"Ang pag-aasawa ay hindi parang kaning isinubo na maaaring iluwa kapag napaso."
Nabanggit ko ang kasabihang ito nitong nakaraang linggo habang nag-uusap kami sa sasakyan nina Mama, Papa, at Blanca papuntang Maynila. Nasabi ko ito dahil may napag-usapan kaming kakilala na bata pa ay gusto nang magpakasal... Pagkabanggit ko ng mga katagang yun, ambilis sumagot ng tatay ko:
"Pag napaso ka, lunukin mo na lang!"
Sumagot naman ako agad ng:
"Bakit? Napaso ka ba at nilunok na lang?"
Tumawa lang ang tatay ko habang muntik nang batuhin ng unan ni Mama haha!
32 years... Antagal na panahon na nun! Sa panahon ngayon na maraming nagpapakasal dahil nagkasubuan lang, ilan kaya sa kanila ang tatagal?
My parents are not perfect individuals but they are perfect for each other. Madalas nga silang magkaiba ang gusto, pero love and respect for each other ang nagwawagi at may napagkakasunduan silang middle ground most of the time. Witness ako sa pagsasakripisyo nila para sa isa't-isa. Tanda ko noong bata pa ako, naiinip na ako sa tapat ng Carolina's sa Glorietta dahil antagal na naming naghihintay ni Papa kay Mama, kahit alam kong inip nna inip na din siya, kahit isang oras na kaming nakatayo doon, nakita ko ang totoong "walang iwanan." Sa nanay ko naman, bilib din ako sa pagtitiis niya, biruin mong sa baho ng utot ng Chua family, hindi rin niya iniwan si Papa "sa hirap o ginhawa". hahaha! Ang sweet pa din nila sa isa't-isa mula noon...
ng mga panahong uso pa ang ballroom dancing...
hanggang ngayon :)
mas gumaganda at gumagwapo sila habang tumatanda no? :)
Last Sunday, nagkaroon kami ng simpleng celebration. Kain lang sa labas at mag-enjoy lang kasama ang buong pamilya. Yun naman ang importante eh, makasama namin ang isa't-sa :D Napagkasunduan na kumain sa LuGang sa GH kasi nasarapan kami noong unang kain namin dito, namiss lang nila at para sure na masarap ang kakainin kaya dito na kami.
Pumunta kami sa resto ng maaga para wala pang pila. Hirap kasi pumunta dito ng mga 11:30am pataas kasi O.A. ang pila ng tao.
Nauna na rin sina Ahya at Achy Meh doon para magpa-reserve just in case may pila na agad. (hahaha ganun kami katakot maubusan ng upuan)
may mga reserved na na lamesa pero meron pa namang magandang puwesto para sa amin :)
Sakto para sa aming pito :D
Ang ganda ng view ko o, kitang kita kung paano i-prepare yung food :)
So heto ang kinain namin:
Stewed Pig Feet Slices P180
Fan kami ng cold cuts kaya ambilis naubos nito, isa lang ang nakain ko, kasi sinerve agad ito eh nagpipicture pa ako ng menu, nung makita ko uli yung plato after ko magpicture, sauce na lang haha!
Smoked Cumin Spare Rib P480
Heto nagustuhan ko kahit parang hindi Chinese food ang lasa. Para siyang Indian dish pero ang sarap at may anghang :D Inuulit ko, may anghang pero hindi naman ganun kaanghang. Malambot pa yung karne at mabilis matanggal sa buto, winner!
Steamed Pork Xiao Long Bao (7pcs) P188
Heto yung original Xiao Long Bao nila, magkaiba sila ng sarap nung sa Crystal Jade, at honestly, hindi ko alam sino mas masarap kasi pareho ko silang gusto haha! Sakto rin yung 7 pcs. kasi pito kami. Isa ito sa mga must-try lalo na kung hindi ka pa nakakakain ng Xiao Long Bao sa buong buhay mo :D
Steamed Crab Roe and Pork Xiao Long Bao (7pcs) P228
Para maiba naman, nagtry pa kami ng ibang klaseng Xiao Long Bao... at hindi kami nagsisi!
unang kagat pa lang sa ibabaw (para hindi agad matapon yung sabaw), nag release na ng masarap na amoy
paghigop ng sabaw at pagkagat sa laman... ay... yanu... Yanung sarap!
Ang sarap ng kombinasyon ng aligue at nung pork stock, at bagay din siya dun sa laman! Kahit huwag mo na isawsaw sa black vinegar, heaven! Kung nakakain ka na ng Xiao Long Bao dati at gusto mo ng ibang level ng sarap, heto ang tirahin mo! Highly recommended!
Abalone Mushroom and Jelly Fish P220
Isa pa itong winner, binebwenas kami sa pag-order, first time namin i-try to eh. Fresh yung ingredients at bagay yung black vinegar na sauce :)
Pineapple Fried Rice P280
Kung ako lang, sa sarap nung mga ulam, mag plain rice na lang kayo, kasi hindi naman ganun ka-special ang lasa nito at hindi siya kasing bagay ng Yang Chow sa mga Chinese food.
Steamed Fresh Clams with Silk Melon P220
Okay lang siya, hindi sobrang sarap pero masarap. Maliliit lang yung clams at naglalalaglagan sa ilalim yung mga laman so kelangan mong "mangisda" para makakuha ng clams.
