Saturday, October 29, 2011

Lucena's Pride: Antigua Restaurant

Dito sa amin sa Lucena, maraming Tsinoy ang naninirahan. Mayroon kaming at least 3 Chinese schools at buhay na buhay ang Chinese community. Sa katunayan, sa tinagal-tagal nang naninirahan ang mga Tsinoy dito, naging part na ng identity ng Quezon ang Chami (Chinese stir-fried noodles). Kumbaga, ito ang default na merienda ng mga tao dito hehe!

Kung Chami din lang ang paguusapan, marami sa Lucena na iba't-ibang restaurant na nagse-serve ng Chami at lahat sila ay masasarap sa sarili nilang katangian. Una kong ibabahagi ang aking nakagisnang Chami na mula sa Antigua Restaurant.


Naalala ko nung bata pa ako, pag sinasama ako mag merienda ng tito ko, tig-isa kaming "Chami sa Tasa"
Katangian ng Chami ng Antigua ay medyo masarsa at swabe ang lahok, hindi tinipid at ang masarap pa ay may kaulam na "tasty" o loaf bread. Isa ito sa pinaka tanyag na Chami ng Lucena at mairerekomenda ko ito sa mga dayuhan/turista na mapapadpad dito sa amin sa Lucena :)

Hindi lang Chami ang ipinagmamalaki ng Antigua, heto ang mga must-try nila na mula bata pa ako ay nilalamon ko na:
*Torta Congrejo
tindi nito! Nakatikim ako sa Manila sa mga restaurant ng Crab Foo Yong, pero lagi kong nasasabi pagkakain na "Masarap, pero Antigua pa rin" :D

*Liok Pit He
Heto ang masarap pang-ulam, pero mas masarap papakin haha! May katambal na sweet and sour sauce pero honestly, kahit wala nun, panalo pa din. Isipin mo parang Camaron on steroids! Malalasahan mo ang sarap ng baboy at hipon sa loob ng malutong lutong na coating. Suhhrap!

*Fish Fillet in Soy Sauce
Ito ang masarap na kaulam ng plain rice! Ang sarap ipaligo ng sarsa nito sa kanin!

*Siopao Asado
Madalang ako kumain ng asado siopao, kadalasan ay bola-bola order ko dahil madalang ang masarap na asado siopao. Ang asado siopao ng Antigua ang isa sa mga pinagpala :) Masarap na ang laman, masarap pa ang tinapay! Puwede na pang-hapunan ang isa nito dahil hindi siya merienda size, malaki at nakakabusog talaga!

Marami pa silang mga batikang putahe gaya ng Antigua Chicken, Bola-bola Siopao, Chami Puti, Lomi, Hong Kwe (Stuffed Chicken), Cold Cuts Platter, Chicken Pie, atbp. Pag nakabalik uli ako, lilitratuhan ko para sa inyo :) 

Isa ito sa mga dahilan kung bakit dapat kahit minsan sa buhay mo, dumayo ka dito :) Tara na sa Quezon!

Antigua Restaurant
Along Quezon Avenue, Lucena City
042-710 3530


6 comments:

  1. panalo!! namiss ko yung siopao! hay! kelan kaya ulit.. walang msarap na siopao dito.. ggrrhhh!!

    ReplyDelete
  2. haha! diba? chunky yung laman at hindi malabsak hehe iba pa rin talaga Antigua :p

    ReplyDelete
  3. Salamat po sa inyo at nalaman ko na bukas pa rin ang Antigua resto. Natikman ko po 'yan noong 1990, at na-ibigan ko ang chami - hindi malasado pero "al-dente".

    Naka-balik po ako last month at masasabi ko na pareho pa rin ang kalidad ng kanilang chami at asado-siopao. Natikman rin namin ang "crab foo-young" at mababangit ko po na: "its the best c.f.y. i have eaten."

    ReplyDelete
    Replies
    1. hey there! Sarap diba? :) Last weekend, 4 straight meals namin take-out galing Antigua at laging may Torta :)) Cheers!

      Delete
  4. dumadaan po ba ang bus from manila sa resto na yan? How to get there po?

    ReplyDelete
  5. dumadaan po ba ang bus from manila sa resto na yan? How to get there po?

    ReplyDelete