Pagpasok pa lang ng taon, bigla akong tinopak. Nakwento lang sa akin ni Blanca na malamig daw sa Baguio pag ganitong panahon, sa loob-loob ko, ang tanda ko nang ito, hindi pa ako nakakarating ng Baguio?
Right then and there, niyaya ko siya, since wala naman kaming naka-plano nang January 7-8 weekend, go na rin siya! Wooohooo for spontaneity! Niyaya rin namin mga pinsan niya at tita niya, buti na lang game sila!
So heto ang adventure ko sa Norte! (pasensya bano talaga ako sa Norte, first time ko :p) Medyo mahaba pero basahin ninyo ito kung gusto niyo ng Baguio Pangasinan experience in 39 hours :D
Before 3am, nasa bus station na kami...
kaso, sa dami ng tao, pang 4am na daw kami, sayang hehe
finally boarding ;)
sa byahe naming inabot ng 8 oras, naka 2 stop over kami, sa second stop sa Sison, bumili kami ng hotdog at bbq kasi talagang mahapdi na tiyan ko nun. Hindi na masama yung Bibbo ha, sabi ni Blanca, lasang Tender Juicy na din halos :p
Finally, nakarating din kami, hindi naman ganun kasakit sa pwet ang biyahe gaya ng inaasahan ko pero hindi ako handa sa lamig ng bus! Yung mga kasabay namin parang Eskimo na ang suot, kami jacket at balabal lang haha! Pagbaba namin, malamig naman kahit tanghali, pero according to Blanca, hindi pa daw malamig ng lagay na yun! (yabang porke't hindi first-time haha)
Dito kami tumuloy sa City Travel, 2.8k binayaran namin sa room at pwede na din kasi tapat lang siya ng Burnham Park.
okay naman ang kwarto, hindi siya wow pero tutulugan lang naman kaya pwede na :)
may tub
mga libreng shampoo at sabon
malinis na toilet bowl, kaso ang reklamo ko, ang hina ng flush! Dapat ka pang mag double-tap para lumubog ng tuluyan ang dineposit mo!
kita mo na mula sa room ang Burnham :)
At ang pinaka okay, katabi lang ng hotel ang simbahan, so hindi na problema kung saan sisimba kinabukasan :D
Since gutom na kami, nagiwan lang kami ng gamit sa room, CR-CR, tapos larga na kami sa pinaka-malapit na kainan. Ni-rekomenda na din sa amin at nasabing okay daw dito sa Sizzling Plate. Marami atang branch to sa Baguio at dito kami sa Kisad St. na Branch kasi iisang kalye lang sila ng hotel namin.
puno ang loob so it's a good sign, malamang masarap nga!
Heto menu nila (click to enlarge)
Tinanong namin ano specialty nila at sabi nila, steaks daw, so yun inorder ko.
Habang naghihintay, binigyan kami ng free soup, cream of mushroom ata to pero wala akong nakaing mushroom hehe medyo maalat pati.
Sa wakas, dumating na yung sakin, Porterhouse! Masarap siya at tama ang lambot :)
Heto kay Blanca, T-Bone - sana nag ganito na lang ako, pareho naman ng lasa at lambot, mas mura na, mas may mga taba taba pa (yun yung masarap na parte! kainaman na!)
Kay Carlo, Sisig - according to him, talo daw, kung taga-Quezon ka, maiintindihan mo ang description niya na talo kumpara sa Palaisdaan :D
Grilled Porkchop ni Bea - heto ang pinakasulit, mura lang to, at ang laki nung porkchop! masarap din! Goojab, Beabing!
hindi naman nahalata kung nagustuhan ko o hindi noh? Sibak din sakin pati yung mga nakadikit sa buto eh, pinang-at ko na at kinamay haha!
