Wednesday, February 1, 2012

Hot Sauce List

"Huwag kang kain ng kain ng maanghang, magkaka almuranas ka!"
"Huwag kang kain ng kain ng maanghang, usisa mo magagasgas bituka mo, sige ka!"

Yan ang sinasabi sa akin ng magulang ko noon at ng ibang matatanda. Matigas pa din ulo ko noon pa man at kain pa din ako ng kain ng maaanghang at hindi nawala ang hilig ko sa sili. Noong bata pa lang ako, noong nagsisimula pa lang ako mahilig sa maanghang, tuwing kumakain ako ng may maraming sili, grabe... Ang init sa p*wet kapag nagdedeposit sa banyo! Pero noong mga high school na ako, napansin kong hindi na ganoon ang epekto sakin. Dahil na rin siguro nasanay na? Hindi ko talaga alam pero hindi na ako namromroblema ng hot sh*t ;)

Nang mauso na ang internet at natuto ako mag research, aking nalaman na on the contrary, mabuti pala sa katawan ang sili! Heto ang ilan sa mga benefits ayon sa site na ito:

Lowers Blood Sugar Levels
Improve Heart Health, Boost Circulation, Thins Blood and Helps Protect Against Strokes
Provides Pain Relief & Reduces Inflamation
Acts as a Therapeutic & Relaxant
Helps Clear Congestion
Limits Spreading of Prostate Cancer
Lowers Risk of Stomach Cancer
Eating Chillies has recently been shown to lower cholesterol
Chillies Help to Burn Fat

O ha! Mabuti na lang matigas ulo ko at hindi ako agad agad nakikinig sa mga matatanda haha!


Sa mga nakakakilala sa akin at nakakasama kong kumain, alam nilang nako-cornyhan ako sa pagkain pag walang anghang. Hangga't maari, nilalagyan ko ng pampaanghang kahit minsan, ayon kay Blanca, hindi na daw nararapat lagyan hehe. Eh ang sakin, ako naman ang kakain kaya pabayaan na ako :D 

Kung ako lang ang tatanungin, wala pa rin tatalo sa siling labuyo (marami) kapag gusto ng pampaanghang sa pagkain. Dinudurog ko ito at hinihimay para kalat na kalat ang mga buto at anghang. Pero dahil ang sili ay nabubulok at hindi gaano tumatagal, mahirap mag-stock sa opisina o kahit sa bahay dahil madalas naman ako sa labas kumakain, ang pinaka naging alternatibo ko ay hot sauce. Sa sobrang hilig ko sa hot sauce, may cabinet kami sa office at may at least 6 kinds ako ng hot sauce doon. Sa sobrang hilig ko sa hot sauce, may hot sauce ako sa sasakyan. Sa sobrang hilig ko sa hot sauce, tuwing naggrogrocery kami, lagi akong tumitingin kung may bagong hot sauce at nagbabaka-sakaling may mas maanghang na matuklasan :) 

Nang may magtanong sa akin na kaibigan ko kung ano ang maanghang na mairerekomenda kong hot sauce, naisip ko na magipon ng pictures ng mga hot sauce at i-rank sila para madali na nilang makita kung ano ang maanghang at hindi. Nais ko rin i-share ang listahan na ito para hindi na magsayang ng pera ang mga tao sa mga hot sauce na walang anghang, at malay natin, may mga mag-suggest ng maanghang na hot sauce na puwede ko subukan at idagdag sa listahan :) 

Hindi pa ito kumpleto pero heto ang mga hot sauce na natikman ko (Rank 1 ang pinaka-maanghang):

10. Heng Bing Brand Chili Sauce
Lasa: Maalat
Bagay Sa: kahit anong pagkain na gusto mong paalatin. Parang patis ito eh!
Anghang: Walang kaanghang-anghang! Sayang pera dito (unless gagamitin mo siyang pampaalat).

 9. Maggi Extra Hot Chilli Sauce
Lasa: Lasang ketchup
Bagay Sa: mga pagkaing gusto mong lagyan ng Ketchup
Anghang: parang ketchup lang ito na may katiting na anghang (huwag matakot sa image sa label, panakot lang yan)

 8. Mama Sita's Hot Sauce
Lasa: medyo more on sa maasim side siya. medyo minsan nakakasira ng tunay na lasa ng pagkain
Bagay Sa: mga medyo may asim na na pagkain para hindi ganun kaapektado lasa
Anghang: may konting anghang naman. Para sa mga hindi mahilig gaano sa maanghang, kaya niyo ito.
 
7. Mother's Best Super Hot Sauce
Lasa: medyo may konting asim at tamis pero konti lang naman at hindi gaano nakakasira ng lasa ng pagkain
Bagay Sa: mga pizza, kasi ito yung karaniwang nakikita nating kasama nila haha
Anghang: mas maanghang sa Mother's Best Hot Sauce (wala naman anghang yun), kaya lang hindi pa rin ganun kaanghang. Puwede na sa mga gusto lang ng konting anghang.
 
