Heto ang menu nila
Siyempre habang naghihintay, nagtimpla na ako ng 3 parts chili sauce, 1 part toyo, dalawang kalamansi :D
Meron din silang Jasmine Tea na libre kaya swabe talaga kumain dito!
Pag sineswerte ka, wala pang 2 minutes, darating na ang Siomai. (mabenta kasi to kaya laging handa.)
kitang kita dito yung chunks ng hipon at mushroom! Sobrang sarap nito! Isa sa mga masasarap na siomai na matitikman mo sa buong buhay mo :D
Isa rin sa best sellers nila ang Hakaw. Masarap naman siya pero Siomai pa din ang star hehe
Heto pa ang isang malupit na inoorder namin dito, Century Egg Siomai. Siomai na may Century Egg sa gitna, panalong kombinsayon! Kaya lang namin madalang orderin to ay kasi ang hirap hatiin sa aming dalawa kasi 3 big pieces siya pag sine-serve haha!
Tausi Spareribs, hindi man kasing swabe ng sa Le Ching, masarap din to :)
Heto ang isang recently lang namin natikman dahil sa kaibigan naming si Mich. May na-order daw kasi siyang masarap na Ham Sui Kok, eh meron sa Wai Ying, so sinubukan namin.
Para siyang Buchi na walang sesame seeds sa labas at giniling na baboy ang nasa loob.
Nasarapan kami ni Blanca, sabi ni Mich, mas masarap pa din daw yung nakain niya haha! Pero sa mamahalin naman ata yun so pwede na kami dito :D
Siyempre, hindi mawawala ang Star Beverage na Milk Tea Jelly!
Solid! Simpleng milk tea na may coffee jelly. Wala nang arte arte gaya ng mga nauusong milk tea ngayon, uulitin ko, Solid!
Yan ang mga must-orders kung mag mimidnight snack kayo sa Wai-ying o kahit simpleng merienda :) Nagutom na naman ako!
Sa uulitin,
Chewy
Wai Ying
Along Benavidez St. sa Binondo, pag kaliko lang from President's
7am to 2am daily
(02) 243 0715
No comments:
Post a Comment