WARNING: Ang series of posts na ito ay heavy on images pero
may mapupulot naman kayong tips at mga masarap at hindi masarap na
kainan/pagkain. Kaya maraming pictures ay dahil karamihan ay hindi ko
maisulat ang address kaya sa itsura na lang ibase :p As always, click on
the photos for a larger view
We're baaaaack! Bago isipin ng nakararami na marami kaming pera pang-travel, I highly suggest you check out Cebu Pacific's GETGO rewards. We got a free trip to Fukuoka. the land of Tonkotsu Ramen, na tax lang binayaran namin :) Yung mga points niyo sa participating credit cards, maaari ninyong i-convert, galing! Heto na ang naganap na food trip sa aming quick stay sa Fukuoka
Fukuoka 2016 - Day 0 & 1 - Ohori Park, Yanagibashi FIsh Market, Maizuru Park, Yatai Stalls
This time, hindi na Pupuru Wifi ang gamit namin kasi wala pa silang available for pick-up sa Fukuoka Airport. Sa trip na ito, WIFI-HIRE (click the link) naman ang ginamit namin at hindi naman kami nahirapan hanapin.
After dumaan sa immigration, lalabas kayo dun sa pinto sa gitna ng picture below
Heto ang nakaharap sa inyo
Facing the direction in the picture above, tingin kayo sa right ninyo at makikita ninyo ang restaurant sa picture below
Sa tapat ng restaurant, nandun ang pick-up point ng WIFI HIRE.
IMPORTANT: Hanggang 9:30PM lang Japan time maaaring kunin kaya check your flight details at manalangin na huwag ma-delay. Na-delay yung flight namin and kailangan pa kaming i-assist ng Cebu Pacific Flight Attendants para paunahing makalabas para makaabot kami (great service!). Nakuha namin 9:20PM, haha!
Pagkakuha namin ng Pocket WIFI, lumabas na kami dun sa pinto at sumakay ng airport bus transfer para makapag-train kami. Hiwalay kasi ang International at Domestic ng Fukuoka Airport kaya kailangang sumakay ng bus sa bus stop below
*may batang excited mag-ramen*
Hindi muna kami bumili ng day-pass sa Kuko line dahil gabi na rin kaya 1-way trip to Akasaka Station lang ang kinuha namin worth 260 yen.
Tamang-tama lang ang lamig kaya tuwang-tuwa ang batuta
Pagkalabas namin, kinontak muna namin ang aming napakabait na Airbnb Host na si Taro (you can check the listing here) para maiwan namin ang gamit namin sa room.
Taro's place has everything that you'll need for the trip. Merong kitchen, clean bathroom and clean towels, wifi (not portable, though), at merong malinis na kama at kumot. One thing to note is that nasa 4th floor ang place niya, without elevators. So kung mabigat ang gamit ninyo, buntis, o tamad umakyat at magbuhat, hindi ito para sa inyo :) Okay lang naman siya sa amin at highly-recommended sa mga travelers on a budget gaya namin
Kapag nag-research kayo sa internet, may mga makukuha kayong lists ng best ramen in Fukuoka gaya nito. Wala namang masama mag-research dahil ayaw nating masayang ang trip natin at ganun lagi ginagawa namin. We were fortunate dahil bago sa trip naming ito, nauna ang two from my IST family (DLSU CCS) na sila Rad Rye and Liane. Siyempre, kinumusta ko ang experience nila kung worth it ba puntahan ang mga nare-research namin o hindi. Isa pa, nung tinanong ko si Taro kung okay ba yung mga ramen sa listahan, in a very polite way, sinabi niya na yung mga nasa listahan ay for tourists daw. If you want to try authentic Fukuoka ramen sabi niya, puntahan daw namin where the locals eat. Binigyan niya kami ng mapa! Taro is the best!
Siyempre, inuna namin ang pinaka-malapit na recommended ramen place, ang Hakata Kouryu
Taro's place has everything that you'll need for the trip. Merong kitchen, clean bathroom and clean towels, wifi (not portable, though), at merong malinis na kama at kumot. One thing to note is that nasa 4th floor ang place niya, without elevators. So kung mabigat ang gamit ninyo, buntis, o tamad umakyat at magbuhat, hindi ito para sa inyo :) Okay lang naman siya sa amin at highly-recommended sa mga travelers on a budget gaya namin
Kapag nag-research kayo sa internet, may mga makukuha kayong lists ng best ramen in Fukuoka gaya nito. Wala namang masama mag-research dahil ayaw nating masayang ang trip natin at ganun lagi ginagawa namin. We were fortunate dahil bago sa trip naming ito, nauna ang two from my IST family (DLSU CCS) na sila Rad Rye and Liane. Siyempre, kinumusta ko ang experience nila kung worth it ba puntahan ang mga nare-research namin o hindi. Isa pa, nung tinanong ko si Taro kung okay ba yung mga ramen sa listahan, in a very polite way, sinabi niya na yung mga nasa listahan ay for tourists daw. If you want to try authentic Fukuoka ramen sabi niya, puntahan daw namin where the locals eat. Binigyan niya kami ng mapa! Taro is the best!