For dessert, umorder kami ng Sans Rival, mura lang to, kaya wag mag expect na wow. Pero, para sa presyo niya, sobrang sarap na niya ;)
Yung leche flan niya, medyo weird ang texture at lasa. Hindi naman sa nagmamayabang pero mas masarap talaga yung leche flan sa Chibugan at hindi ko sinasabi ito ng may halong bias. Mataas lang talaga standards ko sa leche flan hahaha (laki sa luto ni lola eh)
heto ang winner! Lahat kami nasarapan dito sa Choco Leche Flan! Sabi ko nga kay Blanca, subukan naming gumawa nito, baka pwede rin naming ihain sa resto. Ito ang isa sa mga dahilan namin kaya gusto namin mag-travel, makakuha ng idea/inspirations na puwede namin i-offer sa Chibugan :D
After namin kumain, nagpatagtag kami at naglibot-libot sa Burnham Park. Nakakatuwa dito dahil ang daming namamasyal. Sana maging ganito uli ka-buhay ang parke namin sa Quezon. Dami kasing magagawa dito...
pwede kang sumakay ng bangka
o kung gusto mo matulog at maglatag sa damuhan o magpicnic, pwede rin!
siguradong malilibang ang mga bata dito at makakapag-bond ang pamilya.
pwede ka rin umarkila ng bikes para mag-exercise o gamitin paglilibot. Andami ring nagjo-jogging dito dahil malaki yung lugar at masarap ang hangin.
After namin maglibot sa Burnham, dumating na sina Tita Nimfa at ang asawa niya na naging tour guide rin namin na si Kuya Jazon. Taga Pangasinan lang kasi sila at si Kuya Jazon eh tumira din dati sa Baguio. Una nila kaming dinala sa view deck na makikita yung Kennon Road.
Ito daw yung sobrang zigzag na daan na hindi dinadaanan ng bus namin so ayun pinakita nila samin ang dadaanan namin pauwi :)
Nakakalula nga naman yung view, pero ang ganda!
after nun, pumunta kami sa PMA, sa bungad pa lang, ito na ang sasalubong sa inyo, siyempre dapat akong magpapicture dito, first time ko nga eh!
Doon ko lang nalaman na tourist spot pala ang PMA dito sa Baguio, ang lawak ng lugar, malinis, at ang daming bulaklak
may mga sasakyang pang himpapawid din na pwedeng matingnan up close.
naabutan naming may mga kadete(?) na kasalukuyang may drill.
kaso, sa malayo lang makikita kasi bawal bumaba, NO GO DOWN sabi ng karatula :p
Medyo nakakapagod din libutin kaya tumigil kami sa canteen nila para mag merienda
marami kaming kasabay na mga PMAer na binibisita ng kanilang iniirog/jowa.
natawag ang aking atensyon ng relong pabaliktad ang ikot. Ano kaya ang purpose nito at baliktad ang ikot?
After nun, pumasok kami sa museum nila, 10 pesos lang naman ang entrance kayapasok sa budget haha!
makikita sa loob ang mga uniporme nila through the years
mga standard na tirahan ng mga PMAer, atbp. Si Kuya Jazon ang guide namin sa loob ng Museum hehe
Pagkatapos ay pumunta kami sa Camp John Hay, nilibot lang namin at namangha sa magagandang bahay, tapos tumigil kami sa outlet stores. Wala naman akong nabili kasi mas mura yung sa Sta. Rosa :)
pumunta kami sa Mansion House kung saan dun daw tumutuloy ang Presidente ng Pilipinas pag nasa Baguio
Since malapit na din ang Mines View Park, dumiretso na din kami
Natagpuan ko lang ay malalaking aso na pwede kang magpapicture...
at kabayong pinalahian kay Lady Gaga. Medyo naawa ako sa mga hayop, hindi ko alam kung makatarungan ba ito :s
So heto yung view na dinadayo rito
Ayaw bumaba ni Blanca sa may pinaka railings, natatakot daw siya kaya dito na lang kami sa may bandang taas nagpalitrato hehe
Nakakita ako ng Igorot, aba akalain mong may bayad pala papicture sa kanila! 10 pesos amp! Pero sige na pagbigyan ko na, kahit hindi ko sigurado kung authentic siya o hindi haha
At dahil bakasyon, hindi uso ang magpigil kumain, nakita namin itong nagtitinda ng inihaw na pusit
Suhrap! Highly recommended! Sarap nung suka eh!
