A week after namin mag-Baguio ni Blanca, nagtungo naman kami sa Liliw, Laguna. North to South - yeahmen! Pero itong trip na ito, naka-plan na ito nung December pa lang kasi nakwento samin ng good friend naming si Janah at Prince na may masarap daw na kainan doon at siyempre, mura ang sapatos. At dahil may masarap na pagkain at murang quality shoes sa usapan, hindi na nagdalawang isip si Blanca hindi na kami nagdalawang isip at nagplano na agad kami ng lakad patungo dun :D
Hindi ako marunong pumunta sa Liliw kaya mabuti na lang at bihasa na sina Prince at Janah papunta dun :)
Ang route na alam ni Prince ay yung dadaan sa Lucban - Majayjay. Yun rin daw kasi ang pinakamabilis na daan. Since hindi pa kami nagaalmusal, nung mapadaan kami sa Lucban, itinuro sa amin nina Prince kung saan sila lagi kumakain ng siopao sa Lucban.
Mama Lydia's Siopao :D
Punta lang kayo sa kanto ng A. Racelis at A. Regidor, lumingon kayo sa paligid at makikita niyo ang sign nila :)
Maliit lang siya at naka-display na agad ang mga siopao na tipong nang-aakit para kainin ng mga napapadaan...
Nang makita ko ang menu nila, sobrang simple, puro siopao lang ang tinda, pero ang nakakagulat ay ang mura nilang presyo. Isa sa mga kagandahan ng nasa probinsya :)
Sinubukan namin ang bola-bola at asado nila. Malalaman mo kung ano ang flavor sa tingin pa lang, yung bilog ay bola-bola, yung pahaba ay asado. Yes, pahaba na siopao, ngayon lang din ako nakakita ng ganun :D
So heto ang loob ng bola-bola...
(I know hindi flattering yung kuha)
Heto naman ang sa asado...
Yung bola-bola, mas durog ang laman habang yung asado ay may buo-buong karne. Honestly, nanibago ako sa lasa, hindi pa ako nakakatikim ng ganitong lasang bola-bola at hindi pa din ako nakakain na asado na ganito ang lasa. Sa totoo lang, magkalasa sila haha! Pero ano nga ba ang lasa?
Hmmmm... masarap naman siya pero hindi wow. Medyo may namis-namis na konting tamis at hindi siya maalat. Gusto ko yung lasa pero hindi ko maipaliwanag haha! Tikman niyo na lang pag napadpad kayo sa Lucban :) Babalikan ko uli ito, kahit na hindi wow yung lasa, may character siyang kanya at isa pa, sulit na sulit kasi malaman, masarap tinapay, at mura :D
Janah and Prince enjoying their Siopao almusal :) (at oo, terno sila ng suot)
After ng quickbite namin, diretso na uli ang biyahe namin patungong Liliw, mabilis lang naman ang biyahe, lampas lang ng konti sa isang oras. So kahit puyat kami ni Blanca, hindi na kami natulog para din malaman namin ang daan. Buti na lang hindi ako natulog kasi nakita ko to...
Starbaks! Hahahaha apir!
So ang plano namin ay kumain na agad pagkadating (1 hour ago pa lang nung huli kaming kumain), maglibot-libot sa Liliw para maghanap ng mura na magandang sapatos, at kumain uli pagkatapos.
Dumiretso na agad kami sa Arabela. Ito yung restaurant na sinasabi nina Janah na masarap na matagal na din palang kinakainan ng nanay ko pag napunta dito. Kabilang kalye lang siya ng kalye Tsinelas kaya madali lang puntahan.
Converted na silong ng bahay yung restaurant kaya mababa ang kisame. Heto ang mga panahong nagpapasalamat ako na hindi ako matangkad haha!
Puno ang lugar at ayon kina Janah, hindi pa sila nakakapunta dito na konti lang ang tao, kahit weekday pa ito. Good sign kasi malamang, masarap nga :)
Sabi nila, masarap daw ang mga pagkain dito at masarap daw lalo ang dessert. Siyempre, dapat naming subukan para mapatunayan. Naka-display na din ang mga cakes nila na tipong nang-aakit din... Suskupo... huwag niyo akong akitin dahil madali akong maakit haha!
Naka-display na din yung ibang pasta.... kainaman na, kahit medyo kakakain lang, nagutom ako!
Naabutan namin yung may-ari at pati siya ay busy. Nice, hands on sa negosyo :)
Nabigyan agad kami ng upuan at nag-browse kami ng kanilang menu.
Makatapos naming umorder, nagmasid-masid ako ng paligid.
Nalungkot lang ako nung makita ko yung hot sauce nila. Hindi na nga maanghang itong Frank's, Chili Lime pa. Toinks! Pero ok lang, may crushed chili pepper naman sila so okay na rin :)
Hinanap ko ang banyo nila at itinuro ako sa pintong ito.
Ang kulit lang, may area 51 pa haha! Pero kasi, dadaan ka sa kitchen nila para makapunta sa banyo, at mababa pa rin ang kisame so medyo adventure ang pag-CR.
Aba, pagpasok mo naman sa loob, malinis at maayos ang banyo :)
may urinal para sa mga lalake (at para din hindi makalat ang wiwi nila sa enedoro), at may pang business-time. Elevated pa yung enedoro o, para kang haring nasa trono :D
may mga bulaklak pa sa paligid, pasadong-pasado ang banyo nila!
May tissue, tubig, sabon. Certified Jebber-friendly!
