Tuesday, January 17, 2012

New Year Celebration w/ The Chuas

Tradisyon na ng aming angkan ang magsalo-salo tuwing bagong taon. Ganito usually ang set-up, kapag Pasko, nasa kanya-kanyang bahay o sa kabilang partido ang bawat pamilya, at kapag bagong taon, dito na nagsasama-sama ang Chua family. Eleven na magkakapatid sina Papa, at dahil medyo marami sila, natatandaan ko noon, ang dami naming magpipinsan na magkakasamang nagpapaputok tuwing bagong taon. Ngunit sa paglipas ng panahon, may mga nag-ibang bansa, may mga nawala, kaya ayun, skype, ym, o facetime na lang sila nakakasama sa celebration. Ngunit ganun pa man, masaya pa rin naming pinagdiriwang ang pagtatapos ng taon at sama-sama naming sinasalubong ang bagong taong darating :) Heto ang routine/tradisyon namin tuwing bagong taon:

December 31 - Lunch
 Fried Banana w/ Sesame Seeds
 Toasted Onions, Dahon ng Sibuyas, Inadobong Itlog
 Sarap talaga niyong adobong itlog :D
 Ginanga or Sinaing na Isda
Kiam Peng - Kaning medyo malagkit na may halong adobong baboy, manok, chorizo, dahon ng sibuyas. Ang sarap neto! Siyempre nagluto ay ang minamahal kong tita...
 Koa Becky! Ang galing talaga magluto nito, para sa mga boys, single pa tong tita kong to, ahem-ahem :) Siya talaga magaling magluto sa pamilya kaya tuwing may okasyon, siya lagi ang laman ng kusina :)
 Usually kapag Kiam Peng ang niluluto, ganito lang talaga, wala nang ibang marami pang ulam kasi malasa na mismo yung kanin. Although, may bagay na sinabawang saging dito, hindi ko lang napicturan sayang :)
Since Chinese ang tema ng pagkain, mas masarap siya pag naka-bowl at ito-top mo lang yung egg at onions, pwede ka nang mag chopsticks para authentic :D

This time, kasama na namin si Blanca kaya natikman na din niya sa wakas ang luto ni Koa :)

After ng kainan, siyempre, kelangan magpapawis para ma-burn ang maraming kinain, this time, Dance Central 2 na ang labanan :D

After lunch ang time ng pagbo-bond ng family, yung ibang mga "young ones" eh natutulog na kasi kinagabihan ay mapapasubo sila sa puyatan :) Hindi na kami nagma-mass ng late (10pm) gaya ng dati kasi nauubusan ng time sa pag-prepare ng media noche at mas convenient na din kapag mas maaga. 7pm pa lang, nagmass na kami sa Multi-Purpose Hall malapit lang sa bahay para makabalik ng 8pm at makapaghanda ng dinner. Take note, DINNER. Ang style kasi ng pamilya namin, kakain ng full meal pag dinner, at mga 2-3 hours after yun na yung Media Noche na lighter na ang mga pagkain kasi malapit na matulog :) So heto ang dinner namin

Dec 31 Dinner
 Antigua's Hong Kwe (Stuffed Chicken)
 Pork Barbecue ni Mama
 Chicken Relleno
 Embutido
 Broken Glass na hugis Koi :)
 Koa's Special Soup
 Yes, ito din yung sabaw last November, paborito talaga ng pamilya to eh :)




After kainan, siyempre, automatic na, Kinect na uli! Pero this time, buong pamilya na, at bawat isa, sumayaw haha! Here are the pics:
 Si Dennis bumigay na!




 Nagsiksikan kami lahat sa guest room!
Pero ang stars of the night, ang hindi inaakalang sasayaw na sina Chak Willy at Sah Peh
haha! Dahil madalang na pagkakataon ito, vinideo ko sila (para sa family members na hindi namin nakasama ngayong New Year Celebration, para sa inyo ito haha!)

Untitled from Brian Chua on Vimeo.

Kahit hindi na magpaputok, lumayo na ang bad spirits sa sayaw nung dalawa haha! Pero siyempre, kahit konti, nagpaputok pa din kami. Dati-rati marami kami magpaputok, pero habang tumatanda, tinatamad na kami magsindi.






Matapos ang putukan, text-text sa mga kaibigan at sa mga mahal sa buhay, kainan na! Nung sinabi kong mas light ang kakainin, nagkamali ako... Konti lang ang choices pero ambibigat!
Jan 1 2012 Salubong
 Biko- Kaning malagkit na may matamis sa ibabaw = mabigat
 Spaghetti = mabigat
 Garlic bread = mabigat pa din haha!
 Sparkling Wine :)
Chibugan na!

Happy New Year 2012!