After namin sa Mines View, ang plano ay kumain sa Rose Bowl, kasi ito daw yung masarap na Chinese Resto dito sa Baguio. Natagalan lang kami bago makarating dito kasi nasa bagong location na siya sa
88 Upper General Luna St., umalis na sila sa Harrison Rd. kung saan dun pa yung nakainan dati nina Blanca.
Maaliwalas naman ang loob niya at malamig kahit walang aircon. Heto menu nila (medyo marami)
Hinayaan ko na silang mag-order kasi sila ang bihasa eh. Group shot muna habang naghihintay ng order :D
Mabilis lang ang pagluluto nila, heto ang mga dumating
Corn and Crab Meat soup - masarap naman siya, wala lang kakaiba compared sa mga Chinese resto sa Manila
Yang Chow Fried Rice - masarap din :)
Pata Tim, heto ang talagang masarap! Nagigiba na yung karne sa lambot, kayang himayin yung laman kahit isang kubyertos lang gamitin at masarap ang sauce! Winner!
Chopsuey - ang lulutong ng gulay at juicy! sarap!
heto pa ang isang winner! Tied sila ng Pata Tim para sa akin. Steamed Chicken with Ginger. Para siyang hainanese chicken na hindi mo na kelangan ng ginger paste kasi nadun na sa manok ang lasa. Malambot yung manok at sobrang sarap ng pagkakabalanse ng lasa ng ginger at manok! Champion!
hetong beef brocolli ang sayang, kasi parang Chopsuey talaga na nilahukan lang ng konting beef, sana iba na lang na-order namin. Thanks Kuya Jazon and Tita Nimfa sa pag libre :D
After dinner, siyempre dapat kong ma-experience ang SM Baguio kung saan open air at walang air con ang mall :D
anlamig pa din sa loob! Sarap siguro tumira (as in live) dito sa Baguio!
Bea with her Baguio outfit
ganda ng view mula sa SM, kita mo ang city lights :) After maglibot, umuwi na kami at nagpahinga sa hotel
Kinaumagahan, kami ang naunang gumising ni Blanca at kami na rin ang unang sumimba
May part ng misa na hindi ko maintindihan yung kanta at sinasabi, Ilokano ata kasi yung ginamit na wika hehe
After mass, naglibot na kami ni Blanca on foot at para talaga akong turistang kumukuha ng mga litrato :)
Heto ang malupit! McDo na, Jollibee pa!
Nakakatuwang tingnan yung mga longganisa, iba't ibang klase at flavors bawat uri.
Yun nga lang, kailangang maging alerto, mukhang madami ngang mandurukot, and honestly, ang daming nambababangga kahit mga tinderong naglalako, andami ring nangangalabit kaliwa't kanan na mga bata na nago-offer magbuhat ng mga dala mo at babayaran mo sila. Medyo nakakailang sa totoo lang, sana magawan ng paraan ng lokal na pamahalaan para maibsan ang pagnanakaw sa lugar na ito
Habang naglilibot kami, may nakita akong nakakuha ng aking atensyon.... Tahoooo.... Strawberry Tahooooo.... sigaw ng naglalako. You had me at Strawberry, Manong!
30 pesos yung malaking cup pero sulit para sakin kasi may strawberry bits siya! Ang sarap nito, swabe! Genius!
Heto talaga ang pinunta namin sa palengke, ang mga pampasalubong, siyempre, hindi mawawala ang Strawberries. 160 kapag piling malalaki, 140 kapag halo-halo ng maliit, malaki, bulok o hindi. Kaya 160 na kinuha ko para makapili ng malalaki at hindi bulok.
Bumili din kami ng walis, yung ikalawa sa top of the line ang kinuha namin sa halagang 140 pesos haha
Siyempre, ang onli in da pilipins na sundot kulangot!
gagawan ko nga ito ng
"Boogers... #itsmorefuninthephilippines" haha!
Habang naglalakad kami papunta sa sakayan ng Taxi, nakuha ang atensyon ko nito! (pansin niyo, laging nakukuha ng pagkain ang atensyon ko? haha)
Binatog na may gatas?! Sarap! Genius!
