Monday, February 8, 2016

Happy First Wedding Anniversary, My Love :)

 Dear Blanca,

A year ago, I thought our wedding day will be the happiest day of our lives. It was certainly right up there among the best days; but after having you by my side everyday since then, ang daming moments na nasabi ko sa sarili ko "This moment is perfect, it can't get any better than this" PERO, mali ako at patuloy mo akong mas napapasaya.

Remember, nung pagkagising natin kinabukasan after the wedding, nakita kitang tulog at nakayakap sakin, sabi ko sa sarili ko, "This moment is perfect, it can't get any better than this"

Pero only a few hours after, nung pauwi tayong Lucena, kasama nina mama at ni siobe at kumain tayo ng sandamakmak na kanin at bulalo, sobrang saya natin nun, haha! Sabi ko sa sarili ko, "This moment is perfect, it can't get any better than this"

Nung una tayong nag out of town trip papuntang Baler kasama ang pamilya, kahit na-cut short, nung nakita kitang at home na at home kasama ang pamilya ko na parang matagal ka nang parte nito, sabi ko sa sarili ko, "This moment is perfect, it can't get any better than this" 

Nung nagpunta tayo sa Tokyo, unang out of the country natin na tayong dalawa lang. Yung tipong kahit nawawala na tayo, basang-basa na tayo sa ulan, lamig na lamig na, pero masaya pa din tayong kumakain kasi kahit gaano nakakainis yung sitwasyon, magkasama tayo. Sabi ko sa sarili ko, "This moment is perfect, it can't get any better than this"

Nung umuwi ka na talaga dito sa Lucena at ginive-up mo yung trabaho at sweldo mo sa Shell para lang makasama at tulungan ako dito sa probinsya. Sobrang na-appreciate ko yun. Nag-aral ka magmaneho kasi kailangan mo para matulungan ako dito; na kahit alam kong tarantahin ka pero kinaya mo at hindi ka sumuko hangga't hindi mo nakukuha lisensya mo, sobrang saya ko nun. Sabi ko sa sarili ko, "This moment is perfect, it can't get any better than this" 




Nung finally, dumating na yung araw na pinakahihintay natin...


Hindi ko maipaliwanag...
Sobrang saya ko nun...
Sinabi ko sa sarili ko, sure na sure na ako,
"This moment is perfect, it can't get any better than this"
Pero dumating din ang araw na pinaka-kinakatakutan natin...



Sobrang sakit nung mawala yung angel natin. Yun na ang isa sa pinaka-nakakalungkot na nangyari sa buhay ko. Pero alam  mo Blanca, mas lalo akong nalungkot nung nakita ko kung gaano ka nawasak. Alam kong wala kahit anong bagay ang makakatulong para mawala ang sakit na yun kaya nanalangin na lang ako na sana i-heal ni Lord through time ang nararamdaman natin.



After a month, nung bumabalik na ang gana mo kumain, nag HK trip tayo. Tayong dalawa lang. Ang saya-saya natin at alam kong nanumbalik na ang sigla mo. Pagbalik natin dito, kaya na nating kausapin ang mga tao tungkol sa nangyari. Nakita ko na kung gaano ka katatag. Kapag tinatanong tayo ng mga tao na "wala pa ba?", "nagana ba yan?" at iba pang mga nakaka-pressure na tanong na hindi nila alam kung gaano kabigat dahil sa nangyari sa atin... kayang-kaya mo nang sagutin at sumagot pa ng pabiro. Nung nakita kong ganoon ka na katatag, sobrang saya ko... sabi ko sa sarili ko "This moment is perfect, it can't get any better than this"
Dumaan ang Pasko, Bagong Taon, at ngayon Chinese New Year, alam mo, tuwing kakain akong kaharap ka, kahit sa tabi-tabi lang tayo kumain, nakikita kong genuine ang ngiti mo... minsan napapatigil na lang ako at sinasabi sa sarili,  
"This moment is perfect, it can't get any better than this"


Alam kong patuloy mo pang papatunayang life can get better, at dun sa mga moments na sobrang saya, may darating pang mas masaya :) 
We'll have our own family and I promise you, I'll work my butt off so I can be a good provider, a loving husband, and nananalig ako na soon, a loving father.
I love you, Blanca! Happy Anniversary!
P.S. Wala kasi akong pera pambili ng regalo kaya ipinahayag ko na lang sa buong Universe ang pagmamahal ko sayo at ipinakitang you are confidently beautiful with a heart :)
Isang balik tanaw sa kagalingan nina Jaja at ng Notion In Motion :)



Sa uulitin,
Clark, este, Chewy

No comments:

Post a Comment