Siyempre, inuna namin ang pinaka-malapit na recommended ramen place, ang Hakata Kouryu
Dahil malapit ito sa Tenjin, late siya nagbubukas tapos bukas hanggang 6AM. Para siguro sa mga nagpapahulas after ng late-night inuman. Pagpasok nga namin, yung mga customers na nakainom na, sila pa ang nag-welcome sa amin at napaka friendly nila, hehe. Si puge sa picture below, kinakausap si Blanca nito kung saang bansa kami galing. Nice!
Siyempre, inorder namin yung specialty of the house for Blanca at para sa akin ay yung pinaka-maanghang na meron sila. Sumilip ako sa initan ng broth at tingnan niyo kung gaano kakapal yung soup. Swabe!!!
Habang naghihintay, umorder kami ng Gyoza. Okay naman ang lasa niya pero mas masarap pa din yung nasa Osaka.
Heto yung kay Blanca
At heto naman yung sa akin. Ang saraaaaaap! Nasubukan na namin ang Ichiran, Ippudo, Butao, Nagi and I'm telling you, hindi magpapahuli ito. Madalang mangyari na mas gusto ko ang hindi maanghang at sa case na ito, yun yun! Mas nalalasahan yung sarap ng sabaw dun sa original :)
said na said pa rin naman e :))
For desserts, nakita ko sa post ni Liane itong Matcha ice cream na ito kaya hinanap ko agad sa mga convenience stores. Nakakita naman ako sa Lawson
Sarap! Must-try for Matcha lovers.
Naglibot-libot lang kami sa Tenjin area after at nakita namin yung Ichiran dito na may binebentang mga naka-pack na ramen nila. Sabi ko babalikan ko sana pampasalubong kaso hindi na namin naalala nung last day. Ang lesson, pag may nakita, bilhin na agad :s
Nakita namin itong mga nagtitinda sa gabi around the area, nice!
Bago umuwi, dumaan muna kami sa malapit na supermarket para bumili ng toiletries. Nakita namin itong Strawberries na napaka-perfect ng itsura at hindi kasing mahal kapag sa Pinas, kaya binili na rin namin, haha!
Kinabukasan, umalis kami ng mga 9:30am pero we were up a little early for the lifestyle of this area kaya wala pa gaanong tao sa paligid.
At dahil mukhang mapapalaban kami sa walkathon nung araw na yun, nagdesisyon kaming mag quick and light breakfast na mabibili ng mabilisan sa supermarket. Ang daming choices!
Nahihirapan kaming mamili sa dami at ang mumura pa nila!
Heto sana o, kaso kelangan pang lutuin at bumalik sa room, nakakatamad na, haha! Pero grabe, ang ganda ng marbling!
Sushi rice na nakabalot sa itlog
Isang hotdog at isang fried chicken bites. Swabe din a!
Inubos namin ang food ng nakatayo at diretso na sa aming unang pupuntahan, ang Ohori Park. Sa mga nagtatanong pa din, bukod sa pocket wifi na importante, yung Google Maps ang bestfriend niyo paglilibot dahil detalyado na jan kung ilang minuto, magkano, saang direksyon, aling bus o train ang kailangang sakyan para makarating sa pupuntahan niyo from your location. Ganito itsura niya below.
Pero instead na one-way ticket, day-pass na ang kinuha namin
After naming sundan ang Google Maps, heto ang bumungad sa amin. Ang kyu-kyuuut!
After naming sundan ang Google Maps, heto ang bumungad sa amin. Ang kyu-kyuuut!
Ang ganda ng view at maraming makikitang mga bata o matandang nagrerelax lang
Siympre, isa munang landi shot :))
To be fair sa amin, ume-effort na kaming maging color-coordinated ngayon sa Navy Blue/White outfits namin. Good job, Brian!
so ayun, buti na lang may dala akong travel tripod at dahil walang mga tao gaano kasi weekday, puwede kaming mag-mukhang engot sa mga shots, haha!
