Naniniwala ako na pag ang isang resto ay mukhang luma na, malamang sa malamang, masarap ang pagkain dun. Una, dahil sa tagal ng panahon, naka-survive sila. Ikalawa, malamang maraming regular customers na patuloy kumakain sa "nakasanayang" lugar. Bakit babaguhin, diba? ;)
Tuwing pagkagaling ko sa gym sa madaling araw, may nadadaanan akong isang Ramen House na hindi naman mukhang sobrang luma, pero hindi siya bago. So one time, nung nagiisip si Blanca ng kakainan after work, naalala ko tong Ramen House na ito, maiba naman para hindi laging Su Zhou haha!
Kung napapadaan lang kayo at hindi niyo talagang hahanapin, baka malampasan ninyo kasi ka-linya niya ang mga bahay aliwan na iisa ang style nila. may rostrum kung san nadun ang guard at may taong parang nambubugaw, pero yung kanila, pagkain ang inaalok :)
Pag pasok sa loob ng resto, kahit luma, mukhang malinis at maayos naman siya. Naka-uniform pa ang mga waitress nila. parang pang FA pa nga actually naisip ko nung nakita ko sila. chuchal! Although ramen lang talaga ang pakay namin, humingi pa din kami ng menu to check kung anong mga dishes ang sineserve nila. (Click to enlarge. Sorry for the crappy camphone image :p)
Siyempre, tinanong namin ano specialty nila, sabi nung staff samin, Shoyu Ramen daw na may Chashu topping. So inorder namin yun, at umorder din kami ng Gyoza nila, para lang ba masubukan at just in case na mabitin kami sa Ramen (kasi share lang kami).
So habang naghihintay, nagmasid ako sa paligid at siyempre, tiningnan ko yung banyo nila
Malinis siya, ayos! May tissue, tabo, at gripo sa tabi, pwede na to sakin! I declare this jebber-friendly! 3/5
Ang okay din, meron silang libreng hot/cold rice tea
at may wet towel para sa mga gustong magpunas-punas before o after kumain
After almost 10 minutes, dumating ang order namin, not bad. Hindi ganun katagal ang paghihintay.
Malalaki ang gyoza nila, sa loob-loob ko, baka naman pagdating sa laman, payatot, pero buti na lang hindi, malaman naman siya :)Hindi siya whoasarap level pero masarap naman. Pwede na, masarap naman yung laman sa loob eh, hindi sobrang alat, malutong-lutong yung balat. Pasado 3/5
Sa wakas, dumating din ang Chashu Shoyu Ramen namin, pagkadating pa lang, sa unang tingin, alam ko nang masarap eh
Kung titingnan mo yung sabaw, parang makapal-kapal at hindi malabnaw. Yung tipong parang matagal hinanda at pinaghirapan para ma-achieve. Tapos, tingnan niyo itong Chashu, click niyo lang tong sa babang picMukhang ang lambot-lambot na may konting taba-taba na nakakatakam.... ih-ih nakakagutom yanu!
Pagkakagat pa lang namin dun sa Chashu... napangiti kami eh! Ang SARAP! May pagka-lasang Lechon ang flavor, yung tipong nagigiba at nahuhugay konti-konti sa dila. Kahit hindi siya yung tipong melts in your mouth lambot, pwede na! Almost perfect! 4.5/5
Pagdating sa sabaw, unang higop pa lang ni Blanca..... Tenenennnnnn...........................
Hindi mainit.... Boom! Labag sa batas ng Ramen to! Lubhang napakalaking pagkakasala! Maligamgam eh! Siyempre kaya nga kami nag-Ramen ay para magpainit ng tiyan. Sayang, ang sarap pa man din nung sabaw. Pero na-realize namin, kahit pala anung sarap ng sabaw (masarap talaga), hindi nakakagana kung maligamgam o yung tipong medyo mainit lang. Ire-recommend ka ba itong restaurant na ito? Oo naman. Yun nga lang, paalalahanan niyo lang yung staff na gusto niyo ng mainit na mainit na sabaw. Babalik kami dito, no doubt, at sana next time, perfect na yung experience ;)
Sa uulitin,
Chewy
Japanese Ramen House
Ramen Ichiban-Kan
2101 A. Mabini St. Malate, Manila
(+63 2) 5244779/5244776
No comments:
Post a Comment