Friday, November 25, 2011

Manila: Ramen Ichiban-Kan - Malate

Lately, napaibig kami ni Blanca kumain ng Ramen. Siguro, dahil na rin nagsulputan ang mga Ramen Houses sa kaliwa't kanan. One of these days pag hindi na ako busy, gagawa ako ng listahan :D

Naniniwala ako na pag ang isang resto ay mukhang luma na, malamang sa malamang, masarap ang pagkain dun. Una, dahil sa tagal ng panahon, naka-survive sila. Ikalawa, malamang maraming regular customers na patuloy kumakain sa "nakasanayang" lugar. Bakit babaguhin, diba? ;)

Tuwing pagkagaling ko sa gym sa madaling araw, may nadadaanan akong isang Ramen House na hindi naman mukhang sobrang luma, pero hindi siya bago. So one time, nung nagiisip si Blanca ng kakainan after work, naalala ko tong Ramen House na ito, maiba naman para hindi laging Su Zhou haha!
Kung napapadaan lang kayo at hindi niyo talagang hahanapin, baka malampasan ninyo kasi ka-linya niya ang mga bahay aliwan na iisa ang style nila. may rostrum kung san nadun ang guard at may taong parang nambubugaw, pero yung kanila, pagkain ang inaalok :)
Pag pasok sa loob ng resto, kahit luma, mukhang malinis at maayos naman siya. Naka-uniform pa ang mga waitress nila. parang pang FA pa nga actually naisip ko nung nakita ko sila. chuchal! Although ramen lang talaga ang pakay namin, humingi pa din kami ng menu to check kung anong mga dishes ang sineserve nila. (Click to enlarge. Sorry for the crappy camphone image :p)





 Siyempre, tinanong namin ano specialty nila, sabi nung staff samin, Shoyu Ramen daw na may Chashu topping. So inorder namin yun, at umorder din kami ng Gyoza nila, para lang ba masubukan at just in case na mabitin kami sa Ramen (kasi share lang kami).

So habang naghihintay, nagmasid ako sa paligid at siyempre, tiningnan ko yung banyo nila
Malinis siya, ayos! May tissue, tabo, at gripo sa tabi, pwede na to sakin! I declare this jebber-friendly! 3/5

Ang okay din, meron silang libreng hot/cold rice tea
 at may wet towel para sa mga gustong magpunas-punas before o after kumain

After almost 10 minutes, dumating ang order namin, not bad. Hindi ganun katagal ang paghihintay.
 Malalaki ang gyoza nila, sa loob-loob ko, baka naman pagdating sa laman, payatot, pero buti na lang hindi, malaman naman siya :)
Hindi siya whoasarap level pero masarap naman. Pwede na, masarap naman yung laman sa loob eh, hindi sobrang alat, malutong-lutong yung balat. Pasado 3/5

Sa wakas, dumating din ang Chashu Shoyu Ramen namin, pagkadating pa lang, sa unang tingin, alam ko nang masarap eh
Kung titingnan mo yung sabaw, parang makapal-kapal at hindi malabnaw. Yung tipong parang matagal hinanda at pinaghirapan para ma-achieve. Tapos, tingnan niyo itong Chashu, click niyo lang tong sa babang pic
Mukhang ang lambot-lambot na may konting taba-taba na nakakatakam.... ih-ih nakakagutom yanu!
Pagkakagat pa lang namin dun sa Chashu... napangiti kami eh! Ang SARAP! May pagka-lasang Lechon ang flavor, yung tipong nagigiba at nahuhugay konti-konti sa dila. Kahit hindi siya yung tipong melts in your mouth lambot, pwede na! Almost perfect! 4.5/5

Pagdating sa sabaw, unang higop pa lang ni Blanca..... Tenenennnnnn...........................

Hindi mainit.... Boom! Labag sa batas ng Ramen to! Lubhang napakalaking pagkakasala! Maligamgam eh! Siyempre kaya nga kami nag-Ramen ay para magpainit ng tiyan. Sayang, ang sarap pa man din nung sabaw. Pero na-realize namin, kahit pala anung sarap ng sabaw (masarap talaga), hindi nakakagana kung maligamgam o yung tipong medyo mainit lang. Ire-recommend ka ba itong restaurant na ito? Oo naman. Yun nga lang, paalalahanan niyo lang yung staff na gusto niyo ng mainit na mainit na sabaw. Babalik kami dito, no doubt, at sana next time, perfect na yung experience ;)

Sa uulitin,
Chewy

Japanese Ramen House
Ramen Ichiban-Kan
2101 A. Mabini St. Malate, Manila
(+63 2) 5244779/5244776

Tuesday, November 22, 2011

Manila: Eat Healthy! Quantum Cafe

"Food is your BEST MEDICINE"
Tama! Masarap naman talaga kumain eh, nakakatanggal ng lungkot. Kapag nag-break nga o nag-away ng magsyota sa pelikula, ang daming scenes na kumakain ng Ice cream. Kapag stressed out na ang mga tao sa office, umuulan ng pizza! Kasi mabisang gamot ang pagkain sa lungkot, inis, at iba pang ka-buwisitan sa buhay. Yun nga lang, pag kumain ka ng maraming "junk", natanggal nga ang lungkot mo, nag-suffer naman katawan mo. Kaya dapat, paminsan-minsan lang ang pag-indulge ;) 

Mabuti na lang, may mga restaurant na gaya ng Quantum Cafe na nagse-serve ng mga pagkain na hindi lang masarap, healthy pa! Nabanggit na samin ni Jennie to. Malapit lang naman sa office namin ni Blanca so last Thursday, niyaya ko si Blanca na dito mag-"lunch".