But wait.... there's more! :D
Heto naman ang tradisyon namin tuwing January 1, sama-sama pa din kami mag-lunch
 Spicy Shrimp - Swabe to!
 Noodles pampahaba ng buhay :)


 Soup ni Koa
 Frozen Brazo :) Thanks, Arlene!
 Camaron :D
 Pero ang mas masarap pa sa lunch.... ang susunod na tradisyon namin..................................
BINGO!!!


 my card for this year
 Si koa at Arlene, uuwi na agad sana papunta Manila, pero dahil nanalo sila, nagstay na hanggang huli haha!


 Nakabingo ako kaso may kahati pa! 250 pesos lang kinalabasan haha!
 Si Koa na naman!
 Habang tumatagal, pataas ng pataas ang pot, here are the rest of the winners. (hindi na ako nanalo booo)
















 Damn you, 58! isa na lang eh, hindi pa ako pinagbigyan! 5k din sana yun oh! haha oh well, next year na lang baka palarin na ako :D

Naghahanda na sina siobe at mama sa aming annual family pic :)

 Sa Flickr or Tumblr ko na lang ipopost family pics namin :)
Para sweet ending, a shot of the number one Red Velvet cake (so far) :)
Heto ang kinain namin for merienda..... oo, walang diet-diet at bawal magpigil kumain pag holidays haha!

Happy New Year!


Chewy

Thursday, January 12, 2012

Christmas with the Chuas (2/2)

Whew! After Christmas and until now, tambak ang trabaho! Tambak, tambak, tambak!... Na-miss kong mag-blog, totoo pala yung sinasabi ng iba na mainam ang pag-share ng magagandang stories sa buhay mo sa pag-release ng stress. So heto ako, nagtatanggal ng stress :) I will continue may Christmas post, sabi naman ng pari, hanggang this Sunday pa ang Pasko so pwede pa :)

Every December 25 ng umaga for the past few years, para akong may alarm clock na tinig ng mga bata. Walang paltos yun, mga tinig ng mga pamangkin kong makukulit ang gumigising sakin, hindi naman ako nagrereklamo at gustong-gusto ko pa nga ito :D Nitong last Christmas, walang nagbago at mas sumaya pa, here are the photos of my cute pamangkins!

 Yanna with Lola Ester and her dad, Ahya Bong
 Yanna with her mom, Achy Aubrey. Wala na siyang mata pag tumatawa haha cuuuute!
 Yanna with Auntie Alester
 Family Pic
 Of course, kelangan may pic with Uncle Pogi (walang kokontra, bagong gising pa haha)

And here's Kyle, eldest sa generation nila. A very loving kuya to the younger ones. Hindi siya pumapatol kahit saktan siya, good boy to! Niregaluhan siya ni Ninong Ronchi ng Bumblebee na car, kaya heto inaassemble niya :D


And here's my inaanak, ang sumunod kay Kyle, si Ethan. Sa pic pa lang medyo pasaway na haha!
 Kapag nagkakasama kami, lagi siyang nagkwekwento tungkol kay Ben 10, kaya nitong Pasko, niregaluhan ko siya ng Ben 10 stuff. Yun nga lang, parang kinakabit siya sa kamay na may pambaril ng disc.. uh oh! Dahil medyo pasaway pa siya, baka mamaya, tao ang barilin at hindi action figures haha!
Whew! Buti na lang nagustuhan niya at suot-suot niya the whole time na nasa bahay! Nambabaril ng tao pero with sound effects lang naman and not with the discs haha!

Around lunch time, dumating na din sina Mama Rosie at ang balikbayan from Singapore na si Boss Simon. It was nice seeing Simon again kasi matagal-tagal ko siyang hindi nakita at parang kapatid ko na ito. Meron silang dalang Maki at siyempre ito na ang part na ipapakita ko ang pagkain namin :D

 Siyempre, may Salmon Pastry pa din para matikman nila :)
 wuhoooo! Merry Christmas!
 Roast Beef
 Barbecued Ribs
 Maki from Mama Rosie
 Chicken Roll
 Lechong Paksiw na sadyang dinurog! Oyeah! Bawat sandok, may hibla ng karne, just the way I like it :D

Fish Fillet
 corn and carrots, ok na sana to eh.... kaso may carrots (#1 enemy)
Si Ethan, kakain na at lahat suot pa din yung gift ko haha yey!

 Kainan na!
 L-R: Papa, Mama Rosie, Mama, Achy Aubrey, Ahya Bong with Yanna, Bossing Simon

L-R: Ahya, Siobe, Achy Meh, Kyle, Achy Melissa, Ethan, Ahya Michael

So after ng kainan, tambay-tambay, kwentuhan lang, tapos umalis na sina Achy Aubrey pati mga pamangkins. Natira na lang sina Mama Rosie at Simon pati si Achy Meh. At siyempre habang nagkwekwentuhan, hindi maiwasan na pakain kain pa rin ng konti haha!

