Century Egg na hinati sa marami
Steamed Kuchay Dumpling
Sarap naman kasi ng loob ng Kuchay oh!
Automatic na din na magbibigay ng maraming chili sauce :D
So aside from these two, yung staff, lalapit na lang samin para alamin kung ano yung third item. Kadalasan laging may ikatlo na yun lang ang nagbabago sa order namin depende sa mood at sa level ng gutom :)
Pag gutom na gutom: Beef Kenchi Noodle Soup
(kalahati pa lang tong nasa picture, pinapa-separate na namin pag sineserve kasi ang dami)
Ang sarap nito, parang pinasarap na instant mami ang lasa hehe, nakakagana! Anlambot pa nung baka.
Minsan kapag hindi naman gaano gutom, Xiao Long Bao order namin
Hindi man kasing lambot/nipis yung pambalot kagaya sa LuGang o Crystal Jade, hindi naman siya ganun kakapal at masarap yung stock! Mapapahigop ka talaga ng bawat patak nito :)
At kapag medyo light lang trip at gusto lang mamapak, Shrimp Roll lang dagdag na order namin :)
Malutong-lutong yung balat at ang sarap nung minced shrimp and pork na laman :) Nasasarapan talaga kami ni Blanca sa putaheng ito hehe
Heto pa ang ibang pwedeng orderin sa kanila
Isa ang restaurant na ito sa inspirasyon namin sa Chibugan Republik. Sana balang araw, maging "go-to" restaurant ng ibang tao ang resto namin gaya ng pagtingin namin sa SuZhou haha!
Sa uulitin,
Chewy
No comments:
Post a Comment