, kelangan may picture kami :)
bago pumasok sa temple, napansin naming naghuhugas dito ang mga tao kaya nakigaya na lang kami :)
JaDine
anong kalokohan kaya ito...
iyaaaa, kadiri ka, Brian Chua
Sa loob ng park, maraming makikita na interesting. Diretso lang kami sa paglakad at pagtingin ng kung ano-anong mga anik-anik.
hindi ko alam kung nabigyan ako ng better fortune nito, joke time lang ata, haha!
siyempre, nung makakita ako ng soft-serve na Matcha, aba ay nakipila na din ako :))
Malapit lang yung ice cream store sa bilihan ng tickets/entrance ng Ueno zoo. 600 yen per tao at sulit ito! Alam kong may iba na nagsasabi na hindi makatarungan ang zoo kasi kinukulong mga hayop, pero wala e, nandun na sila, might as well buy tickets kahit nakapunta ka na sa ibang zoos para naman may pang maintain at pampakain sila sa mga kawawa na ngang hayop :)
PANDAAAA!
bukod sa mga hayop, okay din ang snacks dito. merong Melon Sprite
Shrimp sandwich
Shrimp sandwich na tunay ha, better than Wendy's!
magaganda rin ang mga bulaklak sa paligid nito. Highly-recommended!
eew
After namin maglibot at magpictorial sa Ueno Park, tumawid kami sa Ameya Yokocho market. Grabe sa dami ng namimili!
Siyempre, nakigulo kami. Bumili ako ng jacket na itim, para kinabukasan, bihis "local" na din ako, haha! Feelingero!
Pagkatapos namin mamili, pinuntahan namin ang Asakusa temple.
Maraming temples na maaaring puntahan. Alam kong karamihan, ang tingin sa temples ay pare-pareho kaya ayaw ng puntahan. Puntahan man lang natin kahit isa upang magbigay galang sa kultura ng ibang lahi.
maraming salamat nga pala sa Corona siblings sa pagtagpo sa amin at mas nag-enjoy kami sa trip :)
Sa paligid ng temple, may mga sidestreet na may interesting food offerings. Isa na dito itong Ice cream place na ang apa ay parang hamburger buns.
Siyempre, Matcha sakin :) masarap siya!
After namin mag ice-cream, nakakita kami ng mga locals na nakapila. Of course, sinubukan din namin. Yun ang technique, pag may locals na nakapila, most of the time, masarap yun! Walang masama maging gaya-gaya puto-maya!
Sabi ng tita ko, Menchi daw ang tawag dito.
Sobrang juicy nung pork sa loob at bagay yung mustard sauce pambasag sa lasa para hindi nakaka-umay! Highly-recommended!
Sa Asakusa area, malapit sa Don Quijote rito, meron kaming nakainan na Unagi place. Masarap siya pero walang English na signage e.
TIngnan niyo na lang yung logo sa chopsticks, hehe.
Bilang isang adventurous na tao pagdating sa pagkain, ang inorder ko ay yung hindi pangkaraniwan. Habang sila ay yung Unagi meat na napakasarap (pictured below), ako ay kumain nung iba't ibang parte ng eel. May balat, may laman-laman loob/litid-litid. Ayun, medyo hindi ko nagustuhan, haha! Next time, dun na lang ako sa normal meat.
Dahil gusto pa naming maglibot-libot, dumiretso kami sa Akihabara kung saan maraming electronics na makukuha ng mura. Nagtingin-tingin lang ako ng mga available na mabibili para sa mga nagbilin pero hindi ko muna kinuha kasi alam kong mababalikan ko pa yun sa araw ng pagbili ng pasalubong. Usually, last day ako namimili ng pasalubong pag alam naming wala na kaming ibang paggagastusan :)
After maglakad-lakad. Dito kami inabot ng gutom. Meron na nito sa Pilipinas, ang maganda dito sa Japan, meron silang Level 10 spicy na initially, wala DAW sa Pinas, ewan kung meron na ngayon.
Siyempre, level 10 sakin :)
Graaabe! Kahit ang anghang, masarap pa din! Highly-recommended!
A great ending to our 2nd day. I'll post the following days of the trip, soon!
Sa uulitin,
Chewy
No comments:
Post a Comment