One thing to know about my family is that we love hosting gatherings. Mahilig kami magkainan with friends and family sa bahay namin. Ewan ba pero dito kami nag-eenjoy kesa sa mga restaurants kasi mas masarap din siguro magkwentuhan. This time, ang bisita naman namin eh family nina Tita Buddha at Tita Jenny na balikbayan from the US :)




This time, yung Salmon ko, hindi ko na binalutan ng pastry at baked salmon na lang siya hehe sarap din pang ulam!
 Kapalang mukha kong sinasabing masarap siya haha! Pero seryoso, uulitin ko lutuin to! Dalawang batch nito naubos!
Pero teka, hindi ito ang star ng kainan para sa akin, dahil nagulat ako sa dala nina Tita Jenny...
wth?! kasing laki na ng cellphone ko! Prawnosaurus! Sa sobrang laki, pwede na mag-share ang dalawang tao sa isa. Pero siyempre, nakaubos ako ng isa :) ambigat sa tiyan!

Heto ang lineup for dinner:



Siyempre, isang group shot muna bago magkainan para masaya haha!




So that's how we celebrated the birth of Christ :) Kasama ang family and friends, walang tigil na kainan at kwentuhan. Hopefully, this year, mas marami pang tao para mas masaya :D 

Cheers!
Chewy

**natanggal nga pagod ko sa pagsusulat nito :D now, back to work!

Wednesday, January 4, 2012

Lucena: Goring Chami Haus - Oldskul!

Happy New Year! 2012 na! I refuse to believe na matatapos na ang mundo sa taong ito dahil ang dami ko pang gustong kainan at puntahan :) Mga bagong restaurant na nais subukan, at siyempre, mga restaurant na instistusyon na nais kong balik-balikan. Nabanggit na din lang ang mga institusyon o "ledgendary" restaurants, nitong nakaraang holiday season, matagal-tagal din akong nag-stay sa Lucena at nagkaroon ako ng chance na balikan ang isa sa mga batikang Chamihan sa aming bayan - ang Goring Chami Haus!
 Sa itsura pa lang ng lugar, alam mong nasubok na ito ng tagal ng panahon, which is a good thing kasi alam mong matagal na siyang nago-operate at nakaka-survive. Bata pa lang ako, ganito na ito, malapit ito sa skul namin kaya chami dito ang kadalasang pustahan namin sa basketball haha!
 Pagpasok mo sa loob, bahay na bahay talaga ang itsura at simple lang, walang arte. Siguro sasabihin ng iba, turn-off yung lugar, pero isipin niyo, partida, tumagal siya ng ganito lang kasimple ang loob, ibig sabihin hindi na niya kailangan sa abubot ng paligid at masarap na pagkain lang ang panlaban niya, buhay na siya :D 2012 na, bawal ang maarte at bawal ang negatibo haha!
 Heto ang mga paborito kong lamesa, window seats kumbaga.
 O diba, kitang kita ka ng mga dumadaan sa tapat haha! Si Blanca excited na matikman for the first time ang sikat na Chami Goring Tamis-Anghang

After 10 minutes, dumating na order namin. Minsan, baka matagalan ang order kasi niluluto lang ito by order so siguradong bagong luto at hindi tira tira ang ihahain sa inyo.
 Sa halagang 25 pesos, ganito kadami ang ihahain sa inyo. Kayang-kaya siyang ubusin ng isang babae. Pag lalaki, kayang maka 2 order :)
 Ang Chami Tamis-Anghang ni Goring ay bagay na may kapares na tinapay gaya ng monay. Kaso out of stock daw ng monay nung araw na yun pero may substitute silang ino-offer so kumuha kami ng tig-isa ni Blanca. Pwede na rin! Swabe! 
Tip: Kung mapapansin, masabaw ang version ng chami ng Goring, ganito gawin mo pagkain:
1. Subo ng chami.
2. Isawsaw ang tinapay sa sarsa
3. Kagatin ang tinapay habang may chami pa sa bibig at sabay nguyain. apir!

Ang malupit pa nito, sabayan mo ng Coke! Hindi ako bayad ng Coke, Pepsi nga benta ko sa resto eh, pero sa Chami Goring, swabe talaga pag may malamig na Coke! Ih-ih, yang sarap!

Medyo tago lang ang Goring Chami Haus pero madali lang naman ito puntahan. Halos nasa dulo na siya ng Allarey street kung going southbound ka. Kung ikaw ay nasa isang Chami food trip sa Lucena, hindi mo ito dapat palampasin!

Sa uulitin,
Chewy

Goring Chami Haus
Allarey cor. Don Queblar Sts., Lucena City