I love this girl :p
Matapos naming libutin ang park, nagutom na kami at nag-Google na ng next destination namin. Ang kainan sa Yanagibashi Fish Market. Liane highly-recommended this one kaya sinadya na rin namin
Pagdating sa market, medyo nahirapan kaming hanapin kung saan. Mabuti na lang, nakakita kami ng Japanese na marunong mag-Tagalog, no kidding! Siya yung nagtitinda nito:
BTW, masarap itong tinda nila, dabest na pasalubong, 2 huge packs for 1000 yen. Sana dinamihan ko ang bili, saglit lang ang tinagal sa bahay e. Highly-recommended! Anyway, pinakita ko kay "Koya" yung litrato ni Liane at itinuro niya sa akin yung tindahan na may "Red Balloon". Nung una, hindi ko makita, ito pala ibig niyang sabihin below. Yung nakasabit dun sa left ng picture
Walang English menu so sinabi na lang namin ay yung #1 and #2 best-seller
Siyempre, dahil minsan lang tayo nakakapunta sa ganitong lugar, lubusin na natin. So we ordered the fattiest Otoro, wahaha!
Hindi halata sa mukha ni Blanca ang excitement!
Walang English menu so sinabi na lang namin ay yung #1 and #2 best-seller
Siyempre, dahil minsan lang tayo nakakapunta sa ganitong lugar, lubusin na natin. So we ordered the fattiest Otoro, wahaha!
Hindi halata sa mukha ni Blanca ang excitement!
Heto ang hinain sa amin...
Heto yung sakin... (nalulungkot ako habang nagsusulat nitong entry kasi namimiss ko siya...)
Heto yung kay Blanca
Heto yung pang-gitna namin... WHAT A BEAUTY... Ito na ang pinaka-swabeng nakain kong Tuna Sashimi... Tapos kaulam pa ay very creamy Uni... Grabe... Ito yung tipong meal na ikwekwento mo sa mga apo mo pag matanda ka na...
Haaay... after one of the best meals ever, wala kaming makitang dessert place sa tabi-tabi kaya tumingin na lang kami sa 7-eleven ng matam-isin. Nakita namin itong strawberry sandwich na may cream at cheese. Alam kong medyo weird at tipong sa Japan lang makikita kaya, YOLO!
Ayun, wala lang. Tinapay na may cream, na may strawberry, na may cheese... Hindi man lang sila nakagawa ng something different na flavor, haha! Itong Milky below, wala lang din.
Nag-Google na uli kami ng way papuntang Maizuru park para makita yung castle ruins. Hindi ko alam kung wala na bang better way pero pinaglakad kami sa gubat ni Google Maps! Hike na ang nangyari e, haha!
Napagod daw siya kaya siya nakatingin sa malayo at tumabi sa trunk ng puno, hahaha!
Pagdating sa taas ng ruins, makikita mo dito ang Fukuoka City Skyline
Marami ring mga kakaibang bulaklak sa park at hindi puro Cherry Blossoms lang
Maganda ring pang background sa pictures, hehe
Siyempre, paamoy-amoy uli si Blanca sa mga nakikita niyang bulaklak :)
Ang sarap maglibot kapag ganito ang lalakaran :)
After naming maglibot-libot, bago kami pumunta sa Tochoji Temple, pumunta muna kami sa medyo duda ako sa simula na best Gyoza ever daw at mga locals daw ang pumupunta, ang Tetsunabe Gyoza...
Bukod daw sa Gyoza, masarap daw ang chicken wings dito. Pusanggala, no joke, napaka-sarap nga naman e! Never pa ako nakatikim ng ganitong lasa sa inihaw na fall-off-the-bone chicken wing kaya wala akong maitulad sa pag-describe! A must-try!
Nung dumating na yung Gyoza, nakalagay siya sa hot plate...
Grabe... kakaiba siya, sobrang lutong ng wrapper pero sobrang juicy ng loob! Ang sarap ng lasa! Ito na ang pinaka-gusto kong Gyoza sa lahat ng natikman ko. Texture-wise at taste-wise, ito ang the best for me! Highly-recommended! Seryoso, must-visit! Natalo na nito yung sa Osaka!
After naming mag-merienda, naki-CR muna si Blanca sa Family mart at nakita ko uli yung natikman namin last time sa Osaka.
Siyempre, bumili uli ako, hihihi :D
Pagdating namin sa Tochoji, ayun, sarado, hahaha! Yan ang napapala ng kulang sa research :p
Specialty daw nila ang Matcha Ice cream
Hindi na ako nagdalawang-isip pa. I swear, sibak yung HΓ€agen-Dazs dito. Ay para kang kumakain ng Royce Nama Matcha in Ice Cream form! Highly-recommended for Matcha lovers, huwag palampasin!
Pagkatapos namin mag-ice cream, namili muna kami ng mga pampasalubong at naningin sa mall. After a couple of hours, nagutom na uli kami at pumunta na sa sikat na Yatai Stalls.
