What a weekend! Heto na ata ang vacation na mas madaming oras ang naubos sa byahe kesa sa pagre-relax haha! Okay din naman kasi magaganda ang tanawin at masaya naman kami ng family na magkakasama magbiruan at kwentuhan sa sasakyan :)
Wednesday night pa lang, around 9:30pm kami umalis ng Manila at dumating kami sa Laoag ng 6am
after namin mag-breakfast sa Jollibee (dahil wala kaming ibang alam na kakainan ng ganito kaaga), naglibot-libot muna kami by foot
heto ang unang nakakuha ng atansyon namin, ang Sinking Bell Tower of Laoag. Kaya daw sinking ay dahil noong unang panahon daw, kasya ang taong nakasakay sa kabayo sa pagpasok sa entrance nito, eh ngayon, kelangan nang yumuko ng tao... May natutunan na naman ako haha :)
Kalapit nito ay ang St. William Cathedral
bukas ito para sa mga nag vivisita Iglesia at dito na rin kami unang nanalangin
Matapos naming magdasal, naglibot-libot uli kami at napunta sa parke malapit sa simbahan at katapat lang ng kanilang kapitolyo. I must say, na-impress talaga ako sa linis ng paligid at ng parke ng Laoag. Hindi ito napapabayaan ng lokal na pamahalaan. Aprub!
Wala talaga kaming scheduled/fixed itinerary kaya dale lang ng dale kung saan maisipan puntahan. Search lang sa phone tapos punta na kung saan man haha! Next namin pinuntahan ay ang Fort Ilocandia
Hmmm... I must admit, wala akong idea kung ano ang makikita dito sa Fort Ilocandia at kung ano siya. Yun pala ay hotel and casino siya at to tell you the truth, wala kaming nagawa dito at jumebs lang ang 3 sa mga kasama ko. Hindi ko sasabihin kung sino :p
Heto nga pala ang tumutulong sa paglilibot namin sa Ilocos. Although minsan ipinapahamak kami at itinuturo sa one way streets na salungat sa pupuntahan, at the end of the whole trip, nagustuhan namin siya at gusto bumili nina mama ng sariling Garmin :)
Next na pinuntahan namin ang La Paz Sand Dunes
Sobrang init pagdating namin dito at para ka talagang nasa disyerto sa pelikula. Ganda!
Alam kong you only live once and dapat ma-try ko ang mag-surf sa sand pero for this day, I can only shower once dahil wala akong extrang damit just in case gumulong-gulong ako sa buhangin haha! Next time na lang pagbalik ko dito :D
The newlyweds Ahya and Achy, nagpapic na lang kasi wala din balak gumulong sa buhangin hehe
Ang susunod sana naming stop ay ang Marcos Museum, kaso, dalawa ang lumabas na Marcos Museum sa GPS Navigator at ang malupit ay kung saan saan kami pinapadaan! Tumigil muna kami para magtanong-tanong at may nakatawag sa aking atensyon...
Dragon Fruit Ice Cream!!!
Since mahilig ako sa dragon fruit, bumili kami upang matikman. Sadly, lasang normal na dirty ice cream lang na may buto buto ng dragon fruit. Kung sabagay, wala din naman gaanong lasa ang dragon fruit sa totoong buhay.
Ayon a aming napagtanungan, sarado daw yung Marcos Museum nung panahong iyon, so tumuloy na lang kami sa Santa Monica Church
Ang nanay at tatay ko parang si Edward at Bella lang o haha!