Mabilis ang pag-serve nila lalo na kung ico-consider mo yung dami ng customer. So heto na ang inorder namin:
Pecan Crusted Chicken Salad P180
Ang sarap neto!!! Kahit si Blanca na mahirap i-please sarap na sarap dito. Minsan lang ako makagusto ng salad at isa ito sa mga yun :) Highly recommended!
Blue Marlin P200
Masarap naman talaga ang blue marlin pag sariwa eh, lahat ng isda actually. So normal na sarap lang ito. Walang kakaiba :)
Pancetta Magreta P220
Heto ang isa pang tunay na masarap. Nag-enjoy kami kainin ito :) Hindi rin kayo magsisisi sa pag-order nito.
T-Bone SteakP260
Nagkatinginan kami ni Blanca nung pagkakain nito... masarap siya ha, at sa presyo niya, not bad! Heto yung tipong pag sa Manila, mahina ang limang daan. Para sa mga steak lovers, matutuwa kayo :)
Yung tubig nila, parang sa UCC, may lemon. Refreshing :p
Saktong-sakto yung luto nung steak, luto pero "mamink-mink" hahaha!
Bacon Chicken Mushroom Melt Large Pizza P240
I must admit, hindi ito ang best pizza na nakain ko. Kung nakakain na kayo ng Amici (Manila) or La Pizzeria (Quezon), malapit dun ang style ng pizza nila :) Not the best but it's okay.
Busog na kami pero tinatawag talaga ako ng dessert... Busog na din daw mga kasama ko kaya mamaya na lang daw after maglibot...
pero nang-aakit talaga eh oh...
para lang ba mapagbigyan ko sarili ko, naghati kaming apat sa isang Dulce De Leche Bar haha! Mamaya, lagot samin ang cakes >:D
So ayun, nagsimula na kaming maglibot-libot
si Blanca ang ngiti, parang babaeng nasa shoe store... oh wait, babae nga siyang nasa shoe store haha!
nakakita ako ng mga Importeids na tinitinda ;)
tara laro tayo tumbang-preso ;)
wala talagang ibang-gagawin dito kung hindi maglibot para maghanap ng mura at magagandang sapatos...
at kumain :D
Naakit ako ng bango ng nilulutong bibingka
Kakaiba yung bibingka nila dito, malabsak yung loob na parang macapuno
masarap naman siya pero hindi kaya ng isang tao, nakakaumay hehe. Masarap dito eh habang mainit at pinag-aagawan ng marami ang isa ;)
Siyempre papicture din ako with my favorite travel shirt. (kung may alam kayong nabibilhan pa nitong natgeo shirts, pasabi naman sakin please, thanks)
Sa paglilibot, nakakita ako ng gusto kong bilhin!!!
Talangka haha! Madalang kasi ito at namimiss ko na makakain nito. Nahiya lang ako baka mangamoy sa kotse kaya pinigilan ko sarili ko hahaha! Shetters
Ayun nakijoin na din ako sa pagbili :)
May nakita pa akong tsinelas na nakatawag pansin ko! Pampalo Panghampas daw sa pwet haha!
Kung palarin ako at yumaman balang araw, ganitong bahay ipapagawa ko! Ang ganda, walang kupas :)
Natapos din si Blanca sa pag-shopping
So ayun, bumalik kami sa Arabela for desserts bago umuwi. Since medyo pagod at uhaw na kami, nagtry kami ng drinks nila.
Green Soda Mint ata ito (60%sure) pero basta may mint, at ang sarap nito! Highly Recommended! Yung tipong hindi lang nakakatanggal ng uhaw, nakaka-relax pa na parang may kumikiliti sa loob ng bibig haha! Winner!
At dahil ang sarap nung order kong may mint, natabunan na itong Green Apple Soda. Masarap siya pero dahil ibang klase sarap nung isa, normal na lang ito haha!
Chocolate Mousse P85
Sa totoo lang, isa ito sa mga masasarap na chocolate mousse na nakain ko. Kasama siya ng mga best choco mousse dun sa tuktok... yun nga lang natabunan ang kasarapan nito nung lumabas ang ikalawang dessert...
Dulce De Leche Cheesecake P85
awesomeness...
kilala akong exagge maka-react kapag may nagustuhan, pero hindi ako nagsisinungaling kapag may nagustuhan ako. And I dare say na #2 sa cheesecake list ko ito! Second only to Meat Plus' plain cheesecake! Ganun siya kasarap at close second ito ha! Sa sobrang sarap niya, kahit masarap talaga yung choco mousse, inuna talaga naming ubusin yun para heto ang finale haha! Kahit si Janah at Prince nag-agree na talagang masarap siya :D Pakiramdam ko nga ito ang sineserve nila sa langit habang naghihintay sa lobby at hinahanap ni San Pedro pangalan mo pag pumanaw ka.
Pagkatapos namin kumain, tsaka lang namin naalala na wala pa kaming group pic. Unang shot ni kuya, blurred.
Take two! Perfect!
Salamat kay Prince at Janah sa pagsama nila sa amin dito sa Liliw. Totoong masarap nga ang pagkain at mura ang sapatos. I'm glad nagkaroon kami ng chance makipag-bond kay Prince bago siya bumalik sa US. Sa susunod na uwi niya, sana makasama namin siya sa ibang lugar naman sa Pilipinas. After all, It's more fun in the Philippines ;)
Sa uulitin,
Chewy
Great share! the blog is simple but I really love it. There are many places where to go in Laguna, Thanks for sharing
ReplyDelete