Nitong nakaraang Undas weekend at ngayong long weekend, nakapagpost ako ng mga napupuntahan ko dito sa Quezon gaya ng experience ko sa Road 62, Zymurgy, Antigua, at Palaisdaan. Although masasarap ang pagkain sa mga lugar na ito, iba pa rin talaga ang sarap pag nasa bahay eh. Ewan ko ba, siguro dahil mas kaya kong magtakaw nang hindi nahihiya, siguro dahil kahit naka-boxers lang ako at hindi maligo okay lang, o dahil siguro masarap lang talaga-magsalo-salo sa sariling tahanan kasama ang pamilya at mga kaibigan :)
Nung nakaraang Undas long weekend, naisipan ng family naming mag Shabu-shabu (wholesome version) sa bahay ng tito ko kasama buong pamilya at Achy Meh. Sa style pa lang pagkuha ng pagkain, yung tipong lulutuin niyo, magdedekwatan kayo ng mga niluto ng iba, nadun yung saya eh haha! Bonding activity na din siya diba? haha!
nakikita niyo yung sexy na nasa pinaka-kanan? Yan yung tita kong magaling magluto! Single pa yan! Ahem ahem! hahaha! I love you, Koa!
Siyempre, lalong nakakapagpasarap ang kwentuhan :D
Tingnan niyo lang tong hipon, alam ko hindi siya ang pinakamalaking nakain ko pero ang tamis nitong hipon na ito!
Na-enjoy din namin ang padala ng tita ko from the US na Oreo Mint. Kung may nabibili nito sa Pilipinas, please pakisabihan ako o pakilagay sa comments :D thanks!
Nung sumunod na gabi, may themed dinner uli kami, this time, sa bahay naman tapos Chinese style haha! Siyempre, si Koa Becky uli ang nagluluto. Habang nagluluto siya, kami ay naglalaro ng XBox Kinect at nilalampaso kami ng nanay ko sa Bowling!
Nakikita niyo yung Best na 234? Kanya yun! Hindi namin mahabol!
So nung tawagin na kami para kumain, heto ang naghihintay samin:
DIY Chinese Lumpia! Awesome!!! Pwedeng sa gulay o sa wrapper or both, ikaw bahala! Basta may lumpia mix, scrambled eggs, sea weeds, durog na sea weeds, durog na mani with sugar, lumpia sauce. Ikaw na bahala ano gusto mo ilahok!
Kasalo namin sina Achy Meh at mga pinsan niyang si Tin-tin at Muy-muy. Mas marami, mas masaya!
Mga kapamilya kong walang kapalit :D
So heto yung sakin, sa dami ng nilagay ko, hindi na mabalot ng wrapper haha! kaya yung round 2, wala ng wrapper, "Lumpiang Hubad" kung tawagin :) Namiss ko tuloy si Blanca kasi mahilig yun sa Chinese Lumpia eh, hindi kasi uso ang holiday sa Shell kaya kailangan niya mag-work, boooo joke lang :D Yung sabaw sa top-right, gawa din ni Koa, heto yung specialty niya, Sabaw na lasang sabaw ng balut! May duck, pork, balatan, mushroom, atbp na lahok. Heto lagi request ko! You da best, Koa! (Ahem ahem Merry Christmas! haha!)
Sobrang nag-enjoy kami dun sa dalawang themed dinners na yun. Ngayong long weekend na ito, dito lang kami nina Mama kumain sa bahay. Hindi ko alam kung sobrang sarap ba talaga ng luto o dahil hindi pa lang ako naliligo at naka-boxers lang kaya nakakagana kumain haha! Seafood lunch naman kami kanina at heto ang nakahain pagkagising ko:
Sinigang na hipon
Fresh Alimango!!!
Sa sobrang excitement ko, nalimutan kong maghugas at kumain agad ako ng nakakamay! Oh well, dagdag alat na din naman yun pampalasa kaya okay lang hahaha! Can't wait for dinner!
Sana nag-eenjoy din kayo ng time off away from work gaya ko :)
Sa uulitin,
Chewy
No comments:
Post a Comment