Thursday, December 15, 2011

Lucena: Ana Belai Restaurant

Ang capital ng Quezon bukod sa "Q" (para sa mga pilosopo) ay ang Lucena City. Sa buong lalawigan ng Quezon, masasabing ito ay isa sa mga mauunlad na siyudad. Madalang ang bukirin, maraming sasakyan, maraming tao at siyempre, buhay ang komersyo. Dahil sa bilis ng pagdami ng tao, dumarami din ang oportunidad upang makapag-negosyo. Kamakailan lang ay may naisulat ako tungkol sa isang bagong bukas na Resto Bar, ngayon naman, matatagpuan sa parehong kalye, may bagong bukas na restaurant na nakatawag ng aking pansin. Mukhang malinis kasi at maaliwalas ang loob. Kaya ayun, tinawag ko ang aking partner in crime na si Blanca at ang kaibigan naming si Janah para subukan ito
 Heto ang menu nila, tama lang ang dami at hindi nakaka overwhelm (click to enlarge)

 Natawag ang atensyion ko ng Bulalo Steak kaso out of stock daw nung panahon na yun, sayang!

 Habang naghihintay kami, binigyan kami ng free dessert :) Hindi daw nila offered ang mga ito, may party lang na nagaganap sa taas nung gabing yun kaya binigyan kami, salamat!
 So heto na ang mga inorder namin,
 Ana Belai's Buffalo Chicken Wings 
pwede mong ipa-adjust ang anghang from 1 to 10, so siyempre pinasagad ko kaagad sa 10. Tingnan niyo yung mga durog na chili sa ibabaw nung manok, naliligo na hehe :) Nagpahiwalay kami ng 2 piraso (out of 6) na level 5 lang ang anghang para kay Janah. Tinikman namin at sa aking palagay, pareho lang sila ng anghang, dinamihan lang yung amount ng chili na nilagay dun sa level 10 pero yung manok mismo nila at sauce, iisa ang lasa. Right off the bat comments mula sa mga kasamahan ko at sakin, medyo malangis siya. Not sure if this is from the chili or yung pinangluto na oil. Okay naman yung lasa pero hindi pasok sa manok yung taste at anghang so sa sauce ka talaga magrerely for flavor. May room for improvement pa itong dish na ito pero not bad especially for the price.

 Bailey's Baby Back Ribs
May rice dapat itong dish na ito pero dahil light lang ang gusto naming kainin dahil gabi na, pinadamihan na lang namin ang gulay at kudos to the kitchen and management, na nakakapag adjust sila sa mga ganitong request :) Masarap ang lasa ng ribs na ito. Panalo yung sauce niya at may lasa din yung laman. One thing off in this dish ay medyo matigas yung karne na medyo deal breaker sa karamihan ng tao, at isa na ako dun. The good news is, madali lang remedyohan to. Maayos lang nila yung lambot, okay na okay na tong dish na ito. 

Turon w/ 3 Scoops of Ice Cream
For dessert, ito ang inorder namin. Gusto ko sana i-try yung Cathedral Window kasi matagal na akong hindi nakakakain nun pero ito ang nanaig sa botohan haha so next time na lang. Pagdating nung dessert, mukha siyang banana-split sa pagkaka-present, nice, pero yun nga lang medyo may sablay ito at lahat kami nakapansin. Somehow, yung ice cream nung natunaw, hindi mo na maintindihan yung lasa. Ewan ba kung dahil sa ice cream na ginamit, sa combination ng flavors, or talagang hindi lang bagay sa 3 scoops of ice cream ang hot element kasi mabilis matunaw. Diba sa banana split na-eenjoy naman natin kahit iba-iba ang flavors? Nung natunaw (mabilis matunaw dahil sa init), naging dalawang turon na nakababad sa halo-halong lasa ng sabaw ang kinalabasan at medyo hindi okay ang lasa. Siguro kung iibahin yung flavors ng ice cream na tipong pagiisipan yung lasa kapag naghalo at natunaw, pwede na ito :)

Mukhang okay yung potential ng restaurant na ito at babalik pa ako para sa Bulalo steak kasi based sa mga inorder namin, okay ang serving nila for the price, I'll update this post kapag natikman ko na :)

Sa uulitin,
Chewy

Ana Belai Restaurant
Gomez cor. Allarey Sts.
Lucena City

No comments:

Post a Comment