Day 4 - Tsukiji, Shinjuku, Shibuya
For our last morning in Tsukiji, susulitin na namin ang Tsukiji market and the restaurants around it.
Lagi namin nakikita itong tindahan sa tabing kalye na nag-iihaw at maraming nakapila. Hindi lang namin binibilhan kasi medyo may kamahalan ang tinda.
Pero dahil last chance na namin, pikit mata na lang at ninamnam na lang namin yung uni, with huge scallops na may brine. Graaaaabe! Sobrang sarap! Hanggang ngayon napapangiti pa din ako kapag naaalala ko ito kaya sulit na rin :D
Marami pa ring mga tao kasi Sunday at marami pa ding mga tao ang walang opisina.
nakita namin itong nagtitinda ng parang isang malaking Siomai
nung tinikman namin, Siomai nga, PERO mas masarap pa siomai ng Wai Ying. Hindi naman sa hindi masarap pero nothing special kaya maaaring hindi na bilhin :)
sa aming paglilibot, napansin namin na maraming tindahan na kapag weekend lang sumusulpot. Hindi ko sure kung isa itong whale meat stand sa mga kapag weekend lang nagtitinda or talagang hindi lang namin napansin nung una.
Anyway, siyempre, madalang ito at wala sa atin, sinubukan namin. Ih ih, hindi ako nasarapan. Baka yung iba masarapan pero ako ay talagang hindi.
Matapos namin maglibot for our appetizers, sinubukan namin mag breakfast sa Sukiya, isang chain ng gyudon shop na tipong parang Yoshinoya. Sinubukan namin kasi may iba't-ibang offerings sila ng Gyudon.
Inorder ni Blanca yung special set
Sa akin naman ay itong may cheese para maiba naman
okay lang siya, Hindi masarap na masarap pero pwede na rin kasi mura :) naubos din naman, hehe.
After our heavy breakfast, binitbit na namin ang aming mga gamit papuntang Shinjuku para sa next hotel namin, ang Hyatt Regency Tokyo. Linawin ko lang, hindi talaga kami pala-gastos sa mamahaling hotel dahil hindi kami mayaman, kaya wala kaming budget for that. Mas gugustuhin ko pang gumastos ng malaki sa pagkain kesa sa tulugan lang :)
Libre lang ito ng New World (dating Hyatt) para sa kasal namin kaya kami napadpad dito. I must say, iba rin ang magandang hotel. Nakakahinayang lumabas kung binayaran mo ito, parang ang sarap na lang mag stay at sulitin ang bayad :))
Pagkatapos naming magpahinga ng konti at mag snacks sa hotel, nag-explore na kami sa shopping district ng Shinjuku. Grabe sa dami ng tao! Parang mga bubuyog ang tunog, literal! May napansin ako na burger chain na kasing common ng McDo, Lotteria ang pangalan, so sinubukan ko umorder ng cheese burger.
Medyo hindi masarap :( mura lang naman pero sayang sa calories
While walking towards Nike Harajuku, may nadaanan kaming pila, may isang middle-eastern guy na nasa isang food truck. Siyempre, gaya-gaya na naman kami :))
habang nakapila, may dumaang taong semento, o kung anuman sila, haha! Walang basagan ng trip!
Finally, it's our turn! Para siyang shawarma pockets. In fairness, masarap nga siya!
tablado lang siya kasi bigla siyang pinaalis ng pulis, booo. Buti nakaabot pa kami!
After namin mamili sa Shinjuku, dumiretso na kami sa Shibuya. Bago umakyat sa station, nakakita kami ng nagtitinda ng yakitori sa ilalim ng mall. Dahil sariwa pa sa isip namin yung nakain namin sa Ropponggi, tinikman na din namin ito :))
Hindi man siya kasing sarap, masarap pa rin naman at mura lang :)
Pag-akyat namin, whoa! Kung lahat ng tao sa litratong ito, tumalon ng sabay-sabay, malamang lilindol! Ang dami! OA!
Habang hinihintay namin ang mga kamag-anak ko from Bicol na naka-base na sa Tokyo, bumili muna kami ng Choco Cro :p hindi ko pa natitikman ito sa Pilipinas pero nasarapan ako dito.
Ate Rhezy, Tita Banja and her huband Kouji-San along with their son Kota brought us to this Yakiniku place somewhere in Kanagawa
They were very generous hosts. Grabe na-spoil nila kami. Para kaming nag eat-all-you-can ng Beef Cheeks, Tongue, at high-quality meat na talagang napatulala ako sa busog after kumain!
Laking pasalamat namin sa kanila for making our trip extra memorable :)
It was so kind of them to drive us back to our hotel. Tapos pag-akyat namin sa room, heto pa ang sumalubong :)
We definitely enjoyed this day!
Maisangat lang, kahit yung iba nababaduyan, ako tuwang-tuwa dito sa nabili ko sa Shinjuku,
It will turn your plain boring sneakers..
into a pair of plain boring sneakers with no laces, haha! Ang bilis magsuot at magtanggal!
LOVE IT!
Check out my next post, it would be the day 5 of this trip, our last full day in Tokyo :)
Sa uulitin,
Chewy
No comments:
Post a Comment