After naming mamili sa palengke at makatapos magsimba nina Tita Nimfa, diretso na kami sa Good Shepherd para bumili ng Ube at iba pang goodies
daming bumibili! uso!
habang naghihintay, bumili si blanca ng juice na combination ng strawberry, calamansi at isa pang prutas, sarap ah! Refreshing :)
hetong asado roll hindi masarap :s mas okay pa yung empanada pero normal lang din lasa.
heto first time ko makatikim, good sheperd na choco crinkles, panalo! hindi sobrang tamis at chewy din :D
After good shepherd, pumunta kami sa pink sisters kaso may misa, hindi na kami nakapasok sa loob. Dumiretso na lang kami sa 50's Diner sa General Luna st., katabi lang nung Rose Bowl na kinainan nung nakaraang gabi.
ayos yung tema nung lugar
may mga posters sa paligid at maayos ang pagkaka-design. Steady :)
Maayos naman yung banyo pero medyo kelangan ng improvement sa itsura.
Yung mga specialties ang inorder namin, tinanong kasi namin yung staff kung ano best sellers
So heto mga inorder namin
Strawberry milkshake
order ko, Guys on the Hood - ang dami! may porkchop, chicken, spag, pizza, fries, at veggies!
You and I - si Carlo may order nito, naka roll na ground beef at chicken ata ito
Famous 50's Diner Burger - ok naman yung lasa kaso may konting labsak, ok sana kung mas firm. pero ang laki ng serving nito! Humongous!
Fillet Mignon ni Kuya Jazon
Pinakamalupit na order ay yung kay Blanca at Tanimfa, SHE ang pangalan - may porkchop, steak, fish fillet, chicken, rice, veggies, at hotdog! hahaha kaing marino lang eh! Masarap yung steak niya in fairness!
may kasama pang ice cream yung mga orders namin, kaso hindi ganun kasarap ice cream hehe
After lunch, diretso na kami sa ukay-ukay
grabe pala ang ukay-ukay dito! ilang palapag at ang lawak, ito yung sa Session Road, meron pa daw sa iba. Sayang wala ako nakitang para sa akin hehe
After ukay-ukay, baba na kami papuntang Pangasinan, tinahak namin ang Kennon Road at medyo matarik at marami ngang zigzag hehe
daming nagpapapic sa Lion kaya hindi na kami tumigil :)
Dinala kami nina Kuya Jazon dito sa Matutina's - papakainin daw kami bago umuwi ng Manila. Maraming salamat po uli :D
Nag-originate daw to sa Dagupan at masarap daw yung sinigang na Malaga kasi okay yung isda, yun talaga dinayo namin dito :) Heto menu nila
May free soup na sabaw ng sinigang, lasa yung luya sa sabaw, masarap! Yun nga lang, baka hindi mag-appeal sa ibang ayaw ng luya.
humingi ako ng pampaanghang at binigyan ako ng maanghang na tinadtad na sili, goojab!
ang sarap na combination na sawsawan to, bagoong at suka! champion! (wagas ang ligaya ni Tanimfa sa likod) Yun nga lang, nung nandito kami, medyo natagalan yung order bago dumating kahit konti lang kaming tao dun. Hindi daw naman normally ganito. Pero sa wakas, nang dumating din, heto ang mga pagkain namin
sariwang hipon
pinakbet - ang sarap ng pinakbet nila, no joke!
Kinilaw na Isda - bangus ata ito, basta ansarap! Ambilis naubos nito eh haha!
Sinigang na Malaga - masarap nga naman yung isda, napagkwentuhan kasi namin sa daan ito na iba daw ang lasa kumpara sa nabibili sa Quezon. Winner!
Pork Sisig - okay naman siya pero sayang, Bangus Sisig pala ang specialty nila hehehe, next time!
may libre pang pastillas :D
Umalis kami ng 7pm sa Pangasinan at tutulog na lang sa byahe. 4am Saturday umalis ng Manila, 7pm umalis ng Norte.So ayun ang trip to north ko in 39 hours..... 31 hours kung ibabawas pa yung unang byahe. Medyo mabilisan ang mga pangyayari pero sulit naman :D babalik kami dito for sure!
Magandang simula ng 2012, sana more trips and more inspirations ang dumating... (soon sana :D)
Sa uulitin,
Chewy
No comments:
Post a Comment