Pagpasok pa lang sa resto, may pakiramdam na na amoy malinis.
Pati banyo malinis! Jebber-friendly! Banyo rating 4/5 (Aircon sa banyo na lang kulang)

Meron ding space para sa mga nagpeperform. Every Thursday, nagpeperform daw dito ang SPIT na kasama si Gabe Mercado (Yakult guy, Ok ka ba tiyan? kapwa Lucenahin). Parang Pinoy version ng Whose line is it anyway?
Yun nga lang, nung Thursday na pumunta kami, out of town performance daw sila kaya wala kaming naabutan :( dibale, next time na lang.

Maraming nakaka-akit i-try sa menu nila, pero ang nagstand out samin ay yung wheat thin crust pizza, at malunggay pasta.

Heto inorder namin:
Malunggay Pesto Pasta P190.00
"Green pasta mixed with Quantum's malunggay-pesto sauce, topped with black olives and mushrooms, with cashew nuts and vegan cheese." Sa description pa lang sa menu, na-intriga na kami, at nang matikman namin siya... hmmm.. kulang sa alat. haha! pero expected naman kasi healthy nga daw kaya masama masyadong maalat. May Sea-salt with herbs naman sa table so kayo na bahala maglagay kung gusto niyo mas maalat. Nilagyan ko lang ng konti at dinagdagan ng hot sauce, parang normal na pesto pasta na :) 

Quantum Pizza Margherita - 8 inches P120.00
"fresh tomatoes, mozarella cheese and basil leaves on a whole-wheat high-fiber crust"
Heto ang panalo! Isa sa mga healthy food na kaya kong araw-araw kainin. Ang lutong ng pagka thin-crust niya at hindi mo mararamdamang whole wheat-pizza kinakain mo. Tunay na masarap na, healthy pa! 5/5! Highly recommended, healthy eater ka man o hindi ;)

For dessert, um-order kami ng Quantum Cookies 2 for 50 pesos



Hindi siya wow pero not bad :) Gawa daw sa yeast and brown sugar.

Will definitely go back to this place. Gusto ko pang i-try yung ibang mga pasta, pizza, at veggie burger nila. Sana din next time makapanood ako ng SPIT :)

sa uulitin,
Chewy

Quantum Cafe – +63 2 5190757
www.quantumcafe.ph
9590 Feron Building, Bagtikan Street cor. Kamagong, Makati City

Pacquiao-Marquez Weekend

I know it's late at  matagal-tagal na ito pero gusto ko lang maalala ang masasayang moments na ito :D

Ano nga ba ang nangyari nung Nov 12-13, 2011 Pacquiao-Marquez III weekend?

Nagsukat kami ni Blanca ng Box para sa Chibugan Republik Leche Flan gift pack :)

Nakaisip si Blanca ng simpleng masarap na dessert! :D
2 Choco Mallows, i-Microwave ng 7 seconds (or hanggang bumulwak), pwedeng samahan ng Ice cream :D

Nagpa-PPV kami sa bahay with Beerness Club - Lucena
L-R: Ahya, Achy Meh, Blanca, Edmon, Mark, Harley, Ferdie, Achy Cla, Boss Aaron, Donat

Siyempre, tuwing may Beerness Club PPV, may masarap na kainan :)
 Fish Fillet, Chicken Roll, Lechon, Dinuguan, Mom's Spaghetti :D
Red Velvet Cake na dala nina Boss A from Midnight Mercato daw.
Isasama ko to sa Red Velvet List pag nakakuha ako ng more info :)

After ng laban ni Pacquiao, mas masarap mag diskusyon kasi kontrobersyal ang pagkapanalo ni Pacquiao! Siyempre nagmala-Quinito mode ang mga tao at kanya-kanyang opinion haha!

Mas naging malinaw ang talakayan nang magpost si Roach sa Twitter ng CompuBox result

Nang matapos na ang kwentuhan at lokohan, ang dami pang natirang Lechon, pinaghati-hati na ni Master Butcher Edmon ang Lechon na siya rin ang nagdala (salamat!)




Ang sarap talaga umuwi sa Quezon lalo na't may laban si Pacquiao! Masarap na pagkain, mas masarap kasamang mga kaibigan, may bonus pang magandang laban hehe!

Sadly, ambilis ng mga pangyayari, kailangan na namang lumuwas kinabukasan. Mabuti na lang, may pakonswelo, naabutan ko ang favorite bus ko! Ang JAC Liner Executive Class #158!
o-ha! Free Wi-Fi na, parang naka- La-Z-Boy ka pa hehe! Pimpin'!

