Noong mga panahong pinaplano pa lang namin ang pagtatayo ng resto, gumawa na kami ng mini-journey na tikman ang mga Pares na sinasabi ng mga tao na masarap, at layunin naming pagsama-samahin ang mga nagustuhan naming katangian ng mga nasabing Beef Pares, at yun ang ise-serve namin sa aming restaurant :)
Heto ang mga pinuntahan namin:
1. Sinangag Express (or SEx, kung tawagin) 75php
The Good: Maraming kanin
The Bad: hmmm, ok naman yung lasa, matamis pero walang "Chinese" taste, napasobrang konti nung karne at sauce ng Pares, at hindi nakakahingi ng extra pares sauce dahil nakatakal daw yun.
2. Goodies Pares
The Good: Malambot yung karne, medyo may taba-taba (either good or bad, depende sa tao)The Bad: Wala din gaanong "Chinese" na lasa, medyo nakakabitin yung kanin at walang toasted garlic.
3. D' Original Pares Mami House sa Maceda 74php w/rice, 67 w/o rice
The Good: may toasted garlic ang kanin.
The Bad: honestly, medyo disappointed ako nung natikman ko to kasi sinasabing isa to sa the best, ewan ha kung off night lang nung cook pero wala talagang lasa eh. Medyo matabang yung pagkatamis, at medyo iba talaga yung lasa, hindi ko ineexpect. Siguro baka pag bumalik kami diyan, matikman namin sana yung lasa na sinasabi nilang okay at nakapagpatanyag sa resto na ito.
4. Original Pares House Retiro 75php
The Good: Ito na marahil ang dabest sa mga napuntahan namin. Malapot ang sauce, malambot ang karne, masarap ang kanin at may toasted garlic, may "lasang Chinese" na hinahanap ko :)
The Bad: wala akong masabing masama maliban sa mabibitin ka dahil masarap haha
So there, sinubukan naming pagsama-samahin ang mga nagustuhan namin sa bawa't isa, at yun ang gusto naming ma-experience ng mga tao sa resto namin lalo na't hindi gaano kilala ng mga taga-Quezon ang Beef Pares :)
Sa ngayon, naghahanap pa kami ng inspiration na pwedeng idagdag sa menu namin, which means, more food trips (yey food!) at marami pa akong ibabahagi sa inyo pag may nagustuhan kami :)
Sa uulitin,
Chewy
No comments:
Post a Comment