Sunday, November 6, 2011

Lucena: Zymurgy Cafe




Almost every Saturday, after hearing the Chinese Catholic Mass, we head straight to Zymurgy Cafe. It's because of the good food, laid back ambiance, and it's near the Mary Hill Academy Chapel (old Holy Rosary) kung saan kami nagsisimba. Bonus din na hindi maingay kasi nakakapag-usap kami ng buong family na hindi kailangan magsigawan. 8pm natatapos yung 7pm Mass so saktong gutom na pagdating sa Zymurgy or "Zym" kung tawagin ng mga locals. Kapag full-force kaming nagsimba (whole family plus Blanca and Achy Meh), mas masaya kasi maraming order, maraming nakakaing iba't-iba haha! Here are some of their best-sellers na hindi kami napapagod orderin :)

Chicken Tenders - 120 Half/ 205 Whole
Hindi pwedeng mawala to. Kahit ito lang kainin ko, solb na solb na :)

Burger Suisse - 140php
Heto ang pinaka-favorite kong burger sa Lucena, at mailalaban ko rin siya sa mga burger joints sa Manila. Yung patty niya, makapal pero firm, hindi malabsak, tapos beef talaga yung lasa, parang Chili's o Wham Burgers ang kalasa :) Panalo pa yung mushroom sauce at tinapay niya, perfect!

Zym Special - 100php
Heto ang default order ko na drink, ang sarap inumin gamit yung champola na kasama as a straw haha! parang bata lang :D

Peach Mango Cheesecake - 90php
Sorry nabawasan na bago makunan ng litrato sa excitement, which only shows kung gaano kaatat ang mga tao sunggaban to haha! Mabilis ito maubos sa kanila, sa katunayan, last piece ito nung umorder kami. Ang sarap kasi nung peach sa ibabaw at yung mango na kasama nung cheesecake. Ang lasa nung white part eh parang anak ng mag-asawang cheesecake at mango cream pie ng red ribbon :) Suhrap!

Ang maganda dito sa Zymurgy, flexible sila, so kapag may special request ka, pwede nilang gawin for you. Isa sa mga lagi kong request ay yung Salsa nila :) sobrang sarap kasi, manamis-namis na may sibuyas na lasa at hint ng itlog na maalat.
Ito kinakain ko with Chicken Fingers :)

Isa pa sa mga special request namin ay yung sa order ni Blanca, gusto niya ng Spinach Ravioli pero ayaw niya ng Red Sauce with it, so hiniling namin ito na gamitan ng White Sauce for Carbonara
Mas okay nga siya! Ayos talaga magisip sa pagkain tong si Blanca! Dapat ilagay na rin sa menu ng Zym to :)

At ang isa sa pinaka-gusto ko sa restaurant na ito, ang hot sauce nila ay ang paborito kong makatulo-sipong Mama Sita's Pure Labuyo! (wag kayong magbabago please :D)
True Love!

So dahil full-force nga kami, pwede kaming magtry ng new dishes dahil may sure nang masasarap na kakainin, heto mga sinubukan naming hindi namin usually inoorder:

Fresh Vietnamese Spring Roll - 180php
Ang sarap nito! Naisip ko nga pwedeng ganito na lang orderin ko next time, solb nako! Kahit may carrots siya (which is like Kryptonite para sakin), hindi na gaano nalalasahan dahil ang sarap nung vinegar dip at nangingibabaw lasa nung prawn :) Ayos!

Mongolian BBQ - 150
Malambot naman yung pork, okay naman yung lasa, pero parang may kulang sa lasa nung sauce na hindi ko ma-identify kung ano. Of course it's just my humble opinion ;)

Sizzling Chicken and Cheese - 180php
Heto ang masarap sana! Masarap yung sauce niya at chicken, kaya lang, yung cheese eh ginawang bed nung chicken instead na topping, so nasunog tuloy ng sobra yung cheese, pumait yung lasa, konting adjustments lang panalo to! *kahit nga sunog yung cheese, naubos pa din kasi masarap yung sauce at manok :)

Shrimp Linguini w/ Feta Cheese - 150php
Naubusan sila ng Lasagna so napilitan sina Achy Meh na umorder ng iba. Blessing in disguise na heto ang napili nila dahil masarap! Hindi OA ang lasa, bagay yung sauce lalo na pag may nakakagat kang cheese :) Good job!

Mango Crepe - 100php
This one can still be improved. Lahat kami, naisip namin, okay kung may ice cream, kasi okay yung lasa pagnagkataon, bagay :D

Kung gusto niyo ng good food, tahimik na tambayan on a Saturday night, dito ang isa sa mga masu-suggest kong lugar. Makakapag-usap talaga kayo with your family and friends na kasalo :)

Zymurgy Cafe
Along Granja St., Lucena City
(nasa Likod siya ng Centro, katabi ng CAP Bldg)

Sa uulitin,
Chewy

No comments:

Post a Comment