6. T.N.T. - Tunay Na Tunay Hot Sauce
Lasa: Maasim na parang sukang pinakurat
Bagay Sa: mga inihaw na karne o isda.
Anghang: may anghang na siyang tunay hehe pero hindi naman sobra. Puwede na sa akin at mapapagtiyagaan ko na :) Sa mga sensitibo sa anghang, dahan-dahan lang kayo dito.

5. Trappey's Red Devil Cayenne
Lasa: Medyo may konting asim at manamis-namis
Bagay Sa: bihon! Bagay na bagay ito sa bihon haha! Pwede na rin siyang ihalo sa Del Monte Ketchup pang french fries ng McDo :)
Anghang: may anghang na din ito. Actually, dati nung una kong natikman ito, natuwa ako sa kanya dahil naramdaman ko anghang niya. Pero ngayon after ilang taon, bitin na ako sa anghang nito. Pero pagtiyatiyagaan ko na rin ito pag walang-wala na.

4. Lea & Perrins' Hot Pepper Sauce
Lasa: may hint ng asim at malapit-lapit na ang lasa niya sa sikat na Tabasco
Bagay Sa: pizza, burgers, fries, tacos, fried foods (hindi lang pwede ihalo sa masarsang Pinoy foods kasi magiiba lasa)
Anghang: puwede na ito. Parang pinahinang Tabasco pero puwede na. Para sa mga normal na tao, maanghang na siguro ito.
 
3. Tabasco
Lasa: lasang Tabasco! Hindi maipaliwanag pero ang galing nila, may sariling lasa sila. May konting asim na hindi maipaliwanag. Basta, lasang Tabasco haha!
Bagay Sa: American food, Mexican food, mga pinirito (again, hindi pa din bagay sa masarsang pagkaing pinoy) ** Bagay ito sa Iced Tea. No Joke! Yung isang basong Iced Tea, lagyan niyo ng dalawang patak ng Tabasco, boom!
Anghang: Heto mabibilang na sa category ng maanghang. Isa ito sa mga unang love ko at hinahanap ko pag nasa isang restaurant. Hanggang ngayon, kung ito ang hot sauce sa isang restaurant, matutuwa na ako :)
 
2. Habanero Hot Sauce From Hell Devil's Revenge - "Beyond Hell" level
Lasa: Masarap! May hot sauce bang masarap kamo? Ito na yun! Parang Mexican sauce lasa niya na tipong lasang sauce ng tacos, burritos, etc. Nung unang natikman ko ito (pagkadala ni Kirby from US), kinutsara ko ito para tikman at inulit ko pa dahil masarap nga haha!
Bagay Sa: Sa maraming dish kasi nagkakaroon ng kakaibang sipa because of the Mexican food taste. Sadly, hindi bagay sa mga Pinoy foods.
Anghang: Maanghang ito. Para sa mga adik sa anghang gaya ko, highly recommended! Minsan pag napaparami lagay ko, sinisipon ako ng konti, love it! Hindi nga lang siya locally available sa pagkakaalam ko kaya kung may mga nasa US jan, ayoko na ng chocolates na pasalubong, ito na lang haha!
 
 1. Mama Sita's Hot Pepper Sauce Labuyo
Lasa: Heto ang dabest sa lasa! Bakit kamo? Dahil hindi siya nakakasira ng lasa ng pagkain.  Talagang halos pure anghang ang idinadagdag nito sa pagkain.
Bagay Sa: Kahit ano. No joke. Kahit anong ulam nilalagyan ko nito. Sa katunayan, Mayroon ako nito sa bahay, sa office, at sa sasakyan (true story) :D
Anghang: Heto ang hot sauce na pang TNL (Tunay Na Lalake). Nung una kong matikman ito, ginanahan ako, at nagbutol-butol ang pawis sa noo ko with matching singhot ng tumutulong sipon. Definitely not for rookies and dahan-dahan sa paggamit kung hindi malakas ang tolerance sa anghang. 
 
Unfortunately, hindi ko alam kung posible bang masanay ang dila sa anghang kasi lately, yung isang boteng Mama Sita's Hot Pepper Labuyo, pang tatlong kainan lang (walang biro). Sabi nga ni Blanca medyo dahan-dahan daw ako kasi medyo mahal nga naman ang 89 pesos na isang bote kung sa 3 meal lang mauubos. So ngayon, naghahanap ako ng mas maanghang pang hot sauce na puwede kong gamitin "pakonti-konti" para hindi magastos. May mga hot sauce pa gaya ng Frank's, Sriracha, atbp na wala akong picture, update ko itong list pag nakunan ko :) Enjoy!

Chewy



** kung may alam kayong mas maanghang pa sa Mama Sita's at wala sa list, nakikiusap po ako na pakilagay sa comments with info kung saan nabibili :) thank you and God bless :D

2 comments:

  1. Heng Bing fail! Na-confuse ako nung natikman ko eh!

    ReplyDelete