Hindi lang sa labas maganda yung simbahan, sa loob din! Puro kahoy yung kisame at talagang namangha kami ng tatay ko.
pagkatapos naming magdasal, naglibot kami sa Museum kung saan may mga lumang gamit ng mga pari
Hindi ko alam na bawal pala maglitrato sa loob. Ooops too late :D
Pati mga pader ng simbahan maganda, so kinunan ko si Sharon at Gabby para hindi sayang ang background
sa labas ng Museum sa likod, kita ang mga ruins ng simbahan nung lumindol noong 1983. Sabi ng katiwala, nangyari daw ang lindol 2 months after ng kasal ni Irene Marcos. Hindi ko kilala pero anak pala ni Ferds ;)
yung tatay ko gusto ganito ang picture niya
nanay ko naman pa-cute ang gusto
at ang super driver naming si Ramil, nagpapicture din a la FPJ
After namin sa Church, nagutom na ang pulutong at tumungo kami sa Macy's Diner. Kaibigan ni Uncle Jimmy (nagpahiram ng Garmin) yung may-ari at dito kami itinurong kumain
hanep yung lugar, parang upgraded 50's Diner sa Baguio. Meron pang Jukebox at nagpatugtog ako ng eye of the tiger, gumagana nga!
Click HERE for their menu
Hindi na kami nakapili ng food at hinain na lang sa amin dahil nga kakilala ni Uncle Jimmy may ari, sila na ang pumili. Yung iba daw na inihain ay wala sa menu at special lang, o-ha!
Hindi ko alam anong soup ito but it's pretty darn good! May laman loob siya at karne pero since hindi pa ako pwede kumain ng karne ng panahong ito, sabaw lang inupakan ko :) naka 2 servings ako nito haha! Wala daw ito sa menu eh so hindi ko alam paano niyo matikman :D
Heto ang pinakanagustuhan kong pagkain sa buong trip. Ang Poqui-poqui (pronounced as... dalawang ulit na genitals ng babae) Ang sarap nito! Halos kalahati ata nito ako nakaubos haha!
Lechong Baka daw ito at sabi ng Siobe ko, lasang Cow Label na pinapapak namin nung bata pa kami. Masarap daw ito, sayang lang at hindi ko natikman.
Crispy Dinuguan, sabi nila, hindi kagaya sa Chibugan, ito daw ay normal na dinuguan na nilagyan ng chiacharon bits sa ibabaw instead na yung karne mismo ay malutong.
Pinakbet - heto rin winner! Masarap siya pero dahil dun sa Poqui-Poqui, konti lang nakain ko nito hehe
Wala itong Tilapia in Special Sauce sa menu pero okay din siya. Hindi naman yung tipong hahanap-hanapin but good.
Crispy Hipon - the only way to eff this dish is to make it soggy and too oily. Thankfully, they executed this dish perfectly. Ako din karamihan ang kumain haha!
Green Tea Ice Cream - it's just okay, ako lang ata naka-appreciate kasi green tea talaga ang lasa, hindi siya talaga matamis hehehe
Binigyan pa kami ng napakatamis na pakwan at napakaasim na manggang hilaw na may bagoong... swabe!
Out of curiosity, nag-order din kami ng Fried Ice Cream
Para siyang Bicho na may ice cream sa loob :) It was too sweet for my taste pero yung pinsan kong si Joshua, naka dalawa haha!
After namin mag-lunch, nakakwentuhan nina Papa si Sir Tony (may-ari ng Macy's) at nagsuggest sila ng maaaring puntahan on the way to Pagudpud - ang malupit nito, nung binabayaran na namin yung food, akalain mong ayaw pabayad! Nakakahiya lang kasi ako ang may pakana na mag dagdag ng putahe dahil bawal nga ako karne at nag dessert pa kami haha! Maraming salamat po at pagpalain kayo ng Diyos :)
So ang unang stop namin, Cape Bojeador Lighthouse sa Burgos
Hindi naman siya nakakapagod akyatin, nakaya nga nina mama (medyo tamad pa yun si mama partida)
I'm a huge fan of really old structures and this lighthouse is really really old! March 30, 1892 ito nagsimula at hanggang ngayon. 120 years later, matikas pa rin siya :D
Maganda rin ang tanawin pagdating sa itaas, kahit sobrang taas ng sikat ng araw, malamig ang hangin dito kaya hindi na pansin ang init. Dapat mapuntahan ito kahit isang beses sa buhay niyo :)
Ako ang pinakahuling bumaba sa amin, masyado ata akong nawili pagmamasid sa lighthouse. Pagbaba ko, naabutan ko ang aking ama na nakaupo sa pwesto ng mga tindera at juma-jamming na haha!