Habang naghihintay, nakakita ako sa Lotto outlet ng Scratch Game na Pinoy Knockout. May naramdaman akong nagtulak sakin para bumili kasi boxing weekend naman eh. Aba akalain mo:
naka 100 pesos akong panalo! haha, not bad!

Kaya kahit late, pinost ko pa din ang isa sa mga panalong weekend ngayong taon :) Ayokong malimutan eh haha! Sa susunod na Pacquiao PPV uli! Sana si Mayweather na ;)

Chewy

Monday, November 14, 2011

Manila: Eat Healthy! Wabi-Sabi

My friend Victoria from Adgent's London office is in town and unlike me, she's really into healthy living. Sure, I try to go to the gym 3x a week and usually eat lots of fruits and veggies when I'm on a diet (usually 3 weeks a month) but come cheat week, I binge and eat junk! Victoria, on the other hand, can't get proper sleep after eating too much junk because her system is not used to it and she goes to the gym regularly (I believe she's a yoga instructor). When she discovered Chimara, a restaurant that serves healthy food, she started going there everyday for breakfast AND lunch! So for a change, we took her to this vegetarian place inside The CoLLECTIVE called Wabi-Sabi.

You can see Victoria looking at the menu

(click to enlarge)
(click to enlarge)

The place is not that big but well-utilized :)

for starters, we ordered Veggie Cracklings. It's really good! Made out of Tofu but tastes like real Chicharon! A must-try! ;)

Thai Milk Tea - right amount of sweetness, it's actually really good.

Shoyu Ramen - so good you won't believe it's good for you! Yep, that good! It has mock beef, adobo hard-boiled egg,  and a sheet of nori as add-ons to the noodle soup. Soup's awesome, btw! Really tasty :)

Pot stickers - a healthy gyoza, not bad considering there's no actual meat in it.

My lunch buddies for the night (mid-shift ako eh), Victoria, Kirby, Jennie, Charm, and Blanca :)

After our meal, I ordered their Chocolate Vegan Cake
According to the staff, it's flour-less, egg-less, sugar-free, etc. In short, it's healthy daw. Even if I can't verify if what they said is true or not, I ordered it anyway out of curiosity haha! It's good, but according to Blanca and Kirby, it tasted like mumurahing (cheap affordable) chocolate cake from your friendly neighborhood bakeries. But hey, if it's really healthy, MASARAP ha :)

Wabi-Sabi Noodle House & Vegetarian Grocery - The CoLLECTIVE
7274 Malugay St., Brgy. San Antonio, Makati
09184501714

Tuesday, November 8, 2011

Manila: SuZhou Dimsum Malate

Nakatagpo ka na ba ng restaurant na kung ihahambing sa mga kaibigan eh yung "go-to guy" mo? Yung tipong  Kobe Bryant sa 4th quarter, Caguioa at Helterbrand sa dying seconds, Manny Pacquiao sa post-fight interview, sa madaling salita, consistent-maasahan? Kung sa Quezon ay may Antigua, Zymurgy, at Palaisdaan kaming maasahan, pagdating dito sa Maynila, lalo na't madaling araw na, sa SuZhou Malate kami kadalasan napapadpad ni Blanca. Sa katunayan, walang halong biro, pag dumadating kami dun, isang thumbs up lang sa staff, alam na nila ang ihahain nila sa amin haha! Heto ang automatic na hinahanda pag nakita kami:

Century Egg na hinati sa marami

Steamed Kuchay Dumpling

Sarap naman kasi ng loob ng Kuchay oh!

Automatic na din na magbibigay ng maraming chili sauce :D

So aside from these two, yung staff, lalapit na lang samin para alamin kung ano yung third item. Kadalasan laging may ikatlo na yun lang ang nagbabago sa order namin depende sa mood at sa level ng gutom :)

Pag gutom na gutom: Beef  Kenchi Noodle Soup
(kalahati pa lang tong nasa picture, pinapa-separate na namin pag sineserve kasi ang dami)
Ang sarap nito, parang pinasarap na instant mami ang lasa hehe, nakakagana! Anlambot pa nung baka.

Minsan kapag hindi naman gaano gutom, Xiao Long Bao order namin
Hindi man kasing lambot/nipis yung pambalot kagaya sa LuGang o Crystal Jade, hindi naman siya ganun kakapal at masarap yung stock! Mapapahigop ka talaga ng bawat patak nito :)

At kapag medyo light lang trip at gusto lang mamapak, Shrimp Roll lang dagdag na order namin :)
Malutong-lutong yung balat at ang sarap nung minced shrimp and pork na laman :) Nasasarapan talaga kami ni Blanca sa putaheng ito hehe

Heto pa ang ibang pwedeng orderin sa kanila


Isa ang restaurant na ito sa inspirasyon namin sa Chibugan Republik. Sana balang araw, maging "go-to" restaurant ng ibang tao ang resto namin gaya ng pagtingin namin sa SuZhou haha!

Sa uulitin,
Chewy