Sabi ni Taro, pang tourists lang daw ito karaniwan at madalang ang locals na kumakain. Yung experience daw kasi ang pinupuntahan at hindi yung food mismo. Sinubukan na rin namin yung nag-iisang sikat na si Mami Chan. Bukod sa siya lang ang nag-iingles, masarap daw yung Roasted Pork dito
Sa mga stalls, yung kay Mami Chan nga lang ang may pila. hindi kita yung mga nakapila sa likod ng stall niya :p
Tandem silang mag-asawa dito, I assume Daddy Chan ang tawag sa kanya? :p
Dahil isang oras kaming naghintay, marunong sila, lumambing sa customers dahil matagal din sila magluto. Binigyan kami ng libreng chicken wings. Ang layo sa sarap nung sa Tetsunabe pero okay lang pantawid gutom habang naghihintay
Medyo matagal nga dito kasi dalawa lang ang lutuan nila. So pumunta kayo dito kung wala kayong hinahabol na oras :p
Heto si Mami (Mommy) Chan. Ang galing ng teamwork nila ni Daddy Chan. Para kang nanunuod ng show ni Penn and Teller. Si Mami Chan ang mas masalita kaya para siyang si Penn
Heto yung inorder naming Ox Tongue
Karamihan sa mga nakain ay turista nga naman at yung mga Japanese na nandun, galing sa ibang lugar, hindi sa Fukuoka :) Ang babait at nagkwekwentuhan ang hindi magkakakilala. Nag-offer pa nga silang kunan kami ng litrato para may souvenir
So heto yung Ox Tongue. Talo, bwahahaha! After all that anticipation habang niluluto sa harap namin. Kulang sa asin at sobrang ganit. Hindi namin naubos, sayang pera. Although may ilang malambot na parts, karamihan, matigas at kadura-dura dahil hindi manguya.
Up next is our roasted pork. Hindi ko na inasahan ito dahil medyo na-disappoint ako sa Ox Tongue
Aba akalain mo nga naman, masarap nga! As in melts in your mouth na liempo na walang sinabi ang mga Andoks o Mr. Liempo. Masarap talaga. Ito ang maire-recommend ko dito kay Mami Chan. Is it worth the wait? I think so, yes.
Masarap din itong Mabo Tofu niya at pork stick
Perfect ang mga ito kasama ang Lemon Sour. Saktong pampa-tama lang. Orayt!
Itong Chicken skin/ass nila, talo
Pinicturan pa kami ni Mami Chan
For desserts, naglakad kami mula sa Yatai Stalls papunta sa place ni Taro. Ang daming lasing na naglalakad kasi Friday night na yun, so napagkatuwaan kong maglasing-lasingan din. Akalain mo ba naman binabati ako ng kapwa ko gegewang-gewang maglakad at sumisigaw ng parang "Kampaaay", hahaha! What a moment, sana nandun kayo, nakakatawa pag nandun, pag sa kwento, hindi gaano e, haha!
Anyway, nadaanan namin pauwi yung Cafe The Launch. Marami namang nakain at desserts ang nakalitrato sa labas so sinubukan namin. Hmmm... ang mahal niya para sa isang puff pastry na may ice cream at berries. Masarap sana kaso hindi kami nasulitan :s
Hindi na muna kami nag-inom at lumabas ng late kasi mahaba ang byahe namin kinabukasan. Abangan ang Day 2 namin sa Fukuoka :)
Sa uulitin,
Chewy
Love your blog! Napaka refreshing ng pagkaka sulat -- very natural, parang kausap lang kita. Galing din ako ng Fukuoka last June 7 and saw a lot of the places you visited. Sarap mamasyal sa Yanagibashi Market although hindi ako kumain doon. Next time, susubukan ko young kinainan mo ;-)
ReplyDeleteSalamat!
PS if you have time, hope that you can visit my blog porkintheroad.blogspot.com :-) cheers!
Good evening, ma'am :) Maraming salamat po for taking the time to read my entry. Nahiya po ako bigla kasi nabasa ko ang mga entries ninyo, talagang may mapupulot na useful information ang mga tao, a proper blog ika nga :D Keep writing and I wish you more blessings and more trips :) God bless
DeleteHello po! Naku, you are too kind π I read your other posts, lahat nakakatuwa! Small world, ang asawa ko ay taga Lucena din at nandito nga ako ngayon π Pupuntahan ko yang mga reco mo dito sa Lucena ng matikman din π Btw ... Ang gaganda ng mga photos mo and maraming very practical tips! Good luck, happy traveling and baka magkasalubong tayo minsan sa palengke ng Lucena, babatiin kita π
Deletehttps://porkintheroad.blogspot.com/2016/04/to-market-to-market-to-lucena-public.html
ReplyDeleteHindi ako nakatira sa Lucena but I try to visit my mother in law once a month π