Iba nga naman ang Paskong Pinoy. "Ber" months pa lang, sinasabi na agad na "amoy Pasko na" (isa na ako dun), hindi pa tapos ang Undas ay may Christmas decors na, at kung ikaw ay nakatira sa kamaynilaan, trapik pa lang, alam na alam mo nang Christmas season na! Taon-taon, ganito ang eksena ng Pasko sa Pinas, makulay, trapik, masaya ang paligid, extra generous ang mga tao sa mga namamalimos, trapik, busy ang mga tao pag-shopping sa malls, at maraming nag-uuwian sa kanya-kanyang probinsya kaya ang byahe pauwi - trapik :)
Pero kahit na kadalasan ay nakakatamad bumyahe pauwi ng probinsya dahil sa trapik, mananaig pa rin yung pagnanais na makasama ang pamilya. Kasi nga naman, masarap ipagdiwang ang kaarawan ni Hesus na kasama ang pamilya sa pagsimba, at siyempre, sa Noche Buena! Speaking of Noche Buena.....
A little background: taon-taon, ang nanay ko lagi ang nagluluto ng pasta, at kadalasan, ordered food na ang mga kasama nito sa hapag kainan. This year, naisip namin na lahat ng nasa hapag kainan, pinaghirapan namin. NAMIN, ibig sabihin, lahat kami gagawa :D
Heto ang lineup:
Lasagna - Mama at Siobe
Creme Brulee - Siobe at Ahya
Salmon Pastry - Ako
Wine na binili - Papa haha
Hapon pa lang, ginawa na nina Siobe at Ahya yung Creme Brulee kasi kailangan pa itong i-ref bago ihain. Heto si Ahya habang nagto-Torch nung ibabaw.
Mukha lang siyang papatay ng Creme Brulee pero trust me, alam niya ang ginagawa niya haha
o ha, ready for chillin'.......... lika a villain (haha sorry baduy pero hindi ko napigilan :p)
After simbang gabi, heto na ang talagang busy time kasi kanya-kanyang preparasyon na. Si siobe at si mama, nauna nang magprepare para sa lasagna
Sorry pictures lang, hindi daw pwede i-share ang recipe eh hahaha! (damot mode)
At siyempre, ako din busy-busyhan na. Pero ako, ishe-share ko sa inyo kung ano ang ginawa ko.
Disclaimer: hindi ako Chef at wala akong formal training. Iniisip ko lang ang lasa na gusto kong ma-achieve tapos nageexperiment lang ako hanggang makuha ito kaya wala akong mga measurements :s kaya pasensya na kung wala kayo gaanong mapupulot dito haha
So heto ang mga kailangan para sa Salmon Pastry na ginawa ko:
yung Puff Pastry sheet, Cajun, at Gratin galing sa Santi's Delicatessen. The rest, sa palengke at supermarket meron na :)
Bukod sa mga ingredients, kinailangan ko ng supportive na family na nagtitiwalang alam ko ang ginagawa ko (kahit hindi)
kailangan din ng mapang-asar na kuya, para lang ba hindi boring ang proseso haha
Sa isang pastry sheet, kasya na ang 3 piraso. Simple lang ang proseso.
i-preheat ang oven sa 200 Celsius.
Hatiin ang pastry sheet sa tatlo.
Ipatong ang salmon sa isang side ng sheet (wag isagad para may room sa pag-seal)
rub the salmon slice with Cajun powder. (depende sa inyo pero ok lang marami para malasa)
Lagyan ng Gratin seasoning sa ibabaw (dinamihan ko din ng konti para swabe)
Pwede lagyan ng durog na paminta kung nanaisin
lagyan nung buttered garlic (hinay hinay lang sa pagpaligo, yung garlic ang mas kailangan, hindi yung tunaw na butter)
lagyan ng cheese (heto ang pampaswabe talaga eh, kahit walang mozarella, kung ako sa inyo, go wild sa dami haha)
at panghuli, lagyan ng spring onions sa ibabaw.
Ganito ang kalalabasan pagkatapos :D
Habang naggagawa ako, nangangamoy na.................. ang competitiveness in the air! Tatay at nanay ko nagpapagalingan kung sino ang mas maganda ang pag balot nung pastry!
Heto ang kay papa, kung titingnan, parang empanada ang style haha
Heto naman kay mama, maimpis at nilagyan pa niya ng guhit-guhit sa tabi yan!
So pinasok na namin siya sa oven, 20 minutes lang luto na siya, pwedeng more kung gusto mo mas sunog. Nung maluto, heto kinalabasan.
Kay mama:
kay papa:
Sorry pops, I love you, pero kay mama talaga maayos tingnan eh haha! Parang pinaglaruan lang ng bata yung sayo eh!
So ngayong tapos na ang mga pagluluto, heto ang aming handa :)
Lasagna
Creme Brulee
The whole lineup
Another look :D yummay!
Merry Christmas from my family :D
Happy Birthday, Jesus! Cheers!
Pahabol: after kainan, naglaro kami ng Kinect para ma-burn ang kinain. Heto si Siobe, nagaattempt ata lumipad haha!
will post the Christmas Day (Dec 25) celebration later :)
Chewy :)
No comments:
Post a Comment