Napabili kami nitong nasa bote-bote out of curiosity. Tinanong namin kung ano ito at ayon sa kanila, ito daw ay Karamay. Maasim daw ito at malutong lutong na klase ng berry. Hindi ito para sa lahat at acquired taste siya kagaya ng Durian. Naadik ako dito haha!
Malapit na sa lighthouse ang sikat na Bangui Windmills. Sa litrato, windmills lang talaga ang ineexpect kong attraction dito pero nagulat ako sa malalakas at matutunog na alon dito! Nakakarelax :D
Kelangan niyong mapuntahan yung lugar para malaman kung anong sinasabi kong nakaka-relax na tunog, meron akong video pero iba pa rin kung kayo mismo ang naroon :)
(mas maganda panuorin sa video kasi HD, I love this camera!)
G1X Video Test - Bangui Windmills from Brian Chua on Vimeo.
Siyempre, maganda naman talaga sa tanawin ang napakaraming higanteng "electric fan" na naroon. Sana mas gumawa ng maraming windmills at iba pang renewable source of energy ang gobyerno natin para mura kuryente at tulong sa kalikasan :)
Maagang nagsimula ang araw namin kaya maaga din kaming magpapahinga. Dumiretso kami sa Apo Idon sa Pagudpud kung saan kami magpapalipas ng gabi.
Maayos naman yung rooms at malamig ang aircon - na importante ng mga panahong iyon dahil sobrang init talaga haha!
Meron silang indoor pool pero siyempre, yung dagat talaga ang idinayo namin dito :)
Ang haba ng stretch ng shore dito at parang ang sarap tumakbo. Yun nga lang, ang dami ding tao :s
Maganda rin sa Apo Idon ay beach front sila kaya maganda umupo sa restaurant nila at magenjoy ng sunset
Beautiful Sunset!
Adobo - okay lang din daw, nothing special.
Pinakbet - heto nakain ko, masarap naman siya pero mas masarap yung sa Macy's Diner.
Ginataang Isda - heto ang medyo palpak. Ang kati nung isda sa dila at nireklamo namin ito. Pinabalik talaga namin at sadly, hindi nila pinaltan.
Adobong Pusit - okay naman ito pero hindi super sarap. Steady lang :)
I guess hindi talaga nila forte ang restaurant at accommodations talaga sila magaling. Magalang ang staff nila at maasikaso :) Mairerekomenda kong magstay kayo dito :D
After a long tiring day... tulugan na :) Bukas uli ang larga
Macy’s Diner
Gen Segundo Ave., Laoag City
Apo Idon Beach Hotel
http://www.apoidon.com/

Paglubog ng araw, dinner time na ng family namin. Sadly, yung pagkain sa Apo Idon, it needs a lot of improvement,
Bagnet - normal lechong kawali lang daw. Hindi ko natikman kasi bawal sa akin ang karne ehAdobo - okay lang din daw, nothing special.
Pinakbet - heto nakain ko, masarap naman siya pero mas masarap yung sa Macy's Diner.
Ginataang Isda - heto ang medyo palpak. Ang kati nung isda sa dila at nireklamo namin ito. Pinabalik talaga namin at sadly, hindi nila pinaltan.
Adobong Pusit - okay naman ito pero hindi super sarap. Steady lang :)
I guess hindi talaga nila forte ang restaurant at accommodations talaga sila magaling. Magalang ang staff nila at maasikaso :) Mairerekomenda kong magstay kayo dito :D
After a long tiring day... tulugan na :) Bukas uli ang larga
Macy’s Diner
Gen Segundo Ave., Laoag City
Apo Idon Beach Hotel
http://www.apoidon.com/
No comments:
Post a Comment