Sa itsura pa lang ng lugar, alam mong nasubok na ito ng tagal ng panahon, which is a good thing kasi alam mong matagal na siyang nago-operate at nakaka-survive. Bata pa lang ako, ganito na ito, malapit ito sa skul namin kaya chami dito ang kadalasang pustahan namin sa basketball haha!
Pagpasok mo sa loob, bahay na bahay talaga ang itsura at simple lang, walang arte. Siguro sasabihin ng iba, turn-off yung lugar, pero isipin niyo, partida, tumagal siya ng ganito lang kasimple ang loob, ibig sabihin hindi na niya kailangan sa abubot ng paligid at masarap na pagkain lang ang panlaban niya, buhay na siya :D 2012 na, bawal ang maarte at bawal ang negatibo haha!
Heto ang mga paborito kong lamesa, window seats kumbaga.
O diba, kitang kita ka ng mga dumadaan sa tapat haha! Si Blanca excited na matikman for the first time ang sikat na Chami Goring Tamis-Anghang
After 10 minutes, dumating na order namin. Minsan, baka matagalan ang order kasi niluluto lang ito by order so siguradong bagong luto at hindi tira tira ang ihahain sa inyo.
Sa halagang 25 pesos, ganito kadami ang ihahain sa inyo. Kayang-kaya siyang ubusin ng isang babae. Pag lalaki, kayang maka 2 order :)
Ang Chami Tamis-Anghang ni Goring ay bagay na may kapares na tinapay gaya ng monay. Kaso out of stock daw ng monay nung araw na yun pero may substitute silang ino-offer so kumuha kami ng tig-isa ni Blanca. Pwede na rin! Swabe!
Tip: Kung mapapansin, masabaw ang version ng chami ng Goring, ganito gawin mo pagkain:
1. Subo ng chami.
2. Isawsaw ang tinapay sa sarsa
3. Kagatin ang tinapay habang may chami pa sa bibig at sabay nguyain. apir!
Ang malupit pa nito, sabayan mo ng Coke! Hindi ako bayad ng Coke, Pepsi nga benta ko sa resto eh, pero sa Chami Goring, swabe talaga pag may malamig na Coke! Ih-ih, yang sarap!
Medyo tago lang ang Goring Chami Haus pero madali lang naman ito puntahan. Halos nasa dulo na siya ng Allarey street kung going southbound ka. Kung ikaw ay nasa isang Chami food trip sa Lucena, hindi mo ito dapat palampasin!
Sa uulitin,
Chewy
Goring Chami Haus
Allarey cor. Don Queblar Sts., Lucena City
Sandali, ginutom ako. :D Chamiiii~
ReplyDeleteI've been there when I was in college I miss the Goring chami. walang katulad thumbs-up!
ReplyDeleteLike
ReplyDelete