Sikat ang Lugang sa mga drinks at desserts nila, so siyempre, kanya-kanyang order din kami kahit normally, tubig lang talaga iniinom namin sa restos :D
Mango Jelly in Mango and Coconut Milk P130
Hindi na bago sa panlasa pero masarap naman :D
Aloe Jelly in Honey Lemon Juice P130
Heto ang winner sa lahat para sa akin, order ni Papa ito kaya sayang, hanggang tikim lang ako haha! Refreshing, highly recommended!
Iced Green Tea Latte P160
Natikman ko na ito dati at nasarapan ako, kaya pinatikim ko ito kay Blanca at nagshare na lang kami :D
Grapefruit Green Tea P130
Ewan ko kung nagustuhan ni Siobe pero ako hindi hehe. Grapefruit kasi so may pait-pait, eh may pait na din ang tea so napasobra hehe. Not a fan.
Ang okay dito, kahit maparami ka ng kain, malinis ang banyo nila...
Tisyu, Tubig, Sabon. Check, Check, and Check! Certified Jebber-friendly!
At dahil ligtas dito kahit maparami kumain, magdedessert pa kami ng madami haha!
Strawberry Smoothie
Heto ang naunang lumabas
You can tell by Papa's reaction kung gaano kalaki ito haha! Eh tatlong dessert inorder namin... napasubo kami! hahaha! Masarap itong Strawberry Smoothie at lahat kami, natuwa agad pagkatikim namin.
Black Sesame and Peanut Flavored Shaved Ice P160
Mas malaki pa siya sa nauna hahaha! Yari! Pero, mas nasarapan pa kami dito kesa sa naunang strawberry smoothie eh masarap na nga yun! So dapat mauna ubusin yung strawberry haha!
Peanut Smoothie
Heto ang champion of champions! Kobe Bryant ng Desserts! Maasahan sa end game haha! Kung masarap na yung strawberry, na nasarapan pa nung black sesame, mas masarap ito! Heto ang inorder namin nung unang punta namin dito at hanggang ngayon, siya pa din ang top, highly recommended :) Para kang namamapak ng malamig na Skippy peanut butter. Kinilig si Blanca sa tuwa rito haha!
After namin mag-lunch, namasyal muna kami at naglibot-libot, mostly, things na related sa nalalapit na wedding ni Ahya at Achy Meh ang pinuntahan namin. Before umuwi sina Mama at Papa sa Lucena, siyempre dahil Anniversary naman nila, okay lang na kumain uli sa subok nang masarap. Dinala namin sila sa Chong Lo sa Malate.
Matagal na akong kumakain dito, kasi nung galing kaming Korea, nagustuhan namin ang style nila ng pagkain at Chong Lo ang nago-offer sa isa sa mga authentic experience na hindi nangre-rape ng pitaka :D
Matagal ko nang nakwekwento kina Papa at ito at sa wakas, nagkaroon din sila ng chance makakain dito.
Dahil kakain na naman kahit andaming kinain ilang oras lang nakakalipas, kelangan i-check kung safe bang lumamon.
Tabo, Tubig, Timba, Tissue. Certified Jebber-friendly!
Sam Ghup Sal ang talagang pinupuntahan namin ni Blanca dito pero since marami kami, may chance na din kami magtry ng ibang food :)
Like other Korean restaurants, may mga Kimchi sila habang naghihintay :)
Heto ang sinubukan naming bago
Beef Bulgogi P250
Masarap siya at hindi yung normal na bulgogi na malangis-langis. May tamis din yung lasa niya at malambot yung karne. Gusto ko siya pero babala lang, hindi siya yung normal na bulgogi lasa so nasasa inyo na yun kung good or bad :)
Chap Che P300
Mahilig kami ni Blanca sa Chap Chae, hindi ito ang best na nakain namin, (KP2 pa din ang pinakasulit imho) pero masarap naman siya. Yun nga lang same na lasa siya dun sa Bulgogi so parang hindi na wow nung dumating haha! At dikit-dikit yung noodles so medyo hindi ganun nakakatuwang kainin. Can be improved ;)
Umorder kami ng plain rice nila na masarap at malagkit-lagkit parang Japanese rice
Sam Ghup Sal P250
Dalawang order na itong nandito, kasi pag isang order lang, bitin at walang free gulay na gagamitin pagkain :D
para sa full review at kung paano kainin ang Sam Ghup Sal, check my
FB Note about it by clicking here
Mas maganda kasi pictures nung unang punta namin hehehe
Mukhang nagustuhan naman nina Papa, pero gaya ng sabi ni Mama, iba pa rin yung kain namin nung nasa Korea, pero pwede na rin daw ito :D Umuwi silang busog at balik na uli sa healthy eating kinabukasan hehe. After all, kailangan naming lahat mag-diet para sa nalalapit na kasal nina Ahya. ;)
Sana manatiling malakas at in good health ang parents ko para mas marami pang years ang pagsasama nila together, lagi kong pinagdarasal yan. At sana, ganito rin ang kasiyahan namin pag kami na ang may kanya-kanyang pamilya. Happy 32nd Wedding Anniversary Papa and Mama! I love you! Thank you sa pagmamahal niyo sa amin at thank you for the precious life lessons na hindi tinuturo sa eskwelahan :)
Chewy
Natuwa ako sa pagbabasa Sir Chewy! Panalo ka talaga sa pagkukwento Sir! :) Happy Anniversary po sa Mom and Dad nyo :)
ReplyDeleteHahaha salamat Chelimel! :D
Delete